Maagang gumising si Cora upang ihanda ang kaniyang mga gamit. Matapos ang ilang buwang pagtatrabaho sa Maynila bilang tindera sa botika ng kaniyang tiyahin, sa wakas ay makababalik na rin siya sa kanilang probinsya. Sabik na sabik siyang makita ang kaniyang pamilya, lalo na ang nakababatang kapatid na si Myline.Ngunit sa likod ng kaniyang mga ngiti ay may lungkot na pilit niyang itinatago.Si Carlo, ang lalaking minahal niya nang buong puso, ay matagal nang nasa Amerika. Umalis ito upang humanap ng mas magandang kinabukasan at nangakong babalik kapag maayos na ang lahat. Noong una, halos gabi-gabi silang magkausap. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan, unti-unting naging madalang ang kanilang komunikasyon. Minsan, ilang araw siyang naghihintay sa tawag nito. Minsan naman, natutulog siyang hawak ang cellphone, umaasang paggising niya ay may mensahe mula sa lalaking mahal niya.“Baby, miss na miss na kita,” bulong niya habang tinitingnan ang litrato nilang dalawa.Ngunit walang sagot
Last Updated : 2026-11-03 Read more