LOGINMaaga pa lang ay nag-aayos na si Gio para pumasok sa trabaho. Habang isinusuot niya ang kaniyang uniporme ng pulis, si Myline naman ang nag-ayos ng kuwelyo nito.
“Ang guwapo naman ng pulis ko,” biro ni Myline. Natawa si Gio. “Talaga? Eh araw-araw mo naman akong nakikitang ganito.” “Kahit na. Mas guwapo ka pa rin kapag kasama kita.” Hinalikan niya ito sa noo. “May duty ako ngayon, baka gabihin ako. May mga dokumento pa akong tatapusin sa presinto.” “Mag-ingat ka palagi, love. Alam mo namang nag-aalala ako.” “Huwag kang mag-alala. Sanay na ako.” Bago pa ito makaalis, niyakap siya ni Myline. “Sana kapag may sarili na tayong pamilya, mas marami ka nang oras sa akin.” Ngumiti si Gio. “Pangako, gagawin ko ang lahat para sa kinabukasan natin.” --- Samantala, abala si Cora sa paghahanda ng almusal nang lapitan siya ng kaniyang ina. “Anak, kumusta na pala kayo ni Carlo? Nag-uusap pa ba kayo?” Sandaling natigilan si Cora. “Opo, Nay. Busy lang po siguro siya sa trabaho.” “Siguraduhin mong hindi ka niya nakakalimutan. Mahirap ang relasyong magkalayo.” Tumango lang si Cora. Hindi niya masabi sa ina na ilang araw na siyang walang natatanggap na tawag mula rito. Pagkatapos mag-almusal, kinuha niya ang cellphone at binuksan ang huli nilang usapan. Carlo: Take care always, baby. Miss you. Bahagya siyang napangiti. Simpleng mensahe lang iyon, pero malaking bagay na sa kaniya. Nag-type siya ng sagot. Cora: Miss na miss na rin kita. Sana makapag-usap tayo mamaya. Naghintay siya ng ilang minuto, ngunit walang dumating na sagot. Bumuntong-hininga siya at ibinaba ang cellphone. --- Sa kabilang panig ng mundo, abala naman si Carlo sa trabaho. Maaga siyang gumigising at madalas ay gabi na kung makauwi, kaya halos wala na siyang oras para sa sarili, lalo na para kay Cora. Habang nagpapahinga, nakita niya ang mensahe nito. Matagal niya iyong tinitigan bago siya napayuko. “Sorry, baby,” bulong niya. Binuksan niya ang mga litrato nilang dalawa, mga kuha noong magkasama pa sila bago siya umalis patungong Amerika. Mahal na mahal niya si Cora. Para sa magandang buhay nito kaya siya nagtiis na mangibang-bansa, kahit napakahirap ng malayo sa babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Pero habang tumatagal, lalong bumibigat ang lahat. May mga araw na pagod na pagod siya, may mga araw na wala siyang oras tumawag, at minsan, kahit simpleng text ay hindi niya magawa sa dami ng inaasikaso. Kinakain siya ng konsensiya dahil alam niyang naghihintay si Cora. Kaya tinawagan niya ito. Ilang ring lang, sumagot na ang dalaga. “Hello, baby!” Gumaan agad ang pakiramdam ni Carlo nang marinig ang boses nito. “Hi, baby. Kumusta ka?” “Okay lang. Ikaw? Kumain ka na ba?” “Oo, kakakain ko lang.” “Bakit ngayon ka lang tumawag? Ilang araw na kitang hinihintay.” Napapikit si Carlo. “Sorry talaga, baby. Sobrang busy lang sa trabaho.” “Alam ko naman. Naiintindihan kita. Na-miss lang kita talaga.” “Miss na miss na rin kita, Cora.” Saglit siyang natahimik. “Baby, may gusto sana akong itanong.” “Ano iyon?” “Sa tingin mo, kaya mo pa bang ipagpatuloy ang relasyon natin?” Natigilan si Cora. “Bakit mo naman naitanong iyan?” “Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi nagkukulang na ako sa iyo. Hindi na kita natatawagan nang madalas, minsan nga kahit mag-text, hindi ko na magawa. Ayokong maramdaman mong napapabayaan kita.” “Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, baby.” “Pero hanggang kailan, Cora? Hindi ko rin alam kung kailan ako makakauwi. Baka matagalan pa ako rito.” Napaluha si Cora. “Kung ang layo natin ang iniisip mo, huwag kang mag-alala. Kaya kong maghintay.” “Paano kung abutin ng ilang taon?” “Eh di maghihintay ako ng ilang taon.” Natahimik si Carlo. “Hindi ka ba napapagod maghintay sa akin?” “Napapagod din naman ako minsan. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi na kita mahal.” Pinahid ni Carlo ang luha sa kaniyang pisngi. “Sorry, baby. Hindi ko gustong maramdaman mong mag-isa ka.” “Ang kailangan ko lang, maramdaman kong nandiyan ka pa rin. Kahit simpleng mensahe o tawag lang.” “Pangako, hahanap ako ng mas maraming oras para sa iyo.” “Hindi ko naman hinihinging lagi kang nakatutok sa akin. Gusto ko lang malaman na kasama pa rin ako sa mga pangarap mo.” “Kasama ka sa lahat ng pangarap ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsisikap dito.” Pareho silang may luha nang matapos ang tawag. Sa kabila ng pangungulila, pinili nilang ipagpatuloy ang relasyon. Pero alam ni Carlo na hindi sapat ang pagmamahal kung hindi niya ito maipaparamdam sa taong naghihintay sa kaniya. ---- Kinabukasan, dumating sina Myline at Gio sa bahay nina Cora. “Ate! Tara, mag-merienda tayo sa labas!” aya ni Myline. Lumabas si Cora mula sa kusina. “Bakit? May kailangan ba kayo?” “Wala naman. Gusto lang naming lumabas. Off ni Gio ngayon.” Napatingin si Cora sa lalaki. “Hindi ka ba naka-duty?” “Bukas pa ulit,” nakangiting sagot ni Gio. Sumakay silang tatlo sa sasakyan at huminto sa isang maliit na kainan sa bayan. Habang kumakain, masiglang nagkuwento si Myline tungkol sa mga plano nila. “Love, kapag ikinasal tayo, gusto ko simple lang pero memorable. Tapos gusto ko, nandiyan si Ate Cora sa tabi ko.” Natawa si Cora. “Wow, kasal agad? Hindi pa nga kayo nagtatagal!” “Eh ano naman? Sigurado na ako kay Gio!” Tumingin si Gio sa nobya. “Malay mo, soon.” Nagtawanan silang tatlo. Maya-maya, nagpaalam si Myline na bibili ng maiinom sa katapat na tindahan. Naiwan sina Cora at Gio sa mesa. “Kumusta na kayo ni Carlo?” tanong ni Gio. “Okay lang naman. Busy lang siya sa Amerika.” “Hindi ba mahirap ang ganoon kalayo?” “Maraming bagay ang mahirap kapag mahal mo ang isang tao. Pero kung mahal ka rin niya, maghihintay ka.” “Naniniwala ka ba talaga roon?” “Oo. Kasi kung susuko ako dahil lang sa layo, parang nawalan na rin ng halaga ang lahat ng pinagdaanan namin.” Ngumiti si Gio. “Ang swerte ni Carlo sa iyo.” Namula si Cora. “Bakit mo naman nasabi?” “Kasi may taong handang maghintay sa kaniya, kahit gaano pa siya kalayo.” Hindi nakasagot si Cora. Mabuti na lang at bumalik na si Myline. “O, bakit parang seryoso ang usapan ninyo?” “Wala naman,” sagot ni Gio. “Baka pinag-uusapan ninyo ako, ha!” Nagtawanan silang tatlo, bagaman mahina na ang tawa ni Cora. --- Nang hapong iyon, naiwan si Gio sa bahay nina Myline dahil may inasikaso ang nobya sa palengke. Nasa kusina si Cora, naghahanda ng meryenda, nang pumasok ito. “Cora, puwede bang makiinom ng tubig?” “Oo naman. Sandali lang.” Inabutan niya ito ng baso. “Salamat.” Sandaling natahimik ang dalawa. “Cora, may gusto sana akong sabihin.” Natigilan siya. “Ano iyon?” “Pasensiya na kung minsan, napapansin mong nakatingin ako sa iyo.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Cora. “Bakit mo ginagawa iyon?” “Hindi ko rin alam.” “Gio, huwag ganyan.” “Anong ibig mong sabihin?” “Alam mong nobyo ka ng kapatid ko.” Yumuko si Gio. “Alam ko.” “Kung ganoon, huwag kang gagawa ng bagay na ikasasakit niya. Mahal na mahal ka ni Myline.” “Hindi ko naman gustong saktan siya.” “Kung ganoon, ingatan mo ang sarili mo at ang relasyon ninyo.” Hindi na nakasagot si Gio. Bago pa sila makapagsalita ulit, pumasok si Myline. “Ate! Gio! Nandito na ako!” Agad na lumayo si Gio kay Cora. “Bakit ang tahimik ninyo? May pinag-uusapan ba kayo?” “Wala. Nagtanong lang siya kung nasaan ang baso,” mabilis na sagot ni Cora. “Ah, ganoon ba?” Hindi na nagtanong si Myline. ---- Nang gabing iyon, tumawag si Carlo kay Myline. “Hello, Myline?” “Kuya Carlo! Kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nag-usap!” “Okay lang naman. Kayo diyan, kumusta?” “Okay lang din. Nandito lang kami sa bahay. Kauuwi lang ni Ate Cora.” Napangiti si Carlo. “Talaga? Nandiyan na siya?” “Oo. Masaya nga ako kasi magkasama na ulit kami.” Saglit na natahimik si Carlo. “Myline, may pabor sana ako sa iyo.” “Ano iyon?” “Samahan mo naman ang ate mo kapag may oras ka. Alam kong busy ka rin, pero ayokong maramdaman niyang mag-isa siya.” “Siyempre naman! Ate ko iyon. Huwag kang mag-alala.” “Salamat. Alam mo, sobra akong nakokonsensiya. Dahil sa trabaho ko rito, halos wala na akong oras para sa kaniya. Minsan kahit simpleng tawag o text, hindi ko magawa. Pero mahal na mahal ko ang ate mo.” “Alam ko naman, Kuya. Lagi ka ngang ikinukuwento ni Ate.” Bumuntong-hininga si Carlo. “Gusto ko lang talagang magtagumpay dito. Gusto kong magkaroon kami ng magandang kinabukasan. Ayokong habambuhay kaming naghihirap.” “Maiintindihan ka ni Ate. Mahal na mahal ka rin noon.” “Sana nga. Minsan kasi, kapag pinanghihinaan ako ng loob, tinatanong ko siya kung gusto pa niyang ipagpatuloy ang relasyon namin. Hindi dahil ayaw ko na, kundi dahil natatakot akong hindi ko na naibibigay ang pagmamahal na nararapat sa kaniya.” “Kuya, huwag kang mag-isip nang ganyan. Huwag mong hayaang masira kayo dahil lang sa layo.” “Salamat, Myline. Pakiusap, huwag mo munang sabihin kay Cora na nag-usap tayo. Gusto ko siyang sorpresahin kapag may pagkakataon.” “Sige, Kuya. Basta mag-ingat ka palagi.” Pagkababa ng tawag, sumulyap si Myline sa kuwarto ng kaniyang kapatid. Maswerte si Ate Cora, naisip niya. May lalaking nagsisikap sa ibang bansa para sa kinabukasan nilang dalawa. Kinabukasan, nasa presinto si Gio at inaayos ang ilang dokumento matapos ang patrol. Habang nagkakape, bumalik sa isip niya ang sinabi ni Cora tungkol sa paghihintay at katapatan. “Mukhang malalim ang iniisip mo, ah,” biro ng kasamahan niya. “Wala. Pagod lang siguro.” “Problema sa trabaho o sa pag-ibig?” Ngumiti lang si Gio. “Sa trabaho nga lang.” Pero kahit pilitin niyang ituon ang isip sa tungkulin, hindi niya maalis sa alaala ang mukha ni Cora. Samantala, nakaupo si Cora sa balkonahe, hawak ang cellphone, nang pumasok ang bagong mensahe mula kay Carlo. [Carlo: I love you, baby. Sorry kung minsan nagkukulang ako. Lahat ng ginagawa ko rito ay para sa future natin. Please don’t give up on us.] Napangiti siya at agad na nag-reply. [Cora: Hindi ako susuko, baby. Mahal na mahal kita. Mag-ingat ka palagi.] Matagal niyang tinitigan ang usapan nila bago ibinaba ang cellphone. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya maghihintay, o kung kailan matutupad ang pangarap nilang magsama. Pero buo pa rin ang paniniwala niyang si Carlo ang lalaking makakasama niya sa hinaharap. Hindi niya alam na may isa pang pusong nagugulo tuwing nakikita siya. At ang pusong iyon ay kay Gio, ang nobyo ng sarili niyang kapatid. Sa pagitan ng lalaking nagsisikap sa malayo at ng lalaking unti-unting lumalapit, hanggang kailan kaya mananatiling tapat ang puso ni Cora?Maagang nagising si Cora kinabukasan. Nasa kusina na ang kanilang ina habang naghahanda ng almusal nang bumaba siya. Hawak pa rin niya ang cellphone at binabasa ang huling mensahe ni Carlo bago ito natulog.Carlo: “Mahal, bukas gusto kong seryosohin nating pag-usapan ang kinabukasan natin. May plano na ako at sana ay mapagpasiyahan natin ito nang magkasama.”Ilang beses niya iyong binasa. Alam niyang may kinalaman iyon sa kasal at sa posibilidad na sumama siya kay Carlo sa Amerika. Ngunit sa tuwing naiisip niya ang pag-alis, may bigat na bumabalot sa kanyang dibdib.“Anak, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” tanong ng kanyang ina habang inilalapag ang tasa ng kape.“Wala naman po, Ma. Marami lang pong iniisip.”“Si Carlo ba?”Napangiti siya nang pilit.“Opo. May gusto raw siyang pag-usapan tungkol sa kinabukasan namin.”Umupo ang kanyang ina sa tapat niya.“Masaya ako para sa inyo. Matagal na kayong magkasintahan. Panahon na rin sigurong pag-usapan ninyo kung saan kayo magsisimula
Hindi pa man sumisikat nang husto ang araw ay gising na si Cora. Hindi siya mapakali dahil naalala niya ang sinabi ni Carlo noong nakaraang gabi. May mahalaga raw itong sasabihin tungkol sa kanilang kinabukasan.Hindi niya alam kung ano iyon, ngunit may kutob siyang may kinalaman iyon sa kasal na matagal na nilang pinag-uusapan.Habang nagsusuklay sa harap ng salamin, napatingin siya sa kuwintas na ibinigay ni Carlo. Marahan niya itong hinawakan at napangiti.“Malapit na siguro,” bulong niya.Ngunit biglang sumagi sa isip niya si Gio.Napailing siya at agad na ibinaba ang kamay.“Tumigil ka na, Cora. Carlo ang nobyo mo. Siya ang dapat mong isipin.”Kinuha niya ang cellphone at binasa ang huling mensahe ni Carlo.Carlo: “Good morning, love. See you later. Please save some time for me. I have something important to discuss with you and your family.”Napangiti siya at sumagot.Cora: “Good morning! I’ll be waiting. Love you.”Hindi niya alam na ang simpleng pag-uusap na iyon ay magdadala
Maagang nagising si Cora kinabukasan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Carlo noong nakaraang gabi.Gusto nitong hingin ang kamay niya sa kanilang pamilya.Ilang taon na rin silang magkasintahan, at matagal na niyang pinangarap na magkaroon sila ng sariling tahanan. Ngunit ngayon na tila malapit nang matupad ang pangarap na iyon, may bahagi ng puso niyang hindi mapakali.Bumangon siya at dumiretso sa kusina. Naabutan niya roon si Myline na naghahanda ng kape habang nakatingin sa cellphone.“Good morning,” bati ni Cora.“Good morning, Ate!” masiglang sagot ng kapatid. “Uy, gising na ang future Mrs. Carlo!”Napailing si Cora habang napapangiti.“Ang aga-aga, nang-aasar ka na.”“Bakit? Totoo naman! Narinig ko kagabi ang sinabi ni Carlo. Magpo-propose na raw siya sa pamilya ninyo!”“Hindi pa naman proposal iyon. Gusto lang niyang kausapin sina Mama at Papa.”“Pareho lang halos iyon!” natatawang sabi ni Myline.Umupo si Cora sa tabi niya.“Alam mo, Myline, hindi ko pa nga alam
Maagang nagising si Cora nang araw na iyon. Ilang beses niyang tiningnan ang cellphone niya upang tiyaking hindi siya nagkamali sa petsang nakasulat sa mensahe ni Carlo.Ngayon ang araw ng pagbabalik nito sa Pilipinas.Matagal niyang hinintay ang sandaling ito. Ilang buwan siyang nagtiis sa pangungulila, sa mga gabing walang tawag, sa mga umagang naghihintay ng simpleng mensahe. At ngayon, hindi na niya kailangang makuntento sa mga litrato at video call.Makikita na niya muli ang lalaking minahal niya.Ngunit sa kabila ng saya, may isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Sa halip na puro pananabik ang maramdaman, may kakaibang bigat sa dibdib niya.Napatingin siya sa maliit na kuwadernong nakatago sa ilalim ng kanyang mga damit. Nandoon ang mga salitang ilang beses niyang isinulat ngunit hindi niya kayang sabihin kaninuman.Dahan-dahan niya itong binuksan.“Hindi ko alam kung paano haharapin si Carlo nang walang bahid ng kasalanan sa puso ko.”Agad niyang isinara ang kuwaderno.“Cora!
Ilang araw matapos ang huling pag-uusap nina Cora at Gio, pilit na ibinalik ni Cora ang sarili sa dating buhay. Abala siya sa mga gawaing bahay at sa pakikipag-usap kay Carlo. Ngunit sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataong mapag-isa, bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Gio.“Dahil kapag kausap kita, nakakalimutan ko kung ano ang dapat kong sabihin.”Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit niyang naririnig ang mga salitang iyon sa isip niya.Isang umaga, habang naghahanda siya ng almusal, lumapit si Myline.“Ate, may balita ako!”Napatingin si Cora. “Ano naman iyon?”“Tumawag si Gio kagabi. Sabi niya, susubukan daw niyang magkaroon ng mas maraming oras para sa akin.”“Maganda naman iyon.”“Oo nga. Baka kailangan lang talaga niyang ayusin ang schedule niya.”Ngumiti si Cora habang naghahanda ng pagkain.“Basta mag-usap kayo nang maayos.”Biglang tumahimik si Myline bago nagtanong.“Ate, may gusto akong itanong.”“Ano iyon?”“May sinabi ba sa iyo si Gio noong huli siya
Ilang araw nang umiiwas si Gio kay Cora. Sa tuwing dumadalaw siya sa bahay nina Myline, sinisigurado niyang hindi siya magtatagal kapag naroon ang dalaga. Minsan, naghahanap siya ng dahilan para umalis; kung minsan naman, hinihintay niyang makaalis muna si Cora.Ngunit hindi nakaligtas sa mata ni Myline ang pagbabago ng nobyo.“Love, bakit parang lagi kang nagmamadaling umuwi?” tanong niya isang hapon.“May aasikasuhin lang ako sa presinto.”“Day off mo ngayon, hindi ba?”Sandaling natahimik si Gio.“May kailangan lang akong kunin.”Napansin ni Myline na hindi man lang nito tinanong kung nasaan si Cora.“Alam mo, nasa palengke si Ate. Baka mamaya dumating na rin siya.”“Ah, ganoon ba?” maikling sagot ni Gio.Napakunot-noo si Myline.“Dati, lagi mo siyang kinukumusta. Ngayon, parang wala ka nang pakialam.”“Bakit naman? Kumusta naman siya?”“Ewan ko sa iyo. Parang kailangan ko pang ipaalala.”Napilitang ngumiti si Gio. Hindi na siya nagpatuloy sa usapan.Maya-maya, nagpaalam na siya. H







