LOGINIsang hapon, nakatanggap si Cora ng tawag mula kay Carlo.
“Baby, may sasabihin sana ako sa iyo,” masayang bungad nito. “Ano iyon?” “Birthday ni Kyle sa Linggo. Gusto ka raw niyang makausap. Alam mo naman, lagi ka niyang hinahanap.” Napangiti si Cora. “Talaga? Happy birthday sa kaniya, kahit hindi pa Linggo!” “Gusto sana ng pamilya ko na pumunta ka sa bahay. May maliit kaming handaan. Isama mo sina Myline at Gio kung gusto nila.” “Sigurado ka? Baka makaabala kami.” “Hindi ka bisita, baby. Parte ka na ng pamilya namin.” Natigilan si Cora. Ilang sandali siyang hindi nakasagot. “Thank you, Carlo.” “Bakit parang naiiyak ka?” “Wala. Na-touch lang ako.” “Gusto ka talaga nilang makita. Alam mo namang boto sa iyo sina Mama at Papa.” Pagkababa ng tawag, agad niyang ibinalita kay Myline ang imbitasyon. “Ate, siyempre sasama ako! Gusto kong makita ang pamilya ni Kuya Carlo.” “Isasama rin natin si Gio.” “Mas maganda! Para makilala rin nila.” --- Linggo ng umaga, maagang naghanda sina Cora at Myline. Pumili si Cora ng simpleng floral dress at inayos ang buhok niya. Hindi siya naglagay ng maraming kolorete, pero halatang pinaghandaan niya ang araw na iyon. “Ate, ang ganda mo naman!” puna ni Myline. “OA ka naman.” “Hindi ah. Baka mamaya, lalo kang ma-miss ni Kuya Carlo kapag nakita ka niya sa video call.” Napangiti si Cora. Maya-maya, dumating si Gio. Nang makita niya si Cora, saglit siyang natigilan, pero mabilis din niyang inalis ang tingin. “Ready na ba kayo?” “Oo! Tara na,” sagot ni Myline. Sa biyahe, si Myline ang masiglang nagkukuwento tungkol sa handaan. Nakatutok lang sa kalsada si Gio. “Love, okay ka lang?” tanong ni Myline. “Oo. Bakit?” “Parang tahimik ka na naman.” “Pagod lang sa duty.” Hindi na siya kinulit ni Myline. Sa likod, napansin ni Cora ang pag-iwas ni Gio. Hindi ito tumitingin sa kaniya, ni hindi man lang nagtanong kung komportable siya sa biyahe. Baka mas mabuti nga ito, bulong niya sa sarili. --- Pagdating nila sa bahay ng pamilya ni Carlo, sinalubong sila ng masiglang pagbati. “Cora!” Agad na lumapit ang ina ni Carlo at niyakap siya. “Naku, anak! Ang tagal nating hindi nagkita!” “Good afternoon po, Tita. Happy birthday po kay Kyle.” “Salamat, anak. Halika, pasok kayo. Kanina ka pa namin hinihintay.” Sumunod na bumati ang ama ni Carlo. “Kumusta ka na, Cora? Mabuti at nakadalaw ka.” “Okay lang po, Tito.” Ipinakilala ni Cora sina Myline at Gio. “Ito po ang kapatid ko, si Myline, at ang nobyo niya, si Gio.” “Ah, kayo pala ang laging kasama ni Cora ngayon,” nakangiting sabi ng ina ni Carlo. “Opo,” sagot ni Myline. “Masaya po kaming makilala kayo.” Pinaupo sila sa sala. Maya-maya, lumapit ang nakababatang kapatid ni Carlo. “Ate Cora!” Niyakap ito ni Cora. “Happy birthday, Kyle!” “Akala ko hindi ka pupunta!” “Bakit naman? Siyempre pupunta ako.” “Masaya sana kung nandito rin si Kuya Carlo.” “Oo nga sana. Pero tatawag daw siya mamaya.” “Sayang. Gusto ko sana kayong makitang magkasama.” Napangiti si Cora at hinaplos ang buhok ng bata. Sa buong handaan, kitang-kita kung gaano ka-komportable si Cora sa pamilya ni Carlo. Tinutulungan niya ang ina nito sa paghahanda, nakikipagbiruan sa mga kapatid, at nakikipagkuwentuhan sa mga kamag-anak. “Alam mo, Cora,” sabi ng ina ni Carlo habang nag-aayos sila ng pagkain, “simula nang makilala ka ng anak ko, lagi ka na niyang kinukuwento sa amin.” “Talaga po?” “Oo. Noong sinabi niyang aalis siya papuntang Amerika, ikaw agad ang inalala niya. Ayaw ka raw niyang iwan, pero gusto niyang mabigyan kayo ng magandang buhay.” Napayuko si Cora. “Alam ko pong mahirap iyon para sa kaniya. Pero naiintindihan ko naman po.” Hinawakan ng babae ang kamay niya. “Kaya gusto ka namin para kay Carlo. Mabait ka, marunong makisama, at higit sa lahat, nakikita naming mahal mo talaga ang anak namin.” Hindi na napigilan ni Cora ang pagluha. “Salamat po. Mahal na mahal ko rin po siya.” “Huwag kang mag-alala, anak. Para ka na ring anak namin.” Niyakap siya ng ina ni Carlo. Sa di-kalayuan, nakita iyon ni Gio. Hindi niya alam kung bakit parang may dumagan sa dibdib niya. Masaya si Cora, at dapat ay matuwa siya para rito. Pero habang pinagmamasdan niya ang pagtanggap ng pamilya ni Carlo sa dalaga, lalo niyang naramdaman kung gaano kalayo ang pagitan nila. May pamilya nang naghihintay kay Cora. May lalaking nagmamahal dito. May kinabukasang matagal na nitong pinapangarap. At wala siyang lugar sa alinman doon. --- Nang dumating ang oras ng birthday message para kay Kyle, nagtipon ang lahat sa harap ng cake. “Video call na tayo kay Kuya Carlo!” sigaw ni Kyle. Kinuha ng ina ang cellphone at tinawagan ang anak. Ilang sandali pa, sumagot ito. “Happy birthday, little bro!” “Kuya! Nandito si Ate Cora!” “Talaga? Pakita mo nga sa akin!” Iniharap ni Kyle ang cellphone kay Cora. “Hi, baby!” bati ni Carlo. “Hi! Miss ka na namin ng kapatid mo!” “Thank you. Ang ganda mo naman ngayon.” “Tumigil ka nga. Baka marinig ka nila.” Tumawa si Carlo. “Wala akong pakialam. Miss na miss na kita.” Napangiti si Cora. Sa harap ng pamilya ni Carlo, hindi niya maitago ang saya. “Anak, kumusta ka na?” tanong ng ina ni Carlo sa video call. “Okay lang po, Ma. Pasensiya na po at hindi ako nakauwi.” “Basta mag-ingat ka diyan. Nandito naman si Cora. Siya na ang bahala sa amin.” “Ma, huwag naman po ninyong pagurin ang girlfriend ko.” Nagtawanan ang lahat. “Hindi, anak. Siya pa nga ang tumutulong sa amin.” Ngumiti si Carlo. “That’s why I love her.” Sa likod ng grupo, tahimik na nakatayo si Gio. Nakatingin siya kay Cora habang kausap nito si Carlo, at nakita niya kung paano lumiwanag ang mukha nito sa bawat salitang naririnig mula sa nobyo. Sa sandaling iyon, may kirot siyang hindi na maitago. Ganiyan pala siya ngumiti kapag si Carlo ang kausap. Pakiramdam niya ay isa lang siyang nakasilip sa mundong hindi kailanman magiging kaniya. “Love, halika rito!” tawag ni Myline. Napalingon siya. “Picture tayo!” Lumapit si Gio at tumabi sa nobya. Habang nakangiti sila sa camera, hindi niya napigilang tumingin ulit kay Cora. Nasa tabi ito ng pamilya ni Carlo, hawak ang cellphone, nakangiti pa rin. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa camera. --- Pauwi na sila nang matapos ang handaan. Tuwang-tuwa si Myline sa pamilya ni Carlo. “Ang babait nila, Ate! Parang pamilya na rin talaga ang turing nila sa iyo.” “Oo nga. Sobrang welcoming nila.” “Lalo na ang mama ni Kuya Carlo. Halatang gusto ka talaga niyang maging manugang.” Napatawa si Cora. “Huwag ka ngang maingay.” “Eh totoo naman!” Tahimik lang si Gio sa pagmamaneho. “Love, bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ni Myline. “Wala. Nag-iisip lang.” “Masaya ka naman kanina, di ba?” “Oo.” Hindi na nagpatuloy ang usapan. Pagdating sa bahay, agad nagpaalam si Gio. “Mauna na ako. May pasok pa ako bukas.” “Mag-ingat ka, love,” sabi ni Myline. Tumango siya, saka tumingin kay Cora. “Good night.” “Good night,” maikling sagot nito. Iyon lang. Walang ngiti, walang dagdag na salita. Pero nang makaalis si Gio, may lungkot na naiwan kay Cora. --- Mula nang gabing iyon, sinimulan ni Gio ang pag-iwas kay Cora. Kapag dumadalaw siya kay Myline at nandoon ang dalaga, madalas ay nagdadahilan siyang may kailangang asikasuhin. Kapag sabay silang kumakain, iniiwasan niyang maupo sa tabi nito. Kahit simpleng bati, ginagawa niyang maikli at pormal. Isang araw, nadatnan niya si Cora sa sala. “Gio, kumusta?” “Okay lang.” “Parang hindi ka na dumadalaw dito gaya ng dati.” “Busy lang sa trabaho.” Tumango si Cora. “Ah, ganoon ba?” Wala nang sumunod na usapan. Dumiretso si Gio sa kusina para hanapin si Myline, at naiwan si Cora na nakasunod ang tingin sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagbago. May nagawa ba siyang mali? O sadyang gusto lang nitong lumayo? Anuman ang dahilan, masakit pa rin. --- Lalong nagpakalunod sa trabaho si Gio. Tumatanggap siya ng dagdag na duty at madalas na nagpapaiwan sa presinto kahit tapos na ang oras niya. “Gio, baka naman sobra na ang trabaho mo,” puna ng kasamahan niya. “Marami lang talagang kailangang tapusin.” “Hindi kaya may iniiwasan ka?” Napatingin siya rito. “Bakit mo nasabi?” “Napansin ko lang. Dati, excited kang umuwi. Ngayon, parang ayaw mo nang magpahinga.” Hindi sumagot si Gio. Paano niya sasabihing mas pinipili niyang mapagod sa trabaho kaysa harapin ang damdaming unti-unti nang kumakain sa kaniya? Alam niyang mali ang nararamdaman niya. Ayaw niyang lokohin si Myline, at lalong ayaw niyang maging dahilan ng pagkasira nina Cora at Carlo. Kaya kahit masakit, pinili niyang lumayo. --- Naghanap naman ng pagkakaabalahan si Cora. Muli siyang nag-asikaso ng mga gawaing bahay, tumulong sa ina niya, at madalas na lumabas kasama si Myline. Kapag may oras, tinatawagan niya si Carlo at sinisikap na ituon ang lahat ng pansin sa relasyon nila. Pero may mga sandaling tahimik siyang nakaupo at napapaisip kung bakit hinahanap ng mga mata niya ang taong pilit namang umiiwas sa kaniya. Isang gabi, habang nag-aayos siya ng mga damit, may nakita siyang gusot na papel na pambalot ng ice cream mula sa huli nilang pamamasyal. Naalala niya ang strawberry ice cream na binili ni Gio para sa kaniya. Bahagya siyang napangiti, pero agad din itong nawala. “Cora, ano ba?” bulong niya sa sarili. Itinapon niya ang papel sa basurahan at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ayaw niyang masaktan ang kapatid niya. Ayaw din niyang ipagkanulo ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Kaya mas pinili niyang maging abala kaysa bigyan ng puwang ang damdaming hindi niya kayang pangalanan. ---- Kinagabihan, tumawag si Carlo. “Baby, may magandang balita ako.” “Ano iyon?” “May chance akong makapagbakasyon sa Pilipinas sa mga susunod na buwan. Hindi pa sigurado ang schedule, pero gagawin ko ang lahat.” Biglang napangiti si Cora. “Talaga? Sana matuloy!” “Gusto na kitang mayakap nang personal. Sawa na ako sa video call.” “Miss na miss na kita.” “Konting hintay na lang, baby.” Pagkababa ng tawag, napatingin si Cora sa labas ng bintana. Dapat masaya siya, at masaya naman talaga siya. Pero hindi niya maipaliwanag kung bakit may bahagi ng puso niyang parang natatakot sa nalalapit na pagbabalik ni Carlo. Samantala, may mensaheng dumating kay Gio mula kay Myline. [Myline: Love, daan ka bukas ha? Miss na kita. Nandito rin si Ate Cora.] Matagal niyang tinitigan ang mensahe. Gusto niyang makita si Myline. Pero nang mabasa niya ang pangalan ni Cora, muli niyang naramdaman ang bigat sa dibdib. Matagal siyang nag-isip bago nag-reply. [Gio: Sorry, love. May duty ako bukas.] Ilang segundo lang, sumagot na si Myline. [Myline: Ay sayang. Okay lang, ingat ka. Tinatanong ka nga pala ni Ate kanina kung bakit hindi ka na raw nagagawi rito.] Hindi agad gumalaw si Gio. Hawak niya ang cellphone, nakatitig sa huling linya. Hindi niya alam ang isasagot, kaya wala siyang isinagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa screen hanggang kusa itong dumilim.Maagang nagising si Cora kinabukasan. Nasa kusina na ang kanilang ina habang naghahanda ng almusal nang bumaba siya. Hawak pa rin niya ang cellphone at binabasa ang huling mensahe ni Carlo bago ito natulog.Carlo: “Mahal, bukas gusto kong seryosohin nating pag-usapan ang kinabukasan natin. May plano na ako at sana ay mapagpasiyahan natin ito nang magkasama.”Ilang beses niya iyong binasa. Alam niyang may kinalaman iyon sa kasal at sa posibilidad na sumama siya kay Carlo sa Amerika. Ngunit sa tuwing naiisip niya ang pag-alis, may bigat na bumabalot sa kanyang dibdib.“Anak, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” tanong ng kanyang ina habang inilalapag ang tasa ng kape.“Wala naman po, Ma. Marami lang pong iniisip.”“Si Carlo ba?”Napangiti siya nang pilit.“Opo. May gusto raw siyang pag-usapan tungkol sa kinabukasan namin.”Umupo ang kanyang ina sa tapat niya.“Masaya ako para sa inyo. Matagal na kayong magkasintahan. Panahon na rin sigurong pag-usapan ninyo kung saan kayo magsisimula
Hindi pa man sumisikat nang husto ang araw ay gising na si Cora. Hindi siya mapakali dahil naalala niya ang sinabi ni Carlo noong nakaraang gabi. May mahalaga raw itong sasabihin tungkol sa kanilang kinabukasan.Hindi niya alam kung ano iyon, ngunit may kutob siyang may kinalaman iyon sa kasal na matagal na nilang pinag-uusapan.Habang nagsusuklay sa harap ng salamin, napatingin siya sa kuwintas na ibinigay ni Carlo. Marahan niya itong hinawakan at napangiti.“Malapit na siguro,” bulong niya.Ngunit biglang sumagi sa isip niya si Gio.Napailing siya at agad na ibinaba ang kamay.“Tumigil ka na, Cora. Carlo ang nobyo mo. Siya ang dapat mong isipin.”Kinuha niya ang cellphone at binasa ang huling mensahe ni Carlo.Carlo: “Good morning, love. See you later. Please save some time for me. I have something important to discuss with you and your family.”Napangiti siya at sumagot.Cora: “Good morning! I’ll be waiting. Love you.”Hindi niya alam na ang simpleng pag-uusap na iyon ay magdadala
Maagang nagising si Cora kinabukasan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Carlo noong nakaraang gabi.Gusto nitong hingin ang kamay niya sa kanilang pamilya.Ilang taon na rin silang magkasintahan, at matagal na niyang pinangarap na magkaroon sila ng sariling tahanan. Ngunit ngayon na tila malapit nang matupad ang pangarap na iyon, may bahagi ng puso niyang hindi mapakali.Bumangon siya at dumiretso sa kusina. Naabutan niya roon si Myline na naghahanda ng kape habang nakatingin sa cellphone.“Good morning,” bati ni Cora.“Good morning, Ate!” masiglang sagot ng kapatid. “Uy, gising na ang future Mrs. Carlo!”Napailing si Cora habang napapangiti.“Ang aga-aga, nang-aasar ka na.”“Bakit? Totoo naman! Narinig ko kagabi ang sinabi ni Carlo. Magpo-propose na raw siya sa pamilya ninyo!”“Hindi pa naman proposal iyon. Gusto lang niyang kausapin sina Mama at Papa.”“Pareho lang halos iyon!” natatawang sabi ni Myline.Umupo si Cora sa tabi niya.“Alam mo, Myline, hindi ko pa nga alam
Maagang nagising si Cora nang araw na iyon. Ilang beses niyang tiningnan ang cellphone niya upang tiyaking hindi siya nagkamali sa petsang nakasulat sa mensahe ni Carlo.Ngayon ang araw ng pagbabalik nito sa Pilipinas.Matagal niyang hinintay ang sandaling ito. Ilang buwan siyang nagtiis sa pangungulila, sa mga gabing walang tawag, sa mga umagang naghihintay ng simpleng mensahe. At ngayon, hindi na niya kailangang makuntento sa mga litrato at video call.Makikita na niya muli ang lalaking minahal niya.Ngunit sa kabila ng saya, may isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Sa halip na puro pananabik ang maramdaman, may kakaibang bigat sa dibdib niya.Napatingin siya sa maliit na kuwadernong nakatago sa ilalim ng kanyang mga damit. Nandoon ang mga salitang ilang beses niyang isinulat ngunit hindi niya kayang sabihin kaninuman.Dahan-dahan niya itong binuksan.“Hindi ko alam kung paano haharapin si Carlo nang walang bahid ng kasalanan sa puso ko.”Agad niyang isinara ang kuwaderno.“Cora!
Ilang araw matapos ang huling pag-uusap nina Cora at Gio, pilit na ibinalik ni Cora ang sarili sa dating buhay. Abala siya sa mga gawaing bahay at sa pakikipag-usap kay Carlo. Ngunit sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataong mapag-isa, bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Gio.“Dahil kapag kausap kita, nakakalimutan ko kung ano ang dapat kong sabihin.”Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit niyang naririnig ang mga salitang iyon sa isip niya.Isang umaga, habang naghahanda siya ng almusal, lumapit si Myline.“Ate, may balita ako!”Napatingin si Cora. “Ano naman iyon?”“Tumawag si Gio kagabi. Sabi niya, susubukan daw niyang magkaroon ng mas maraming oras para sa akin.”“Maganda naman iyon.”“Oo nga. Baka kailangan lang talaga niyang ayusin ang schedule niya.”Ngumiti si Cora habang naghahanda ng pagkain.“Basta mag-usap kayo nang maayos.”Biglang tumahimik si Myline bago nagtanong.“Ate, may gusto akong itanong.”“Ano iyon?”“May sinabi ba sa iyo si Gio noong huli siya
Ilang araw nang umiiwas si Gio kay Cora. Sa tuwing dumadalaw siya sa bahay nina Myline, sinisigurado niyang hindi siya magtatagal kapag naroon ang dalaga. Minsan, naghahanap siya ng dahilan para umalis; kung minsan naman, hinihintay niyang makaalis muna si Cora.Ngunit hindi nakaligtas sa mata ni Myline ang pagbabago ng nobyo.“Love, bakit parang lagi kang nagmamadaling umuwi?” tanong niya isang hapon.“May aasikasuhin lang ako sa presinto.”“Day off mo ngayon, hindi ba?”Sandaling natahimik si Gio.“May kailangan lang akong kunin.”Napansin ni Myline na hindi man lang nito tinanong kung nasaan si Cora.“Alam mo, nasa palengke si Ate. Baka mamaya dumating na rin siya.”“Ah, ganoon ba?” maikling sagot ni Gio.Napakunot-noo si Myline.“Dati, lagi mo siyang kinukumusta. Ngayon, parang wala ka nang pakialam.”“Bakit naman? Kumusta naman siya?”“Ewan ko sa iyo. Parang kailangan ko pang ipaalala.”Napilitang ngumiti si Gio. Hindi na siya nagpatuloy sa usapan.Maya-maya, nagpaalam na siya. H







