“Hay, salamat. Natapos din. Kapag month-end talaga, ang hirap-hirap ng buhay ko dito sa opisina.” Mabilis na isinuksok ni Mica ang laptop sa kanyang bag at nag-unat ng mga braso. “Marian, tapos na ako. Hindi ka pa ba uuwi?”Hindi man lang inalis ni Marian ang tingin sa monitor, patuloy sa mabilis na pagtipa ang kanyang mga daliri. “Sandali na lang. Tatapusin ko lang itong formula para sa spreadsheet. Pampadali rin kasi ito ng buhay.”“Naku, mabilis lang din mauubos ang buhay mo kung magtatagal ka pa nang ganyan sa upuan mo,” pang-aasar ni Mica. “Halika na, sabay na tayong umuwi. Magbu-book na ako ng Grab.”Bago pa makasagot si Marian, umilaw ang screen ng cellphone ni Mica.“Oh, hello, honey. Susunduin mo ako? Ngayon na ba? Sige, ten minutes ah.” Ibinaba ni Mica ang tawag na may malapad na ngiti.“Si Jason?” sulyap ni Marian.Tumango si Mica, bago muling tiningnan ang kaibigan na nakatutok na naman sa screen. “Sandali lang, gaano pa ba katagal 'yan? Hindi ba sumasakit ang ulo mo sa ka
Huling Na-update : 2026-11-04 Magbasa pa