LOGINSinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.
“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.” Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot. Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.” Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig. Haist, sige na nga. Para matapos na 'to. Tumayo si Marian at walang-salitang sumunod kay Bianca palabas ng gymnasium. Habang naglalakad sila sa tahimik na pasilyo, biglang may humarang sa kanilang daanan. Tatlong pamilyar na bulto sina Ginger, Staicy, at Chloe. Mabilis na pumulupot ang malamig na hangin sa paligid. Nanlaki ang mga mata ni Marian, ngunit mabilis din niyang kinontrol ang sarili. Ang mga babaeng ito... sila 'yung nanakit noon kay Bianca. Isang matalim na pagdududa ang gumapang sa isip niya. Sandali, ipinagkanulo na naman ba ako ni Bianca sa mga ito? “Ano naman ang kailangan niyo?” matapang na tanong ni Bianca. Humakbang pa ito nang bahagya para harangan si Marian mula sa paningin ng tatlo. Ngumisi si Staicy, pinasadahan sila ng mapagmataas na tingin. “Aba naman, si Bianca... meron na palang kaibigang babae.” “Bianca, kilala mo ba sila?” patay-malisyang tanong ni Marian, pilit na sinusubukan ang reaksyon ng kasama. “Bakit mo siya tinatanong nang ganyan?” mataray na asik ni Chloe. “Tingin mo ba kakausapin namin siya ng ganito kung hindi kami magkakilala?” Lumingon si Bianca kay Marian. Bakas ang kaba sa mga mata nito ngunit pilit na pinapatapang ang boses. “Yanyan, mga dati kong kaibigan sila noong second year. Mauna ka nang bumalik sa gym. Kakausapin ko muna sila.” Napakunot ang noo ni Marian. Bakit siya nagsisinungaling? Kabisado niya ang kasaysayan ng mga ito. Ang tatlong babaeng ito ang nambu-bully kay Bianca noong nakaraan, at para iligtas ang sarili, ipinagkanulo siya nito noon. Bakit ngayon ay parang gusto niya akong iligtas? Ano ba talaga ang plano ng batang ito? Bago pa man makasagot si Marian, humakbang paharap si Ginger na may nakapaskil na pekeng ngiti. “Oh, ikaw pala si Yanyan. Nice to meet you, I'm Ginger.” “Ako naman si Chloe.” “At ako si Staicy.” Pinagmasdan sila ni Marian gamit ang mga mata ng isang propesyonal. Inayos niya ang kanyang tindig at kalmadong iniabot ang kamay kay Ginger, tila ba nakikipagkilala sa isang mataray na kliyente sa isang corporate meeting. “Nice to meet you too. I'm Marian Acenzado.” Natawa nang pagak si Ginger at hindi tinanggap ang kamay niya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Grabe, kung hindi ko lang alam, iisipin ko talaga na kabilang ka sa higher section at hindi sa last section.” Palihim na napabuntong-hininga si Marian at ibinaba ang kamay. Ang talas talaga ng dila ng babaeng ito. Wala pa ring ipinagbago. “Sige na, Yanyan,” mabilis na singit ni Bianca. Pilit nitong itinutulak nang bahagya si Marian palayo. “Mauna ka na. Ayokong ma-out of place ka.” Sige, naisip ni Marian. Magkukunwari na lang ako na aalis, pero magmamasid ako. “Ah, sige,” kaswal na sagot niya bago tuluyang tumalikod. Naglakad siya palayo hanggang sa lumiko sa kanto, bago mabilis na sumiksik sa likod ng pader upang palihim na makinig. Pagkaalis na pagkaalis ni Marian, mabilis na nawala ang pekeng ngiti sa mukha ng tatlong babae. “Ah... naalala ko na. Siya 'yung Marian na binanggit noon ni Bianca,” puno ng mapanganib na panunukso ang boses ni Chloe. Nanlaki ang mga mata ni Bianca. Umatras siya ng isang hakbang. “Anong sabi mo?” nanginginig nitong tanong. Walang anumang babala, marahas na hinawakan nina Ginger at Staicy si Bianca sa magkabilang braso. Kinaladkad nila ang nagpupumiglas na dalaga papunta sa likod ng lumang building -isang liblib na lugar kung saan kahit anong lakas ng sigaw nito ay siguradong walang makakarinig. Tahimik na binagtas ni Marian ang pasilyo, maingat na sinusundan ang grupo. Kahit pa nagdududa siya sa tunay na intensyon ng kaibigan, hindi niya magawang hayaan itong pagtulungan ng tatlong babaeng pamilyar na pamilyar sa kanya. Ngunit ang hindi alam ni Marian, hindi lang siya ang aninong gumagapang sa dilim. Sa kabilang sulok, tahimik ding nakasunod sina James, Mark, at Eugene. Nakatutok lamang ang paningin ng tatlong lalaki sa kinaroroonan ni Bianca, kaya hindi nila napansin ang palihim na pag-alpas ni Marian mula sa kabilang direksyon. Nang makitang marahas na itinulak nina Ginger at Chloe si Bianca sa pader, hindi na nakapagpigil si James. “Eugene, kinaladkad nila si Bianca. Tara na, iligtas natin siya,” mabilis na bulong ng binata, akmang susugod na sana. Ngunit bago pa man sila makahakbang, isang pigura ang biglang umeksena mula sa kawalan. Si Marian. Nagkunwari itong kanina pa nakatambay sa gilid ng pader. Sa pagitan ng kanyang mga daliri ay may nakaipit na isang umuusok na sigarilyo, umaaktong parang isang tuso at sanay na tambay na biglang nahuli sa akto. “Patay, lagot!” malakas na sigaw ni Marian. Pinandilatan niya ng mga mata ang apat na babae na tila ba gulat na gulat. “Haist, akala ko teacher!” dagdag niya sabay hawak sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ni Bianca, panandaliang nakalimutan ang takot sa mga nambu-bully. “Yanyan? Anong ginagawa mo dito? Sandali... kailan ka pa natutong manigarilyo?” “Eh kayo naman, anong ginagawa niyo dito?” kaswal na sagot ni Marian, sabay t***n ng sigarilyo sa lupa at mariing tinapakan iyon. Pinasadahan niya ng malamig na tingin sina Chloe. “Wag niyo sabihing...” “Hoy, umayos ka!” mabilis na asik ni Chloe, pilit na pinapatapang ang sarili. “Wala kaming ginagawang masama! At saka ikaw nga ang nahuli namin sa akto na nagyoyosi dito!” Imbes na matakot, dahan-dahang naglakad si Marian papalapit kay Chloe. Ibinaba niya ang kanyang mga balikat, bahagyang itinabingi ang ulo, at tinitigan ang babae na parang isang malamig na psychopath na nakahanap ng bagong laruan. Inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ni Chloe. “Shushhhhhh,” malalim at nakakakilabot na bulong ni Marian, sapat para marinig ng tatlong siga. “Ang lugar na ito ay akin. Pero hindi ko rin naman kayo pinagbabawalan... Ngayong araw na ito, wala kayong nakita.” Umatras nang bahagya si Chloe, kitang-kita ang panginginig ng mga tuhod sa biglaang paninindak ng inakala nilang mahinang estudyante. Bago pa man sila makabawi, mabilis na hinablot ni Marian ang braso ni Bianca. “Tara, Bianca, baka hinahanap na tayo ng teacher.” Sa kabilang sulok, nanatiling nakatago ang tatlong lalaki. Gulat na gulat sina James at Mark sa nasaksihan. “Kailan pa natutong magyosi si Yanyan?” mahinang tanong ni James, hindi makapaniwala. “Ewan, ngayon ko nga lang din nalaman,” napapakamot sa ulong sagot ni Mark. Nang makalayo na sina Marian at Bianca, bumuntong-hininga si James. “Tara na, guys, bumalik na rin tayo.” Ngunit paglingon nilang dalawa, wala na si Eugene sa tabi nila. Nanlaki ang mga mata nina Mark at James nang makita nilang naglakad si Eugene papalapit sa tatlong babaeng naiwan. Madilim ang mukha ng binata at nakapamulsa itong humarap kina Chloe, Ginger, at Staicy. “Kayo,” simula ni Eugene, ang boses ay malamig at puno ng awtoridad na nagpayanig sa pwesto ng tatlong babae. “Bakit ba paulit-ulit niyong ginugulo at pinahihirapan si Bianca? At gusto niyo pang idamay ang kanyang mga kaibigan? Gaano ba kalala ang ginawa niya sa inyo para apihin niyo siya nang ganyan?” Napaawang ang bibig ni Mark habang pinapanood ang tagpo. Isang malaking realisasyon ang biglang sumabog sa utak niya. “Grabe. Noon, akala ko nagkataon lang na pinagtanggol ni Eugene si Bianca... pero ngayon, alam ko na.” “Huh? Anong alam mo na?” naguguluhang tanong ni James. “Na may gusto siya kay Bianca,” kumpirmadong sagot ni Mark, sunod-sunod ang pagtango. Napanganga si James. “Oh... kung sabagay, parang may sense ka nga. Grabe, ang dami namang nakakagulat ngayong araw na 'to.” Mabilis na tinapik ni Mark ang balikat ng kaibigan. “Wag kang maingay na alam na natin. Kaibigan naman natin siya, tulungan na lang natin.” “Sige. Sabihan din natin si Paulo para alam niya,” seryosong dagdag ni James. “Masyadong close sina Bianca at Paulo, at nakakatakot namang magalit itong si Eugene. Mas mainam na mapigilan natin na magselos si Paulo nang walang dahilan.”“Pero, pre, tingnan mo ngayon si Eugene. Dapat ba natin siyang pigilan?” nag-aalalang tanong ni Mark, bahagyang hinawakan ang balikat ni James habang pinapanood nila ang nagbabadyang gulo mula sa kanilang pinagtataguan.Bago pa man makasagot si James, umalingawngaw ang matinis at mapanuyang boses ni Ginger sa buong pasilyo.“Ikaw ba ang boyfriend ni Bianca? Bakit palagi mo na lang siyang pinagtatanggol?” nakapamaywang na asik nito. Pilit nitong tinatapatan ang malamig na presensya ng binata, kahit halatang nanginginig na ang mga tuhod nito. “Hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa likod ng lumang building. Ang kalmadong mukha ni Eugene ay biglang nagdilim. Isang nakakapasong tingin ang ipinukol niya sa tatlong babae isang tingin na nagpataas ng balahibo maging nina Mark at James.“Wala kang pakialam,” mababa, malamig, at madiin na sagot ni Eugene. Bawat salita ay may dalang mabigat na banta. Humakbang siya papalapit, sapat para sab
Sinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.”Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot.Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.”Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig.Haist, sige na nga. Para matapos na 'to.Tumayo si Marian at walang-salitang
Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig
Nang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng pinto. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga.Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo.Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanin
“Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya
“Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kany







