LOGINNang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.
Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng p***o. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga. Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo. Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanina. Biglang bumigat ang paghinga ni Bianca. Tumunog ang bell hudyat ng uwian. Nagkani-kaniya na ng ligpit ang mga estudyante. Naunang lumabas si Eugene, kalmadong isinukbit ang bag at naglakad palabas ng campus. Ngunit hindi pa ito nakakalayo nang mabilis na sumunod si Paulo. Madilim ang mukha ng binata at mabibigat ang bawat hakbang. Sa hindi kalayuan, naglalakad din sana si Bianca pauwi. Natigilan siya nang makita ang dalawa sa gilid ng kalsada, malapit sa isang malaking puno. Imbes na lumapit, mabilis siyang nagtago sa likod ng pader, pilit pinakikinggan ang usapan nila. “Hoy! May gusto ka ba kay Bianca?” basag ni Paulo sa katahimikan, madiin at puno ng akusasyon ang boses. Narinig iyon ni Bianca. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Tungkol sa akin? naisip niya habang mas idinikit ang sarili sa pader. Huminto si Eugene. Dahan-dahan itong lumingon, ang mukha ay walang anumang bakas ng gulat. Lumapit si Paulo, halos magdikit na ang kanilang mga balikat sa sobrang lapit. Tinitigan niya nang matalim ang bagong estudyante. “Tandaan mo, hindi si Marian o si Bianca ang dapat mong lapitan,” seryoso at malamig na banta nito. “Kung natural lang sa inyo sa Amerika ang pagiging chickboy, wag na wag mo 'yang gagawin sa mga kaibigan ko.” Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Sa halip na matakot o mainis, isang munting ngiti ang sumilay sa mga labi ni Eugene. Mahina itong umiling, tila isang matandang nagpapasensya sa pagmamaktol ng isang bata. “Tsss,” pailing na sagot ni Eugene. “Hindi kaya... may gusto ka lang kay Bianca?” Nanlaki ang mga mata ni Paulo. “Ano?” Napatakip naman ng bibig si Bianca sa kanyang pinagtataguan. Parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan niya. Gusto ako ni Paulo? “Ang dami-dami mo pang sinasabi diyan,” patuloy ni Eugene, ang boses ay kalmado ngunit tumatagos. Tinitigan niya nang diretso si Paulo, tila binabasa ang pagkatao nito. “Pero ang totoo, gusto mo rin si Bianca. Mas gusto mo siya kesa kay Marian.” Tila umurong ang dila ni Paulo. Namula ang kanyang mga tainga. Pilit niyang hinanap ang sariling boses para idepensa ang sarili, dahil alam niyang sa loob ng maraming taon, laging si Bianca ang prayoridad niya bago pa man magbago ang lahat kamakailan lang. “Nagsasalita ka nang walang basehan.” madiin ngunit garalgal na depensa ni Paulo, pilit iniiwas ang paningin. Humakbang si Eugene palapit, bahagyang ibinaba ang boses na para bang may ibubunyag na malaking lihim. “Hindi ko alam kung bakit kay Marian ka biglang nagkagusto,” seryosong sabi nito, bakas ang pagtataka kung paanong nag-iba ang takbo ng tadhana sa timeline na ito. “Pero payong kaibigan lang... isipin mo na lang ang sarili mo, at mag-aral ka.” Tinapik ni Eugene nang marahan ang balikat ni Paulo. Bago pa makasagot ang binata, tinalikuran na siya nito at kalmadong nagpatuloy sa paglalakad pauwi. Naiwang nakatayo si Paulo, kuyom ang mga kamao at litung-lito sa sariling nararamdaman. Sa kabilang banda, nakasandal si Bianca sa pader, mabilis ang paghinga. Ang mga salitang narinig niya ay tila naging isang matamis na lason. Gusto ako ni Paulo. Mas gusto niya ako kesa kay Marian, paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isipan. Isang mapagmataas na ngiti ang unti-unting sumilay sa kanyang mga labi. Kung akala ni Marian ay panalo na siya dahil sa nangyari sa classroom, nagkakamali siya. Kinabukasan, maagang dumating si Bianca sa paaralan. “Uy, Bianca, ang aga mo ah.” Sinalubong siya ni Paulo. Gusto pa rin kaya niya ako? naisip ni Bianca, pilit itinatago ang panginginig ng mga kamay habang inaalala ang usapang narinig niya kahapon. “May time pa naman, pwede mo ba akong samahan sa canteen?” yaya ng binata. Natulala si Bianca. Masaya ang pakiramdam niya ngayon kahit na nainis siya kahapon dahil nakisama si Marian kina Diane imbes na sa kanya. “Ah, oo naman! Sige, basta ba ililibre mo ako,” nakangiting sagot niya, ibinabalik ang dati nitong inosente at malambing na tono. Habang naglalakad, biglang nagsalita si Paulo. “Bianca... may gusto ka rin ba kay Eugene?” “Bakit bigla mong natanong 'yan?” inosenteng balik-tanong niya. “Lahat kasi ng girls parang may gusto sa kanya.” seryosong sagot ni Paulo habang nakatingin sa daan, pilit itinatago ang pagkairita. “Mabait din naman si Eugene. Nung minsan pa nga, ipinagtanggol niya ako,” kalmadong paliwanag ni Bianca. Bahagya siyang lumingon at pasikretong ngumiti. “Tingin ko nga, magkapareho sila ni Marian kung paano mag-isip at kumilos.” Napatigil sa paglalakad si Paulo. Lumingon ito kay Bianca, salubong ang mga kilay. “Anong ibig mong sabihin doon?” “Parang bagay sila... kasi magkapareho sila.” simpleng sagot ng dalaga, palihim na inoobserbahan ang reaksyon nito. Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ni Paulo. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. “Hindi sila bagay,” madiin at mabilis niyang sagot. “Hindi kilala ni Marian 'yun. Hindi porke magkapareho sila ng ugali, eh bagay na sila.” Nagpatuloy sa paglalakad si Paulo, mas mabilis at mas mabigat ang mga hakbang. Pilit siyang hinabol ni Bianca, ngunit imbes na mainis, isang patagong ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga. Nagseselos siya, naisip ni Bianca. Gagawin ko ang lahat para mas lalo kang mainis kay Eugene hanggang sa tuluyan mo nang layuan si Marian. Nang makarating sila sa canteen, saktong bumibili ng inumin si Eugene sa counter. Nang mapansin nito ang pagdating nila, kalmado itong humarap. Dumapo ang malamig na tingin ng binata kay Paulo, bago dumiretso kay Bianca. Bahagyang itinaas ni Eugene ang baso ng juice na hawak niya tila bumabati, sabay silay ng makahulugang ngiti na tila alam na alam kung anong laro ang pinapasok ni Bianca. “Good morning,” malalim na bati nito, sinadyang patagalin ang tingin sa nag-uusok nang si Paulo. “Bibili rin ba kayo ng pagkain... o sinusundan niyo na naman ako?” Mula sa malayo, dumaan si Eugene malapit sa grupo nina Diane. Saglit na nagtama ang paningin nila ni Marian. Isang mabilis ngunit makahulugang tango ang ibinigay nito, na sinuklian lamang ni Marian ng pagkunot ng noo. Nang mawala si Eugene sa paningin niya, napadako ang mga mata ni Marian kina Paulo at Bianca sa counter. Imbes na lumapit at makiusap na sumama sa kanila tulad ng ginagawa niya noon, tinaasan lamang niya ng isang kilay si Paulo bago tuluyang tumalikod para makipagkwentuhan ulit kay Diane. Nanatiling nakatayo si Paulo. Nakapako ang kanyang mga mata kay Marian. Unti-unting lumuwag ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao, napalitan ng malalim na kalituhan. Sanay siyang laging nakasunod sa kanya ang dalaga, laging nagpapansin. Ngunit ngayon, tila isa na lamang siyang hanging dumaan sa paningin nito. Dahan-dahang binitawan ni Bianca ang braso ng binata. Pinagmasdan niya ang mukha ni Paulo at nakita ang pagkasabik at pagtataka sa mga mata nito habang nakatingin kay Marian. Biglang sumikip ang dibdib ni Bianca hindi dahil sa galit, kundi dahil sa matinding lungkot at selos. Bakit ganito? pilit niyang pinipigilan ang panginginig ng mga labi. Wala naman akong ginawang masama. Gusto ko lang namang bumalik tayo sa dati, nung ako pa ang laging tinitingnan ni Paulo. Huminga nang malalim si Paulo at akmang hahakbang palapit sa table nina Marian. “Paulo,” mahinang tawag ni Bianca. Walang bahid ng pagtataray ang boses niya kundi puro pakiusap. “Hayaan na muna natin siya. Mukhang masaya naman na si Marian kina Diane. Baka makaistorbo lang tayo.” Natigilan si Paulo. Lumingon siya kay Bianca, tila ngayon lang ulit napansin na kasama niya pala ito. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng dalaga ang parehong mga mata na lagi niyang inaalagaan noon. “Pero...” nag-aalangang sagot ni Paulo, muling sumulyap sa direksyon ni Marian na ngayon ay masayang tumatawa. “Gutom na 'ko, Paulo,” malambing ngunit malungkot na dugtong ni Bianca. Pilit siyang ngumiti kahit parang pinipiga ang puso niya. “Doon na lang tayo sa kabilang table umupo.” Nagbuntong-hininga ang binata. “Sige. Hayaan na muna natin siya.” Naglakad sila papunta sa isang bakanteng lamesa sa sulok. Habang kumakain, tahimik lang si Paulo. Nakatitig lang ito sa pagkain, malalim ang iniisip, at halatang wala roon ang atensyon. Tahimik lamang siyang pinagmasdan ni Bianca, pasikretong kinakagat ang ibabang labi. Masakit para sa kanya na makitang nagkakaganito ang grupo nila. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang naiiwan, at ang atensyong pilit niyang pinanghahawakan ay unti-unti nang dumudulas papunta sa kaibigang inakala niyang hinding-hindi magbabago. Sa hindi kalayuan, tahimik na pinapanood ni Eugene ang buong senaryo. Humigop ito sa kanyang juice, isang kalmado at mapag-obserbang tingin ang ipinukol sa tatlo.“Pero, pre, tingnan mo ngayon si Eugene. Dapat ba natin siyang pigilan?” nag-aalalang tanong ni Mark, bahagyang hinawakan ang balikat ni James habang pinapanood nila ang nagbabadyang gulo mula sa kanilang pinagtataguan.Bago pa man makasagot si James, umalingawngaw ang matinis at mapanuyang boses ni Ginger sa buong pasilyo.“Ikaw ba ang boyfriend ni Bianca? Bakit palagi mo na lang siyang pinagtatanggol?” nakapamaywang na asik nito. Pilit nitong tinatapatan ang malamig na presensya ng binata, kahit halatang nanginginig na ang mga tuhod nito. “Hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa likod ng lumang building. Ang kalmadong mukha ni Eugene ay biglang nagdilim. Isang nakakapasong tingin ang ipinukol niya sa tatlong babae isang tingin na nagpataas ng balahibo maging nina Mark at James.“Wala kang pakialam,” mababa, malamig, at madiin na sagot ni Eugene. Bawat salita ay may dalang mabigat na banta. Humakbang siya papalapit, sapat para sab
Sinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.”Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot.Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.”Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig.Haist, sige na nga. Para matapos na 'to.Tumayo si Marian at walang-salitang
Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig
Nang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng pinto. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga.Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo.Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanin
“Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya
“Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kany







