Share

Chapter 5

Author: SungJae
last update publish date: 2026-11-04 16:14:16

“Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.

Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.

“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”

“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.

Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.

Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya si Eugene na prenteng nakasandal, pinapanood ang bawat galaw niya. Nang makaupo ang binata, bahagyang tumagilid si Eugene.

“Ang aga naman nating maging bodyguard,” mahina ngunit malamig na asar nito, sapat para silang dalawa lamang ang makarinig.

Salubong ang kilay na binalingan ito ni Paulo. “Wala kang pakialam. At 'wag mo nga akong kausapin na parang close tayo. Kakarating mo lang dito.”

Isang mapang-asar na ngiti lamang ang isinukli ni Eugene. Hindi na ito sumagot, bagkus ay direktang ipinako ang paningin sa likuran ni Marian.

Bagama't nakatalikod, hindi nakaligtas sa tatlumpu't isang taong gulang na instinto ni Marian ang namumuong tensyon sa kanyang likuran. Idagdag pa ang hindi pangkaraniwang pananahimik at matipid na ngiti ni Bianca sa kanyang tabi.

May nagbabago, napagtanto niya. Dahil hindi ko na buntot si Paulo at hindi na ako pabigat kay Bianca, unti-unting nag-iiba ang ikot ng mundo nila. At itong si Eugene...

Palihim siyang sumulyap sa likuran gamit ang gilid ng mga mata. Sapol niya ang matalim na titig ni Eugene. Nang magtama ang kanilang paningin, bahagyang itinaas ng binata ang isang kilay nito tila may sariling mensaheng nais iparating.

Bakit siya nandito? Kung nagawa nitong bumalik, ano pang mga panganib o tao mula sa hinaharap ang susulpot sa panahong ito?

Pagsapit ng recess, mabilis na tinungo ni Bianca ang likurang bahagi ng lumang building kung saan bihirang may dumaan. Gusto niya sanang mapag-isa para pakalmahin ang mabigat na dibdib, ngunit bago pa man siya makaupo sa sementadong bench, hinarang na siya ng tatlong babae mula sa kabilang section. Pare-parehong nakataas ang kilay at matalim ang mga tingin nito sa kanya.

“Hoy Bianca, ganyan ka ba talaga kalandi?” mataray na bungad ng lider ng grupo, nakapamaywang habang pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napaatras si Bianca, biglang nangatog ang mga tuhod. “A-ano?”

“Nakakapeste na 'yang ugali mo. Feeling mo anghel ka!” asik ng isa, pilit na dinuduro ang balikat ng dalaga.

“B-bakit niyo ba ako ginaganito?” nanginginig ang boses na tanong ni Bianca. Namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata habang pilit na umaatras, hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader sa kanyang likuran. “Wala naman akong ginawa sa inyo, ah.”

“Sinali ka namin sa clan pero hindi ka man lang nag-text o nag-update!” sumbat ng lider.

“Pero doon sa clan nina Paulo, palagi kang nagpaparamdam!” dagdag ng ikalawa.

“Ano, gusto mo lang ba puro lalaki ang kasama mo?” mapang-asar na gatong ng pangatlong babae sabay tulak nang malakas sa balikat ni Bianca.

Sa tindi ng takot at desperasyon, pilit na humagilap ng palusot si Bianca. “Si Marian din naman ah! Lagi niya rin silang kasama. Bakit ako lang napapansin niyo?”

Imbes na huminahon, lalong umigting ang galit sa mukha ng tatlo.

“Aba't nandamay ka pa!” Mabilis na umamba ang lider, handang-handang magpadapo ng malakas na sampal.

Mariing napapikit si Bianca, inihahanda ang pisngi sa hapdi. Ngunit bago pa man tumama ang palad, isang kalmado at pamilyar na boses ang bumasag sa tensyon.

“Girls! Nag-aaway ba kayo?”

Awtomatikong ibinaba ng lider ang kamay nito. Sabay-sabay silang lumingon sa dulo ng pasilyo. Nakatayo roon si Eugene. Nakapasok ang isang kamay sa bulsa, tuwid at punong-puno ng kumpiyansa ang tindig. Bagama't nakangiti, may bahid ng malamig na awtoridad sa kanyang mga mata na mabilis nagpakaba sa grupo.

“K-kanina ka pa ba nandiyan?” nauutal na tanong ng lider. Bigla itong namula sa hiya dahil sa gwapong transfer student.

“Ah, hindi. Narinig ko lang ang ingay niyo kaya napadaan ako.” kaswal na sagot ni Eugene habang dahan-dahang naglalakad papalapit. Bawat kalmadong hakbang niya ay nag-iiwan ng mabigat na presensya.

Mabilis na nagkatinginan ang tatlong babae, tuluyang natunaw ang kanilang tapang.

“Nag-uusap lang kami, 'di ba?” pilit na ngiting palusot ng lider. Bago tuluyang umalis kasama ang mga kaibigan, sinadya nitong bungguin nang malakas ang balikat ni Bianca.

Nang makalayo ang grupo, naiwang nakayuko si Bianca. Nanginginig ang kanyang mga balikat, pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo dahil sa halong takot at matinding hiya.

Tahimik siyang pinagmasdan ni Eugene. Wala itong ginawang hakbang para aluin siya. Sa halip, bahagyang tumagilid ang ulo ng binata, sinusuri ang kaawa-awang sitwasyon ng dalaga na parang isang interesanteng eksperimento.

“Ikaw...” panimula ni Eugene, ang boses ay mababa na tila pilit kinakalawit ang pinakamalalim na insecurities ni Bianca, “...outcast ka ba?”

“Hindi ako outcast,” madiin ngunit garalgal na sagot ni Bianca. “May mga kaibigan ako. Sina Marian at Paulo... barkada ko sila.”

Mahinang natawa si Eugene. Walang halong saya ang halakhak nito, kundi puro sarkasmo. Dahan-dahan siyang humakbang palapit hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo niya rito.

“Kung hindi ka outcast,” patuloy ni Eugene, inilapit ang mukha upang bumulong, “...bakit mag-isa ka dito habang pinagkakaisahan ka nila? Nasaan ang mga kaibigan mo? Bakit parang may sarili silang mundo habang ikaw... pilit lang na nakikisiksik sa kanila?”

Nanlaki ang mga mata ni Bianca. Tila may matalim na kutsilyong bumaon sa dibdib niya. Paano niya nalaman? Kakalipat niya lang kahapon, pero bakit nakikita niya ang lahat ng pilit kong itinatago?

Gusto niyang ipagtanggol sina Marian at Paulo. Gusto niyang ipagsigawang hindi totoo iyon. Ngunit walang lumabas na salita sa kanyang bibig dahil alam niyang tama ito. Kitang-kita ng baguhan ang malamig na pader sa pagitan nilang magkakaibigan.

Nang makita ang kalituhan sa mukha ng dalaga, dumukot si Eugene ng malinis at puting panyo mula sa bulsa. Iniabot niya ito rito.

“'Wag kang umiyak dito. Lalo ka lang nilang pagtatawanan kapag nakita nilang mahina ka.” malamig nitong utos.

Dahan-dahang tinanggap ni Bianca ang panyo. Humaon doon ang amoy ng matapang na kape at kakaibang pabangong panlalaki.

“Bakit... bakit mo ako tinutulungan?” naguguluhan niyang tanong habang pinipiga ang tela.

Nagkibit-balikat si Eugene at tuluyang tumalikod. “Hindi kita tinutulungan, Bianca. Ipinapakita ko lang sa'yo ang totoo. Kung gusto mong mapansin, 'wag kang magpanggap na anghel. Minsan... kailangan mo ring lumaban para makuha ang pwesto mo.”

Naiwang nakatulala si Bianca sa tahimik na pasilyo. Ang mga huling salita ni Eugene ay patuloy na umalingawngaw sa kanyang utak nagtatanim ng isang mapanganib na lakas ng loob na unti-unting lalasunin ang dating inosenteng Bianca.

Sa kabilang banda, habang naglalakad pabalik ng classroom sina Marian, Paulo, James, at Mark, isang pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon nila. Nagkatinginan ang apat nang marinig ang sigawan mula sa likuran ng lumang building.

Mabilis nilang sinundan ang ingay. Pagdating sa kanto ng pasilyo, palihim silang sumilip at naabutan nilang nakorner si Bianca ng tatlong babae mula sa kabilang section.

Nang makitang akmang sasampalin ng lider si Bianca, aabante na sana sina Paulo at Marian upang umawat. Ngunit natigilan sila nang umalingawngaw ang nanginginig na tinig nito.

“Si Marian din naman ah! Lagi niya rin silang kasama. Bakit ako lang napapansin niyo?”

Plak.

Nahulog ang hawak na juice ni Marian. Tumapon ang malamig na likido sa semento, ngunit hindi niya iyon pinansin. Nanlaki ang mga mata niya, tuluyang napako sa kinatatayuan dahil sa narinig mula sa mismong kaibigan.

Ganito na talaga ang ugali niya mula pa noon, naisip ni Marian. Unti-unting napalitan ng pamilyar na inis ang awang naramdaman niya kanina. Wala siyang ipinagbago. Ilalaglag niya ako para lang iligtas ang sarili niya.

“Uy, Marian, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Paulo nang mapansin ang pamumutla niya.

Hindi sumagot si Marian. Madilim ang mga matang nakatitig lamang siya kay Bianca. Ang kapirasong tiwalang pinilit niyang buuin nitong mga nakaraang linggo ay mabilis na gumuho.

Bago pa siya makasagot kay Paulo, umalingawngaw ang boses ni Eugene sa pasilyo. “Girls! Nag-aaway ba kayo?”

Napalingon si Paulo sa direksyon nito. Nakita nilang kalmadong naglakad papalapit ang binata upang awatin ang mga babae, tila isang bida sa pelikula na sumasagip ng kawawang biktima.

“Mabait din pala itong si Eugene.” namamanghang komento ni Mark.

“Tsss,” inis na singhal ni Paulo. “Akala ba niya nasa drama siya? Tara nga, alis na tayo. Nakakasakit sila sa mata.” Padabog na tumalikod ang binata, pilit itinatago ang matinding pagkabuwisit habang naglalakad pabalik sa classroom.

“Sus, baka nagseselos ka lang?” natatawang pang-aasar ni James bago sumunod kay Paulo.

Naiwang nakatayo si Marian sa kanto, tahimik na pinagmamasdan ang pekeng eksena ni Eugene at Bianca. Nang mapansin ni Paulo na wala siya sa likuran, muli itong lumingon.

“Marian, tara na. Hayaan mo na silang mag-drama diyan.”

Huminga nang malalim si Marian at tuluyan nang tinalikuran ang dalawa. Ngunit sa bawat hakbang niya pabalik, isang malamig na desisyon ang nabuo sa kanyang isip.

Kung kaya siyang ilaglag ni Bianca para lang iligtas ang sarili nito, kailangan niyang maging mas tuso. Ang timeline man ay nag-iba, ngunit ang tunay na kulay ng mga tao ay hinding-hindi magbabago.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You weren't there before   Chapter 9

    “Pero, pre, tingnan mo ngayon si Eugene. Dapat ba natin siyang pigilan?” nag-aalalang tanong ni Mark, bahagyang hinawakan ang balikat ni James habang pinapanood nila ang nagbabadyang gulo mula sa kanilang pinagtataguan.Bago pa man makasagot si James, umalingawngaw ang matinis at mapanuyang boses ni Ginger sa buong pasilyo.“Ikaw ba ang boyfriend ni Bianca? Bakit palagi mo na lang siyang pinagtatanggol?” nakapamaywang na asik nito. Pilit nitong tinatapatan ang malamig na presensya ng binata, kahit halatang nanginginig na ang mga tuhod nito. “Hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa likod ng lumang building. Ang kalmadong mukha ni Eugene ay biglang nagdilim. Isang nakakapasong tingin ang ipinukol niya sa tatlong babae isang tingin na nagpataas ng balahibo maging nina Mark at James.“Wala kang pakialam,” mababa, malamig, at madiin na sagot ni Eugene. Bawat salita ay may dalang mabigat na banta. Humakbang siya papalapit, sapat para sab

  • You weren't there before   Chapter 8

    Sinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.”Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot.Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.”Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig.Haist, sige na nga. Para matapos na 'to.Tumayo si Marian at walang-salitang

  • You weren't there before   Chapter 7

    Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig

  • You weren't there before   Chapter 6

    Nang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng pinto. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga.Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo.Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanin

  • You weren't there before   Chapter 5

    “Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya

  • You weren't there before   Chapter 4

    “Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status