Share

Chapter 7

Author: SungJae
last update publish date: 2026-11-05 16:15:08

Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.

“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”

Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”

Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”

Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”

Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig naman sina Marian at Bianca. Hindi na ito simpleng laro para sa dalawang binata. Bawat palo ni Paulo ay puno ng gigil at pagpapasikat, habang si Eugene ay nanatiling kalmado, tumpak, at walang kaabog-abog sumalo.

Dahil sa matinding pagnanais ni Paulo na magpasikat kay Marian, lumihis ang direksyon ng pinalo niyang bola. Hindi rin ito nasalo nang maayos ni Bianca dahil nakita nitong nakapako lamang ang tingin ni Paulo kay Marian.

“Masyado mong tinitingnan si Marian, pre,” pabulong na asar ni Eugene habang naghahanda sa susunod na serve. “Hindi mo tuloy nakita... umiiyak na yata 'yung isa mong kaibigan, oh.”

Sa kalagitnaan ng laro, isang maling palo ang nagpatalsik sa bola nang ubod nang lakas diretso sa mukha ni Marian. Desperadong tumakbo si Paulo palapit sa net kahit na nasa kabilang panig siya ng court.

Ngunit bago pa man tumama ang bola, walang kahirap-hirap itong sinalag ni Eugene gamit ang isang kamay.

“Sabi ko sa'yo... 'wag mo akong pakialaman, at mag-ingat ka na lang,” malamig na bulong ni Eugene kay Marian.

Mula sa kabilang gilid ng court, kitang-kita ni Bianca kung paano ibinalewala ni Paulo ang laro at ang sariling posisyon para lang iligtas si Marian. Wala na, mapait na bulong ni Bianca sa sarili. Kinuha na niyang lahat.

“Pre, umalis ka diyan!” inis na sigaw ni Paulo kay Eugene mula sa kabila ng net. “Ako dapat ang sasalo niyan!”

Isang mapang-asar na ngisi ang sumilay kay Eugene. “Paano mo sasaluhin, Paulo? Nasa kabilang side ka. Kahit anong bilis mong tumakbo... huli ka pa rin.”

Sa 'di kalayuan, tahimik na nakamasid sina Mark at James mula sa mga bleachers. Ramdam na ramdam nila ang mabigat na tensyon sa pagitan ng dalawa. Bawat palo, bawat titig tila may tahimik na giyerang nagaganap.

Dahil sa lakas ng hangin at gulat mula sa sinalag na bola, nawalan ng balanse si Marian at napaupo sa makintab na sahig ng gymnasium. Bago pa man makalapit si Paulo o makapagsalita si Eugene, mabilis na tumayo si Mark mula sa bleachers at tumakbo papasok sa court. Nilagpasan niya ang net at agad na lumuhod para alalayan ang kaibigan.

“Yanyan, sapul sa mukha mo 'yung bola! Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Mark, pilit na sinusuri ang pisngi nito.

Huminga nang malalim si Marian. Ginamit niya ang katinuan ng isang tatlumpu't isang taong gulang na babae para hindi mag-panic. Umiling siya at marahang pinagpagan ang kanyang uniporme habang tinutulungan siyang tumayo.

“Ah... oo naman. Okay lang ako,” kaswal niyang sagot, kahit panay pa rin ang kabog ng dibdib niya.

Tumingala si Mark at matalim na pinukol ng tingin sina Paulo at Eugene. “Nasa Olympics ba kayo? Haist! Kung makapalo kayo ng bola, wagas. Nakalimutan niyo na bang may mga babae kayong kalaro?”

Seryosong lumapit din si James at pumuwesto sa tabi ni Mark. “Oo nga. Kung gusto niyong magpatayan sa volleyball, 'wag niyo idamay sina Marian at Bianca. Mga seryoso masyado eh.”

Unti-unting nawala ang galit sa mukha ni Paulo, napalitan ng matinding konsensya nang makitang nakahawak si Marian sa pisngi nito. “Marian... sorry. Hindi ko sinasadya, nadala lang talaga ako sa laro.” Akma siyang hahakbang palapit, ngunit mabilis na umatras nang bahagya si Marian.

Sa kabilang banda, nanatiling kalmado si Eugene. Isinuksok nito ang isang kamay sa bulsa ng kanyang PE shorts, habang diretsong nakatitig kay Marian. “See? Like I said, masyado ka kasing nagmamadali, Paulo,” malamig nitong dugtong bago tumalikod upang pulutin ang bolang gumulong.

Nakatayo lang sa gilid si Bianca. Nakakuyom ang mga kamao niya habang pinapanood kung paano magkagulo sina Paulo, Eugene, Mark, at James para lang masiguradong ayos si Marian habang siya ay naiwang nakatayo na parang isang aninong walang nakapansin.

Bago pa man makasagot si Paulo, isang matinis na tunog ng pito ang bumasag sa tensyon.

“Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagkakagulo?” umalingawngaw ang malakas na boses ng kanilang guro sa P.E. na nagmamadaling lumapit.

Kinuha ni Bianca ang pagkakataong ito. Agad siyang sumingit sa pagitan ng mga lalaki at nag-aalalang pumunta sa tabi ni Marian. “Ah, wala naman po, Sir,” maamo at pinatatamis nitong sagot habang inilalagay ang kamay sa likod ng kaibigan na parang isang tunay na nag-aalalang best friend. “Tinamaan lang po kasi ng bola si Marian, medyo nag-alala lang po kami.”

Pasikretong napabuntong-hininga si Marian. Aba, ang bilis talagang magpalit ng maskara. Kanina, nakatayo lang siya sa gilid ah.

Tumingin ang guro kay Marian. “Okay ka lang ba?”

Ayaw na niyang pahabain pa ang eksena. Wala siyang panahong mag-inarte. Nagpakawala siya ng isang magalang na ngiti. “Yes, Sir, okay lang po.”

“Okay, magpahinga na lang muna kayo. Next group, get ready!” sigaw ng guro bago muling pumito at tinalikuran sila.

Tahimik at mabigat ang mga hakbang na naglakad ang grupo pabalik sa mga bleachers. Tanging ang ingay ng mga sapatos at pagtalbog ng bola ang naririnig, ngunit sa pagitan nilang anim, ramdam ang nakakapasong tensyon na naghihintay na lamang sumabog.

Agad na nagsipagtabihan ang mga lalaki kay Marian may nag-abot ng tubig, may nagtatanong kung nahihilo pa ba siya. Sa gitna ng kumpol na iyon, naiwang nakatayo sa gilid si Bianca, tuluyang naging invisible sa sarili niyang barkada.

“Bianca! Ano bang tinatayo-tayo mo diyan? Tumabi ka nga roon!” naiiritang sigaw ni Ariane, isa sa mga kaklase nila.

Napapikit nang mariin si Bianca. Pilit niyang ibinalik ang kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha, ngunit isang matinding alon ng pagkainggit ang unti-unting lumulunod sa kanya. Bakit laging si Marian ang bida? Bakit laging si Marian ang kailangang iligtas?

Hindi niya na kinaya ang bigat ng hangin. Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling pumunta sa CR.

Pagpasok niya, agad niyang binuksan ang gripo at naghilamos ng malamig na tubig. Tinitigan niya ang sarili sa salamin, pilit hinuhugasan ang galit at pait na sumisira sa kanyang perpektong imahe. Nang kumalma nang kaunti, lumabas siya ng CR.

Ngunit paghakbang niya sa pasilyo, nakasandal sa pader si Eugene.

“Ikaw, sinusundan mo ba ako?” mataray na tanong ni Bianca, nakataas ang isang kilay.

Hindi tumawa o nang-asar ang binata. Seryosong-seryoso ang mukha nito. “Okay ka lang ba?”

Napaingos si Bianca at mabilis na umiwas ng tingin. “Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Eh hindi naman ako 'yung natamaan ng bola.”

Mabilis siyang tumalikod. Ngunit wala pa siyang tatlong hakbang, humarang si Eugene sa daan niya at madiing hinawakan ang magkabilang braso niya upang patigilin siya.

“Ano ba!”

“Ang tinatanong ko... 'yang puso mo,” malalim at madiing putol ni Eugene, tumatagos ang malamig na paningin sa mga mata niya. “Sana maging kasing sweet din niyan ang ipinapakita mo sa lahat.”

Para siyang napaso. Marahas na inalis ni Bianca ang mga kamay ni Eugene. “Sinasabi mo bang plastic ako?!” nanggagalaiting sigaw niya, tuluyan nang lumabas ang totoong inis na kanina pa kinikimkim.

Bago pa man makasagot si Eugene, sumingit ang mga pamilyar na boses mula sa kanto ng pasilyo.

“Anong nangyayari sa inyong dalawa? Nag-aaway ba kayo?” nagtatakang tanong ni Mark, kasunod si James.

Tiningnan nang masama ni Bianca si Eugene. Imbes na sumagot kina Mark, padabog niya itong inirapan, tinalikuran sila, at nagmamadaling bumalik sa gym.

Inaasahan niyang pagbalik sa court, makikita niyang hinahanap siya nina Marian o Paulo. Ngunit ang bumungad sa kanya ay lalong nagpadiin ng pait sa kanyang dibdib. Nakaupo si Marian kasama ang grupo nina Diane. Masaya itong nanonood ng laro at nakikipagtawanan tila walang pakialam na nawawala ang kanyang best friend, at walang sinuman ang nagtangkang maghanap sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You weren't there before   Chapter 9

    “Pero, pre, tingnan mo ngayon si Eugene. Dapat ba natin siyang pigilan?” nag-aalalang tanong ni Mark, bahagyang hinawakan ang balikat ni James habang pinapanood nila ang nagbabadyang gulo mula sa kanilang pinagtataguan.Bago pa man makasagot si James, umalingawngaw ang matinis at mapanuyang boses ni Ginger sa buong pasilyo.“Ikaw ba ang boyfriend ni Bianca? Bakit palagi mo na lang siyang pinagtatanggol?” nakapamaywang na asik nito. Pilit nitong tinatapatan ang malamig na presensya ng binata, kahit halatang nanginginig na ang mga tuhod nito. “Hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa likod ng lumang building. Ang kalmadong mukha ni Eugene ay biglang nagdilim. Isang nakakapasong tingin ang ipinukol niya sa tatlong babae isang tingin na nagpataas ng balahibo maging nina Mark at James.“Wala kang pakialam,” mababa, malamig, at madiin na sagot ni Eugene. Bawat salita ay may dalang mabigat na banta. Humakbang siya papalapit, sapat para sab

  • You weren't there before   Chapter 8

    Sinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.”Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot.Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.”Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig.Haist, sige na nga. Para matapos na 'to.Tumayo si Marian at walang-salitang

  • You weren't there before   Chapter 7

    Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig

  • You weren't there before   Chapter 6

    Nang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng pinto. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga.Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo.Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanin

  • You weren't there before   Chapter 5

    “Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya

  • You weren't there before   Chapter 4

    “Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status