Share

Chapter 2

Author: SungJae
last update publish date: 2026-11-04 05:09:56

Pagdating sa ospital, agad na sinuri ng mga doktor si Marian habang abala naman si Paulo sa pagpupuno ng form sa counter. Amoy ng matapang na disinfectant at malamig na buga ng aircon ang bumalot sa buong emergency room.

“Kaano-ano niyo po ang pasyente?” tanong ng nars.

“Kaibigan niya po.”

“Pakisulatan muna ito at pakitawagan na rin ang magulang o guardian niya.”

“Kaya lang po, nasa malayo ang mama niya at nagtatrabaho,” alanganing sagot ng binata.

“Eh yung papa niya?”

“Nasa malayo rin po.”

“Kung ganoon, kahit sino na lang na mas nakatatanda sa inyo. Hindi kasi pwedeng menor de edad ang pumirma.”

Habang nag-uusap ang dalawa, unti-unting iminulat ni Marian ang kanyang mga mata. Agad na bumungad sa kanya ang mga abalang nars at doktor. Nang igala niya ang paningin at mapansing wala ang pamilyar na bulto ng binata, nakahinga siya nang maluwag. Pakiramdam niya ay pansamantala siyang nakatakas mula sa isang masamang panaginip.

Napansin ng doktor na gising na siya at agad itong lumapit. “Oh, gising ka na ulit. Ano ang nararamdaman mo ngayon?”

“Medyo nahihilo pa po ako, pero sa tingin ko okay na rin.” mahinang sagot niya.

“Ang sabi ay nahulog ka raw sa hagdan habang nasa school. May iba pa bang masakit sa'yo? Ang braso, paa, o ulo mo, okay naman ba?”

School? Nahulog sa hagdan?

“Ah, hindi po, Doc. Baka nagkakamali lang kayo, hindi po ako nahulog sa hagdan.” Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na nasa opisina lang siya kanina, na baka nahimatay lang siya sa tapat ng kompyuter dahil sa matinding pagod.

“Huh? Pero iyon ang nakalagay sa record mo. Sandali, nasaan na ba yung guardian mo?” Lumingon ang doktor sa likuran. “Oh, nandito na pala siya. Iho, ikaw yung kasama niya, 'di ba? Nahulog ba talaga siya sa hagdan?”

Napatingin si Marian sa kausap ng doktor. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang muling bumungad sa kanya ang mukhang pilit niyang tinatakasan.

Saan ba talaga ako? Ano ba talaga ang nangyayari?

Umapaw ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan, dala ng matinding takot, pagkalito, at kawalan ng kasagutan.

“Marian? Bakit, may masakit ba sa'yo?” Mabilis na lumapit si Paulo, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito.

“Huminahon ka, iha. Sabihin mo sa akin, saan ang masakit?” sunod ng doktor.

Hindi ito totoo... imposible... walang ganito sa totoong buhay. Panaginip lang ba ang lahat ng ito?

“Marian...” akmang magsasalita pa sana si Paulo ngunit biglang nag-ring ang cellphone nito. “Hello, Mama... ah, hindi po ako... Opo. Makakapunta po ba kayo?... Dito lang po sa loob ng emergency room. Sige po, Ma, hihintayin ko kayo.”

Pinagmasdan lamang siya ni Marian habang nakikipag-usap ito sa telepono. Unti-unting gumuguho ang pader ng kanyang pagtanggi. Bago mangyari ito, alam na alam niya ang bawat detalye ng buhay niya. Tatlumpu't isang taong gulang na siya, isang ganap na alipin ng isang malaking korporasyon, at tatlong taon na siyang nagtatrabaho roon. Tandang-tanda niya ang bawat sandali.

Ay hindi, imposible talaga. Baliw na ba ako para malito sa sarili kong edad? Luminga siya sa paligid. Ito ang panaginip. Ito ang hindi totoo.

“Doc...” Napapikit si Marian, kinakabahan man ay pinilit niyang magsalita. “Pwede niyo ba akong dalhin sa psychiatrist?”

Kahit naguguluhan, sinamahan pa rin siya ng doktor. Doon, nakipag-usap nang masinsinan si Marian sa espesyalista. Ipinasulat sa kanya ang lahat ng naalala niya upang tulungan siyang tanggapin ang realidad na nasa harapan niya. Kahit nahihirapan, unti-unti niyang nilulunok ang pait ng kanyang kasalukuyan, pilit tinatanggap na ang imposible ay siyang katotohanan.

Paglabas niya sa opisina ng doktor, agad siyang sinalubong ni Paulo at ng isang ginang dalawang mukha na siguradong magiging malaking bahagi ng pagbabalik niya sa nakaraan.

“Oh, Tita, ano pong ginagawa niyo rito?” Isang nakakabinging pagtataka ang bumalot kay Marian nang makilala ang ina ng binata.

“Pinapunta ako rito ni Paulo dahil hindi raw makakapunta ang mga magulang mo,” malumanay na sagot nito, bakas ang pag-aalala sa mga mata.

“Pasensya na po, naabala ko pa kayo. Okay na po ako. Sabihin niyo na lang po sa doktor na i-discharge na ako. Maraming salamat po ulit.” Pilit niyang pinatibay ang kanyang boses kahit na panay pa rin ang panginginig ng kanyang mga tuhod.

Muli siyang naglakad palayo ngunit agad siyang sinundan ni Paulo. Dinig na dinig niya ang mabibigat na hakbang nito sa malamig na pasilyo ng ospital.

“Uy, Marian, okay ka na ba talaga? Ano ang sabi sa'yo ng doktor?”

“Wala. 'Wag kang mag-alala, okay lang ako.” Kahit ang totoo, pakiramdam niya ay gumuho na ang buong mundo niya at pilit niya na lang itong binubuo.

“Oo nga pala, Marian. Yung sinabi mo kanina sa clinic... totoo ba 'yun?”

Ang tanong na iyon ay tila isang palasong tumagos direkta sa kanyang dibdib. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Tinitigan niya ang mga mata nitong puno ng kuryosidad.

Sige, panaginip lang naman ang lahat ng ito, 'di ba? Anong masama kung sabihin ko na sa kanya nang harapan?

“Oo, totoo 'yun.” Binitawan niya ang mga salitang iyon nang walang pag-aalinlangan, dahil para sa kanya, wala namang mawawala sa isang ilusyon. “Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero nalaman ko na ikaw lang talaga ang lalaking gusto ko nung nasa fourth year na tayo.”

Tinalikuran niya ito at muling naglakad.

“Huh? Pero third year pa lang tayo ngayon ah! Ano na naman bang pinagsasasabi mo diyan? Hindi kita maintindihan,” litong-litong habol ni Paulo.

“Paulo...” Tumigil muli si Marian. Huminga siya nang malalim, hinahayaan ang bawat emosyong matagal na niyang ikinulong na tuluyang kumawala.

“Haist, sabi ko na nga ba pinagtitripan mo lang ako eh”

Naputol ang sasabihin ng binata nang bigla siyang yakapin nang mahigpit ni Marian. Isang nangungulilang yakap na tila ba ayaw na nitong pakawalan kailanman.

Napatanga ang mama ni Paulo pati na rin ang mga taong nagdaraan. Tila tumigil ang pag-ikot ng oras sa pasilyong iyon.

“Dahil nasa panaginip lang naman ako, sasamantalahin ko na. Paulo, mahal na mahal kita. Ikaw lang talaga ang gusto ko, pero kahit minsan, hindi ka man lang sumubok na ligawan ako. Sabihin mo nga, kahit minsan ba hindi sumagi sa isip mong ligawan ako?” tapat na bulalas ni Marian. Tumulo ang maiinit na luha mula sa kanyang mga mata, naglalabas ng hinanakit na ilang taon niyang kinimkim nang mag-isa.

“Uy, Marian, ano ka ba? Nakakahiya, ang daming tao, oh.” Pilit siyang inilalayo ng binata, namumula ang buong mukha sa tindi ng hiya.

“Wala akong pakialam! Basta sinasabi ko sa'yo, mahal kita, dapat tandaan mo 'yun!” giit ni Marian na matibay pa rin ang paniniwalang gigising din siya kinabukasan kaya ibubuhos na niya ang lahat ngayon.

“Uy, anong meron sa inyong dalawa?”

Isang boses ang mabilis na pumuputol sa mahika ng sandaling iyon. Agad na kinalas ni Paulo si Marian mula sa pagkakayakap. Tila isang malamig na tubig ang biglang bumuhos sa kanila.

Bianca, Mark, James? Nandito na naman sila? Anong ginagawa nila rito? Kung panaginip ito, bakit sobrang linaw at detalyado naman? Tila naglalaro ang isipan niya sa nipis ng linya sa pagitan ng ilusyon at reyalidad.

“Uy, kayo pala. Mama, sila po ang mga kaklase namin,” basag ni Paulo sa tensyon, pilit binabawi ang sarili.

“Oh, kayo pala. Mabuti at dumalaw kayo.” nakangiting bati ng ginang upang pawiin ang hiya ng anak.

“Nandito rin po pala kayo, Tita. Nag-alala po kasi kami nang sobra kay Marian.” malambing na sagot ni Bianca.

Tsk. Napaka-plastic talaga ng babaeng 'to. Isang pamilyar na inis ang muling nag-apoy sa dibdib ni Marian. Ganyan na pala talaga siya mula nung high school, bakit hindi ko man lang napansin 'yun noon? Kaya pala nabubuwisit sa kanya yung teacher namin eh.

“Si Mama na lang ang pinapunta ko, hindi ko kasi ma-contact ang mama ni Marian.” paliwanag ni Paulo, hindi pa rin tuluyang nakakabawi sa nakakagulat na pag-amin kanina.

Maya-maya pa, isang nars ang lumapit bitbit ang isang clipboard. “Sino ang pasyenteng si Marian Acenzado?” umalingawngaw ang matinis nitong boses sa pasilyo.

“Ako po.” Dahan-dahang nagtaas ng kamay si Marian, ramdam pa rin ang panginginig ng mga daliri.

“Kayo po yung nahulog sa hagdan. Kailangan niyo po munang magpa-X-ray. Sumunod po muna kayo sa akin.”

“Ah, okay.” Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Iniwan niya ang kanyang mga kaklase sa labas, patuloy na binabagabag ng samu't saring katanungan sa utak niya.

Habang isinasalang siya sa makina ng X-ray, inisip niyang mabuti kung bakit hindi pa rin siya nagigising. Ramdam niya ang lamig ng makina, ang tigas ng higaan, at ang sakit ng kanyang katawan mga patunay na hindi ito basta-bastang ilusyon.

Samantala, nagpaalam na rin ang mama ni Paulo dahil kailangan nitong bumalik sa trabaho. Naiwan sa waiting area sina Paulo, James, Mark, at Bianca. Bumuo ng isang tahimik ngunit nakakabinging tensyon ang presensya nilang apat.

“Paulo, ano ba yung nakita namin kanina? Bakit magkayakap kayong dalawa na parang magkasintahan?” pang-uusisa ni Bianca, may halong pagdududa ang tono nito.

“Uy, 'wag ka ngang mag-overthink. Mali 'yang iniisip mo,” mabilis na iwas ni Paulo, pilit itinatago ang matinding pagkapula ng kanyang mga tainga.

“Tama siya, hindi na ginagamit ang salitang 'magkasintahan' ngayon. Jowa na ang tawag do'n.” nakangising sabat ni Mark.

“Isa ka pa, gusto mo ng sapak?” Itinaas ni Paulo ang kamao ngunit halatang nagtatago lamang ng hiya.

“Ano ba kayo, guys? Hindi niyo ba napansin, nandito pa yung mama ni Paulo para kay Marian? Ibig sabihin, may something talaga sa kanila na hindi natin alam.” naniningkit ang matang hirit ni James, parang isang detektib na nakabuo ng malaking teorya.

“Wow, ang galing naman ng imahinasyon niyo ah.”

Lahat sila ay napalingon. Nakatayo si Marian sa hindi kalayuan, nakapamaywang at matapang na sinalubong ang mapanuksong mga tingin nila.

“Marian!” bulalas ni Paulo sabay tayo. Muntik na nitong matabig ang inuupuan sa sobrang pagmamadaling salubungin ang dalaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You weren't there before   Chapter 9

    “Pero, pre, tingnan mo ngayon si Eugene. Dapat ba natin siyang pigilan?” nag-aalalang tanong ni Mark, bahagyang hinawakan ang balikat ni James habang pinapanood nila ang nagbabadyang gulo mula sa kanilang pinagtataguan.Bago pa man makasagot si James, umalingawngaw ang matinis at mapanuyang boses ni Ginger sa buong pasilyo.“Ikaw ba ang boyfriend ni Bianca? Bakit palagi mo na lang siyang pinagtatanggol?” nakapamaywang na asik nito. Pilit nitong tinatapatan ang malamig na presensya ng binata, kahit halatang nanginginig na ang mga tuhod nito. “Hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa likod ng lumang building. Ang kalmadong mukha ni Eugene ay biglang nagdilim. Isang nakakapasong tingin ang ipinukol niya sa tatlong babae isang tingin na nagpataas ng balahibo maging nina Mark at James.“Wala kang pakialam,” mababa, malamig, at madiin na sagot ni Eugene. Bawat salita ay may dalang mabigat na banta. Humakbang siya papalapit, sapat para sab

  • You weren't there before   Chapter 8

    Sinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.”Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot.Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.”Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig.Haist, sige na nga. Para matapos na 'to.Tumayo si Marian at walang-salitang

  • You weren't there before   Chapter 7

    Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig

  • You weren't there before   Chapter 6

    Nang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng pinto. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga.Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo.Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanin

  • You weren't there before   Chapter 5

    “Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya

  • You weren't there before   Chapter 4

    “Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status