Share

Chapter 4

Author: SungJae
last update publish date: 2026-11-04 05:58:10

“Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.

“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.

“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.

“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.

“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.

“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.

“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kanya. Alagaan niyo at kaibiganin para masanay siya agad dito.”

“Yes, Ma'am,” sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.

“Mr. Gonzales, doon ka na lang muna maupo sa tabi ni Paulo. Bakante naman ang upuang 'yan.” Itinuro ng guro ang silya sa likuran, saktong nasa likod lamang nina Marian at Bianca.

Nang maglakad si Eugene at makaupo, agad na kumapal ang tensyon sa pagitan ng dalawang binata.

“Pre, payong kaibigan lang, ah.” Nakahalukipkip si Paulo, may pagka-angas ang boses na sinadyang hinaan. “Kahit nasa lowest section kami, magagalang kami sa mga babae. At kahit may gusto kami sa kanila, hindi kami basta-basta nanliligaw kung alam naming maiilang lang sila.” Isang seryosong banta para protektahan ang espasyong nakapaligid kay Marian.

“Alam ko 'yun. Kaya nga ang section na ito ang pinili ko, eh.” Isang tipid ngunit makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ng bagong estudyante, habang diretso ang paningin sa batok ni Marian.

Pasikretong kinagat ni Paulo ang ibabang labi. Unti-unti siyang kinakain ng matinding inis at selos na hindi niya maipaliwanag. Bakit ba ang cool ng asungot na 'to?

Nagsimulang magsulat ang guro sa pisara. Abala ang lahat sa paglabas ng kani-kanilang mga kwaderno. Habang si Marian ay nakatingin pa rin sa blangkong pahina, pilit pinag-uugnay ng isip niya ang mga nangyayari.

Eugene Gonzales. Bakit siya nandito? Sigurado siyang hindi ito nag-transfer sa school nila noong third year. Magkaiba sila ng pinasukang eskwelahan pagkatapos ng Grade 6. Kung bumalik ako sa nakaraan, hindi ba dapat eksakto lang ito sa kung ano ang nangyari noon? Bakit nag-iba ang timeline? Dahil ba sa akin?

Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang biglang may kumalabit sa kanyang upuan.

Paglingon niya, bahagyang nakasandal paharap si Eugene. Sapat ang lapit nito para maamoy niya ang isang napakapamilyar at kakaibang pabango amoy ng malinis na sabon at... matapang na alkohol sa ospital.

“Excuse me,” malalim na bulong ni Eugene, direktang nakatitig sa mga mata niya. “Wala kasi akong dalang ballpen. Pwede bang humiram... Marian?”

Kinilabutan ang dalaga. Hindi dahil sa panghihiram nito, kundi sa paraan ng pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Walang pag-aalinlangan. Tila ba siguradong-sigurado ito kung sino siya at matagal na siyang kilala.

Bago pa man makasagot si Marian, isang itim na ballpen ang biglang sumingit sa mismong mukha ni Eugene, nagsisilbing harang sa pagitan nilang dalawa.

“Eto, pre. Sa akin ka na humiram. Marami akong ballpen, 'wag mo nang abalahin si Marian.” mabilis at seryosong sabat ni Paulo.

Ngumiti nang bahagya si Eugene. Kinuha nito ang ballpen mula kay Paulo, ngunit ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig kay Marian. “Salamat. Ang swerte naman ni Marian, may kaibigan siyang laging nakabantay.”

Tumunog ang bell hudyat ng uwian. Bago pa man makalapit si Paulo o makapagtanong si Bianca, nagmamadali nang inayos ni Marian ang kanyang mga gamit. Kailangan niya ng space. Kailangan niyang makapag-isip kung paanong ang kababata niya noong Grade 6 ay biglang sumulpot sa isang nakaraan na alam niyang hindi naman nito naging bahagi.

“Bianca, mauna na ako ah. May kukunin lang ako sa library,” mabilis na pagdadahilan niya bago halos patakbong lumabas ng silid.

Mabilis ang mga hakbang ni Marian habang binabagtas ang tahimik na pasilyo ng ikatlong palapag. Ngunit kahit gaano niya bilisan, naririnig niya ang mga pamilyar at kalmadong yabag ng sapatos na nakasunod sa kanya.

Huminto si Marian. Huminto rin ang mga yabag.

Huminga siya nang malalim, inipon ang kumpiyansa ng isang tatlumpu't isang taong gulang na babae, at mabilis na lumingon.

Nakatayo si Eugene ilang hakbang mula sa kanya. Nakapasok ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon, habang ang isa ay hawak ang strap ng bag. Kalmado lang itong nakatingin, may tipid na ngiti sa mga labi.

“Sinusundan mo ba ako?” diretsong tanong ni Marian.

“Bawal na palang maglakad sa hallway ngayon?” pabalik nitong tanong, mababa at nakakaakit ang boses.

Tinitigan siya ni Marian nang matalim. "Wag mo akong pilosopohin, Eugene Gonzales. Grade 6 pa tayo huling nagkita, tapos ngayon bigla kang susulpot dito? Wala ka dapat sa school na 'to.”

Bahagyang nawala ang ngiti ni Eugene. Dahan-dahan itong naglakad papalapit kay Marian. Habang lumalapit ang binata, muli na namang humalimuyak ang pamilyar na pabango nitong may halong matapang na amoy ng alkohol.

Huminto ito sa mismong harapan niya. Tumingin ito nang diretso sa mga mata niya, tila ba binabasa ang kanyang kaluluwa.

“Bakit, Marian?” mahinang bulong ni Eugene. “Ikaw lang ba ang pwedeng bumalik kung saan mo gusto?”

Nanlaki ang mga mata ni Marian. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya. Umatras siya ng isang hakbang, tuluyang nawala ang tapang niya.

“Anong... anong ibig mong sabihin?” nauutal niyang tanong.

Ibinalik ni Eugene ang mapang-asar nitong ngiti na madalas nitong gawin noong mga bata pa sila. “Ang ibig kong sabihin... matagal na kitang gustong sundan, kaya nandito ako. Ayaw mo ba nun? Magkaklase na ulit tayo.”

Bago pa makabawi si Marian, umalingawngaw ang boses mula sa likuran.

“Marian! Bakit mo ba kinakausap 'yang transfer student na 'yan?” Nagmamadaling naglakad palapit sa kanila si Paulo, salubong na salubong ang mga kilay.

Humarap si Eugene. Imbes na mainis sa biglaang pagsingit nito, isang kalmado at nakakainis na ngiti ang isinukli niya. Ibinulsa niya ang magkabilang kamay na tila ba walang anumang tensyon sa paligid.

“Nagtatanong lang ako kung saan ang library, Paulo.” Pormal at kaswal ang tono nito. “Bakit? Bawal ba magtanong sa kaklase ko?”

“Library?” Humakbang palapit si Paulo upang harangan si Marian mula sa paningin ni Eugene. “Nasa kabilang building ang library. Wag mo nga kaming gawing tanga. Saka 'wag na 'wag mong lalapitan si Marian kapag mag-isa siya.”

Mahinang natawa si Eugene. Isang tawa na punong-puno ng kumpiyansa. Hindi na siya nakipagtalo kay Paulo, tila ba pinagbibigyan niya lamang ang pag-iinarte ng isang bata. Sa halip, ibinaling niya ang kanyang tingin sa likuran nito diretso kay Marian, na hanggang ngayon ay naninigas pa rin sa kinatatayuan dahil sa mga narinig.

“Sige. Hahanapin ko na lang ang library mag-isa,” makahulugang sabi nito habang nakatitig nang malalim sa dalaga. “Kita na lang tayo bukas, Marian. Nice meeting you... ulit.”

Tinalikuran na sila ni Eugene, nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo na tila walang pakialam sa nag-aapoy na tingin ni Paulo.

Nang makalayo ito, mabilis na lumingon si Paulo kay Marian, bakas ang labis na pag-aalala at selos sa mukha. “Marian, okay ka lang ba? Anong ginawa sa'yo nung asungot na 'yun? May sinabi ba siyang masama?”

Ngunit hindi siya naririnig ni Marian. Nakatitig lang ang dalaga sa papalayong pigura ni Eugene. Ang mga salita nito ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang utak na parang sirang plaka.

Ikaw lang ba ang pwedeng bumalik kung saan mo gusto?

Biglang sumikip ang dibdib ni Marian. Kung totoo ang hinala niyang alam din ni Eugene ang tungkol sa pagbabago ng timeline, ibig bang sabihin ay hindi siya nag-iisa? At ano ang ibig nitong sabihin sa “nice meeting you ulit?” Naranasan din ba nito ang hinaharap?

“Marian? Huy!” Pag-alog ni Paulo sa balikat niya ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Napakurap siya nang ilang beses.

“A-ah... wala. Nagtanong lang talaga siya kung saan ang library,” mabilis na pagsisinungaling niya, iniiwas ang tingin dahil hindi pa rin bumabagal ang kabog ng dibdib niya. “Umuwi na tayo, Paulo. Sumasakit na naman ang ulo ko.”

Ang hindi nila alam, sa hindi kalayuan ay tahimik na nakatanaw sina Bianca, James, at Mark sa kanilang tatlo. Nang maglakad kasi si Paulo palabas kanina, sinubukan nilang tawagin ito pero hindi sila narinig, kaya sinundan na lamang nila.

“Bianca, parang may kakaiba kay Marian ngayon. Pansin mo ba?” pabulong na puna ni James habang nakatanaw sa komprontasyon sa pasilyo.

“Ewan ko. Hindi rin ako sure eh,” sagot ni Bianca, bakas ang matinding pagtataka sa mukha.

“Mas kakaiba itong si Paulo,” seryosong hirit ni Mark.

“Anong ibig mong sabihin?” sabay nilang tanong habang naguguluhang nakatingin sa kaibigan.

“Matagal na tayong magkakasama, pero noon... kay Bianca o sa girlfriend lang naman siya ganyan.” Itinuro ni Mark ang eksena. “Bianca, hindi mo ba napansin 'yun? Tingnan mo kung paano niya harangan si Marian.”

“Ay, oo! Nagsimula ito nung maaksidente si Marian, 'di ba?” dugtong ni James, tila nagliwanag ang isip nito.

“Ano ba kayo, guys? Mabait lang talaga 'yang kaibigan niyo,” pilit na tawang sagot ni Bianca. “Saka anong 'sa akin o sa girlfriend lang siya ganyan'? Patawa kayo.”

Tinalikuran na niya ang dalawa at naglakad palayo dahil naiinis siya sa usapan, pero sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumigat ang dibdib niya.

Habang naglalakad pauwi, nakita niya si Eugene sa gilid ng kalsada. Akma sana niya itong tatawagin, ngunit isang itim at mamahaling sasakyan ang biglang tumigil sa harap nito. Walang lingon-lingon na sumakay si Eugene.

Grabe, iba talaga 'pag galing ng Amerika. Ang yaman, sa isip ni Bianca habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan.

Kinabukasan, maagang pumasok sa klase si Bianca. Ngunit pagtapak niya sa p***o, bumungad sa kanya si Paulo na komportableng nakaupo sa upuan niya, masayang nakikipag-usap kay Marian na nag-aayos ng gamit.

Imbes na masaya niya sanang babatiin ang dalawa tulad ng dati, may kakaibang pakiramdam na kumurot sa kanya. Isang mainit at mabigat na pagkainggit ang unti-unting gumapang sa sistema niya habang nakatitig sa kanila.

Mula sa likuran, may tumapik sa kanyang balikat. Si Eugene.

“Hindi ka pa ba papasok?” malalim at kalmadong tanong nito. Tuloy-tuloy itong naglakad papunta sa kanyang silya sa likuran, tila ba walang pakialam sa namumuong tensyon sa loob ng silid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You weren't there before   Chapter 9

    “Pero, pre, tingnan mo ngayon si Eugene. Dapat ba natin siyang pigilan?” nag-aalalang tanong ni Mark, bahagyang hinawakan ang balikat ni James habang pinapanood nila ang nagbabadyang gulo mula sa kanilang pinagtataguan.Bago pa man makasagot si James, umalingawngaw ang matinis at mapanuyang boses ni Ginger sa buong pasilyo.“Ikaw ba ang boyfriend ni Bianca? Bakit palagi mo na lang siyang pinagtatanggol?” nakapamaywang na asik nito. Pilit nitong tinatapatan ang malamig na presensya ng binata, kahit halatang nanginginig na ang mga tuhod nito. “Hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa likod ng lumang building. Ang kalmadong mukha ni Eugene ay biglang nagdilim. Isang nakakapasong tingin ang ipinukol niya sa tatlong babae isang tingin na nagpataas ng balahibo maging nina Mark at James.“Wala kang pakialam,” mababa, malamig, at madiin na sagot ni Eugene. Bawat salita ay may dalang mabigat na banta. Humakbang siya papalapit, sapat para sab

  • You weren't there before   Chapter 8

    Sinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.”Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot.Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.”Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig.Haist, sige na nga. Para matapos na 'to.Tumayo si Marian at walang-salitang

  • You weren't there before   Chapter 7

    Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig

  • You weren't there before   Chapter 6

    Nang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng pinto. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga.Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo.Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanin

  • You weren't there before   Chapter 5

    “Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya

  • You weren't there before   Chapter 4

    “Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status