Share

Chapter 3

Author: SungJae
last update publish date: 2026-11-04 05:24:16

Mabilis na lumapit si Mark, tuluyan nang nawala ang mapanuksong ngisi nito kanina. “Yanyan, okay ka lang ba? Ano raw ang sabi ng doktor?”

“Huwag na kayong mag-alala. Hindi naman malala ang lagay ko, pwede na raw akong umalis.” sagot ni Marian. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya para pakalmahin ang sarili.

“Talaga? Ihahatid na namin kayo,” mabilis pa sa alas-kuwatrong presinta ni Bianca, nakangiti nang matamis na tila ba isang huwarang kaibigan. “Dinala na rin namin yung bag mo para diretso na ang uwi mo kung sakali.” Ipinakita pa nito ang hawak na bag na parang isang premyo.

Tumaas ang isang kilay ni Marian. Aba, tingnan mo nga naman itong si Bianca, napaka-advance mag-isip. Ginagawa niya ba talaga ito para magpapansin sa mga lalaking 'to? Akala niya ba siya ang bida sa drama? Pasikreto siyang napairap sa hangin.

Marahas niyang hinablot ang strap ng sariling bag mula kay Bianca. “Akin na 'yan. Babalik na lang ako sa klase.”

“Uy, teka, Marian. Kaya mo na ba talagang bumalik?” Sinundan ni Paulo ng tingin ang bawat galaw niya, hindi pa rin maalis ang pag-aalala sa boses.

“Oo naman. May time pa tayo, tara na.” Ayaw na niyang patagalin pa ang eksenang iyon bago pa muling magtagpo ang kanilang mga paningin at maalala ang ginawa niyang pag-amin.

“Uy guys, sayang naman, nakalabas na tayo ng school eh. Mamasyal na lang kaya muna tayo?” pilyong suhestiyon ni James, nakahanap ng magandang rason para magbulakbol.

Sinalubong siya ng malamig na tingin ni Marian. “Sige nga, anong sasabihin mo sa teacher natin bukas kung magtanong sila?” Binalibag niya ang tanong na parang isang masungit na manager na naiinis sa palpak na empleyado.

Tila napipi si James, napakamot na lang sa batok sa biglaang pagkapahiya.

“Kami ni Paulo, may excuse dahil galing kaming ospital. Eh kayong tatlo, anong idadahilan niyo?” patuloy ni Marian, ginagamit ang talas ng pananalita na nahasa niya sa ilang taon sa opisina.

“Tama si Marian, bumalik na tayo. Ayoko ring maparusahan, noh,” mabilis na pagsuko ni Mark. Magiliw nitong kinuha ang bag na nakasukbit sa balikat ni Marian. “Akin na muna 'to. Nahulog ka sa hagdan kanina, baka may nadurog na buto diyan sa katawan mo.”

Bahagyang napangiti si Marian sa pamilyar na pag-aasikaso ng kaibigan. “Ano ka ba, hindi ako papaalisin ng doktor kung meron ngang ganun. Pero sige, salamat.”

Pagdating sa silid-aralan, agad siyang pinalibutan ng mga kaklase, bumabaha ng maiinit na tanong at pag-aalala. Sa sandaling iyon, lalong naging totoo sa kanya na buhay ang paligid niya. Nang pumasok ang kanilang guro sa Math, umalingawngaw ang pamilyar na ingay ng mga silyang kinakaladkad pabalik sa kani-kanilang pwesto.

Paminsan-minsan ay nakakaamoy pa rin si Marian ng matapang na amoy ng alkohol mula sa kawalan, ngunit ipinagkibit-balikat niya lamang ito. Sa kabilang banda, hindi maalis ang tingin ni Paulo sa kanya, pilit binabasa ang mga emosyong nakatago sa likod ng kanyang mga mata matapos ang naging pag-amin nito.

Napansin ng guro na malalim ang iniisip ng dalawa, kaya walang sabi-sabing pinatayo sila upang mag-solve ng math equation sa pisara.

Mabilis na natapos si Paulo at nakabalik sa upuan. Naiwang nakatayo si Marian, ramdam ang malamig na pawis sa noo habang nakatitig sa mga numerong tila sumasayaw.

Haist, ayoko talaga ng mga ganitong tanong. Magpanggap kaya akong nahihilo para makaiwas? Kahit kailan ay hindi niya naging paborito ang numero.

Pasikreto niyang sinilip ang gawa ni Paulo. Nang makitang mukhang tama ito, mabilis niyang kinopya ang pamamaraan at nakuha ang tamang sagot. Isang nakahihingang-luwag na sandali. Akma na siyang babalik sa upuan nang pigilan siya ng guro.

“Ipaliwanag mo kung paano mo 'yan na-solve.” Nagpadagundong sa tahimik na silid ang seryosong boses ng teacher.

Sa halip na kabahan, kalmadong ipinaliwanag iyon ni Marian gamit ang sariling pag-intindi. Lumabas ang husay niya sa pagpapaliwanag isang kasanayang pinanday ng maraming taon ng pagpe-presenta ng mga report sa korporasyon. Napanganga ang kanyang mga kaklase.

“Very good, Ms. Acenzado and Mr. Delos Reyes.”

“May tanong po ako,” hindi napigilan ni Marian ang sarili, taglay pa rin ang kumpiyansa ng kanyang tunay na edad. “Bakit ako lang po ang pinagpaliwanag niyo at hindi si Paulo?”

“Dahil mabilis niyang nasagutan ang nasa board, samantalang ikaw ay mukhang hindi mo alam at sumilip ka pa sa sagot niya, kaya kita tinanong.”

Ah, nahalata niya pala 'yun. Napangiti na lamang si Marian nang bahagya. “Naiintindihan ko po kayo.”

Gulat na gulat ang buong klase. Walang estudyanteng nakakatingin nang diretso sa gurong iyon sa sobrang higpit nito, pero tila nakipag-usap lang si Marian sa isang kapantay. Kakaiba rin ang naging tingin ng guro kay Marian tila nakakita ng isang matanda sa katawan ng isang dalagita.

*******

Absent ang susunod nilang guro sa Filipino, isang paboritong balita para sa buong klase. Kahit nagbilin ang class president na mag-aral, mabilis itong kinontra ni Mark. “Nasa lowest section tayo, 'di na natin kailangan 'yan!” Nagsimulang magkagulo at maghanap ng kanya-kanyang libangan ang lahat.

Isang kakaibang pagod ang dumagan sa balikat ni Marian. Dahil ayaw pa rin niyang maniwala sa sitwasyon, naisip niyang matulog na lang sa desk, umaasang sa kanyang paggising ay nasa tahimik na opisina na ulit siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Habang nagtatawanan ang iba, nagkayayaan ang grupo nina Paulo na tumambay sa baba. Akma sana nilang yayayain si Marian, ngunit nakita nilang mahimbing na itong natutulog.

Bakit ba kasi pinilit pa niyang pumasok eh hindi naman pala niya kaya, sa isip ni Paulo, bakas ang lambing habang pinagmamasdan ang tahimik na paghinga ng dalaga.

“Gisingin ba natin?” tanong ni James.

“Hayaan na muna natin siyang magpahinga,” awat ni Paulo.

Sinalubong sila ni Bianca na may matamis na ngiti. “Saan kayo pupunta? Bakit hindi kayo nagyayaya? Samahan niyo naman akong bumili ng chips sa canteen.”

Sa canteen, hindi mapigilan ni Paulo na ibukas ang usapan. “Guys, tingin niyo okay lang talaga si Marian?”

“Bakit kami ang tinatanong mo eh ikaw 'yung kasama niya?” balik ni James.

“Sobrang weird kasi ng mga kinikilos niya. Bianca, 'di ba mag-best friend kayo? Wala ba siyang nabanggit na kakaiba sa'yo?”

Umiling si Bianca habang kumakain ng chips. “Wala naman. Normal naman siya kaninang umaga bago mahulog sa hagdan. Hindi nga niya ako pinapansin mula nang makabalik tayo eh, para akong hangin. Baka wala lang sa mood.” Ipinakita nito ang isang maamong mukha na nagkubli sa anumang tensyon.

“Ah, alam ko na!” Mapang-asar na tumawa si James. “Hindi kaya nagtapat ng pag-ibig si Marian sa'yo, Paulo, tapos binasted mo? Kaya dahil magkatabi sila ni Bianca, sa kanya niya binubuntong yung inis niya!”

“Baliw, bakit naman gagawin 'yun ni Marian?” tanggol ni Mark.

“Pero totoo 'yung sinabi niya,” mahinang wika ni Paulo na nagpatigil sa lahat. “Dalawang beses niyang sinabi na... mahal niya raw ako.”

Halos maibuga ni Mark ang iniinom nito. Nanlaki ang mga mata nitong parang nakakita ng multo. “Totoo ba 'yang sinasabi mo?!”

“Bakit ba ang OA ng reaksyon mo?” naiiritang sita ni Bianca, pilit itinatago ang pagkabigla.

“Imposible lang kasing magkagusto si Marian kay Paulo!” giit ni Mark.

“Bakit naman naging imposible?” nakataas ang kilay na tanong ni Bianca.

“Oo nga,” gatong ni James. “Kahit mahina ang utak nitong si Paulo at laging nasa lowest section, 'di natin maitatangging maraming babaeng nagkakagusto sa kanya.”

“Bwisit ka, sinasabi mo bang bobo ako?” mabilis na simangot ni Paulo.

“Tama na nga 'yan, boys,” awat ni Bianca, ngumiti nang pilit para isara ang usapan. “Bukas na lang natin siya tanungin. In shock pa rin 'yun sa pagkahulog niya sa hagdan. Kayo kaya ang mahulog, 'di ba?”

Samantala, habang nakasubsob si Marian sa kanyang desk, unti-unting nagbago ang paligid sa loob ng kanyang panaginip. Ang maingay na tawanan sa silid ay naglaho at napalitan ng isang malamig at paulit-ulit na tunog.

Beep... Beep... Beep...

Tunog ba 'yun ng orasan? tanong niya sa sarili. Pero bakit parang nanggagaling sa isang makina?

Kasabay nito ang pagdaan ng malamig na hanging may dalang matapang na amoy ng alkohol at gamot. Pagkatapos, may isang boses ng lalaki na umalingawngaw. Malalim. Pamilyar. Puno ng labis na pangungulila.

“Sana... naging magkaklase tayo noon. Sana naprotektahan kita...”

Sino 'yun? Kaninong boses 'yun?

“Marian. Uy, Marian.”

Isang mainit at marahang tapik sa balikat ang mabilis na humatak sa kanya pabalik sa realidad. Napamulat siya nang mabilis at napasinghap. Pag-angat niya ng ulo, nakita niya si Bianca. Wala itong bahid ng pang-iinis. Puno lamang ito ng tunay na pag-aalala.

“Gising na, parating na daw si Sir para sa Araling Panlipunan,” malambing nitong sabi. “Okay ka lang ba? Binangungot ka ba? Pinagpapawisan ka kasi eh.”

Pinagmasdan ni Marian ang kaibigan gamit ang mata ng isang tatlumpu't isang taong gulang na sanay kumilatis ng mga pekeng tao sa opisina. Wala siyang nakitang kaplastikan sa mukha ni Bianca. Inosente ito. Isang tunay na kaibigang nag-aalala.

May kumurot sa puso ni Marian. Paano kung... wala naman talaga siyang masamang intensyon noon? Paano kung nagkamali lang ako ng husga sa kanya dahil sa mga mangyayari pa lang sa hinaharap?

“Ah... oo. Okay lang ako. Salamat sa paggising, Bianca.” mahinahong sagot niya, pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad.

Ngumiti si Bianca at tahimik na bumalik sa sariling upuan. Ngunit kahit gising na gising na si Marian at naririnig na ang normal na ingay ng klase, hindi pa rin maalis sa isip niya ang panaginip.

Kaninong boses 'yung naghahanap sa akin? At bakit parang galing sa ospital?

Pagkalipas ng tatlong linggo, tuluyan nang tinanggap ni Marian ang katotohanang nakapag-time travel siya pabalik sa nakaraan.

Isang tahimik na hapon, habang nakatitig siya sa labas ng bintana at nanonood ng mga naglalaro sa field, biglang may inilapag na nakabukas na balot ng mamon sa kanyang desk.

Pag-angat niya ng tingin, nakita niya si Bianca, pawisan galing sa pagtakbo mula sa canteen ngunit may malapad na ngiti. “Hati tayo,” hinihingal nitong sabi sabay upo sa tabi niya. “Napansin ko kasing kanina ka pa tahimik. Masama ba pakiramdam mo?”

Muling tinitigan ni Marian ang mga mata ni Bianca. Hinanap niya ang intensyong manira. Ngunit wala siyang nakita kundi isang simpleng teenager na nagmamalasakit sa kaibigan. Wala ang anino ng babaeng kinamuhian niya.

Ako lang ba ang nag-isip ng masama sa kanya noon? Dahan-dahan niyang kinuha ang mamon at gumanti ng isang tipid ngunit totoong ngiti. "Salamat, Bianca."

Naging normal na araw iyon isang araw na puno ng magaang pakiramdam na matagal na niyang hindi naranasan.

Kinagabihan, naiwan sina Marian at Paulo bilang cleaners. Tahimik na nagwawalis si Marian nang biglang agawin ni Paulo ang walis mula sa kanya.

“Ako na diyan. Maupo ka na lang, baka mahimatay ka na naman tapos ako na naman magbuhat sa'yo,” nakangising asar ng binata, inaasahang maiinis o kikiligin si Marian.

Ngunit imbes na mag-inarte, kalmadong pinagpagan ni Marian ang palda niya. Lumapit siya kay Paulo nang walang anumang kaba, inabot ang gusot nitong kuwelyo, at marahang inayos iyon.

“Sige. Pagbutihin mo ang pagiging cleaner para may maiambag ka naman.”

Natigilan si Paulo. Sa lapit ng mukha ni Marian, naamoy niya ang pamilyar nitong pabango. Pero may kakaiba wala na ang malilikot nitong mata na laging naghahanap ng atensyon niya. Ang mga mata nito ngayon ay kalmado, seryoso, at puno ng kumpiyansa. Bago pa siya makapagsalita, kaswal na itong tumalikod at umupo sa silya. Napahawak nang mahigpit si Paulo sa walis habang bumibilis ang tibok ng kanyang puso isang kakaibang kaba at init na ngayon niya lamang naramdaman para sa kababata.

Kinabukasan isang maulan na Lunes. Komportableng nakasandal si Marian, kumpiyansang alam na niya ang bawat mangyayari sa araw na iyon, nang biglang mag-anunsyo ang kanilang adviser.

“Bago tayo magsimula, may bago kayong kaklase.”

Napakunot ang noo ni Marian. Transfer student? Ngayong kalagitnaan ng school year? Wala ito sa mga nangyari noon.

Bumukas ang p***o at pumasok ang isang lalaking matangkad at maputi. Ngunit hindi ang mukha nito ang unang nakakuha ng atensyon ni Marian, kundi ang tindig nito. Kalmado. Diretsong nakatingin. Puno ng awtoridad na tila ba pag-aari nito ang buong kwarto isang tindig na pamilyar na pamilyar sa mga boss sa corporate world.

Nang humarap ang lalaki, tila huminto ang paghinga ni Marian.

Eugene Gonzales?! sya ba yung classmate ko nung Grade 6? Bakit siya nandito?

Napansin ni Paulo ang gulat na reaksyon ni Marian. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa bagong dating, habang unti-unting gumagapang ang init ng selos sa kanyang dibdib.

“Hi everyone,” panimula ng lalaki. Ang boses nito ay malalim at walang bahid ng kaba. “Ako nga pala si Eugene Gonzales.”

Hindi nag-ikot ang mga mata ni Eugene. Dumiretso ito kay Marian. Nang magtama ang kanilang paningin, isang pamilyar at misteryosong ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata.

“Sana...” patuloy ni Eugene, nakatitig nang malalim sa mga mata ni Marian, “maging maganda ang samahan natin.”

Kinilabutan si Marian, habang ang isip niya ay sumisigaw ng iisang tanong:

Imposible! Wala ka naman dito noon!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You weren't there before   Chapter 9

    “Pero, pre, tingnan mo ngayon si Eugene. Dapat ba natin siyang pigilan?” nag-aalalang tanong ni Mark, bahagyang hinawakan ang balikat ni James habang pinapanood nila ang nagbabadyang gulo mula sa kanilang pinagtataguan.Bago pa man makasagot si James, umalingawngaw ang matinis at mapanuyang boses ni Ginger sa buong pasilyo.“Ikaw ba ang boyfriend ni Bianca? Bakit palagi mo na lang siyang pinagtatanggol?” nakapamaywang na asik nito. Pilit nitong tinatapatan ang malamig na presensya ng binata, kahit halatang nanginginig na ang mga tuhod nito. “Hindi mo ba alam na malandi ang babaeng 'yan?”Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa likod ng lumang building. Ang kalmadong mukha ni Eugene ay biglang nagdilim. Isang nakakapasong tingin ang ipinukol niya sa tatlong babae isang tingin na nagpataas ng balahibo maging nina Mark at James.“Wala kang pakialam,” mababa, malamig, at madiin na sagot ni Eugene. Bawat salita ay may dalang mabigat na banta. Humakbang siya papalapit, sapat para sab

  • You weren't there before   Chapter 8

    Sinamantala ni Bianca ang pagkakataong abala ang karamihan para makalapit kay Marian. Pilit niyang pinanatili ang maamo at nakikiusap na tono habang binabasag ang tawanan nina Diane.“Marian, pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako, eh.”Hindi man lang lumingon si Marian. Nanatili ang atensyon nito sa naglalarong grupo. “Pasensya na, kanina pa tapos ang lunch break. Ayokong mapagalitan,” malamig at mabilis nitong sagot.Hindi sumuko si Bianca. Lumapit pa ito nang bahagya, desperadong makuha ang atensyon ng dating matalik na kaibigan. “Kung ganun... pwede mo ba akong samahan mag-CR? Gusto ko kasing ikaw ang kasama ko.”Pasikretong napairap si Marian. Bilang isang taong may utak ng tatlumpu't isang taong gulang, kabisadong-kabisado niya ang mga ganitong galawan sa opisina. Alam niyang hindi naman talaga pag-ihi ang pakay nito, kundi ang makipag-usap nang masinsinan nang walang ibang nakikinig.Haist, sige na nga. Para matapos na 'to.Tumayo si Marian at walang-salitang

  • You weren't there before   Chapter 7

    Halos walang tao sa loob ng silid-aralan nang sumapit ang oras ng P.E. Naiwan sina Marian at Eugene, tahimik na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.“May tanong ako,” basag ni Marian sa katahimikan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit bigla kang lumipat dito? Wala ka kasi dapat dito, kaya nagtataka ako.”Natigilan si Eugene. Kumunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”“Wala, kalimutan mo na,” mabilis na bawi ni Marian nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan. “Tara na, baka ma-late pa tayo.”Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang binata. “Ako din, may tanong ako sa'yo.” Sandali itong huminto bago nagpatuloy, “Ikaw ba, may gusto ka ba kay Paulo?”Humarap si Marian at tinitigan ang binata gamit ang mga mata ng isang matandang kaluluwa. “Bata, high school ka pa lang. Hanggat bata ka pa, i-enjoy mo na lang ang buhay mo at 'wag mo na akong pakialaman.”Pagdating sa gym, naging tahimik na battleground ang volleyball court. Nasa isang grupo sina Paulo at Eugene; sa kabilang panig

  • You weren't there before   Chapter 6

    Nang makabalik sina Bianca at Eugene sa classroom, isang hindi inaasahang eksena ang sumalubong sa kanila.Natigilan si Bianca sa mismong hamba ng pinto. Inaasahan niyang aabutan niya si Marian na tahimik na nakaupo at nag-aalala sa kanya. Ngunit sa kanang bahagi ng silid, nakita niya itong masiglang nakikipag-usap sa grupo nina Diane ang mismong grupo ng mga sikat na babae sa kanilang text clan. Kailanman ay hindi naging malapit si Marian sa mga ito, pero ngayon, tila matagal na silang magkakaibigan kung makipagtawanan ang dalaga.Gamit ang kakayahang makisama na natutunan sa loob ng maraming taon sa corporate world, kaswal at kalmadong nakikipagkwentuhan si Marian. Walang bahid ng pagiging pilit. Nakuha niya agad ang atensyon at pabor ng buong grupo.Sa kabilang banda, sa likurang bahagi ng silid, umaalingawngaw ang malalakas na tawanan nina James, Mark, at Paulo. Masaya silang nag-aagawan sa isang MP5 player, tila walang anumang pakialam sa nangyaring komprontasyon sa pasilyo kanin

  • You weren't there before   Chapter 5

    “Uy, ang aga niyo naman yata?” bati ni Bianca. Pilit niyang pinasigla ang tono habang lumalapit sa kanyang silya.Napalingon si Paulo. Imbes na salubungin ito ng nakasanayang ngiti, tila nabigla pa ang binata na kailangan na niyang lisanin ang pwesto.“Ay, nandiyan ka na pala. Sorry, napasarap lang 'yung kwentuhan namin ni Marian,” kamot-ulong paumanhin ni Paulo bago tumayo. Bago tuluyang umalis, nilingon niya muli ang dalaga. “Sabay tayo mag-recess mamaya, ah? Ako na bibili ng pagkain mo.”“Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain, Paulo. Pero sige, salamat.” kalmadong tugon ni Marian, walang bakas ng kilig na inasahan ng binata.Umupo si Bianca at padabog na inilabas ang kanyang kwaderno. Pasikreto niyang tinitigan si Marian. Bakit parang... ako 'yung naging third wheel sa sarili kong upuan? Wala pa siyang malinaw na galit sa kaibigan, sadyang nakaramdam lamang siya ng isang malamig na puwang na hindi niya maipaliwanag.Pagbalik ni Paulo sa kanyang upuan sa likuran, bumungad sa kanya

  • You weren't there before   Chapter 4

    “Uy, Marian, bakit ganyan ka makatingin? Na-love at first sight ka ba sa kanya?” pabulong na panunukso ni Bianca. Sinamahan niya ito ng mahinang tawa habang pasikretong tinutusok ng dulo ng ballpen ang tagiliran ng kaibigan.“Imbento ka. Parang kilala ko kasi yung taong 'yan.” Hindi maalis ang paningin ni Marian sa lalaking nakatayo sa harapan. Grade 6 pa sila huling nagkita, pero sigurado siyang si Eugene ang nasa harap nila ngayon.“Talaga? Paano?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Bianca sa kuryosidad.“Hindi ako sure. Wag kang maingay, baka marinig tayo,” mabilis na saway ni Marian, pilit pinapakalma ang utak niyang gulong-gulo sa pagbabago ng timeline.“Okay, Mr. Eugene Gonzales, saang school ka nga nanggaling?” basag ng guro sa mga bulungan ng klase.“Sa New York High Academy po, Ma'am.” Walang bahid ng kaba ang boses nito isang kalmadong tono na tila hindi nababagay sa isang ordinaryong high school student.“Oh, class, taga-Amerika ang kaklase niyo na ito. Kayo nang bahala sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status