FIONA'S POV"Fiona! Bingi ka ba? Ilang beses ko bang kailangang tawagin ang pangalan mo bago ka gumalaw diyan?" Nakatayo ako sa gitna ng living room habang diniduro ako ni Tita Agatha, ang stepmother ko. Namumula ang mukha niya sa galit at nanggagalaiti ang boses na umalingawngaw sa buong mansyon."A-Aayusin ko na po, Tita..." Pabulong at nanginginig kong sagot."Siguraduhin mo lang! Hindi ka namin pinalaki rito para maging palamuti lang! Sayang ang pinapakain namin sa ’yo kung kahit sa simpleng gawaing-bahay hindi ka mapakinabangan!" Sigaw niya bago marahas na tumalikod.Bago pa ako makahinga nang maluwag, dumating din si Beatrice habang may bitbit na isang malaking plastic bag ng mga lumang damit. Lumapit siya sa akin na may mapanuyang ngiti sa mga labi, at walang-awang inihagis ang plastic bag sa paanan ko."Oh, sa 'yo na 'yan," natatawang sigaw ni Beatrice habang nakataas ang kabilang kilay. "By the way, sira na pala yung iba d’yan. Pero check mo pa rin, ’di ba mahilig ka naman sa
Last Updated : 2026-11-06 Read more