Share

KABANATA 8: I WAITED FOR YOU

Author: butter.xxfly
last update publish date: 2026-11-11 10:22:18

FIONA’S POV

“Puwede ba tayong mag-usap bukas, kahit after work?” sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt.

“About what? Kung may sasabihin ka, go ahead. I’m listening. Isa pa, hindi mo na kailangang magtrabaho. I can give you anything you need, just stay with Paige.” Hindi man lang siya tumingin sa ’kin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Wait, wala naman sa agreement natin na hindi na ako puwedeng lumabas ng mansyon mo.” Bigla siyang napaharap sa ’kin nang tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic light.

“You’re my wife now, and if you really want to work, then work for me.” Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko.

“That’s not what I mean.” Napansin ko ang pamumula ng dulo ng tainga niya nang makita niya ang reaksyon ko. “Gusto kong pag-aralan mo ang lahat ng tungkol sa company in a deeper level. My wife should know about my business.” Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Paano nga naman namin mapapaniwala ang buong bansa na isa  na akong Del Fierro kung hindi nila ako makikita sa tabi niya tulad ng inaasahan ng lahat?

“Bakit parang ako lang ang kailangang mag-adjust?” Reklamo ko. “Walang problema ang tungkol kay Paige, kaya ko s’yang alagaan at magpaka-ina sa kanya, pero yung pagiging Mrs. Del Fierro, bigyan mo ’ko ng ample time, mas mabuti rin siguro kung sasabihin mo kung anong klaseng asawa ang gusto mo, para naman alam ko kung paano ako gagalaw lalo na kung nasa public place tayo at pinapanood ng marami. Gusto mo ba yung modest at classy wife na halatang asawa ng isang billionaire o yung—”

Hindi pa ako tapos magsalita ay agad na siyang umiling. “Hindi mo kailangang magpanggap ‘pag kasama mo ’ ko. Do anything you want, as long as Paige is happy, we’re good.” Sabi niya habang nakatutok pa rin siya sa pagda-drive. Mahal niya talaga ang anak niya.

“Okay. Kung gano’n, hindi naman pala ako mahihirapan. Pero gusto ko ring i-discuss sa ’yo yung mga conditions ko.” Tumingala ako at nakita kong nakatingin na siya sa ’kin. “You’re right, hindi natin napag-usapan ang tungkol d’yan. I don’t have anything to do tonight. We can talk later.” 

Nang sa wakas ay huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking double doors ng mansyon ng mga Del Fierro, agad na pinagbuksan kami ng p***o ng driver. Bahagya kong inayos ang hawak sa malaking tuxedo ni Gideon na nakabalot pa rin sa aking mga balikat. Nakatago roon ang napunit na strap ng gown ko at ang mantsa ng red wine na ibinuhos ni Beatrice. Pero bago pa man kami tuluyang makalapit sa hagdanan papunta sa second floor, isang maliit na kaluskos at mabilis na yabag ng mga paa ang umagaw ng atensyon namin galing sa grand living room.

"Mommy! Daddy!"

Napatigil ako at napangiti. Lumabas sa p***o ng living room si Paige, nakasuot ng kanyang pink pajamas, habang hawak-hawak ang isang stuffed rabbit at may katabing nag-aalalang nanny na halatang pilit siyang pinapatulog kanina pa.

"Paige? Bakit gising ka pa?" gulat kong tanong, sabay luhod nang bahagya para pantayan ang height niya kahit medyo nahihirapan ako dahil sa haba ng gown at sa laki ng coat ni Gideon. Hindi sumagot si Paige. Sa halip, patakbo siyang lumapit at agad na ipinalupot ang maliliit niyang bisig sa leeg ko. Napapikit ako habang naaamoy ang pamilyar na scent ng baby powder.

Lahat ng tensyon, galit, at pagod mula sa gala, ang sampal ko kay Blake, ang pagmumura ni Beatrice, at ang pangmamaliit ni Tita Agatha ay bigla na lang nawala habang marahan kong hinahaplos ang buhok ni Paige.

"I waited for you," pabulong na sabi ni Paige habang isinisiksik ang mukha niya sa leeg ko. "Nanny said you were at a party, but I couldn't sleep without my bedtime story."

Kumalas siya nang kaunti sa yakap at inangat ang maliit niyang mukha. Agad na kumunot ang noo niya nang mapansin ang mantsa ng alak sa damit ko at ang malaking coat ni Gideon na suot ko.

"Mommy, did you spill juice on your pretty dress?" tanong niya habang may bakas ng matinding pag-aalala sa kanyang malalaking mata. "Are you okay? Did someone hurt you?" Naramdaman ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ko. Napakasimple ng mundo ng isang bata, pero wala siyang idea kung paanong ang mga simpleng tanong na ’yon ang nagpabuo ng gabi ko.

"I'm okay, Paige," mahinahon kong sagot habang hinahawakan ang malambot niyang pisngi. "Maliligo lang sandali si Mommy, then sasamahan kita sa room mo. Okay lang ba kung starting tonight si Mommy na ang magbasa ng stories sa ’yo?" Nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya. Bago tumalon-talon sa tuwa.

"Daddy, have you heard Mommy? Does that mean I can visit your room every night?" Akala ni Paige ay magkasama kami sa room ni Gideon, pero lumilipat kami sa magkaibang room kapag nakatulog na siya.

“Didn’t I tell you Mom and Dad need privacy?” singit ng mababa at malamig na boses ni Gideon mula sa likuran ko. Nakatingala si Paige sa daddy n’ya.

Tumingala rin ako at nakitang nakatayo siya roon. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng kanyang slacks habang nakatitig sa aming dalawa ni Paige. Wala na ang matalim at halos nakakamatay na tingin na ginamit niya kina Blake at Tita Agatha sa gala. Napalitan iyon ng isang mahinahong ekspresyon na bihira kong makita sa kanya.

Lumapit si Gideon at dahan-dahang binuhat si Paige gamit ang isang braso. Si Paige naman ay mabilis na yumakap sa leeg ng kanyang Daddy habang nakatingin pa rin sa akin.

"It's way past your bedtime, young lady," naririnig ang awtoridad sa boses niya, pero may kakaibang saya tuwing kausap niya ang bata, walang halong kahit anong  galit. "Let's get you to bed so Mommy can rest and change her dress."

"But Mommy will be the one to read a story for me tonight, won’t she? Please, Mommy," pakiusap ni Paige habang nakatingin sa akin na halos magmakaawa.

Natinginan kami ni Gideon. Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Of course. Shower lang si Mommy nang mabilis, then pupuntahan kita agad sa room mo."

Bahagya akong kumatok sa dimly lit na room ni Paige pagkatapos kong maligo at magbihis ng cotton sleepwear. Biglang bumangon si Paige nang makita niya ako. “Ready ka na ba? Magbabasa na tayo ng story.” 

Nakaupo si Gideon sa gilid ng kama habang hawak ang storybook. Umupo rin ako sa kabilang gilid at kinuha ’yon sa kanya. “Sige na maligo ka na. Ako na ang bahala kay Paige.” Ilang minuto pa niya akong tinigigan bago tumango. Agad na gumapang si Paige patungo sa gitna namin at isiniksik ang sarili sa tabi ko, hawak ang kamay ko habang ipinipikit na ang kanyang mga mata.

“Stay here for a little while, Daddy.” Mahinang pakiusap ni Paige habang halatang pinipigilan ang antok. Agad na bumalik si Gideon sa gilid ng kama kung saan siya nakaupo kanina. Sinimulan ko nang magbasa bago ko napansin na unti-unting bumigat ang mga pilikmata ni Paige hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog nang mahimbing. Dahan-dahan kong inayos ang kumot niya at h******n ang kanyang noo.

"Thank you," mahina niyang sabi mula sa kabilang gilid ng kama. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

“Para saan?” tanong ko gamit ang mahinang boses para hindi magising si Paige.

"I've never seen her this excited," sagot ni Gideon.

“She’s nice and smart. Nakakatuwa na gustong-gusto niya ako. Pero kamukha ko ba talaga ang mommy niya?”

"Hindi," sagot niya bago tumayo. “Sige na, you may now go to your room,” malamig niyang sabi at agad nag-iiwas ng tingin.

“Sandali lang, antayin mo ’ko. Pag-uusapan pa natin ’yung tungkol sa mga conditions ko, ’di ba?” Mabilis akong sumunod sa kanya habang maingat siyang naglalakad para hindi magising si Paige.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 11: NOT MY DAUGHTER

    FIONA’S POVHalos hindi ko maramdaman ang bigat ng heels ko habang naglalakad kami sa napakalawak at kumikintab na lobby ng Del Fierro Tower. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa mga empleyado sa reception area hanggang sa mga executives na naghihintay sa elevator. Sanay naman ako sa atensyon noon dahil sa apelyido ni Daddy, pero iba ang bigat kapag ang apelyidong dala mo ay Del Fierro. Lalo na kapag nakakapit nang mahigpit sa kamay mo ang nag-iisang tagapagmana ni Gideon Del Fierro."Look, Mommy! Big fish!" turo ni Paige sa malaking indoor aquarium sa gilid ng executive lobby. Ang maliit niyang kamay ay bahagyang humihila sa akin habang ang kabila ay nakayakap sa kanyang bunny plushie.Ngumiti ako at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin niya. "Yes, love. Pero huwag tayong lalayo, okay? We're going straight to our office."Nang mag-angat ako ng tingin, nahuli ko ang mga mata ni Gideon ilang hakbang lang mula sa amin. Nakatayo siya sa harap ng privat

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 10: UNSPOKEN ATTRACTION

    GIDEON’S POVMaaga akong nagising para tapusin ang ilang documents bago ang opisyal na pagsisimula ng unang araw ni Fiona bilang Chief Strategy Officer. Alam kong malaking adjustment ang mangyayari dahil sa desisyon kong tanggapin siya sa bahay ko. Hindi lang sa company kundi pati na rin sa bagong takbo ng buhay namin ni Paige. Tahimik akong naglakad papunta sa room ni Paige. Maaga siyang magising, pero bakit kaya hindi pa siya bumababa para kulitin ako? Kumunot ang noo ko nang madatnan kong bukas ang pinto at wala ng tao sa kama.Nasaan sila?Bigla akong kinabahan. Hindi pa puwedeng maligo nang mag-isa si Paige; delikado kung maabot niya ang mainit na tubig nang walang nagbabantay sa kanya, o kung madulas man siya sa loob ng mag-isa. At never pa akong sinuway ni Paige. Nang marinig ko ang giggles niya sa loob ng CR, hindi na ako nag-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto."Paige—"Napatigil ako, kasabay ng pagtigil ng mga paa ko. Halos ilang segundo akong nakatayo do’n. Nakaluhod s

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 9: MY NAME IS YOUR SHIELD

    FIONA’S POVHindi pa rin nagbabago ang lamig ng aircon sa loob ng office ni Gideon. Nakatayo lang ako sa harap ng mesa habang pinapanood ko siyang kumuha ng isang folder. Suot ko pa rin ang simpleng cotton sleepwear habang medyo basa pa ang dulo ng buhok ko dahil sa mabilisang pagligo."Have a seat," utos ni Gideon sa mababang at may awtoridad niyang boses habang itinuturo ang katapat na upuan.Agad kong hinila ang upuan para makaupo at masabi ang lahat ng mga conditions na pinaghandaan kong sabihin sa kanya. Agad akong umupo. At pinatong ang mga braso ko sa mesa at diretso siyang tinitigan sa mga mata."We should treat this as a business deal, Gideon," panimula ko sa malinaw at pormal na tono. "Pero bago tayo magpatuloy sa pagpapanggap na 'to sa harap ng buong mundo, may mga conditions din ako." Tinitigan niya ako nang may bahagyang pag-angat ng kilay, para bang tinitimbang kung gaano ako kaseryoso. "I'm listening." Sabi niya, gamit ang modulate at nahinahong boses."Una," itinaas k

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 8: I WAITED FOR YOU

    FIONA’S POV“Puwede ba tayong mag-usap bukas, kahit after work?” sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt.“About what? Kung may sasabihin ka, go ahead. I’m listening. Isa pa, hindi mo na kailangang magtrabaho. I can give you anything you need, just stay with Paige.” Hindi man lang siya tumingin sa ’kin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.“Wait, wala naman sa agreement natin na hindi na ako puwedeng lumabas ng mansyon mo.” Bigla siyang napaharap sa ’kin nang tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic light.“You’re my wife now, and if you really want to work, then work for me.” Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko.“That’s not what I mean.” Napansin ko ang pamumula ng dulo ng tainga niya nang makita niya ang reaksyon ko. “Gusto kong pag-aralan mo ang lahat ng tungkol sa company in a deeper level. My wife should know about my business.” Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Paano nga naman namin mapapaniwala ang buong bansa

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 7: I GOT YOU

    FIONA’S POV"Fiona!" sigaw ni Tita Agatha na halos umagaw ng atensyon ng lahat at siguradong gusto niyang iparinig sa mga reporter para ipahiya ako. "Wala ka talagang utang na loob! Iniwan mo ang pamilya mo para lang magpakasasa sa yaman ng iba? Ibinenta mo ang sarili mong kaluluwa para lang makuha ang apelyidong Del Fierro!"Nagsimulang magbulungan ang mga bisita sa paligid. Ang mga flashing lights ng mga camera ay mas lalong naging mabilis.Sa gitna ng pag-e-eskandalo ni Tita Agatha at sa kislap ng mga camera ng media, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Paige. Bago kami umalis sa mansyon kanina, iniwan ko siyang masayang nagpapatulong sa nanny niya na mag-drawing ng portrait naming tatlo. Ang maliliit niyang bisig na nakayakap sa leeg ko, ang inosente niyang boses na nagsasabing, "Mommy looks so pretty for Daddy. Come home early, okay? I'll wait for you."Siguradong hindi siya matutuwa kung malalaman niya na ang tinatawag niyang Mommy ay hinahayaan lang na tratuhin siyang paran

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 6: PUBLIC DEBUT

    FIONA’S POVWala pang tatlong oras matapos kong marinig na may inutusan si Gideon ay napuno na agad ng mga tao ang nakalaang suite sa second floor ng mansyon. Isang kilalang team ng mga fashion stylists, makeup artists, at hair designers—na madalas ko lang makita sa mga international fashion magazines —ang pumasok bitbit ang limang mobile rack ng mga customized haute couture gowns at milyun-milyong halaga ng mga jewelry."Mrs. Del Fierro, Mr. Del Fierro specifically requested an emerald green silhouetted gown for you tonight," magalang na bungad ng head stylist habang ipinapakita ang isang strapless silk gown na may malalim ngunit eleganteng slit sa gilid. "It matches the Del Fierro family heirloom emeralds."Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng floor-to-ceiling mirror. Sa loob ng maraming taon, nasanay akong magsuot ng mga lumang damit ni Beatrice—mga damit na may punit, lumuwag na, o itinapon na dahil hindi na uso. Pero ngayon, habang dahan-dahang inilalapat ng stylist ang silk go

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status