مشاركة

KABANATA 6: PUBLIC DEBUT

مؤلف: butter.xxfly
last update تاريخ النشر: 2026-11-11 10:21:09

FIONA’S POV

Wala pang tatlong oras matapos kong marinig na may inutusan si Gideon ay napuno na agad ng mga tao ang nakalaang suite sa second floor ng mansyon. Isang kilalang team ng mga fashion stylists, makeup artists, at hair designers—na madalas ko lang makita sa mga international fashion magazines —ang pumasok bitbit ang limang mobile rack ng mga customized haute couture gowns at milyun-milyong halaga ng mga jewelry.

"Mrs. Del Fierro, Mr. Del Fierro specifically requested an emerald green silhouetted gown for you tonight," magalang na bungad ng head stylist habang ipinapakita ang isang strapless silk gown na may malalim ngunit eleganteng slit sa gilid. "It matches the Del Fierro family heirloom emeralds."

Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng floor-to-ceiling mirror. Sa loob ng maraming taon, nasanay akong magsuot ng mga lumang damit ni Beatrice—mga damit na may punit, lumuwag na, o itinapon na dahil hindi na uso. Pero ngayon, habang dahan-dahang inilalapat ng stylist ang silk gown sa katawan ko, tila unti-unting nabubura ang Fiona na dating binubully at itinuturing na katulong sa sarili niyang tahanan.

Inayos ang buhok ko sa isang malinis at eleganteng style, habang pinalabas ang subtle smokey eye makeup at deep crimson lipstick na hindi ko in-expect na babagay sa event. Nang isuot sa leeg ko ang mabigat at kumikislap na diamond and emerald necklace, natigilan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bagong buhay na pinasok ko.

Hanggang sa narinig ko na may kumatok bago bumukas ang p***o at pumasok si Gideon. Napatigil ang lahat ng staff at agad na yumuko bago mabilis na lumabas ng kuwarto para bigyan kami ng privacy.

Naka-suot si Gideon ng isang sharply tailored black tuxedo na lalong nagpalabas ng kanyang matangkad at imposing na pangangatawan. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Ang kanyang mga matatalim na mata ay dumaan mula sa dulo ng aking buhok hanggang sa heels na suot ko.

"You look..." panimula niya. May kung anong kakaiba sa tono ng boses niya na agad nagpakaba sa ’kin. "...formidable."

"Ini-expect kong maganda ang sasabihin mo, pero tatanggapin ko na ang 'formidable'," sarkastiko kong sagot habang inaaayos ang dulo ng gown ko.

Bahagyang napataas ang gilid ng labi niya. Lumapit pa siya nang isang hakbang—sapat ang lapit para maamoy ko ang pamilyar niyang woody fragrance. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at pinalitan ang posisyon ng kumikislap na emerald pendant sa dibdib ko. Mainit ang mga daliri niya nang mapalapit ang mga ito sa balat ng leeg ko, dahilan para mapasinghap ako nang mahina at mapatitig sa kanyang mga mata.

"Tonight is not just a party, Fiona," pabulong niyang sabi habang nakatitig sa mga labi ko bago muling tumingin sa mga mata ko. "The Board of Directors will try to pick you apart. They want to see if you're a weakness they can use against me. Don't let them see you sweat."

"I’m better at acting than you think, Gideon," mariin kong sagot, pinapanatiling matatag ang boses ko sa kabila ng matinding presensya niya.

"Really? Let’s see," sagot niya bago niya inilagay ang kanyang siko sa harap ko. "Then take my arm, Mrs. Del Fierro. It's time to show them who rules this city."

Pagbaba pa lang ng aming mamahaling black Maybach sa tapat ng Grand Hyatt Ballroom, pinalibutan agad ang sasakyan ng daan-daang flashing lights mula sa mga reporters at photographers. Ito ang Del Fierro Enterprise Annual Gala—ang pinakamalaking event ng mga pinakamayamang negosyante, pulitiko, at high-society figures sa bansa. Bumaba si Gideon at dahan-dahang inabot ang kamay niya sa akin. Huminga ako nang malalim, pinalakas ang loob ko, at inilagay ang kamay ko sa kanyang malaki at mainit na palad.

Nang makaapak ang heels ko sa red carpet, biglang lumakas ang sigawan ng mga reporter.

"Mr. Del Fierro! Is it true that you got married?" Tanong ng isang matandang reporter. "Sino ang misteryosong babaeng kasama niyo, Sir?" Dagdag niya nang walang makuhang sagot mula kay Gideon. "Is she a Samaniego?" Halos mapatigil ako sa paglalakad, pero mas hinigpitan ni Gideon ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang sinasabi na magpatuloy lang ako sa paglakad. Bago niya ilagay ang kamay niya sa baywang ko, bahagya niya akong hinila palapit sa kanya.

Hindi nagbago ang malamig na ekspresyon ni Gideon. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa baywang ko habang naglalakad kami papasok sa venue. “Don’t mind them, Fiona.” Mahina niyang bulong, bahagya kong naramdaman ang paglapat ng labi niya sa tainga ko. Pagpasok namin sa loob ng grand ballroom, biglang natahimik ang paligid. Ang napakaraming bisitang kanina lang ay abala sa pakikipag-usap ay sabay-sabay na napalingon sa aming dalawa.

"Mr. Del Fierro." Isang matandang lalaki na may malamig na mukha at nakasuot ng mamahaling suit ang lumapit sa amin, kasunod ang ilang miyembro ng Board of Directors. Siya si Mr. Eduardo, ang Senior Board Member ng Del Fierro Enterprise. Kinilala ko silang lahat. Hindi ako puwedeng humarap nang hindi handa.

"Mr. Eduardo," malamig na bati ni Gideon.

Matalim akong tinitigan ng matanda mula ulo hanggang paa bago nagpakawala ng isang mapanuyang ngiti. "So the rumors are true. Nabigla ang buong Board nang lumabas ang balita. So, isa nga ba siyang Samaniego?"

May ilang katabing negosyante ang bahagyang natawa nang mahina. "Balita namin ay bankrupt na ang Samaniego Group," dagdag ng isa pang board member. "Is it wise to attach the Del Fierro name to a family facing legal and financial ruin? This is to warn you, Mr. Del Fierro. I didn’t expect you to look just at physical appearance, though." Rinig na rinig ko ang disappointment sa boses niya.

Naramdaman ko ang pagtigas ng muscles sa braso ni Gideon. Pero bago pa siya magsalita ay agad akong ngumiti at ako na mismo ang sumagot sa tanong niya.

"If I may speak, Sir," pumasok ako sa pag-uusap gamit ang isang malinaw, pormal, at direktang tono na nagpatahimik sa kanila.

Nangunot ang noo ng matanda. "Speak, young lady."

"My surname used to be Samaniego," matapang kong sabi habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "But as of yesterday, my name is Fiona Del Fierro. Lahat ng issue related to Samaniego Group ay wala nang kinalaman sa akin o sa asawa ko. At kung nag-aalala kayo sa reputasyon ng Del Fierro Enterprise..."

Bahagya akong ngumiti—isang malamig at aral na ngiti na natutunan ko mula kay Gideon. "...I suggest you check tonight's stock market movement after our marriage announcement. Because if I'm not mistaken, Del Fierro shares just hit a record high the moment Gideon named me his wife."

Natigilan ang buong Board. Wala ni isa sa kanila ang nakapagsalita. Nakatitig lang sila sa akin na halos hindi makapaniwala. Sa tabi ko, naramdaman ko ang bahagyang pagtama ng dibdib ni Gideon sa balikat ko. Nang tumingala ako para lingunin siya, nakatitig siya sa akin. Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata niya. Kinindatan niya ako at mas lalo akong inilapit sa kanya.

"You heard my wife," malamig na boses ni Gideon na pumutol sa katahimikan. "Fiona speaks with my full authority. Questioning her position means questioning mine. Am I clear?"

"C-Clear, Mr. Del Fierro," mabilis na sagot ni Mr. Eduardo habang yumuyuko nang bahagya bago mabilis na umalis kasama ang iba pang board members. Nang maiwan kaming dalawa sa gitna ng hall, huminga ako nang malalim at naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng tuhod ko sa tensyon. Pero bago pa ako mahulog, mas lalong hinigpitan ni Gideon ang kapit sa baywang ko para alalayan ako.

"You were brilliant," pabulong niyang sabi sa tainga ko. 

"Sinabi ko sa 'yo e, magaling ako dito," pabulong ko ring sagot habang nakangiti para sa mga nakatinging bisita. "Hindi ako magiging pabigat."

Ngunit bago pa man kami makahinga nang maluwag, biglang nagkagulo sa may p***o ng VIP room sa gilid ng hall. Napatigil ako nang makita ko kung sino ang pumasok. Naka-suit si Blake, habang nakahawak sa braso niya si Roxie na nakasuot ng royal blue gown. Sa likod nila ay nakatayo si Beatrice at si Tita Agatha, kasama ang dalawang security ng venue na pilit silang pinipigilan, ngunit tulad ng pagkakakilala ko kay Tita Agatha, walang kahit sino ang makakapigil sa kanya kahit gumagawa siya ng eksena, makapasok lang sila.

Nang magtagpo ang mga mata namin ni Blake, nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mga mata niya. Pinaghandaan ko na ang mga oras na ito. Bago pa man ako lumakad sa red carpet, hindi  na ako ang dating mahinang Fiona. Ngumiti ako nang bahagya bilang isang bagong Fiona na nakatayo sa tabi ng pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa.

Nang magtagpo ang mga mata namin ni Blake, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Biglang bumalik sa utak ko ang eksena sa park—ang mga halik nila ni Roxie, lahat ng panlolokong ginawa nila sa ’kin. Pinaghandaan ko na ang mga oras na ito. Bago pa man ako lumakad sa red carpet, hindi  na ako ang dating mahinang Fiona. Gusto kong ngumiti, gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ako ang natalo sa ’min, pero nanuyo ang lalamunan ko. Kung hindi lang dahil sa marahang paghigpit ng hawak ni Gideon sa baywang ko, baka tuluyan na akong napaatras. Bago ko pa makalimutang nakatayo ako sa tabi ng pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa, agad kong narinig ang boses niya. “I think your family wanna greet you.”

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 11: NOT MY DAUGHTER

    FIONA’S POVHalos hindi ko maramdaman ang bigat ng heels ko habang naglalakad kami sa napakalawak at kumikintab na lobby ng Del Fierro Tower. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa mga empleyado sa reception area hanggang sa mga executives na naghihintay sa elevator. Sanay naman ako sa atensyon noon dahil sa apelyido ni Daddy, pero iba ang bigat kapag ang apelyidong dala mo ay Del Fierro. Lalo na kapag nakakapit nang mahigpit sa kamay mo ang nag-iisang tagapagmana ni Gideon Del Fierro."Look, Mommy! Big fish!" turo ni Paige sa malaking indoor aquarium sa gilid ng executive lobby. Ang maliit niyang kamay ay bahagyang humihila sa akin habang ang kabila ay nakayakap sa kanyang bunny plushie.Ngumiti ako at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin niya. "Yes, love. Pero huwag tayong lalayo, okay? We're going straight to our office."Nang mag-angat ako ng tingin, nahuli ko ang mga mata ni Gideon ilang hakbang lang mula sa amin. Nakatayo siya sa harap ng privat

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 10: UNSPOKEN ATTRACTION

    GIDEON’S POVMaaga akong nagising para tapusin ang ilang documents bago ang opisyal na pagsisimula ng unang araw ni Fiona bilang Chief Strategy Officer. Alam kong malaking adjustment ang mangyayari dahil sa desisyon kong tanggapin siya sa bahay ko. Hindi lang sa company kundi pati na rin sa bagong takbo ng buhay namin ni Paige. Tahimik akong naglakad papunta sa room ni Paige. Maaga siyang magising, pero bakit kaya hindi pa siya bumababa para kulitin ako? Kumunot ang noo ko nang madatnan kong bukas ang pinto at wala ng tao sa kama.Nasaan sila?Bigla akong kinabahan. Hindi pa puwedeng maligo nang mag-isa si Paige; delikado kung maabot niya ang mainit na tubig nang walang nagbabantay sa kanya, o kung madulas man siya sa loob ng mag-isa. At never pa akong sinuway ni Paige. Nang marinig ko ang giggles niya sa loob ng CR, hindi na ako nag-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto."Paige—"Napatigil ako, kasabay ng pagtigil ng mga paa ko. Halos ilang segundo akong nakatayo do’n. Nakaluhod s

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 9: MY NAME IS YOUR SHIELD

    FIONA’S POVHindi pa rin nagbabago ang lamig ng aircon sa loob ng office ni Gideon. Nakatayo lang ako sa harap ng mesa habang pinapanood ko siyang kumuha ng isang folder. Suot ko pa rin ang simpleng cotton sleepwear habang medyo basa pa ang dulo ng buhok ko dahil sa mabilisang pagligo."Have a seat," utos ni Gideon sa mababang at may awtoridad niyang boses habang itinuturo ang katapat na upuan.Agad kong hinila ang upuan para makaupo at masabi ang lahat ng mga conditions na pinaghandaan kong sabihin sa kanya. Agad akong umupo. At pinatong ang mga braso ko sa mesa at diretso siyang tinitigan sa mga mata."We should treat this as a business deal, Gideon," panimula ko sa malinaw at pormal na tono. "Pero bago tayo magpatuloy sa pagpapanggap na 'to sa harap ng buong mundo, may mga conditions din ako." Tinitigan niya ako nang may bahagyang pag-angat ng kilay, para bang tinitimbang kung gaano ako kaseryoso. "I'm listening." Sabi niya, gamit ang modulate at nahinahong boses."Una," itinaas k

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 8: I WAITED FOR YOU

    FIONA’S POV“Puwede ba tayong mag-usap bukas, kahit after work?” sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt.“About what? Kung may sasabihin ka, go ahead. I’m listening. Isa pa, hindi mo na kailangang magtrabaho. I can give you anything you need, just stay with Paige.” Hindi man lang siya tumingin sa ’kin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.“Wait, wala naman sa agreement natin na hindi na ako puwedeng lumabas ng mansyon mo.” Bigla siyang napaharap sa ’kin nang tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic light.“You’re my wife now, and if you really want to work, then work for me.” Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko.“That’s not what I mean.” Napansin ko ang pamumula ng dulo ng tainga niya nang makita niya ang reaksyon ko. “Gusto kong pag-aralan mo ang lahat ng tungkol sa company in a deeper level. My wife should know about my business.” Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Paano nga naman namin mapapaniwala ang buong bansa

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 7: I GOT YOU

    FIONA’S POV"Fiona!" sigaw ni Tita Agatha na halos umagaw ng atensyon ng lahat at siguradong gusto niyang iparinig sa mga reporter para ipahiya ako. "Wala ka talagang utang na loob! Iniwan mo ang pamilya mo para lang magpakasasa sa yaman ng iba? Ibinenta mo ang sarili mong kaluluwa para lang makuha ang apelyidong Del Fierro!"Nagsimulang magbulungan ang mga bisita sa paligid. Ang mga flashing lights ng mga camera ay mas lalong naging mabilis.Sa gitna ng pag-e-eskandalo ni Tita Agatha at sa kislap ng mga camera ng media, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Paige. Bago kami umalis sa mansyon kanina, iniwan ko siyang masayang nagpapatulong sa nanny niya na mag-drawing ng portrait naming tatlo. Ang maliliit niyang bisig na nakayakap sa leeg ko, ang inosente niyang boses na nagsasabing, "Mommy looks so pretty for Daddy. Come home early, okay? I'll wait for you."Siguradong hindi siya matutuwa kung malalaman niya na ang tinatawag niyang Mommy ay hinahayaan lang na tratuhin siyang paran

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 6: PUBLIC DEBUT

    FIONA’S POVWala pang tatlong oras matapos kong marinig na may inutusan si Gideon ay napuno na agad ng mga tao ang nakalaang suite sa second floor ng mansyon. Isang kilalang team ng mga fashion stylists, makeup artists, at hair designers—na madalas ko lang makita sa mga international fashion magazines —ang pumasok bitbit ang limang mobile rack ng mga customized haute couture gowns at milyun-milyong halaga ng mga jewelry."Mrs. Del Fierro, Mr. Del Fierro specifically requested an emerald green silhouetted gown for you tonight," magalang na bungad ng head stylist habang ipinapakita ang isang strapless silk gown na may malalim ngunit eleganteng slit sa gilid. "It matches the Del Fierro family heirloom emeralds."Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng floor-to-ceiling mirror. Sa loob ng maraming taon, nasanay akong magsuot ng mga lumang damit ni Beatrice—mga damit na may punit, lumuwag na, o itinapon na dahil hindi na uso. Pero ngayon, habang dahan-dahang inilalapat ng stylist ang silk go

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status