Share

KABANATA 3: CONTRACT SIGNED

Author: butter.xxfly
last update publish date: 2026-11-06 13:06:01

GIDEON'S POV

"Sir, lahat po ng details tungkol sa kanya ay na-send ko na sa email ninyo. Kasama na po namin siya ngayon. Papunta na kami diyan sa mansyon," boses ng head ng security team ko sa kabilang linya.

"Good. Make sure no one followed you," malamig kong utos bago ko tinapos ang tawag. Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng office ko, nakatitig sa mga ilaw ng iba pang building na makikita mula do’n, habang hawak ang isang baso ng whisky.

Pakasalan mo ako.

Iyon ang naging huling sinabi sa akin ni Fiona Samaniego sa tawag bago siya tuluyang humagulgol. A desperate move from a desperate woman. Habang hinihintay ang pagdating niya, pinapaalala ko sa sarili ko kung ano ang puwedeng mangyari kapag ibinigay ko ang gusto niya. Isa akong bilyonaryo na kinatatakutan ng marami. Iyan ang madalas kong marinig sa iba, pero pagdating sa anak kong si Paige, lahat kaya kong gawin para mapasaya lang siya.

Nahirapan akong makahanap ng taong puwede kong pagkatiwalaan pagdating sa kanya. Pero nang makita ko kung paano niya ako sinigawan kanina kahit na may hawak akong baril, I knew she was concerned about my little girl.

Hindi mabilis para kay Paige na magtiwala sa ibang tao. Pero kanina sa park? Niyakap niya si Fiona at tinawag na Mommy. For four long years, ngayon ko lang nakitang ganito kasaya at kagustong kumapit si Paige sa isang tao.

Bumukas ang p***o ng office ko. Pumasok si Fiona kasama ang dalawa kong guards. Basang-basa siya ng pawis at tulad ng madatnan ko siya kanina, mukhang kakagaling lang niya sa pag-iyak. Nanginginig ang mga kamay, pero pilit niyang itinataas ang baba niya para magmukhang matapang sa harap ko.

"Leave us," utos ko sa mga guards. Mabilis silang lumabas at isinara ang p***o.

Tinitigan ko si Fiona mula ulo hanggang paa. "You called me in the middle of the night, demanding a marriage. Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Fiona? Do you even know who I am?"

"S-Seryoso ako," nanginginig ang boses niya, pero diretso siyang nakatitig sa mga mata ko. "Gagawin ko ang lahat kay Paige. Alagaan siya, mahalin siya, protektahan siya 24/7. But I need your name. I need you to marry me."

Lumapit ako nang dahan-dahan sa kanya, isinilid ang isang kamay sa bulsa ng aking slacks. "At bakit ko naman gagawin 'yon? What makes you think you can demand a marriage from Gideon Del Fierro? Money? Protection from your ex-boyfriend?"

"I'm escaping my family!" Bigla niyang sinagot habang nangangatal ang boses, kasabay ng muling pagpatak ng mga luha sa mata niya. "Ibebenta nila ako! Ipapakasal nila ako kay Don Ramon, ni hindi ko siya kilala, para lang bayaran ang utang ng kumpanya namin! Sabi nila, matanda na raw ‘yon at madalas manikit ng asawa. Tulungan mo ‘ko, please. Natatakot ako."

Huminto ako sa paglakad. “At sa ‘kin, hindi ka natatakot?” Naalala ko ang reaksyon niya nang magpaputok ako ng baril kanina.

“Alam kong mahal mo ang anak mo, and if she thinks I’m her mom, siguro naman hindi mo ako sasaktan, ’di ba?” Agad na napataas ang gilid ng labi ko. Well, she had a point.

Don Ramon. Isang matandang sakim sa negosyo na kilala sa maduming kalakalan at pang-aabuso. Bahagyang tumakbo ang utak ko bilang isang businessman. Ang hiling niyang kasal ay hindi lang magiging solusyon para sa kanya—isa ring malaking opportunity para sa akin.

Una, si Paige. Fiona is the only person who can keep Paige emotionally stable. I would burn the world down just to keep my daughter happy.

Pangalawa, my own family at ang board of directors. Matagal na nila akong pinipilit na mag-asawa ng babaeng nanggaling sa matataas na pamilya para sa business merger. But a high-society wife means corporate espionage, messy family politics, and higher risk sa property ko.

Pero si Fiona? She has no power. She has no leverage. She comes to me in absolute desperation, which means I hold 100% of the cards. She will be a completely controllable wife who will strictly focus on Paige. Besides, malaki ang koneksyon ko, just in case kailangan na naming maghiwalay legally. Siguradong magiging madali lang ang process no’n.

"Don Ramon is a ruthless man," malamig kong sabi habang binubuksan ang drawer ng desk ko. "Once you carry my surname, no one in this country, not even your father or Don Ramon, can ever touch a single hair on your head." Kinuha ko ang isang folder mula sa drawer at inihagis ito sa mesa sa harap niya.

"What's this?" tanong niya habang nakatitig rito.

"Marriage contract," sagot ko. "If you want my protection, these are my terms." Habang binubuksan niya ang folder, binasa ko sa kanya ang pinakamahalagang rules:

"First, strictly no real romance or emotional attachment between us. This is a pure business transaction and a legal arrangement for Paige. Second, we will present ourselves as a loving married couple in public to silence the media and my family. Third, total devotion to Paige."

Tumingin si Fiona sa akin, halatang nanginginig ang mga kamay habang hawak ang ballpen. "A-And in return?"

"You get my full protection, unlimited financial budget, and the Del Fierro name," sagot ko nang walang emosyon. "In return, you belong to this mansion now. You don't make any moves without my permission."

Natahimik agad si Fiona. Nakita ko ang takot sa mga mata niya, pero nakita ko rin ang matinding determinasyon na huwag nang bumalik sa pamilya niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ballpen sa papel at pinirmahan niya sa ibabang bahagi ng kontrata.

Napangiti ako nang bahagya—isang malamig at kontroladong ngiti. She just signed away her freedom and walked right into my golden cage.

"You will do your duties to my daughter, and you will be under my protection," sabi ko habang kinuha ko ang kontrata. "Starting tonight, your family doesn't exist anymore."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 11: NOT MY DAUGHTER

    FIONA’S POVHalos hindi ko maramdaman ang bigat ng heels ko habang naglalakad kami sa napakalawak at kumikintab na lobby ng Del Fierro Tower. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa mga empleyado sa reception area hanggang sa mga executives na naghihintay sa elevator. Sanay naman ako sa atensyon noon dahil sa apelyido ni Daddy, pero iba ang bigat kapag ang apelyidong dala mo ay Del Fierro. Lalo na kapag nakakapit nang mahigpit sa kamay mo ang nag-iisang tagapagmana ni Gideon Del Fierro."Look, Mommy! Big fish!" turo ni Paige sa malaking indoor aquarium sa gilid ng executive lobby. Ang maliit niyang kamay ay bahagyang humihila sa akin habang ang kabila ay nakayakap sa kanyang bunny plushie.Ngumiti ako at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin niya. "Yes, love. Pero huwag tayong lalayo, okay? We're going straight to our office."Nang mag-angat ako ng tingin, nahuli ko ang mga mata ni Gideon ilang hakbang lang mula sa amin. Nakatayo siya sa harap ng privat

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 10: UNSPOKEN ATTRACTION

    GIDEON’S POVMaaga akong nagising para tapusin ang ilang documents bago ang opisyal na pagsisimula ng unang araw ni Fiona bilang Chief Strategy Officer. Alam kong malaking adjustment ang mangyayari dahil sa desisyon kong tanggapin siya sa bahay ko. Hindi lang sa company kundi pati na rin sa bagong takbo ng buhay namin ni Paige. Tahimik akong naglakad papunta sa room ni Paige. Maaga siyang magising, pero bakit kaya hindi pa siya bumababa para kulitin ako? Kumunot ang noo ko nang madatnan kong bukas ang pinto at wala ng tao sa kama.Nasaan sila?Bigla akong kinabahan. Hindi pa puwedeng maligo nang mag-isa si Paige; delikado kung maabot niya ang mainit na tubig nang walang nagbabantay sa kanya, o kung madulas man siya sa loob ng mag-isa. At never pa akong sinuway ni Paige. Nang marinig ko ang giggles niya sa loob ng CR, hindi na ako nag-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto."Paige—"Napatigil ako, kasabay ng pagtigil ng mga paa ko. Halos ilang segundo akong nakatayo do’n. Nakaluhod s

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 9: MY NAME IS YOUR SHIELD

    FIONA’S POVHindi pa rin nagbabago ang lamig ng aircon sa loob ng office ni Gideon. Nakatayo lang ako sa harap ng mesa habang pinapanood ko siyang kumuha ng isang folder. Suot ko pa rin ang simpleng cotton sleepwear habang medyo basa pa ang dulo ng buhok ko dahil sa mabilisang pagligo."Have a seat," utos ni Gideon sa mababang at may awtoridad niyang boses habang itinuturo ang katapat na upuan.Agad kong hinila ang upuan para makaupo at masabi ang lahat ng mga conditions na pinaghandaan kong sabihin sa kanya. Agad akong umupo. At pinatong ang mga braso ko sa mesa at diretso siyang tinitigan sa mga mata."We should treat this as a business deal, Gideon," panimula ko sa malinaw at pormal na tono. "Pero bago tayo magpatuloy sa pagpapanggap na 'to sa harap ng buong mundo, may mga conditions din ako." Tinitigan niya ako nang may bahagyang pag-angat ng kilay, para bang tinitimbang kung gaano ako kaseryoso. "I'm listening." Sabi niya, gamit ang modulate at nahinahong boses."Una," itinaas k

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 8: I WAITED FOR YOU

    FIONA’S POV“Puwede ba tayong mag-usap bukas, kahit after work?” sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt.“About what? Kung may sasabihin ka, go ahead. I’m listening. Isa pa, hindi mo na kailangang magtrabaho. I can give you anything you need, just stay with Paige.” Hindi man lang siya tumingin sa ’kin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.“Wait, wala naman sa agreement natin na hindi na ako puwedeng lumabas ng mansyon mo.” Bigla siyang napaharap sa ’kin nang tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic light.“You’re my wife now, and if you really want to work, then work for me.” Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko.“That’s not what I mean.” Napansin ko ang pamumula ng dulo ng tainga niya nang makita niya ang reaksyon ko. “Gusto kong pag-aralan mo ang lahat ng tungkol sa company in a deeper level. My wife should know about my business.” Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Paano nga naman namin mapapaniwala ang buong bansa

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 7: I GOT YOU

    FIONA’S POV"Fiona!" sigaw ni Tita Agatha na halos umagaw ng atensyon ng lahat at siguradong gusto niyang iparinig sa mga reporter para ipahiya ako. "Wala ka talagang utang na loob! Iniwan mo ang pamilya mo para lang magpakasasa sa yaman ng iba? Ibinenta mo ang sarili mong kaluluwa para lang makuha ang apelyidong Del Fierro!"Nagsimulang magbulungan ang mga bisita sa paligid. Ang mga flashing lights ng mga camera ay mas lalong naging mabilis.Sa gitna ng pag-e-eskandalo ni Tita Agatha at sa kislap ng mga camera ng media, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Paige. Bago kami umalis sa mansyon kanina, iniwan ko siyang masayang nagpapatulong sa nanny niya na mag-drawing ng portrait naming tatlo. Ang maliliit niyang bisig na nakayakap sa leeg ko, ang inosente niyang boses na nagsasabing, "Mommy looks so pretty for Daddy. Come home early, okay? I'll wait for you."Siguradong hindi siya matutuwa kung malalaman niya na ang tinatawag niyang Mommy ay hinahayaan lang na tratuhin siyang paran

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 6: PUBLIC DEBUT

    FIONA’S POVWala pang tatlong oras matapos kong marinig na may inutusan si Gideon ay napuno na agad ng mga tao ang nakalaang suite sa second floor ng mansyon. Isang kilalang team ng mga fashion stylists, makeup artists, at hair designers—na madalas ko lang makita sa mga international fashion magazines —ang pumasok bitbit ang limang mobile rack ng mga customized haute couture gowns at milyun-milyong halaga ng mga jewelry."Mrs. Del Fierro, Mr. Del Fierro specifically requested an emerald green silhouetted gown for you tonight," magalang na bungad ng head stylist habang ipinapakita ang isang strapless silk gown na may malalim ngunit eleganteng slit sa gilid. "It matches the Del Fierro family heirloom emeralds."Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng floor-to-ceiling mirror. Sa loob ng maraming taon, nasanay akong magsuot ng mga lumang damit ni Beatrice—mga damit na may punit, lumuwag na, o itinapon na dahil hindi na uso. Pero ngayon, habang dahan-dahang inilalapat ng stylist ang silk go

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status