Compartir

KABANATA 7: I GOT YOU

Autor: butter.xxfly
last update Fecha de publicación: 2026-11-11 10:21:28

FIONA’S POV

"Fiona!" sigaw ni Tita Agatha na halos umagaw ng atensyon ng lahat at siguradong gusto niyang iparinig sa mga reporter para ipahiya ako. "Wala ka talagang utang na loob! Iniwan mo ang pamilya mo para lang magpakasasa sa yaman ng iba? Ibinenta mo ang sarili mong kaluluwa para lang makuha ang apelyidong Del Fierro!"

Nagsimulang magbulungan ang mga bisita sa paligid. Ang mga flashing lights ng mga camera ay mas lalong naging mabilis.

Sa gitna ng pag-e-eskandalo ni Tita Agatha at sa kislap ng mga camera ng media, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Paige. Bago kami umalis sa mansyon kanina, iniwan ko siyang masayang nagpapatulong sa nanny niya na mag-drawing ng portrait naming tatlo. Ang maliliit niyang bisig na nakayakap sa leeg ko, ang inosente niyang boses na nagsasabing, "Mommy looks so pretty for Daddy. Come home early, okay? I'll wait for you."

Siguradong hindi siya matutuwa kung malalaman niya na ang tinatawag niyang Mommy ay hinahayaan lang na tratuhin siyang parang basura.

"Impostora ka! Paano mo nagawang akitin si Mr. Del Fierro?" Nanggigigil na ang sigaw ni Beatrice. "Ikaw ang dahilan kung bakit nalulugi ang kumpanya ni Papa!" Pero bago pa ako makapagsalita, humakbang na si Beatrice sa harap ko. Ang mga mata niya ay punong-puno ng inggit habang nakatitig sa emerald green gown ko. Sa gitna ng galit niya, mabilis niyang itinapon ang red wine sa akin habang ang libre niyang kamay ay agad na hinablot ang manipis na silk strap ng gown ko. Kitang-kita ko ang matagumpay na ngisi sa labi ni Beatrice.

Kasabay ng mahinang tunog ng napunit na tela at ng malamig na wine na bumuhos sa aking dibdib ay ang mainit na bisig ni Gideon na agad akong hinila palapit sa kanya. Narinig ko rin ang iba’t-ibang reaksyon mula sa bisita. Naramdaman ko ang pagluwag ng damit sa likod ko at kung wala si Gideon sa tabi ko, siguradong tuluyan nang babagsak ang gown ko sa harap ng daan-daang bisita at media. Tulad ng stepmom ko, gusto rin ni Beatrice na mapahiya ako. Gusto nilang ipakita na wala akong kuwenta sa harap ng buong high society.

Pero bago pa man ito tuluyang bumagsak, isang mabigat, mainit, at pamilyar na bagay ang mabilis na bumalot sa paligid ng aking mga balikat. Sa isang mabilis at imposing na galaw, hinubad ni Gideon ang kanyang black tuxedo at isinuot ito sa akin. Bago pa ako makagalaw, binalot ng malalaking kamay niya ang magkabilang gilid ng coat, hinila niya ako nang mas malapit papunta sa kanya, at lalong hinigpitan ang hawak sa baywang ko para idikit ang buong katawan ko sa kanya.

"Don't move," pabulong ngunit commanding na utos ni Gideon habang ang kanyang baba ay halos dumampi na sa dulo ng aking buhok. "I got you."

Dahan-dahan niyang iniharap ang sarili sa nanginginig na grupo nina Tita Agatha, Beatrice, at Blake. Ang kanyang mga mata ay wala nang bakas ng anumang emosyon.

"You dare attempt to humiliate my wife inside my territory?" Maging ako ay kinilabutan nang marinig ko ang mababang boses ni Gideon.

"M-Mr. Del Fierro… n-nagsasabi kami ng totoo. Gusto lang din namin na malaman mo kung anong klaseng babae si Fiona. Alam mo bang iniwan niya ang boyfriend niya para sa pera? Sigurado akong walang ibang dahilan kundi ang kayamanan n’yo. Kaya ngayon pa lang binabalaan na kita," nanginginig na pakiusap ni Tita Agatha habang umaatras.

"Marcos," malamig na tawag ni Gideon. Agad na lumitaw ang sampung matataas na security personnel ng Del Fierro sa paligid ng pamilya ko. "Have the police arrest these bottom-feeders for assault, public disturbance, and trespass." Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Roxie na para bang hindi siya makapaniwala na hahayaan kong gawin ’yon sa kanila. Bahagya akong nalungkot nang ma-realize ko na siya ang taong buong buhay kong pinagkatiwalaan, na mas itinuring ko siyang kapatid kaysa kay Beatrice. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit mas masakit para sa akin nang malaman kong niloloko rin niya ako.

“Fiona, ano bang nangyayari sa ’yo?” Mahinahon at mababang-boses na tanong ni Blake na may bakas ng matinding galit at panlulumo sa mukha niya. 

Agad kong itinaas ang kamay ko para ibigay sa kanya ang pinakamalakas na sampal na nagawa ko sa buong buhay ko. Pinaghandaan ko ang araw na ’to. Napatigil ang bulungan sa paligid at ramdam ko na ang mga mata ng lahat ay nakatutok sa ’kin. Ang kapal ng mukha niyang humarap dito na parang siya pa ang biktima. Agad na hinawakan ni Roxie ang braso niya. Mga hayop talaga.

"Huwag mo siyang saktan!" Sigaw ni Roxie. “Let me explain everything, Fiona. Mag-usap naman tayo.” Halos manginig ang boses ni Roxie, pero agad akong nag-iwas ng tingin. “There’s no need. Ayoko nang makinig sa kahit anong kasinungalingan n’yo.” Wala nang dahilan para magpakatanga pa ako. Niloko nila ako, at walang kahit anong dahilan ang makakapagpabago no’n.

"Huwag niyo kaming hawakan! Fiona, magbayad ka! Hayop ka talagang babae ka!" Sigaw ni Beatrice habang pilit silang inilalabas ng mga security sa harap ng daan-daang flashing cameras ng media. Hindi ko na sila pinanood pa. Naramdaman ko ang marahang pagtaas ng mukha ko nang gamitin ni Gideon ang dalawang daliri niya para iangat ang baba ko.

Nakatitig siya sa akin. Ang matatalim niyang mata na kanina lang ay halos pumatay ng tao ay biglang lumambot habang nakatingin sa ’kin, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Are you alright?" mahina niyang tanong. 

"I'm fine," sagot ko, kahit nararamdaman ko pa rin ang bahagyang pangangatog ng mga tuhod ko dahil sa mga nangyari. "Nasira lang 'yong gown."

"The gown doesn't matter," sagot niya habang lalo niyang hinigpitan ang balot ng coat niya sa ’kin. Pakiramdam ko ay ibinabaon niya ang katawan ko sa dibdib niya habang itinutulak ako patungo sa nakaparadang Maybach sa VIP exit. "You stood your ground. That's all that matters."

“Let’s go home. Siguradong hinihintay na tayo ni Paige.” Napangiti ako habang nakatingala pa rin sa kanya. Kailanman ay hindi ko naramdaman ang pakiramdam na may naghihintay ng pag-uwi ko sa bahay. Hindi ko alam kung paanong bigla na lang ang kaba, takot at galit na nararamdaman ko nang marinig kong uuwi na kami.

“Pero pa’no yung event?” Nag-aalangan kong itinanong. 

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 11: NOT MY DAUGHTER

    FIONA’S POVHalos hindi ko maramdaman ang bigat ng heels ko habang naglalakad kami sa napakalawak at kumikintab na lobby ng Del Fierro Tower. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa mga empleyado sa reception area hanggang sa mga executives na naghihintay sa elevator. Sanay naman ako sa atensyon noon dahil sa apelyido ni Daddy, pero iba ang bigat kapag ang apelyidong dala mo ay Del Fierro. Lalo na kapag nakakapit nang mahigpit sa kamay mo ang nag-iisang tagapagmana ni Gideon Del Fierro."Look, Mommy! Big fish!" turo ni Paige sa malaking indoor aquarium sa gilid ng executive lobby. Ang maliit niyang kamay ay bahagyang humihila sa akin habang ang kabila ay nakayakap sa kanyang bunny plushie.Ngumiti ako at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin niya. "Yes, love. Pero huwag tayong lalayo, okay? We're going straight to our office."Nang mag-angat ako ng tingin, nahuli ko ang mga mata ni Gideon ilang hakbang lang mula sa amin. Nakatayo siya sa harap ng privat

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 10: UNSPOKEN ATTRACTION

    GIDEON’S POVMaaga akong nagising para tapusin ang ilang documents bago ang opisyal na pagsisimula ng unang araw ni Fiona bilang Chief Strategy Officer. Alam kong malaking adjustment ang mangyayari dahil sa desisyon kong tanggapin siya sa bahay ko. Hindi lang sa company kundi pati na rin sa bagong takbo ng buhay namin ni Paige. Tahimik akong naglakad papunta sa room ni Paige. Maaga siyang magising, pero bakit kaya hindi pa siya bumababa para kulitin ako? Kumunot ang noo ko nang madatnan kong bukas ang pinto at wala ng tao sa kama.Nasaan sila?Bigla akong kinabahan. Hindi pa puwedeng maligo nang mag-isa si Paige; delikado kung maabot niya ang mainit na tubig nang walang nagbabantay sa kanya, o kung madulas man siya sa loob ng mag-isa. At never pa akong sinuway ni Paige. Nang marinig ko ang giggles niya sa loob ng CR, hindi na ako nag-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto."Paige—"Napatigil ako, kasabay ng pagtigil ng mga paa ko. Halos ilang segundo akong nakatayo do’n. Nakaluhod s

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 9: MY NAME IS YOUR SHIELD

    FIONA’S POVHindi pa rin nagbabago ang lamig ng aircon sa loob ng office ni Gideon. Nakatayo lang ako sa harap ng mesa habang pinapanood ko siyang kumuha ng isang folder. Suot ko pa rin ang simpleng cotton sleepwear habang medyo basa pa ang dulo ng buhok ko dahil sa mabilisang pagligo."Have a seat," utos ni Gideon sa mababang at may awtoridad niyang boses habang itinuturo ang katapat na upuan.Agad kong hinila ang upuan para makaupo at masabi ang lahat ng mga conditions na pinaghandaan kong sabihin sa kanya. Agad akong umupo. At pinatong ang mga braso ko sa mesa at diretso siyang tinitigan sa mga mata."We should treat this as a business deal, Gideon," panimula ko sa malinaw at pormal na tono. "Pero bago tayo magpatuloy sa pagpapanggap na 'to sa harap ng buong mundo, may mga conditions din ako." Tinitigan niya ako nang may bahagyang pag-angat ng kilay, para bang tinitimbang kung gaano ako kaseryoso. "I'm listening." Sabi niya, gamit ang modulate at nahinahong boses."Una," itinaas k

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 8: I WAITED FOR YOU

    FIONA’S POV“Puwede ba tayong mag-usap bukas, kahit after work?” sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt.“About what? Kung may sasabihin ka, go ahead. I’m listening. Isa pa, hindi mo na kailangang magtrabaho. I can give you anything you need, just stay with Paige.” Hindi man lang siya tumingin sa ’kin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.“Wait, wala naman sa agreement natin na hindi na ako puwedeng lumabas ng mansyon mo.” Bigla siyang napaharap sa ’kin nang tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic light.“You’re my wife now, and if you really want to work, then work for me.” Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko.“That’s not what I mean.” Napansin ko ang pamumula ng dulo ng tainga niya nang makita niya ang reaksyon ko. “Gusto kong pag-aralan mo ang lahat ng tungkol sa company in a deeper level. My wife should know about my business.” Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Paano nga naman namin mapapaniwala ang buong bansa

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 7: I GOT YOU

    FIONA’S POV"Fiona!" sigaw ni Tita Agatha na halos umagaw ng atensyon ng lahat at siguradong gusto niyang iparinig sa mga reporter para ipahiya ako. "Wala ka talagang utang na loob! Iniwan mo ang pamilya mo para lang magpakasasa sa yaman ng iba? Ibinenta mo ang sarili mong kaluluwa para lang makuha ang apelyidong Del Fierro!"Nagsimulang magbulungan ang mga bisita sa paligid. Ang mga flashing lights ng mga camera ay mas lalong naging mabilis.Sa gitna ng pag-e-eskandalo ni Tita Agatha at sa kislap ng mga camera ng media, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Paige. Bago kami umalis sa mansyon kanina, iniwan ko siyang masayang nagpapatulong sa nanny niya na mag-drawing ng portrait naming tatlo. Ang maliliit niyang bisig na nakayakap sa leeg ko, ang inosente niyang boses na nagsasabing, "Mommy looks so pretty for Daddy. Come home early, okay? I'll wait for you."Siguradong hindi siya matutuwa kung malalaman niya na ang tinatawag niyang Mommy ay hinahayaan lang na tratuhin siyang paran

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 6: PUBLIC DEBUT

    FIONA’S POVWala pang tatlong oras matapos kong marinig na may inutusan si Gideon ay napuno na agad ng mga tao ang nakalaang suite sa second floor ng mansyon. Isang kilalang team ng mga fashion stylists, makeup artists, at hair designers—na madalas ko lang makita sa mga international fashion magazines —ang pumasok bitbit ang limang mobile rack ng mga customized haute couture gowns at milyun-milyong halaga ng mga jewelry."Mrs. Del Fierro, Mr. Del Fierro specifically requested an emerald green silhouetted gown for you tonight," magalang na bungad ng head stylist habang ipinapakita ang isang strapless silk gown na may malalim ngunit eleganteng slit sa gilid. "It matches the Del Fierro family heirloom emeralds."Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng floor-to-ceiling mirror. Sa loob ng maraming taon, nasanay akong magsuot ng mga lumang damit ni Beatrice—mga damit na may punit, lumuwag na, o itinapon na dahil hindi na uso. Pero ngayon, habang dahan-dahang inilalapat ng stylist ang silk go

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status