Isla’s POVTatlong taon.Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya.Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City
Last Updated : 2026-11-06 Read more