Início / Romance / The CEO is my Runaway Husband / Chapter Six: The Doctor’s Orders

Compartilhar

Chapter Six: The Doctor’s Orders

Autor: Blaire Zaine
last update Data de publicação: 2026-11-12 18:52:54

Isla’s POV

Agad na akong bumalik sa opisina at umupo sa desk ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sinabi ni Damian.

“Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”

Anong ibig niyang iparating? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ba akong paglaruan o gumagawa siya ng paraan para sukuan ko itong pinasok ko?

Napatingin ako sa plaque sa desk ko, “Isla Vance”

Kumuha ako ng marker mula sa drawer at binura ang “Vance” mula rito. Hindi ko ito mabura, kitang kita pa rin ang apelyido niya sa pangalan ko pero mukha itong may mantsa dahil sa markang ginawa ko.

Hindi ko alam kung saan ako maiinis— sa apelyido niyang ikinabit pa niya sa pangalan ko o dahil sa hindi ko siya kayang mabura sa buhay ko.

Biglang bumukas ang p***o. Nabitawan ko ang plaque na hawak ko at nabasag ito sa gitna. Nahati sa dalawang parte, hindi na Isla Vance kundi Isla at Vance na. Pupuntahan ko sana ito para pulutin pero narinig ko na ang matalim na boses ni Damian.

“Stop. I’ll have someone to clean that,” sabi niya kaya napatingin ako sa pwesto niya. May kasama siyang isang lalaki, munhang doctor dahil sa white coat at stethoscope na nakasabit sa leeg niya.

“Go, check her,” sabi niya sa doctor niyang kasama. “Complete all the blood work, and I want a CT scan scheduled today.”

“Hindi ko kailangan ng CT scan,” madiin kong sabi. “Nagpacheck na ako kay doc Julian diba, painkillers nga lang daw kailangan ko.”

“Julian is just my company doctor,” malamig na sabi ni Damian. “Dr. Villareal is my personal doctor, I trust him more.”

Lumapit sa akin si Dr. Villareal nang nakangiti, kabaligtaran ni Damian.

“Let me check on you, Ms. Cruz,” sabi ni Dr. Villareal. “Hindi titigil ‘yan si Damian hanggat hindi nasusunod ang gusto niya. I’ll just check your BP.”

Tumango na lang ako para matapos na ‘to at tigilan na ako ni Damian. Hinayaan ko na si Dr. Villareal na gawin ang trabaho niya pero hindi ko matingnan si Damian dahil ramdam kong matalim ang tingin niya sakin. Parang may inaabangan siya mula sakin. Gusto niya bang makitang nasasaktan ako?

“Mababa ang BP mo,” sabi ni Dr. Villareal. “Madalas ba ang pagdurugo ng ilong mo?”

“Actually, doc. Hindi ko po alam,” sabi ko.

“Madalas bang sumakit ang ulo mo?”

“Minsan lang po.”

“Minsan?” singit ni Damian.

Inirapan ko siya. “Minsan lang. At tsaka normal lang ‘yun, may migraine ako lalo kapag stressed.”

Inangat ni Dr. Villareal ang kamay ko at chineck isa isa ang mga daliri ko. “Masyadong malamig ang kamay mo at namumutla ang mukha mo. Kailan ang huli mong kain?”

Natigilan ako dahil sa pagkakaalam ko ay hindi pa ako kumakain simula kagabi. Saktong pamasahe na lang kasi ang budget ko hanggang sa makasahod ako rito.

“Isla,” sabi ni Damian. Biglang lumambot ang boses niya. “Kailan ka huling kumain?”

“Kaninang umaga,” pagsisinungaling ko.

“Anong oras ‘yun?”

“Bago ako pumasok,” iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

Nakita ko si Dr. Villareal na hindi naniniwala sa sinabi ko. Parang alam niyang matagal na ang huling kain ko.

“Ms. Cruz, based dito sa findings ni Dr. Reyes sayo,” sabi ni Dr. Villareal habang nakatingin sa resulta ng standard check up ko kanina. “May malaking tahi ka raw sa ulo, pwede ko bang i-check?”

“Naku, doc. Hindi na po kailangan. Matagal na rin po ito. Magaling na po.”

“Isla, please. Just listen to my doctor,” pamimilit ni Damian.

Hinawi ko ang buhok ko sa bandang kanan ng ulo ko. Naramdaman ko ang malamig na daliri ni Dr. Villareal sa peklat ko. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Damian na papalapit sa pwesto namin at hindi inaalis ang mata sa ulo ko.

“Gaano na ‘to katagal?” tanong ni Dr. Villareal.

“Five years,” sagot ko. “Car accident.”

“Car accident?” curious na tanong ni Damian.

“Oo,” sagot ko. “Bakit?”

Hindi niya ako sinagot pero nakita kong nagbago ang mood niya nang makalapit siya. Parang may napansin siya sa peklat ko.

“Doc,” tawag ni Damian kay Dr. Villareal. “I want the CT scan results today. I’ll cover all the expenses.”

“Damian, hindi—“

“This is not charity,” pagputol niya sa akin. “You are my employee. I can’t have you dying on this desk, in my building.” Napatingin siya sakin. “Besides, you’re still my wife.”

“Ms. Cruz,” pagtawag ni Dr. Villareal. “Kapag nag-CT scan tayo, makikita natin kung may internal bleeding o complications mula sa injury mo before. Baka may trauma na hindi napagtuunan ng pansin na maaaring dahilan ng migraine at nosebleed mo.”

“Pero okay naman po ako. Five years na rin ang nakalipas, buhay pa rin naman ako.”

“And you’ll keep living with it until it kills you,” singit ni Damian. “I won’t let that happen.”

Napatingin ako direkta sa mata niya. Nakita kong seryoso siya. Nag-aalala siya. At hindi ko alam kung bakit pero may naramdaman ako sa boses niya. Hindi siya normal na pag-aalala, parang may takot siya.

“Bakit? Para saan pa? Hindi mo naman talaga ako mahal di ba? Iniwan mo ako doon sa apartment.”

“Hindi kita iniwan. Hindi ako umalis, Isla,” mahinang sabi niya. “Ikaw ang umalis.”

“Anong—“

“Huwag na muna nating pag-usapan” sabi niya. “Magpagamot ka na muna tsaka natin pag-usapan ang lahat.”

Tumingin ako kay Dr. Villareal. Tumango lang siya sa sinabi ni Damian. “Kailangan talaga ang CT scan, Ms. Cruz. Kung ayaw mo itong gawin sa’yo, kahit para na lang sa mga taong nagmamalasakit sa’yo.”

Napaluha ako sa sinabi ni Dr. Villareal.

“Sige,” bulong ko. “Pero hindi ko matatanggap na ikaw ang magbabayad nito,” matigas kong sabi kay Damian.

“We’ll talk about that later,” sagot niya.

Lumabas na si Dr. Villareal para ayusin ang lahat ng kailangan para sa CT scan ko. Naiwan kami ni Damian sa loob ng opisina. Hindi siya nagsalita. Binuksan niya ang isang drawer sa desk niya at kinuha niya ang isang folder.

“Oh, ito,” sabi niya. “Basahin mo na muna. Summarize mo ito sa akin bukas bago mag-alas singko. I want to know if the numbers match.”

Kinuha ko ang folder. “Anong company ito?”

“Serrano Group.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Bakit ako ang inaatasan mo dito?”

Hindi niya pwedeng malaman na isa akong Serrano.

Hindi na ako sumagot at tinanggap na lang ang folder. Tinitingnan niya ako kung tatanggapin ko ba ang utos niya, parang may pagdududa siya sa mga mata.

Ang nakalagay sa folder: Project Nightfall.

Nanigas ako dahil kapareho ito nung nakasulat sa USB na kinuha ko noon sa stepmother ko. Gusto kong tanungin si Damian tungkol dito pero bago pa ako makapagsalita, nagvibrate ang phone ko. Unknown Number.

Unknown Number:

Akala mo ba hindi ka namin mahahanap, Isla? Bumalik ka na bago pa masira ang lahat. Alam namin kung nasaan at kung sino ang kasama mo.

Pinatay ko agad ang phone ko at itinago ito sa bulsa ko. Napahawak ako sa dibdib kong mabilis ang kabog.

“Ano ‘yun?” tanong ni Damian.

“Wala,” mabilis kong sagot.

Kita ko sa mata niyang hindi siya naniniwala pero hindi ko na ‘yun inisip pa. Ang tanging iniisip ko lang ay sigurado ako kung sino ang nagtext sa akin at nagtataka ako kung paano nila ako nahanap.

Sobrang naguguluhan na ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong lumabas ng opisina para tumungo sa CR. Agad kong binasa ng malamig na tubig ang mukha ko para mahimasmasan.

‘Bakit ba nangyayari sakin ang lahat ng ito?’

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Six: The Doctor’s Orders

    Isla’s POVAgad na akong bumalik sa opisina at umupo sa desk ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sinabi ni Damian.“Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”Anong ibig niyang iparating? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ba akong paglaruan o gumagawa siya ng paraan para sukuan ko itong pinasok ko?Napatingin ako sa plaque sa desk ko, “Isla Vance”Kumuha ako ng marker mula sa drawer at binura ang “Vance” mula rito. Hindi ko ito mabura, kitang kita pa rin ang apelyido niya sa pangalan ko pero mukha itong may mantsa dahil sa markang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ako maiinis— sa apelyido niyang ikinabit pa niya sa pangalan ko o dahil sa hindi ko siya kayang mabura sa buhay ko.Biglang bumukas ang pinto. Nabitawan ko ang plaque na hawak ko at nabasag ito sa gitna. Nahati sa dalawang parte, hindi na Isla Vance kundi Isla at Vance na. Pupuntahan ko sana ito para pulutin pero narinig ko na ang matalim na boses ni Damian.“Stop.

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Five: The Scar

    Isla’s POVNagising ako sa sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang matalim na amoy ng alcohol at ang malamig na hangin ng aircon na diretso sa mukha ko. Napaungol ako dahil pumipintig na naman ang sakit ng ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Dahan dahan akong dumilat at umupo. May swerong nakakabit sa kamay ko. Hinawi ko ang kulay asul na kurtina at inikot ang mata ko sa loob. Para akong nasa hospital room na maraming hospital beds. Merong limang hospital beds sa loob. Apat ang unoccupied, ‘yung isa ay ‘yung gamit ko. Napatingin ako sa malaking orasan sa gitna ng kwarto.‘Shit! Alas dos pa lang ng hapon?! Naiwan ko ang trabaho ko. Lagot ako kay Damian nito panigurado.’ Tatanggalin ko na sana ang swerong nakakabit sa akin nang marinig ko ang isang boses ng lalaki. Malalim ito at boses na parang nasa 30’s lang ang edad.“Ms. Isla? Gising ka na,” sabi niya.Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Nakaputing coat siya at may stethoscope na nakasabit sa leeg ni

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Four: The Devil’s Desk

    Isla’s POVNanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit nandito na ako sa apartment ko. Hindi ko inakalang nandoon si Damian. Ang dami ko nang napuntahang lugar, mga napagtanungang mga tao. Sino ba naman kasi ang mag aakala na CEO siya ng Vance Corporation? Halos isang oras ko ring pinakalma ang sarili ko kanina bago umuwi. Pagkatapos ng interview kasi ay dumiretso ako sa CR ng building. Doon ako umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng emosyon na hindi ko maipakita sa harap niya. Buti na lang at walang ibang tao sa CR kanina. Naghilamos ako pero kahit ilang beses kong basain ang mukha ko, hindi maalis ang sakit ng ulo at dibdib ko kanina. Ganito talaga ako kapag pagod at stressed, inaatake ako ng migraine at nosebleed. Iniinuman ko na lang ng pain relievers para kahit papaano, maibsan yung sakit. Minsan, tinutulog ko na lang at tinitiis hanggang mawala. Umiikot ikot ako sa kama ko habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa interview? Saan na naman ako hahanap ng trabaho? Kung hin

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Three: The Monster He Became

    Damian’s POV“One last question,” sabi ko. Pinipilit kong ‘wag ipahalata sa kaniyang kinakabahan ako ngayong nasa harap ko na ulit siya. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?”Nanlaki ang mata niya. Nakita ko kung paanong mamutla siya dahil sa isang tanong ko. Napansin kong nanginginig na rin ang labi niya, at naramdaman ko ulit ang isang pamilyar na emosyon mula sa puso ko— ang sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako sa apartment namin. ‘Shit,’ bulong ko sa isip ko. Nasasaktan ako na makitang natatakot siya.“I… I don’t know what you’re talking about,” sagot niya habang nauutal pa sa kaba. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ko, at kung hindi ko pa siguro napigilan ang sarili ko, humagalpak na ako kakatawa habang namumuo ang luha sa mga mata ko.“Really?” Tinitigan ko siya direkta sa mga mata niya, iniiwasan kong magpakita ng anumang emosyon. “Because from what I remember, you always had a habit of running to the highest bidder.”Isang malakas na sampal

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Two: The Stranger in the CEO’s Chair

    Isla’s POVTatlong taon.Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya.Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter One: The Silver Ring

    Isla’s POV“Wala ka nang magagawa, Isla. Nagkapirmahan na kami nina Don Ricardo. Tumigil ka na sa pag-iyak at ayusin mo ang sarili mo dahil bukas ay ikakasal ka na sa kaniya.”Bumalik sa isip ko ang boses ng stepmother ko habang tumatakbo ako sa gitna ng malakas na ulan. Suot ko pa rin ang puting engagement dress na binigay sakin ng sarili kong ama para sa party ng kasunduan nila ni Don Ricardo. Ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko dahil nawala na ang isang sapatos ko, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon.Bago ako umalis sa mansion, pinalitan ko ang pinakatagong encrypted USB ng stepmother ko sa drawer ng kaniyang opisina. Kinuha ko ang original at inipit sa bra ko. Sa ibabaw ng USB, may maliit na nakasulat: ‘Project Nightfall’. Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa pagtakas.Napadpad ako sa isang abandoned building sa gilid ng highway bago tuluyang sumuko ang mga paa ko. Nap

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status