FAZER LOGINIsla’s POV
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit nandito na ako sa apartment ko. Hindi ko inakalang nandoon si Damian. Ang dami ko nang napuntahang lugar, mga napagtanungang mga tao. Sino ba naman kasi ang mag aakala na CEO siya ng Vance Corporation? Halos isang oras ko ring pinakalma ang sarili ko kanina bago umuwi. Pagkatapos ng interview kasi ay dumiretso ako sa CR ng building. Doon ako umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng emosyon na hindi ko maipakita sa harap niya. Buti na lang at walang ibang tao sa CR kanina. Naghilamos ako pero kahit ilang beses kong basain ang mukha ko, hindi maalis ang sakit ng ulo at dibdib ko kanina. Ganito talaga ako kapag pagod at stressed, inaatake ako ng migraine at nosebleed. Iniinuman ko na lang ng pain relievers para kahit papaano, maibsan yung sakit. Minsan, tinutulog ko na lang at tinitiis hanggang mawala. Umiikot ikot ako sa kama ko habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa interview? Saan na naman ako hahanap ng trabaho? Kung hindi lang ‘yung Damian na ‘yun ang magiging boss ko, panigurado e naipasa ko na ‘yon. Hindi ko naman din kasi inexpect na siya pala yung CEO ‘don. Eh ‘yung buhay namin noon, simple lang. Hindi mo aakalahing mayaman pala siya. Hindi lang basta mayaman, may ari pa ng isang kumpanya Biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag na unknown number. “Hello? Sino po ito?” tanong ko sa kabilang linya. “Good evening, Ms. Cruz. Apologies for calling this late but this is urgent.” sagot ng kabilang linya. Sino kaya ‘to? Hindi muna ako umimik dahil hindi ko naman kilala, baka mamaya scammer pa itong tumatawag. Wala din naman akong maalala na may utang ako sa lending apps. “Sorry, Ms. Cruz. This is Camille, the HR Director from Vance Corporation. I’m the one who assisted you earlier.” Ms. Camille? Bakit naman siya tatawag ngayon? “Good evening, Ms. Camille. Ano pong kailangan nila?” “I’m calling to inform you that you have been hired for the Executive Secretary position. The CEO specifically requested that you report at the Apex Tower tomorrow at 8:00 AM sharp.” Halos mabitawan ko ang cellphone ko, tanggap ako? “Are you sure, Ms. Camille? I thought Mr. Vance didn’t want me there?” pag kumpirma ko. “Yes, Ms. Cruz. Congratulations. Don’t be late, Mr. Vance hates tardiness.” Bago pa ako makapagtanong ng ibang detalye, naibaba na ni Ms. Camille ang tawag. Naiwan akong nakatulala sa hangin. Papaanong natanggap ako? Bakit biglang ako ang gusto niyang kunin? Kinabukasan, maaga akong nag asikaso. 7:50 AM pa lang ay nasa opisina na ako, para siguradong hindi ako ma-late. Simpleng formal blouse at skirt lang ang suot ko. Inayos ko na lang ang buhok ko at nagsuot ng light makeup para mukhang presentable sa harap niya. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa opisina ni Damian. “Come in” rinig kong sabi niya mula sa loob. Pagbukas ko ng p***o, bumungad sa akin ang bagong ayos na opisina niya. Kahapon, pagbukas mo ng p***o, nasa gitna ang desk niya. Ngayon, dalawang desk na ang makikita mo sa loob. Isang malaki, ‘yung kaniya. At yung isa ay maliit ng konti. May nakalagay na, ‘Isla Vance, Executive Secretary’ Isla Vance? Ano na namang pakulo ni Damian ‘to? At bakit nasa loob ng opisina niya ang desk ko? “Good morning, Mrs. Vance,” nakangising tawag niya. “You’re on time. Impressive. Settle your things and fetch my coffee. Black, no sugar. And I want it on my desk in five minutes.” Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang nagpipigil ng inis. Dali dali na akong pumunta sa desk ko para ilapag ang bag ko at tsaka pumuntang pantry para ipagtimpla ng kape ang demanding na CEO na ito. Black, no sugar. Katulad pa rin naman siguro ng dati ang lasa ng kape na gusto niya kaya ganun na lang din ang timplang gagawin ko ngayon. ‘Yung timpla ko sa kaniya noon na laging nagpapangiti sa kaniya sa umaga. Pagkatapos kong maitimpla ang kape niya, bumalik na ako sa opisina at inilapag ang tasa na may kape sa desk niya. Tiningnan niya lang ito, kinuha, at tsaka ininom. Agad niyang nilayo sa bibig niya ang tasa at tsaka ibinagsak sa desk. “It’s too hot,” reklamo niya. “Sinasadya mo bang pasuin ako? Sobrang init naman ng kapeng ito.” ‘Malamang, mainit talaga ‘yan. Pinakuluan kong mabuti ang tubig na ginamit ko diyan e,’ sabi ko sa isip ko. “Isn’t coffee supposed to be hot, sir?” tanong ko sa kaniya gamit ang painosenteng boses ko. “I don’t care, just make it again or find someone if you can’t make it right. You’re replaceable anyway,” sabi niya. Napakapit na lang ako nang mahigpit sa palda ko, pinipigilang ipakita ang pagkainis ko at baka kung ano pa anv magawa ko sa lalaking ito. Kinuha ko na lang ang tasa at bumalik sa pantry, inulit ang pagtimpla ng kape. Pero kahit anong timpla ko ay may nasasabi pa rin siya na parang iniinis na lang ako at hinihintay niyang gumanti ako sa kaniya. “It’s too bitter.” “It’s too cold.” “Too bland.” “Are you okay, Ms. Cruz? Do you really want this job? Paano ko iaasa sayo ang mga bagay dito sa kumpanya kung simpleng pagtimpla ng kape hindi mo magawa ng tama.” Gusto ko mang sigawan siya, ngumiti na lang ako at kinuha ang tasa ng kape. “I’ll do it again, sir,” sabi ko habang kitang pinilipit ko na lang ngumiti sa harap niya. Inis na inis na talaga ako. Pagod na ang mga paa ko. Sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa pagbalik balik ko sa opisina niya at pag-iisip kung anong klaseng kape ang gusto niya. Nanginginig na rin ang mga binti ko at feeling ko, bibigay na ‘yon kung hindi pa rin niya tatanggapin itong kape. Bumalik na ako sa opisina niya, hawak hawak ang perfectly brewed warm black coffee. Nanginginig na ang kamay ko, at alam kong napansin niya ‘yon dahil sa paggalaw ng kape sa tasa nung ibinaba ko na ito sa desk niya. Bago niya pa ito matikman, nagsalita na ako. “If you don’t like how I make it, then make it yourself, Mr. Vance,” sabi ko, hindi ko na napigilang iparamdam sa kaniya ang pagod at inis ko. “You hired me as your secretary, not as a maid. And I want to do real work, a real and meaningful job.” Tumingin siya sa akin na parang hindi inaasahan ang sagot ko. Hindi ko na rin siya hinintay pang magsalita o makasagot, dumiretsk na ako sa desk ko para makaupo at maipahinga ang mga paa ko. Hindi pa nakakalahati ang araw ko sa trabaho pero pagod na pagod na ako. Biglang sumakit na naman ang ulo ko kaya pupunta dapat akong pantry para kumuha ng tubig, dala ang gamot para sa migraine. Pero bago pa ako makarating sa p***o ng opisina ni Damian, nagdilim na ang paningin ko.Isla’s POVAgad na akong bumalik sa opisina at umupo sa desk ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sinabi ni Damian.“Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”Anong ibig niyang iparating? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ba akong paglaruan o gumagawa siya ng paraan para sukuan ko itong pinasok ko?Napatingin ako sa plaque sa desk ko, “Isla Vance”Kumuha ako ng marker mula sa drawer at binura ang “Vance” mula rito. Hindi ko ito mabura, kitang kita pa rin ang apelyido niya sa pangalan ko pero mukha itong may mantsa dahil sa markang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ako maiinis— sa apelyido niyang ikinabit pa niya sa pangalan ko o dahil sa hindi ko siya kayang mabura sa buhay ko.Biglang bumukas ang pinto. Nabitawan ko ang plaque na hawak ko at nabasag ito sa gitna. Nahati sa dalawang parte, hindi na Isla Vance kundi Isla at Vance na. Pupuntahan ko sana ito para pulutin pero narinig ko na ang matalim na boses ni Damian.“Stop.
Isla’s POVNagising ako sa sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang matalim na amoy ng alcohol at ang malamig na hangin ng aircon na diretso sa mukha ko. Napaungol ako dahil pumipintig na naman ang sakit ng ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Dahan dahan akong dumilat at umupo. May swerong nakakabit sa kamay ko. Hinawi ko ang kulay asul na kurtina at inikot ang mata ko sa loob. Para akong nasa hospital room na maraming hospital beds. Merong limang hospital beds sa loob. Apat ang unoccupied, ‘yung isa ay ‘yung gamit ko. Napatingin ako sa malaking orasan sa gitna ng kwarto.‘Shit! Alas dos pa lang ng hapon?! Naiwan ko ang trabaho ko. Lagot ako kay Damian nito panigurado.’ Tatanggalin ko na sana ang swerong nakakabit sa akin nang marinig ko ang isang boses ng lalaki. Malalim ito at boses na parang nasa 30’s lang ang edad.“Ms. Isla? Gising ka na,” sabi niya.Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Nakaputing coat siya at may stethoscope na nakasabit sa leeg ni
Isla’s POVNanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit nandito na ako sa apartment ko. Hindi ko inakalang nandoon si Damian. Ang dami ko nang napuntahang lugar, mga napagtanungang mga tao. Sino ba naman kasi ang mag aakala na CEO siya ng Vance Corporation? Halos isang oras ko ring pinakalma ang sarili ko kanina bago umuwi. Pagkatapos ng interview kasi ay dumiretso ako sa CR ng building. Doon ako umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng emosyon na hindi ko maipakita sa harap niya. Buti na lang at walang ibang tao sa CR kanina. Naghilamos ako pero kahit ilang beses kong basain ang mukha ko, hindi maalis ang sakit ng ulo at dibdib ko kanina. Ganito talaga ako kapag pagod at stressed, inaatake ako ng migraine at nosebleed. Iniinuman ko na lang ng pain relievers para kahit papaano, maibsan yung sakit. Minsan, tinutulog ko na lang at tinitiis hanggang mawala. Umiikot ikot ako sa kama ko habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa interview? Saan na naman ako hahanap ng trabaho? Kung hin
Damian’s POV“One last question,” sabi ko. Pinipilit kong ‘wag ipahalata sa kaniyang kinakabahan ako ngayong nasa harap ko na ulit siya. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?”Nanlaki ang mata niya. Nakita ko kung paanong mamutla siya dahil sa isang tanong ko. Napansin kong nanginginig na rin ang labi niya, at naramdaman ko ulit ang isang pamilyar na emosyon mula sa puso ko— ang sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako sa apartment namin. ‘Shit,’ bulong ko sa isip ko. Nasasaktan ako na makitang natatakot siya.“I… I don’t know what you’re talking about,” sagot niya habang nauutal pa sa kaba. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ko, at kung hindi ko pa siguro napigilan ang sarili ko, humagalpak na ako kakatawa habang namumuo ang luha sa mga mata ko.“Really?” Tinitigan ko siya direkta sa mga mata niya, iniiwasan kong magpakita ng anumang emosyon. “Because from what I remember, you always had a habit of running to the highest bidder.”Isang malakas na sampal
Isla’s POVTatlong taon.Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya.Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City
Isla’s POV“Wala ka nang magagawa, Isla. Nagkapirmahan na kami nina Don Ricardo. Tumigil ka na sa pag-iyak at ayusin mo ang sarili mo dahil bukas ay ikakasal ka na sa kaniya.”Bumalik sa isip ko ang boses ng stepmother ko habang tumatakbo ako sa gitna ng malakas na ulan. Suot ko pa rin ang puting engagement dress na binigay sakin ng sarili kong ama para sa party ng kasunduan nila ni Don Ricardo. Ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko dahil nawala na ang isang sapatos ko, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon.Bago ako umalis sa mansion, pinalitan ko ang pinakatagong encrypted USB ng stepmother ko sa drawer ng kaniyang opisina. Kinuha ko ang original at inipit sa bra ko. Sa ibabaw ng USB, may maliit na nakasulat: ‘Project Nightfall’. Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa pagtakas.Napadpad ako sa isang abandoned building sa gilid ng highway bago tuluyang sumuko ang mga paa ko. Nap







