INICIAR SESIÓNIsla’s POV
Tatlong taon. Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya. Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City. Nag-apply ako bilang Executive Secretary sa Vance Corporation. Nakakita ako ng trabahong aligned sa goals at pinag-aralan ko. At kailangan ko itong trabaho na to para kumita nang mas malaki, para makapagsimula ulit ako. Ilang taon kong inubos ang sarili ko para sa taong hindi ko alam kung babalik pa sakin. “Ms. Cruz, the CEO will be the one to interview you directly. Right this way.” sabi ni Ms. Camille, ang nagpakilalang HR Director. Itinuro sa akin ni Ms. Camille ang p***o sa opisina ng CEO. Napapikit ako nang nasa harapan na ako ng p***o. Naramdaman ko na naman ang pagpintig ng ulo ko, kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at tiniis ito. Sandali lang naman siguro ang interview. Kailangan ko munang makuha ang trabahong ito. Huminga muna ako nang malalim bago pihitin ang doorknob. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang amoy ng mamahaling leather at bagong timplang kape. Nasa likod ng malaking upuan ang lalaking nakaharap sa bintana, tinatanaw ang makinang na skyline ng lungsod. “Sit down,” malamig at may awtoridad na utos niya. Nanigas ang buo kong katawan dahil pamilyar ang boses ng lalaking nakatalikod sa akin ngayon. Dahan-dahang umikot ang upuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking tatlong taon kong hinanap, nandito na sa harapan ko. Si Damian. Pero hindi na siya ang Damian Cruz na pinakasalan ko. Naka tailored suit, may mamahaling relo, at nasa desk niya ang plake: “Damian Vance, CEO” Ang lalaking minahal ko. Ramdam ko ang kabog ng puso ko na parang lalabas ito. Sumikip ang dibdib ko, naramdaman kong tumutulo na naman ang dugo mula sa ilong ko kaya mabilis kong kinuha ang panyo ko para punasahan ito. Hindi nya ako tiningnan. Hindi tulad dati na palaging nasa akin ‘yung mga mata niya kapag magkasama kaming dalawa. ‘Yung tipong para na lang akong basang basahan sa kaniya. “Please sit down. Let’s begin the interview.” Umupo ako sa upuang nasa harapan ng desk niya. Nanginginig ang mga kamay ko. Gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya at yakapin siya. Gusto kong umiyak at magsumbong sa kaniya. Sabihin sa kaniyang matagal ko na siyang hinahanap, ilang tao na ang napagtanungan ko sa kalye, sa terminal, sa mga tindahan, pero walang may alam kung nasaan siya. Pero pinilit kong i-compose ang sarili ko dahil ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay hindi ang Damian na minahal ko. Parang hindi nga niya ako kilala. Hindi ko nakikita sa mga mata niya ang kinang sa mga mata ng lalaking nakilala ko three years ago. “Ms. Cruz,” pagsisima niya habang binabasa ang resume ko. “Are you trustworthy?” Napalunok ako. Ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko. “Yes. I consider myself trustworthy. And I don’t break my promises.” Napatigil siya. Ibinaba niya ang resume at tinitigan ako nang madiin sa mata. Nakita ko ang pag-iigting ng panga niya, at ang paghawak ng mahigpit sa pen niya. “Have you ever lied to someone who trusted you?” tanong niya, na may mas madiin na boses. “No,” mabilis na sagot ko pero sumasakit ang dibdib ko sa mga tanong at tingin niya. Pinipilit ko ring huwag ipahalatang sumasakit na ang ulo ko dahil ayokong makita niyang mahina ako. “I don’t lie. If I say something, I do it. Unless someone did not trust me enough and left me hanging.” Sumandal siya sa upuan niya at pinagmasdan akong mabuti na parang inaaral ang bawat galaw ko. “Can you remain loyal even when a better opportunity comes along?" tanong niya. “Or do you value money more than personal relationships?” Nanigas ako sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa kaniya nang may pagtataka. ‘Anong sinasabi niya?’ Kailanman, hinding-hindi ko ipagpapalit ang kahit na anong importante sa akin kapalit ng pera, lalong lalo na siya. “Damian…” mahina kong sabi. “Anong sinasabi mo? Hindi ako ganiyang bab—“ “Answer the question, Ms. Cruz.” pagputol niya sa sinabi ko. “If I were to lose all my money tomorrow. Would you leave me?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “No, I won’t. Even if you don’t have all the money in the world, I’ll stay with you. I’ll choose you. Hinanap kita, Damian. Binalikan kita pero nawala ka.” Napatigil siya. Sa unang pagkakataon mula nang magkita kaming muli, nakita ko ang pagguho ng matigas niyang ekspresyon. Nanginig sandali ang kamay niyang may hawak na pen. Sa sobrang pagkabigla at emosyon ko, napahawak ako sa lucky charm ko— sa pendant ng kwintas ko. Pero dahil sa panginginig ng kamay ko, nahila ko ito at bumagsak sa desk niya. Nanlaki ang mata ni Damian nang makita ito. Binitawan niya ang pen at kinuha ang singsing ko. Tiningnan niya ‘yon at nakita ko kung paano nanginig ang kamay niya habang hawak ‘yon. “Bakit nasayo pa rin ‘to?” mahinang tanong niya. “Lucky charm ko ‘yan kaya hindi ko ibinenta kahit sobrang hirap ng buhay ko noon,” sagot kong paluha na. “Kahit gaano ako kahirap noong nawala ka. Itinago ko ‘to dahil ito na lang ang nagpapaalala sakin na may makakaramay ako. ‘Yang pendant na ‘yan, kasama ang kwintas ng nanay ko.” Nakita kong saglit na nawala ang galit sa mga mata niya. Dahan dahan niyang isinara ang palad niya, hawak nang mahigpit ang singsing. At tsaka niya ito nilagay sa bulsa ng suit niya. “Akin ‘yan!” Sigaw ko habang pilit na inaabot ang bulsa ng suit niya. Mabilis siyang lumayo at hinawakan ang pulso ko para pigilan ako. Masyado siyang malakas kaya nahigit niya ako palapit sa mukha niya. Nanlaki ang mata ko kaya lumayo ako kaagad. “Give it back, please. It’s mine,” pagmamakaawa ko. “Technically, it’s mine,” mahina niyang sabi. “Ano?” Tanong ko nang may halong pagkalito. Isang mapanuyang ngisi ang gumuhit sa labi niya. “Kung mahalaga sayo ang singsing na ito, then you’ll have to earn it back, Mrs. Vance. You owe me three years of lies.” Umupo siya sa chair niya na parang walang nangyari. Naiiyak ako. ‘Yung singsing na pinakaiingatan ko, kinuha niya. Pinaasa na nga niya ako ng tatlong taon. Kukunin pa niya ang ala-ala ng isang taong mahalaga sa akin. “One last question,” sabi niya gamit ang malamig niyang boses. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?”Isla’s POVAgad na akong bumalik sa opisina at umupo sa desk ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sinabi ni Damian.“Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”Anong ibig niyang iparating? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ba akong paglaruan o gumagawa siya ng paraan para sukuan ko itong pinasok ko?Napatingin ako sa plaque sa desk ko, “Isla Vance”Kumuha ako ng marker mula sa drawer at binura ang “Vance” mula rito. Hindi ko ito mabura, kitang kita pa rin ang apelyido niya sa pangalan ko pero mukha itong may mantsa dahil sa markang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ako maiinis— sa apelyido niyang ikinabit pa niya sa pangalan ko o dahil sa hindi ko siya kayang mabura sa buhay ko.Biglang bumukas ang pinto. Nabitawan ko ang plaque na hawak ko at nabasag ito sa gitna. Nahati sa dalawang parte, hindi na Isla Vance kundi Isla at Vance na. Pupuntahan ko sana ito para pulutin pero narinig ko na ang matalim na boses ni Damian.“Stop.
Isla’s POVNagising ako sa sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang matalim na amoy ng alcohol at ang malamig na hangin ng aircon na diretso sa mukha ko. Napaungol ako dahil pumipintig na naman ang sakit ng ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Dahan dahan akong dumilat at umupo. May swerong nakakabit sa kamay ko. Hinawi ko ang kulay asul na kurtina at inikot ang mata ko sa loob. Para akong nasa hospital room na maraming hospital beds. Merong limang hospital beds sa loob. Apat ang unoccupied, ‘yung isa ay ‘yung gamit ko. Napatingin ako sa malaking orasan sa gitna ng kwarto.‘Shit! Alas dos pa lang ng hapon?! Naiwan ko ang trabaho ko. Lagot ako kay Damian nito panigurado.’ Tatanggalin ko na sana ang swerong nakakabit sa akin nang marinig ko ang isang boses ng lalaki. Malalim ito at boses na parang nasa 30’s lang ang edad.“Ms. Isla? Gising ka na,” sabi niya.Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Nakaputing coat siya at may stethoscope na nakasabit sa leeg ni
Isla’s POVNanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit nandito na ako sa apartment ko. Hindi ko inakalang nandoon si Damian. Ang dami ko nang napuntahang lugar, mga napagtanungang mga tao. Sino ba naman kasi ang mag aakala na CEO siya ng Vance Corporation? Halos isang oras ko ring pinakalma ang sarili ko kanina bago umuwi. Pagkatapos ng interview kasi ay dumiretso ako sa CR ng building. Doon ako umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng emosyon na hindi ko maipakita sa harap niya. Buti na lang at walang ibang tao sa CR kanina. Naghilamos ako pero kahit ilang beses kong basain ang mukha ko, hindi maalis ang sakit ng ulo at dibdib ko kanina. Ganito talaga ako kapag pagod at stressed, inaatake ako ng migraine at nosebleed. Iniinuman ko na lang ng pain relievers para kahit papaano, maibsan yung sakit. Minsan, tinutulog ko na lang at tinitiis hanggang mawala. Umiikot ikot ako sa kama ko habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa interview? Saan na naman ako hahanap ng trabaho? Kung hin
Damian’s POV“One last question,” sabi ko. Pinipilit kong ‘wag ipahalata sa kaniyang kinakabahan ako ngayong nasa harap ko na ulit siya. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?”Nanlaki ang mata niya. Nakita ko kung paanong mamutla siya dahil sa isang tanong ko. Napansin kong nanginginig na rin ang labi niya, at naramdaman ko ulit ang isang pamilyar na emosyon mula sa puso ko— ang sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako sa apartment namin. ‘Shit,’ bulong ko sa isip ko. Nasasaktan ako na makitang natatakot siya.“I… I don’t know what you’re talking about,” sagot niya habang nauutal pa sa kaba. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ko, at kung hindi ko pa siguro napigilan ang sarili ko, humagalpak na ako kakatawa habang namumuo ang luha sa mga mata ko.“Really?” Tinitigan ko siya direkta sa mga mata niya, iniiwasan kong magpakita ng anumang emosyon. “Because from what I remember, you always had a habit of running to the highest bidder.”Isang malakas na sampal
Isla’s POVTatlong taon.Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya.Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City
Isla’s POV“Wala ka nang magagawa, Isla. Nagkapirmahan na kami nina Don Ricardo. Tumigil ka na sa pag-iyak at ayusin mo ang sarili mo dahil bukas ay ikakasal ka na sa kaniya.”Bumalik sa isip ko ang boses ng stepmother ko habang tumatakbo ako sa gitna ng malakas na ulan. Suot ko pa rin ang puting engagement dress na binigay sakin ng sarili kong ama para sa party ng kasunduan nila ni Don Ricardo. Ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko dahil nawala na ang isang sapatos ko, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon.Bago ako umalis sa mansion, pinalitan ko ang pinakatagong encrypted USB ng stepmother ko sa drawer ng kaniyang opisina. Kinuha ko ang original at inipit sa bra ko. Sa ibabaw ng USB, may maliit na nakasulat: ‘Project Nightfall’. Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa pagtakas.Napadpad ako sa isang abandoned building sa gilid ng highway bago tuluyang sumuko ang mga paa ko. Nap







