Início / Romance / The CEO is my Runaway Husband / Chapter One: The Silver Ring

Compartilhar

The CEO is my Runaway Husband
The CEO is my Runaway Husband
Autor: Blaire Zaine

Chapter One: The Silver Ring

Autor: Blaire Zaine
last update Data de publicação: 2026-11-06 13:48:40

Isla’s POV

“Wala ka nang magagawa, Isla. Nagkapirmahan na kami nina Don Ricardo. Tumigil ka na sa pag-iyak at ayusin mo ang sarili mo dahil bukas ay ikakasal ka na sa kaniya.”

Bumalik sa isip ko ang boses ng stepmother ko habang tumatakbo ako sa gitna ng malakas na ulan. Suot ko pa rin ang puting engagement dress na binigay sakin ng sarili kong ama para sa party ng kasunduan nila ni Don Ricardo. Ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko dahil nawala na ang isang sapatos ko, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon.

Bago ako umalis sa mansion, pinalitan ko ang pinakatagong encrypted USB ng stepmother ko sa drawer ng kaniyang opisina. Kinuha ko ang original at inipit sa bra ko. Sa ibabaw ng USB, may maliit na nakasulat: ‘Project Nightfall’. Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa pagtakas.

Napadpad ako sa isang abandoned building sa gilid ng highway bago tuluyang sumuko ang mga paa ko. Napaupo ako sa sahig at nanginig sa lamig. Biglang may kumirot ang sentido ko. Isang malakas na pagpintig sa ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Naramdaman kong may tumulong malagkit sa bandang ilong ko. Dugo. Baka dahil nababad lang din ako sa malakas na ulan.

Hinawakan ko ang maliit na pendant ng kwintas sa leeg ko— isang lumang silver ring na may maliit na ukit ng bituin sa loob. Binigay ito ng isang batang lalaki na sumama sa akin sa gitna ng ulan matapos akong pabayaan ng stepmother ko noon. Simula noon, naging lucky charm ko na ang pendant na ito. Kasama ng kwintas na nag-iisang ala-ala ng yumao kong ina.

Sa gitna ng katahimikan, nakarinig ako ng isang mahinang ungol.

Napalingon ako sa sulok. Doon ko nakita ang isang duguang lalaki, may malaking sugat siya sa kaliwang parte ng tagiliran at may hawak na baril sa kanang kamay niya.

“Who the hell are you?” sigaw niya pero halata mong pagod at hinihingal na siya dahil sa boses niya.

Natakot ako sa sigaw at sa hawak niyang baril, tatakbo na sana ako kung hindi ko lang nakitang namumutla na ang mukha niya.

Nakakita ako ng first aid kit sa tabi ng fire extinguisher nitong building. Agad kong binasag ang glass wall gamit ang siko at natitirang lakas ko.

Lumapit ako sa kaniya, at agad niya naman akong tinutukan ng baril. “Umalis ka na.”

“Kung gusto mong mamatay dito, sige.” Matigas kong sagot. “Pero kung gusto mo pang mabuhay, ibaba mo ‘yang baril mo.”

Matagal muna siyang tumingin sa akin bago niya ibaba ang baril na hawak niya. Bago pa siya makasagot ulit, tumumba na ang ulo niya at nawalan ng malay.

Agad kong itinaas ang damit niyang puti, ngunit halos naging pula na dahil sa dugo. Kinuha ko ang mga kailangan ko sa first aid kit at inumpisahang gamutin ang malaking sugat niya sa tagiliran. Mabuti na lang at hindi gaanong malalim ang bala kaya naagapan ko pa. Tsaka ko sinunod ang ibang sugat niya. Nanginginig ako habang ginagawa ko ito dahil nasanay akong sarili ko lang ang ginagamot ko, tuwing pagkatapos akong gulpihin ng stepmother ko.

Nilapit ko ang dalawang daliri ko malapit sa ilong niya para siguraduhing humihinga pa siya. Ngunit bago ko pa mailapit, unti unting dumilat ang mga mata niya. Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang pendant ng kwintas ko.

“Where did you get this?” tanong niya habang di inaalis ang paningin niya sa pendant.

“Binigay sakin ng isang batang lalaki noong bata pa ako,” sagot ko at inilayo ang kamay niya rito. “Iniwan kasi ako ng stepmother ko noon sa ulan dahil nadapa yung kapatid ko habang naglalaro kami sa park. Akala niya sinasaktan ko yung kapatid ko. Iniwan nila akong mag-isa sa park tapos biglang umulan nang malakas.”

Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko, “buti na lang dumating ‘yung batang halos kaedad ko lang noon. May dala siyang payong tsaka panyo. Sinamahan niya ako hanggang tumila ang ulan. Binigay niya sakin ‘to bago siya tawagin ng parents niya para umuwi. Kaya itinago ko ‘to at lagi kong suot para kahit mag-isa ako, maalala ko ‘yung taong sinamahan ako aa gitna ng ulan.” Hindi ko namalayang nakangiti ako habang nagkkwento.

“Bakit pala?” tanong ko sa kaniya.

Umiwas siya nang tingin, “Wala. Nagandahan lang ako.”

“Ano palang pangalan mo?” pahabol kong tanong.

“Damian. Ikaw?”

“Isla.”

Nagkatinginan kami, at kung may ano akong naramdaman sa mga tingin niya pero hindi ko na ‘yon pinansin at inaya ko na siyang magpahinga.

Sa mga sumunod na araw, nakakita ako ng apartment na pwede naming matuluyan ni Damian. Siya habang nagpapagaling, at para makapagtago ako kay daddy at sa stepmother ko.

Habang kasama ko si Damian, naranasan ko ang buhay na hinahangad ko noon pa. Isang tahimik at normal na buhay. Tuwing umaga, laging may nakahandang almusal na luto ni Damian para sa akin bago siya pumasok sa trabaho. Sa gabi naman, sinisigurado kong may nakahain na sa hapag para kakain na lang siya pag-uwi niya.

Isang gabi, kinausap ko siya habang kumakain kami ng hapunan.

“Damian,” tawag ko sa kaniya. “Magpakasal na kaya tayo?” Nasamid siya sa tanong ko.

“Paper marriage lang.” sabi ko habang iniaabot sa kaniya ang baso ng tubig. “Tulungan mo akong makatakas sa pamilya ko. Kailangan kita, Damian.”

Tiningnan niya ako, “Kapag ginawa natin ‘to, hindi ka na makakabalik sa dati mong buhay. Wala akong maibibigay sayo kundi ganitong buhay lang.”

“Kahit ano pa ‘yan, basta ikaw ang kasama ko. Ayos na ako.” Hinawakan ko ang kamay niya para makita niyang sincere ako.

Nagpakasal kami sa City Hall. Damian Cruz pala ang pangalan niya. Simula non, Isla Cruz na rin ang ginamit kong pangalan. Inilihim ko ang totoong pinagmulan ko, ang alam lang niya, gusto akong ibenta ng pamilya ko sa mayamang negosyante para sa pera. At wala rin akong alam tungkol sa kaniya, kundi ang pangalan niya. Pero hindi ko na masyadong inisip pa ‘yon. Ang mahalaga, masaya kaming magkasama.

Isang araw, pag-uwi ko galing palengke. Nadatnan ko ang isang itim na sasakyan sa labas ng apartment namin ni Damian. Nasa loob non ang stepmother ko.

“Umuwi ka na, Isla. Kung ayaw mong idamay ko pa ang lalaking kasama mo. Bumalik ka sa mansion.”

Ayaw ko man, hinawakan na ako ng mga tauhan ng stepmother ko para isakay sa loob ng sasakyan niya. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Damian. Bago pa ako makasakay sa sasakyan, narinig ko ang boses ng stepmother ko na may inuutos sa isa niyang tauhan.

“Iwan mo dito itong sulat at mga litrato, siguraduhin mong makikita niya ito.”

Hindi na ako nakapagtanong dahil tinakpan na nila ang mata at bibig ko.

Binalak kong umalis sa mansion ngunit kinulong ako ng pamilya ko. Sumigaw ako at nagmakaawa sa kanila ngunit mismong ang tatay ko, walang pakialam kung nasasaktan ako. Nakikiusap ako sa lahat ng maid dito kung pwedeng makahingi ng gamot sa sakit ng ulo dahil tuwing gabi, inaatake ako ng migraine ko ngunit hindi raw sila pinapayagan ng stepmother ko dahil gumagawa lang daw ako ng kwento para maawa sakin ang tatay ko.

Isang gabi, narinig kong may nagbukas sa p***o ng kwarto ko.

“Ate?” boses ni Enzo.

“Enzo!”

“Shh! ‘Wag kang maingag. Umalis ka na habang tulog pa sila.”

Niyakap ko nang mahigpit si Enzo, “Salamat.”

Yumakap siya pabalik pero agad rin niyag inalis, “bilisan mo na, ate.”

Makalipas ang isang linggo, nakaalis rin ako sa mansion na ‘yon sa tulong ng kapatid ko.

Tumakbo ako papunta sa apartment namin ni Damian pero pagdating ko doon, isang malaking “FOR RENT” ang nakapaskil sa labas nito.

Pinuntahan ko ang landlord namin, sa kaniya ko nalaman na isang linggo na rin simula nang umalis si Damian sa apartment namin.

“Wala naman siyang sinabi,” sabi sakin ng landlord. “Basta na lang siyang nagbayad ng renta at umalis.”

Parang multong naglaho lang sa ere. Nirentahan ko muli ang apartment at nagbakasaling bumalik siya doon, pero wala.

Palipat lipat ako ng apartment, dahil sa dalawang dahilan: para magtago sa pamilya ko at malaman kung saan ba talaga nagpunta si Damian.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Six: The Doctor’s Orders

    Isla’s POVAgad na akong bumalik sa opisina at umupo sa desk ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sinabi ni Damian.“Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”Anong ibig niyang iparating? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ba akong paglaruan o gumagawa siya ng paraan para sukuan ko itong pinasok ko?Napatingin ako sa plaque sa desk ko, “Isla Vance”Kumuha ako ng marker mula sa drawer at binura ang “Vance” mula rito. Hindi ko ito mabura, kitang kita pa rin ang apelyido niya sa pangalan ko pero mukha itong may mantsa dahil sa markang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ako maiinis— sa apelyido niyang ikinabit pa niya sa pangalan ko o dahil sa hindi ko siya kayang mabura sa buhay ko.Biglang bumukas ang pinto. Nabitawan ko ang plaque na hawak ko at nabasag ito sa gitna. Nahati sa dalawang parte, hindi na Isla Vance kundi Isla at Vance na. Pupuntahan ko sana ito para pulutin pero narinig ko na ang matalim na boses ni Damian.“Stop.

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Five: The Scar

    Isla’s POVNagising ako sa sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang matalim na amoy ng alcohol at ang malamig na hangin ng aircon na diretso sa mukha ko. Napaungol ako dahil pumipintig na naman ang sakit ng ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Dahan dahan akong dumilat at umupo. May swerong nakakabit sa kamay ko. Hinawi ko ang kulay asul na kurtina at inikot ang mata ko sa loob. Para akong nasa hospital room na maraming hospital beds. Merong limang hospital beds sa loob. Apat ang unoccupied, ‘yung isa ay ‘yung gamit ko. Napatingin ako sa malaking orasan sa gitna ng kwarto.‘Shit! Alas dos pa lang ng hapon?! Naiwan ko ang trabaho ko. Lagot ako kay Damian nito panigurado.’ Tatanggalin ko na sana ang swerong nakakabit sa akin nang marinig ko ang isang boses ng lalaki. Malalim ito at boses na parang nasa 30’s lang ang edad.“Ms. Isla? Gising ka na,” sabi niya.Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Nakaputing coat siya at may stethoscope na nakasabit sa leeg ni

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Four: The Devil’s Desk

    Isla’s POVNanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit nandito na ako sa apartment ko. Hindi ko inakalang nandoon si Damian. Ang dami ko nang napuntahang lugar, mga napagtanungang mga tao. Sino ba naman kasi ang mag aakala na CEO siya ng Vance Corporation? Halos isang oras ko ring pinakalma ang sarili ko kanina bago umuwi. Pagkatapos ng interview kasi ay dumiretso ako sa CR ng building. Doon ako umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng emosyon na hindi ko maipakita sa harap niya. Buti na lang at walang ibang tao sa CR kanina. Naghilamos ako pero kahit ilang beses kong basain ang mukha ko, hindi maalis ang sakit ng ulo at dibdib ko kanina. Ganito talaga ako kapag pagod at stressed, inaatake ako ng migraine at nosebleed. Iniinuman ko na lang ng pain relievers para kahit papaano, maibsan yung sakit. Minsan, tinutulog ko na lang at tinitiis hanggang mawala. Umiikot ikot ako sa kama ko habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa interview? Saan na naman ako hahanap ng trabaho? Kung hin

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Three: The Monster He Became

    Damian’s POV“One last question,” sabi ko. Pinipilit kong ‘wag ipahalata sa kaniyang kinakabahan ako ngayong nasa harap ko na ulit siya. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?”Nanlaki ang mata niya. Nakita ko kung paanong mamutla siya dahil sa isang tanong ko. Napansin kong nanginginig na rin ang labi niya, at naramdaman ko ulit ang isang pamilyar na emosyon mula sa puso ko— ang sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako sa apartment namin. ‘Shit,’ bulong ko sa isip ko. Nasasaktan ako na makitang natatakot siya.“I… I don’t know what you’re talking about,” sagot niya habang nauutal pa sa kaba. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ko, at kung hindi ko pa siguro napigilan ang sarili ko, humagalpak na ako kakatawa habang namumuo ang luha sa mga mata ko.“Really?” Tinitigan ko siya direkta sa mga mata niya, iniiwasan kong magpakita ng anumang emosyon. “Because from what I remember, you always had a habit of running to the highest bidder.”Isang malakas na sampal

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter Two: The Stranger in the CEO’s Chair

    Isla’s POVTatlong taon.Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya.Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City

  • The CEO is my Runaway Husband   Chapter One: The Silver Ring

    Isla’s POV“Wala ka nang magagawa, Isla. Nagkapirmahan na kami nina Don Ricardo. Tumigil ka na sa pag-iyak at ayusin mo ang sarili mo dahil bukas ay ikakasal ka na sa kaniya.”Bumalik sa isip ko ang boses ng stepmother ko habang tumatakbo ako sa gitna ng malakas na ulan. Suot ko pa rin ang puting engagement dress na binigay sakin ng sarili kong ama para sa party ng kasunduan nila ni Don Ricardo. Ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko dahil nawala na ang isang sapatos ko, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon.Bago ako umalis sa mansion, pinalitan ko ang pinakatagong encrypted USB ng stepmother ko sa drawer ng kaniyang opisina. Kinuha ko ang original at inipit sa bra ko. Sa ibabaw ng USB, may maliit na nakasulat: ‘Project Nightfall’. Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa pagtakas.Napadpad ako sa isang abandoned building sa gilid ng highway bago tuluyang sumuko ang mga paa ko. Nap

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status