FAZER LOGINIsla’s POV
Nagising ako sa sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang matalim na amoy ng alcohol at ang malamig na hangin ng aircon na diretso sa mukha ko. Napaungol ako dahil pumipintig na naman ang sakit ng ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Dahan dahan akong dumilat at umupo. May swerong nakakabit sa kamay ko. Hinawi ko ang kulay asul na kurtina at inikot ang mata ko sa loob. Para akong nasa hospital room na maraming hospital beds. Merong limang hospital beds sa loob. Apat ang unoccupied, ‘yung isa ay ‘yung gamit ko. Napatingin ako sa malaking orasan sa gitna ng kwarto. ‘Shit! Alas dos pa lang ng hapon?! Naiwan ko ang trabaho ko. Lagot ako kay Damian nito panigurado.’ Tatanggalin ko na sana ang swerong nakakabit sa akin nang marinig ko ang isang boses ng lalaki. Malalim ito at boses na parang nasa 30’s lang ang edad. “Ms. Isla? Gising ka na,” sabi niya. Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Nakaputing coat siya at may stethoscope na nakasabit sa leeg niya. “Nasaan po ako?” agad kong tanong sa kaniya. “Nandito ka sa company clinic, sa loob ng Vance Corporation. Wala kang malay nang dalhin ka nila dito,” paliwanag ni doc sa akin. “I am Julian Reyes, company doctor dito,” ngiti niyang dagdag. Ang amo ng mukha ni doc Julian. Hindi katulad ng boss slash ex-husband ko, laging mainitin ang ulo lalo kapag kaharap ako. “Doc, pwede na po ba akong mauna? Oras pa po kasi ng trabaho ko. For sure, lagot na naman ako sa boss ko pagbalik ko.” tanong ko kay doc. Gusto ko pa sana mag-stay dito sa clinic dahil sa poging doctor na ito pero naiisip ko ang umuusok na ilong ng boss ko dahil nahinto ang trabaho ko dahil sa nangyari sa akin. “Wait lang, Ms. Isla. Kailangan mong bantayan ang health mo. Huwag kang puro trabaho, ingatan mo rin ang sarili mo. Sobrang baba ng blood pressure mo, at severely dehydrated ka,” kalmadong pagpapaliwanag sa akin ni doc. “Uminom ka palagi ng tubig, at kumain. Mukha kang nanghihina simula pa kanina nang dalhin ka rito. Mabuti dinala ka rito agad ni Mr. Vance,” sabi ni doc. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. ‘Si Damian ang nagdala sa akin dito?’ Agad na bumalik sa akin nangyari kaninang umaga. Napagod ako dahil sa paulit ulit na utos niya doon sa kape tapos sinungitan pa ako. “Ganon po ba, doc? Sige po pero kailangan ko na po talagang bumalik sa opisina dahil siguradong hinihintay na po ako nun,” sabi ko. Hindi na ako nagalinalangang tanggalin ang swero. May tumalsik na konting dugo sa puting fabric ng hospital bed. “Ms. Isla! Ano bang ginagawa mo?” Nag aalalang tanong ni doc. “Hindi ka pa muna pwedeng tumayo, at baka mabinat ka.” Pinigilan niya ako at pinahiga ulit sa bed. “Doc, kailangan ko na po talagang bumalik doon. Kung hindi ako makakabalik ngayon, paniguradong matatanggal ako sa trabaho,” pasigaw kong sabi kay doc. Naluluha na ako pero hindi naman ako pwedeng magsabi kay doc ng pinagdadaanan ko. Napabuntong hininga si doc, napansin ko ang awa sa mga mata ni doc. “Kumalma ka muna. Si Mr. Vance na mismo ang nagsabi sa akin na pauwiin na kita kapag umayos na ang pakiramdam mo. Hindi ka niya tatanggalin.” Nawala ang panic at tension na nararamdaman ko. Habang inaayos ni doc ang swero ko, naging seryoso ang mukha niya. “Nung dinala ka rito, ginawa namin ang standard check-up. Tiningnan namin ang ulo at buong katawan mo, para malaman kung ano ang rason ng pagkahimatay mo,” sabi niya, bumaba ang tono niya. “Napansin ko ang lumang tahi sa ulo mo, masyadong malaki. Nakatago pero mabilis siyang makikita kung hahawiin ang buhok mo.” Nanigas ako, at hinawakan ang peklat ko. Kumirot iyon nang hawakan ko. “Ah, ‘yon po ba? Galing lang po sa aksidente ‘yon five years ago. Car accident po. Pero okay naman na po ako ngayon, doc,” paliwanag ko. Actually, wala naman akong masyadong maalala sa car accident. Kinwento lang sakin ni Enzo ‘yon. Siya lang naman ang nakakausap ko nang matino sa bahay na iyon. Pero wala akong maalala sa mga nangyari kung bakit ako naaksidente. “Ms. Isla, based sa mga symptoms mo, ang madalas na migraine at pagdurugo ng ilong mo, hindi ‘yon basta basta lang. Hindi dahil sa pagod,” paliwanag sa akin ni doc. “Kailangan mo ng additional tests. Specifically, a CT Scan. Gusto naming makasigurado na walang internal bleeding o complications mula sa lumang injury mo.” CT Scan? Bakit? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Naku, doc. Hindi na po kailangan. Tsaka mahal po ‘yon diba?” sagot ko kay doc. Kaya naman ‘yon ng pamilya ko pero hinding hindi na ako lalapit sa kanila para sa pera. Sigurado akong gagamitin nilang dahilan ‘yon para mahawakan na naman ako sa leeg. “Mas iniisip mo pa ang gagastusin mo kaysa sa kalusugan mo? Mag isip ka naman nang maayos, Ms. Isla!” sabi ni doc sa akin, halata mong naiinis na rin siya pero pinipilit niyang ikalma ang tono niya. May iniabot siyang recommendation at brochure ng CT Scan na may presyo ng mga packages. Chineck ko ang pinakamurang package. Fifteen thousand. Napapikit ako. Halos tatlong buwang upa ko na ‘yon sa apartment ko. At pang-araw araw kong pagkain. Hindi ko kayang gumastos ng fifteen thousand para lang sa isang CT Scan. “Hindi na po, doc. Dala lang po ng stress at pagod kaya ako nahimatay,” nakangiti kong sabi sa kaniya. “Pain relievers na lang po, doc.” dagdag ko. “Pero, Ms. Isla—“ “Doc, please. Pain relievers na lang po para sa migraine, at kung anong gamot po ang pwede sa nosebleed.” Matagal ko na rin namang nararanasan ‘to. Kailangan ko lang ng mga gamot para maibsan ang sakit. Napabuntong hininga na lang si doc. Alam ko namang ginagawa niya lang ang responsibilidad niya pero bilang isang tao na hindi kayang gumastos para sa check ups, hindi niya rin pwedeng pilitin kung ayaw ko. “Sige,” sabi niya at bumalik na sa desk niya para gumawa ng reseta. “Ito para sa migraine mo. Ito naman para sa nosebleed. Observe mo muna ang sarili mo ng pitong araw tapos bumalik ka rito. Kapag sumasakit ang ulo mo, pumunta ka rito para macheck kita. Nandito lang naman ako sa ibaba ng opisina niyo.” sabi ni doc. “Pero, Ms. Isla. Kapag lumala ito, ako na ang magdadala mismo sayo sa malaking ospital,” dagdag niya pa. “Okay po, doc. Salamat po.” sabi ko sa kaniya. Lumabas na ako ng clinic hawak ang resetang inabot sa akin ni Doc. Pagbukas ko ng p***o, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nandoon si Damian, nakatayo sa harapan ng clinic matalim na nakatingin sakin. Hindi siya nagsasalita pero kinuha niya sa mga kamay ko ang resetang binigay sa akin ng doctor. At gamit ang kabilang kamay niya, kinuha niya ang kamay ko kung saan kitang kita pa ang bakas ng dugo sa pagkatanggal ko ng swero. “Gusto mo bang mamatay?” galit na tanong niya. “Bitawan mo ako, masakit,” naiiyak kong sabi kaya agad niyang binitawan ang kamay ko. Binasa niya ang mga nakasulat sa reseta. Nakita ko ang pag-iigting ng panga niya. “Ito lang? Painkillers?” “Oo.” Hindi na siya nagtanong pa. Nakatingin lang siya sakin nang matalim, parang tinutusok ng kutsilyo ang mata at dibdib ko. Nilukot niya ang resetang ginawa ni Doc Julian. “Go back to your desk but don't do anything. Just rest there and wait for me.” “Ano?” tanong ko. “I’ll have my personal doctor come and give you the right medicine. Wala kang ibang gamot na iinumin unless I’m the one who approved.” “May nireseta na sakin si doc Julian. Hindi ko na kailangan ng iba pang gamot. Hindi ko kai—“ “Isang salita pa,” sabi niya at humakbang papalapit sa akin. Nilapit niya ang mukha niya malapit sa akin halos magdikit na ang mga ilong namin. “Isang salita pa at isasama kita sa bahay ko.” “Ano?” tinulak ko ang dibdib niya para mapalayo siya sakin. “If you faint again because you’re too stubborn to take care of yourself, you will live under my roof. I will be the one to check you, closely.” Sabay tingin niya sa labi ko, at dahan dahang bumaba ‘yun sa dibdib ko. Napansin kong nakabukas ang dalawang butones nito kaya nakalitaw nang bahagya ang balat ko. Agad kong sinara ang mga butones at lumayo sa kaniya. “That’s good. Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”Isla’s POVAgad na akong bumalik sa opisina at umupo sa desk ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sinabi ni Damian.“Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”Anong ibig niyang iparating? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ba akong paglaruan o gumagawa siya ng paraan para sukuan ko itong pinasok ko?Napatingin ako sa plaque sa desk ko, “Isla Vance”Kumuha ako ng marker mula sa drawer at binura ang “Vance” mula rito. Hindi ko ito mabura, kitang kita pa rin ang apelyido niya sa pangalan ko pero mukha itong may mantsa dahil sa markang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ako maiinis— sa apelyido niyang ikinabit pa niya sa pangalan ko o dahil sa hindi ko siya kayang mabura sa buhay ko.Biglang bumukas ang pinto. Nabitawan ko ang plaque na hawak ko at nabasag ito sa gitna. Nahati sa dalawang parte, hindi na Isla Vance kundi Isla at Vance na. Pupuntahan ko sana ito para pulutin pero narinig ko na ang matalim na boses ni Damian.“Stop.
Isla’s POVNagising ako sa sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang matalim na amoy ng alcohol at ang malamig na hangin ng aircon na diretso sa mukha ko. Napaungol ako dahil pumipintig na naman ang sakit ng ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Dahan dahan akong dumilat at umupo. May swerong nakakabit sa kamay ko. Hinawi ko ang kulay asul na kurtina at inikot ang mata ko sa loob. Para akong nasa hospital room na maraming hospital beds. Merong limang hospital beds sa loob. Apat ang unoccupied, ‘yung isa ay ‘yung gamit ko. Napatingin ako sa malaking orasan sa gitna ng kwarto.‘Shit! Alas dos pa lang ng hapon?! Naiwan ko ang trabaho ko. Lagot ako kay Damian nito panigurado.’ Tatanggalin ko na sana ang swerong nakakabit sa akin nang marinig ko ang isang boses ng lalaki. Malalim ito at boses na parang nasa 30’s lang ang edad.“Ms. Isla? Gising ka na,” sabi niya.Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Nakaputing coat siya at may stethoscope na nakasabit sa leeg ni
Isla’s POVNanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit nandito na ako sa apartment ko. Hindi ko inakalang nandoon si Damian. Ang dami ko nang napuntahang lugar, mga napagtanungang mga tao. Sino ba naman kasi ang mag aakala na CEO siya ng Vance Corporation? Halos isang oras ko ring pinakalma ang sarili ko kanina bago umuwi. Pagkatapos ng interview kasi ay dumiretso ako sa CR ng building. Doon ako umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng emosyon na hindi ko maipakita sa harap niya. Buti na lang at walang ibang tao sa CR kanina. Naghilamos ako pero kahit ilang beses kong basain ang mukha ko, hindi maalis ang sakit ng ulo at dibdib ko kanina. Ganito talaga ako kapag pagod at stressed, inaatake ako ng migraine at nosebleed. Iniinuman ko na lang ng pain relievers para kahit papaano, maibsan yung sakit. Minsan, tinutulog ko na lang at tinitiis hanggang mawala. Umiikot ikot ako sa kama ko habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa interview? Saan na naman ako hahanap ng trabaho? Kung hin
Damian’s POV“One last question,” sabi ko. Pinipilit kong ‘wag ipahalata sa kaniyang kinakabahan ako ngayong nasa harap ko na ulit siya. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?”Nanlaki ang mata niya. Nakita ko kung paanong mamutla siya dahil sa isang tanong ko. Napansin kong nanginginig na rin ang labi niya, at naramdaman ko ulit ang isang pamilyar na emosyon mula sa puso ko— ang sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako sa apartment namin. ‘Shit,’ bulong ko sa isip ko. Nasasaktan ako na makitang natatakot siya.“I… I don’t know what you’re talking about,” sagot niya habang nauutal pa sa kaba. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ko, at kung hindi ko pa siguro napigilan ang sarili ko, humagalpak na ako kakatawa habang namumuo ang luha sa mga mata ko.“Really?” Tinitigan ko siya direkta sa mga mata niya, iniiwasan kong magpakita ng anumang emosyon. “Because from what I remember, you always had a habit of running to the highest bidder.”Isang malakas na sampal
Isla’s POVTatlong taon.Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya.Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City
Isla’s POV“Wala ka nang magagawa, Isla. Nagkapirmahan na kami nina Don Ricardo. Tumigil ka na sa pag-iyak at ayusin mo ang sarili mo dahil bukas ay ikakasal ka na sa kaniya.”Bumalik sa isip ko ang boses ng stepmother ko habang tumatakbo ako sa gitna ng malakas na ulan. Suot ko pa rin ang puting engagement dress na binigay sakin ng sarili kong ama para sa party ng kasunduan nila ni Don Ricardo. Ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko dahil nawala na ang isang sapatos ko, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon.Bago ako umalis sa mansion, pinalitan ko ang pinakatagong encrypted USB ng stepmother ko sa drawer ng kaniyang opisina. Kinuha ko ang original at inipit sa bra ko. Sa ibabaw ng USB, may maliit na nakasulat: ‘Project Nightfall’. Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa pagtakas.Napadpad ako sa isang abandoned building sa gilid ng highway bago tuluyang sumuko ang mga paa ko. Nap







