LOGINDamian’s POV
“One last question,” sabi ko. Pinipilit kong ‘wag ipahalata sa kaniyang kinakabahan ako ngayong nasa harap ko na ulit siya. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?” Nanlaki ang mata niya. Nakita ko kung paanong mamutla siya dahil sa isang tanong ko. Napansin kong nanginginig na rin ang labi niya, at naramdaman ko ulit ang isang pamilyar na emosyon mula sa puso ko— ang sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako sa apartment namin. ‘Shit,’ bulong ko sa isip ko. Nasasaktan ako na makitang natatakot siya. “I… I don’t know what you’re talking about,” sagot niya habang nauutal pa sa kaba. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ko, at kung hindi ko pa siguro napigilan ang sarili ko, humagalpak na ako kakatawa habang namumuo ang luha sa mga mata ko. “Really?” Tinitigan ko siya direkta sa mga mata niya, iniiwasan kong magpakita ng anumang emosyon. “Because from what I remember, you always had a habit of running to the highest bidder.” Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa pisngi ko. “I never did that. I will never leave you for money,” galit na sabi niya. “Then why did you leave?” Tanong ko. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa kaba at galit na nararamdaman ko ngayon. “I had to!” Naluluha niyang sabi. “Kinulong ako ng pamilya ko. Ayaw kitang madamay sa gulo dahil minahal kita. Pinilit kong tumakas sa kanila. Binalikan kita pero wala ka na. Iniwan mo ako!” Tiningnan ko pa siya nang matagal. Gusto kong maniwala sa kaniya pero hindi. Siya ang nang-iwan sa akin, nandito pa sa drawer ng opisina ko ang lahat ng pruweba ko. Ang mga litrato, ang sulat na iniwan niya nung gabing iwan niya ako. Umigting ang panga ko. Pinipilit kong burahin sa isip ko ang mga litratong ‘yon. ‘Yung litrato niya habang sumasakay sa loob ng itim na kotse. Pinipilit kong alisin sa utak ko ang pag-asa at paghihintay na balikan niya ako para magpaliwanag pero hindi na siya umuwi. Kung totoo ang mga sinasabi niya, bakit pa siya mag iiwan ng sulat? At para saan ang mga litratong iyon? “Get out,” sabi ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit nakikita ko na siyang umiiyak. Pinalabas ko na siya dahil kung magtatagal pa siya dito sa ganitong sitwasyon, baka bumigay ako at yakapin siya nang mahigpit. “Damian—“ “I said, get out,” pagputol ko sa kaniya. Ayoko siyang tingnan. Ayoko siyang makita. Pakiramdam ko kapag nakita ko pa siyang umiiyak, babagsak na ang buong pagkatao ko. “You are not fit for this position. Ms. Camille will escort you out.” Narinig ko ang pagbukas ng p***o ng opisina ko at mahinang yapak niya papalayo dito. At doon ko pinakawalan ang emosyong kanina pa gustong kumawala sa akin. Kinuha ko ang silver ring mula sa bulsa ng suit ko. Nanginginig ang kamay ko, ang buong katawan ko. “Kinulong ako ng pamilya ko…” paulit ulit ang boses niya sa isipan ko. Gusto kong maniwala. Bakit nasasaktan ako nang makita kong umiiyak siya? Tatlong taon mula ng iwan niya ako, wala akong ibang naramdaman kundi galit. Galit sa kaniya, at sa sarili ko dahil hinayaan kong maniwala sa mga pangako niya noon. Tinitigan ko ang maliit na star na nakaukit sa loob ng singsing ko. “Lucky charm ko ‘yan kaya hindi ko ibinenta kahit sobrang hirap ng buhay ko noon.” Napapikit ako. Bakit maghihirap ang buhay niya sa poder ng mayamang napangasawa niya? Bakit hindi niya pa tinatapon o binibenta itong singsing na binigay ko noon. Noong mga bata pa kami. Binuksan ko ang pinakailalim na drawer ng desk ko. Kinuha ko ang isang lumang velvet box, isang bagay na tinago ko mula sa nakaraan. Binuksan ko ito, dito nakalagay ang sulat at mga litrato ni Isla sakin nung gabing iwan niya ako. Inilagay ko sa loob ang singsing, at tsaka ko sinara ang velvet box. Ibinalik ko na ito sa loob ng drawer. Isang malalim ba buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko. Galit ako sa taong ‘yon, galit ako kay Isla pero ngayon, hindi ko na siya hahayaang mawala sa paningin ko. Tinawag ko si Lucas para sabihing may napili na ako bilang executive secretary ko, si Isla. Bumukas ang p***o sa opisina ko at pumasok si Lucas, hawak ang tablet niya. “Boss,” sabi niya. “Cancelled na po ang interview ng applicants. Nasabihan ko na rin si Ms. Camille na si Ms. Cruz na ang napili mo.” “Good,” sabi ko sa pinaka-kalmadong boses ko. “Pero, boss,” napatigil nang bahagya si Lucas. “Hindi ba’t siya ang babaeng nang iwan sayo? Bakit siya pa ang kukunin mo?” “That’s exactly why I want her here,” sagot ko. “Gusto kong malaman kung sino ang ipinalit niya sa akin. Gusto kong makita niyang nagkamali siya nung iwan niya ako.” Hindi na nakaimik pa si Lucas. “Kung manlalalaki na naman siya, malalaman ko ‘yon agad,” paliwanag ko. “At kapag nahuli ko siya, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ‘yon.” “Okay, wala naman akong magagawa sa utos mo,” pabalang na sagot ni Lucas. “Ilagay mo dito sa loob ng opisina ko ang desk ni Isla,” sabi ko kay Lucas na pinagtaka naman niya. “I want her where I can see her. Every single second. She can’t leave this office without my permission.” Umangat ang isang kilay ni Lucas sa utos ko pero wala naman siyang magagawa kundi sundin ang lahat ng iuutos ko. “Okay, sige. Sabihan ko na ang mga staff na ilipat na rito ang mga gagamitin ng Executive Secretary mo.” Pagkatapos ng usapan namin, lumabas na rin siya para asikasuhin ang iba pang bagay. Napatingin ako sa inupuan kanina ni Isla, at napadako ang tingin ko sa kulay pulang patak sa desk ko, malapit sa pwesto niya kanina. Dugo? Paanong meron nito dito?Isla’s POVAgad na akong bumalik sa opisina at umupo sa desk ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sinabi ni Damian.“Don’t let me see that again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa susunod.”Anong ibig niyang iparating? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ba akong paglaruan o gumagawa siya ng paraan para sukuan ko itong pinasok ko?Napatingin ako sa plaque sa desk ko, “Isla Vance”Kumuha ako ng marker mula sa drawer at binura ang “Vance” mula rito. Hindi ko ito mabura, kitang kita pa rin ang apelyido niya sa pangalan ko pero mukha itong may mantsa dahil sa markang ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ako maiinis— sa apelyido niyang ikinabit pa niya sa pangalan ko o dahil sa hindi ko siya kayang mabura sa buhay ko.Biglang bumukas ang pinto. Nabitawan ko ang plaque na hawak ko at nabasag ito sa gitna. Nahati sa dalawang parte, hindi na Isla Vance kundi Isla at Vance na. Pupuntahan ko sana ito para pulutin pero narinig ko na ang matalim na boses ni Damian.“Stop.
Isla’s POVNagising ako sa sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang matalim na amoy ng alcohol at ang malamig na hangin ng aircon na diretso sa mukha ko. Napaungol ako dahil pumipintig na naman ang sakit ng ulo ko na parang may martilyong pumupukpok dito. Dahan dahan akong dumilat at umupo. May swerong nakakabit sa kamay ko. Hinawi ko ang kulay asul na kurtina at inikot ang mata ko sa loob. Para akong nasa hospital room na maraming hospital beds. Merong limang hospital beds sa loob. Apat ang unoccupied, ‘yung isa ay ‘yung gamit ko. Napatingin ako sa malaking orasan sa gitna ng kwarto.‘Shit! Alas dos pa lang ng hapon?! Naiwan ko ang trabaho ko. Lagot ako kay Damian nito panigurado.’ Tatanggalin ko na sana ang swerong nakakabit sa akin nang marinig ko ang isang boses ng lalaki. Malalim ito at boses na parang nasa 30’s lang ang edad.“Ms. Isla? Gising ka na,” sabi niya.Dahan dahan akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Nakaputing coat siya at may stethoscope na nakasabit sa leeg ni
Isla’s POVNanginginig pa rin ang mga kamay ko kahit nandito na ako sa apartment ko. Hindi ko inakalang nandoon si Damian. Ang dami ko nang napuntahang lugar, mga napagtanungang mga tao. Sino ba naman kasi ang mag aakala na CEO siya ng Vance Corporation? Halos isang oras ko ring pinakalma ang sarili ko kanina bago umuwi. Pagkatapos ng interview kasi ay dumiretso ako sa CR ng building. Doon ako umiyak nang umiyak. Inilabas ko lahat ng emosyon na hindi ko maipakita sa harap niya. Buti na lang at walang ibang tao sa CR kanina. Naghilamos ako pero kahit ilang beses kong basain ang mukha ko, hindi maalis ang sakit ng ulo at dibdib ko kanina. Ganito talaga ako kapag pagod at stressed, inaatake ako ng migraine at nosebleed. Iniinuman ko na lang ng pain relievers para kahit papaano, maibsan yung sakit. Minsan, tinutulog ko na lang at tinitiis hanggang mawala. Umiikot ikot ako sa kama ko habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa interview? Saan na naman ako hahanap ng trabaho? Kung hin
Damian’s POV“One last question,” sabi ko. Pinipilit kong ‘wag ipahalata sa kaniyang kinakabahan ako ngayong nasa harap ko na ulit siya. “Have you found yourself a wealthy man to be your husband yet?”Nanlaki ang mata niya. Nakita ko kung paanong mamutla siya dahil sa isang tanong ko. Napansin kong nanginginig na rin ang labi niya, at naramdaman ko ulit ang isang pamilyar na emosyon mula sa puso ko— ang sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako sa apartment namin. ‘Shit,’ bulong ko sa isip ko. Nasasaktan ako na makitang natatakot siya.“I… I don’t know what you’re talking about,” sagot niya habang nauutal pa sa kaba. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ko, at kung hindi ko pa siguro napigilan ang sarili ko, humagalpak na ako kakatawa habang namumuo ang luha sa mga mata ko.“Really?” Tinitigan ko siya direkta sa mga mata niya, iniiwasan kong magpakita ng anumang emosyon. “Because from what I remember, you always had a habit of running to the highest bidder.”Isang malakas na sampal
Isla’s POVTatlong taon.Tatlong taon na simula nang iwan ako ni Damian. At sa loob ng tatlong taon, hindi ako napagod o sumukong hanapin siya. Umalis na ako sa probinsya, dala ang naipon ko at ang USB na nakuha ko mula sa stepmother ko. Nagtungo ako sa Vantage City. Nalibot ko na ata lahat ng lugar, at napasukan ang lahat ng trabahong kaya ko. Cook sa karinderya. Janitress sa opisina. Sales Clerk. Call Center Agent. At kung ano ano pa. Sa bawat pinupuntahan ko, lagi akong nagtatanong kung may nakakita ba sa lalaking kasama ko sa picture. Ang nag-iisang larawan namin na meron ako. Sa araw ng kasal namin. Pero wala, walang nakakita o nakakakilala manlang sa kaniya.Naglakas loob ako akong mag apply sa Apex Tower gamit ang apelyido ni Damian. “Isla Cruz”. ‘Yun na rin ang ginamit kong pangalan para kahit papaano, may ala ala ako galing kay Damian at hindi ako mahanap agad ng pamilya ko. Ngayon, nandito ako sa harap ng Apex Tower, isang 50-storey glass skyscraper sa gitna ng Vantage City
Isla’s POV“Wala ka nang magagawa, Isla. Nagkapirmahan na kami nina Don Ricardo. Tumigil ka na sa pag-iyak at ayusin mo ang sarili mo dahil bukas ay ikakasal ka na sa kaniya.”Bumalik sa isip ko ang boses ng stepmother ko habang tumatakbo ako sa gitna ng malakas na ulan. Suot ko pa rin ang puting engagement dress na binigay sakin ng sarili kong ama para sa party ng kasunduan nila ni Don Ricardo. Ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko dahil nawala na ang isang sapatos ko, pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon.Bago ako umalis sa mansion, pinalitan ko ang pinakatagong encrypted USB ng stepmother ko sa drawer ng kaniyang opisina. Kinuha ko ang original at inipit sa bra ko. Sa ibabaw ng USB, may maliit na nakasulat: ‘Project Nightfall’. Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na sa pagtakas.Napadpad ako sa isang abandoned building sa gilid ng highway bago tuluyang sumuko ang mga paa ko. Nap







