“Lucien… kung may next life man, hahanapin kita.”Halos hindi na marinig ang bulong ni Luna Villareal.Nakahiga siya sa malamig na sahig, nanginginig ang katawan, at bawat paghinga ay parang may kasamang talim. Matagal nang nawala ang kanyang paningin. Ngayon, pati ang natitirang lakas niya, unti-unti nang kinukuha ng lason.Pero kahit sa gitna ng sakit, may isang alaala siyang mahigpit na pinanghahawakan. Ang mga kamay ng lalaking minsang naging tahanan niya.“Luna.” Aniya ng pamilyar na boses ng lalaki.Napahinto ang kanyang paghinga.Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon—malalim, mahinahon, at may lambing na hindi niya kailanman natanggap mula sa sariling asawa.“Lucien?” Mahina siyang ngumiti. “Ikaw ba ’yan?”May mainit na palad na dumampi sa kanyang pisngi.“Yes. I’m here.” Sambit ng lalaki sa kanya.Gusto niyang abutin ito. Gusto niyang makita kahit isang beses ang mukha ng lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay. Pero halos hindi na gumalaw ang kanyang mga daliri.“
Last Updated : 2026-11-09 Read more