Luna’s POVTatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Theo. Simula nang gabing iyon, mas naging tahimik ang bahay. Hindi ko na rin siya tinanong kung saan siya natutulog o kung kailan siya uuwi. Pagkatapos ng sinabi niyang kailangan niya ng oras mag-isa, hinayaan ko muna siya.Kaya nang sabihin ng house manager na nasa office si Theo at hinihintay ako, nagtaka ako. Hindi naman niya ako madalas ipatawag doon.Nakaupo siya sa harap ng monitor. May hawak na folder. Nang makita ako, isinara niya iyon at itinuro ang upuan sa harap niya.“There’s a foundation dinner on Friday. Sumama ka.”Napatingin ako sa kaniya. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, siya mismo ang nag-aya sa akin. Hindi ko napigilang makaramdam ng kaunting tuwa. Akala ko, baka gusto na rin niyang gumugol ulit ng oras kasama ako, kahit sa isang formal na pagtitipon lang.“Gusto mong sumama ako?” tanong ko, bahagyang may ngiti sa labi.“You’re my wife, Luna. Kailangan nating dalawa roon.”Unti-unting nawala an
Last Updated : 2026-11-09 Read more