Share

CHAPTER FOUR

Author: KiKoWrites
last update publish date: 2026-11-09 15:31:51

Luna’s POV

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Ang huling naaalala ko ay nakahiga ako habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na binabalikan ang sinabi ni Theo tungkol kay Astra.

Nagising ako nang bumukas ang p***o. Nasa paanan na siya ng kama nang imulat ko ang mga mata ko. Inalis niya ang relo at inilapag sa dresser, saka tinanggal ang cufflinks ng polo niya.

“Anong oras na?” tanong ko.

“Past eleven. Sorry, nagising ba kita?”

“Hindi naman.” Umupo ako at inayos ang kumot. “May pagkain pa sa kusina kung gutom ka.”

“Nagdinner na ako.”

Pagkatapos uminom ng tubig, nanatili siya sa tabi ng dresser.

“Luna, can we talk?”

“Sure. Ano ’yon?”

“Our marriage.”

Umupo siya sa armchair malapit sa bintana.

“I want a divorce.”

Hindi ako agad nakapagsalita. Napatingin ako sa kaniya, saka sa singsing sa daliri ko. Ilang segundo akong naghintay, umaasang may susunod siyang sasabihin na magpapaliwanag kung bakit niya iyon nasabi.

“I want us to get divorced, Luna.”

“Hindi mo na ba ako mahal?”

“I’ve been thinking about this for months. I should’ve told you sooner.”

“Months?” Napailing ako. “Ang tagal na pala.”

“We’ve tried. Pero hindi na ako naniniwalang maaayos pa natin.”

Habang iniisip kong may pinagdadaanan lang kami, matagal na pala niyang pinagpapasyahan kung paano ako iiwan.

“May nakausap na akong lawyer,” dagdag niya. “I’ll have him prepare the documents. He’ll contact you about the process.”

Napatawa ako nang mahina. “May lawyer na rin?”

“I didn’t want to keep delaying it.”

Hindi ko na tinanong kung gaano na katagal niyang inaasikaso ang lahat.

“Si Astra ba ang dahilan?”

“I’m seeing her.”

“Alam niyang kasal ka.”

“She knew from the beginning.”

Hindi ito isang gabing nadala siya ng pagkakataon. Alam ni Astra na may asawa siya. Alam din ni Theo kung sino ang masasaktan sa ginagawa nila.

“We met through work events,” paliwanag niya. “We started talking, then eventually nagkikita na kami outside work.”

“Gaano na katagal?”

“Almost a year.”

Naalala ko ang mga gabing ilang beses kong tinatawagan ang cellphone niya. May pagkakataon pang tinawagan ko ang opisina niya dahil hindi ko siya ma-contact.

“Nakita mo naman pala ang mga tawag ko.”

“I saw them.”

“Akala ko may nangyari na sa’yo noon.”

He lowered his eyes. “I know.”

Hindi na ako nagtanong kung bakit hindi siya sumagot.

May isa pa akong gustong itanong. Ilang beses ko nang itinulak sa isip ko ang posibilidad na iyon, pero ngayong kaharap ko siya, hindi ko na kayang magkunwaring hindi sumagi sa isip ko.

“Pati ba kapag magkasama tayo sa kama, naiisip mo siya?”

Hindi siya gumalaw.

“Tuwing nagsesex tayo, Theo, siya ba ang nasa isip mo? Habang k********t mo ako, iniisip mo bang sana siya na lang ang kasama mo?”

Tumingin siya sa akin, pero hindi niya agad nasagot ang tanong. Inilapag niya ang baso sa mesa at pinagdikit ang mga kamay niya.

“Luna, I don’t know how to answer that.”

“Hindi mo alam, o ayaw mong sabihin?”

He looked away.

“May mga pagkakataong hindi ko na iniisip ang mga bagay na dapat kong isipin.”

“Paano mo nagagawa? Umuwi ka rito, humiga sa tabi ko, at kumilos na parang asawa pa rin kita. Samantalang may iba ka nang kasama.”

“I’m not going to make excuses.”

Hindi siya lumapit para hawakan ako. Marahil alam niyang wala na siyang karapatang gawin iyon.

Naalala ko ang anniversary namin noong nakaraang taon.

Ilang araw ko iyong pinaghandaan. Simple lang na dinner sa bahay ang gusto ko, kaya inulit ko ang pasta na inorder namin noong unang anniversary namin bilang mag-asawa. Hinanap ko pa ang lumang litrato naming dalawa at inilagay iyon sa tabi ng mesa.

Maaga akong nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng blue dress na minsan niyang sinabing bagay sa akin. Ilang beses kong inayos ang mesa habang hinihintay siya.

Nang hindi siya dumating sa oras na sinabi niya, nag-message ako. Tinawagan ko rin siya, pero hindi niya sinagot.

Bandang alas-nuwebe, nag-reply siya.

On my way na. Sorry, babe.

Alas-diyes na siya dumating. May dala siyang bulaklak. Medyo gusot ang kuwelyo ng polo niya, at nang halikan niya ako sa pisngi, may naamoy akong pabango na hindi ko matandaan kung dati ko nang naamoy sa kaniya.

Hindi ko iyon pinansin.

“Akala ko hindi ka na aabot,” sabi ko noon.

“Of course I’d come home. Anniversary natin.”

Niyakap ko siya at tinanggap ang bulaklak. Pinainit ko ulit ang pasta habang nagpapalit siya. Nang bumalik siya sa mesa, nagkuwentuhan kami tungkol sa lumang litrato at sa mga plano naming gawin sa susunod na taon.

Bago kami matulog, sinabi niyang babawi siya sa akin.

Naniwala ako.

Ngayon, nalaman kong bago siya umuwi sa bahay na ito, kasama niya si Astra.

“Last year’s anniversary,” sabi ko. “Kasama mo siya bago ka umuwi, hindi ba?”

Hindi siya agad sumagot.

“Yes. We were together earlier that evening.”

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit: na kasama niya si Astra bago siya umuwi, o na pagkatapos noon ay nagawa pa niyang magdala ng bulaklak at tawagin akong babe na para bang walang nangyari.

“Pinaghandaan ko pa iyon,” sabi ko. “Nagsuot pa ako ng damit na gusto mo. Ilang oras akong naghintay sa dinner na ako mismo ang nagluto. Tinanggap ko pa ’yong bulaklak mo. Niyakap pa kita.”

“I remember that night.”

“Pero hindi mo sinabi kung saan ka nanggaling.”

Kinuha niya ang cellphone niya sa mesa, pero hindi niya binuksan. Ilang sandali niya lang iyong hinawakan bago muling ibinalik.

“I didn’t want to lose what I had with you while I was figuring out what I wanted.”

“So habang pinag-iisipan mo kung ano ang gusto mo, pinanatili mo lang akong asawa mo.”

“I wasn’t thinking about it that way.”

“But that’s what happened.”

Yumuko siya. Wala na siyang idinagdag.

“Do you love her?” tanong ko.

“I have feelings for her. I won’t lie about that.”

“I’ve made my decision, Luna,” sabi niya. “I want the divorce.”

Tumayo siya at kinuha ang cellphone sa mesa.

“I’ll have my lawyer contact you. We can talk about everything else when you’re ready.”

“Please, not tonight.”

Tumango siya. Lumapit siya nang kaunti sa kama, pero nang makita niyang hindi ako gumalaw, huminto siya.

“Get some rest.”

Lumabas siya ng kuwarto.

Hindi ko siya pinigilan.

Bumangon ako at lumapit sa aparador. Binuksan ko ang drawer kung saan nakatupi ang ilang damit ni Theo. Kinuha ko ang isang polo niya. Amoy pa rin iyon ng detergent na ginagamit namin sa bahay.

Alam ko kung alin ang gusto niyang isuot sa meetings, alin ang komportable sa biyahe, at alin ang hinahanap niya kapag nagmamadali. Ilang taon ko nang inaayos ang mga damit niya nang hindi ko na kailangang isipin.

Napaupo ako sa sahig, hawak ang polo.

Doon ako tuluyang umiyak.

Pagkaraan ng ilang sandali, ibinalik ko ang polo sa drawer. Hindi ko na inayos ang pagkakatupi nito.

Pagbalik ko sa kama, napansin kong nakatiklop pa rin ang kumot sa bahaging madalas niyang higaan.

Hindi ko iyon ginalaw.

Humiga ako sa dati kong puwesto at hinayaan kong manatiling nakatiklop ang kumot sa tabi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER FIVE

    Luna’s POV“SIGN THE PAPERS, LUNA! I’M DONE WITH THIS MARRIAGE!”Napapikit ako nang malakas na ibagsak ni Theo ang mga dokumento sa mesa. Sumunod ang ballpen na gumulong hanggang sa gilid nito.Nakatayo siya sa harap ko, suot ang itim na suit na lalong nagbigay-diin sa matipuno niyang pangangatawan. Maayos ang buhok niya, at kahit galit ang mukha, hindi maikakailang nananatili ang taglay niyang kagwapuhan.Pero ngayon, ang lalaking kaharap ko ay ang mismong taong gustong wakasan ang kasal namin.“That’s how you’re going to end this?” tanong ko.“It’s already over. Your signature is all that’s missing.”Napatingin ako sa mga dokumento. Ilang linggo nang inaasikaso ng mga abogado namin ang divorce, pero ngayon lang niya dinala sa harap ko ang huling papeles.“Can’t you at least talk to me properly? Hindi mo kailangang sumigaw.”“Then stop making this difficult.”Napatawa ako nang walang saya. “Ikaw ang nagdesisyong tapusin ang kasal natin, Theo. Hindi naman ako ang nagdala ng mga papele

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER FOUR

    Luna’s POVHindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Ang huling naaalala ko ay nakahiga ako habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na binabalikan ang sinabi ni Theo tungkol kay Astra.Nagising ako nang bumukas ang pinto. Nasa paanan na siya ng kama nang imulat ko ang mga mata ko. Inalis niya ang relo at inilapag sa dresser, saka tinanggal ang cufflinks ng polo niya.“Anong oras na?” tanong ko.“Past eleven. Sorry, nagising ba kita?”“Hindi naman.” Umupo ako at inayos ang kumot. “May pagkain pa sa kusina kung gutom ka.”“Nagdinner na ako.”Pagkatapos uminom ng tubig, nanatili siya sa tabi ng dresser.“Luna, can we talk?”“Sure. Ano ’yon?”“Our marriage.”Umupo siya sa armchair malapit sa bintana.“I want a divorce.”Hindi ako agad nakapagsalita. Napatingin ako sa kaniya, saka sa singsing sa daliri ko. Ilang segundo akong naghintay, umaasang may susunod siyang sasabihin na magpapaliwanag kung bakit niya iyon nasabi.“I want us to get divorced, Luna.”“Hindi mo na ba ako mahal?”“I’v

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER THREE

    Napasinghap si Astra nang hilahin siya ni Theo palapit. Walang babala. Walang pag-aalinlangan.Diretso siyang hinalikan nito—madiin, mapusok, at tila matagal nang pinipigil ang pagnanasang iyon.Agad na gumanti si Astra. Hinapit niya ang mga braso sa leeg ni Theo habang lalo silang naglapit. Magulo na ang buhok nila. Gusot ang kumot. At sa pagitan nila, wala nang harang.“Theo…”Naputol sa isang mahinang ungol ang pangalan nito nang muling salubungin ng halik ang mga labi niya.“Bitawan mo ako,” biro ni Astra, kahit lalo pa siyang kumapit.Ngumisi si Theo. “You don’t look like you want me to.”Hindi na siya sumagot. Hinila niya ito palapit at muling hinalikan.Nagsimula silang magkatapat sa kama. Nasa ibabaw si Theo, isang kamay ang nakasuporta sa tabi ni Astra habang ang isa nama’y nakahawak sa baywang nito. Nagtagal ang halik nila, napuputol lamang kapag kailangan nilang huminga. Sa tuwing lalayo si Theo, si Astra naman ang humihila sa kaniya pabalik.Nang tuluyan silang maghiwalay,

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER TWO

    Luna’s POVTatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Theo. Simula nang gabing iyon, mas naging tahimik ang bahay. Hindi ko na rin siya tinanong kung saan siya natutulog o kung kailan siya uuwi. Pagkatapos ng sinabi niyang kailangan niya ng oras mag-isa, hinayaan ko muna siya.Kaya nang sabihin ng house manager na nasa office si Theo at hinihintay ako, nagtaka ako. Hindi naman niya ako madalas ipatawag doon.Nakaupo siya sa harap ng monitor. May hawak na folder. Nang makita ako, isinara niya iyon at itinuro ang upuan sa harap niya.“There’s a foundation dinner on Friday. Sumama ka.”Napatingin ako sa kaniya. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, siya mismo ang nag-aya sa akin. Hindi ko napigilang makaramdam ng kaunting tuwa. Akala ko, baka gusto na rin niyang gumugol ulit ng oras kasama ako, kahit sa isang formal na pagtitipon lang.“Gusto mong sumama ako?” tanong ko, bahagyang may ngiti sa labi.“You’re my wife, Luna. Kailangan nating dalawa roon.”Unti-unting nawala an

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER ONE

    Luna’s POV“May iba ka na ba, Theo?”Natigil ang kamay niya sa pagtanggal ng relo. Nakatayo siya sa harap ng malalaking salaming bintana ng master bedroom, nakatanaw sa malawak na hardin ng mansion. Sa malayo, bahagyang nasisinagan ng mga ilaw ang swimming pool at pavilion ng private estate.Inilapag niya ang relo sa mesa bago ako nilingon.“Where is this coming from?”“Sa mga napapansin ko nitong mga nakaraang buwan. Halos hindi na tayo nag-uusap. Madalas, gabi ka na umuuwi. At kapag nandito ka naman, parang mas gusto mong mag-isa.”“Luna, pagod ako.”“Alam ko.” Napangiti ako nang bahagya. “Lagi ka namang pagod kapag gusto kitang makausap.”Dumukot siya ng phone sa bulsa. “Can we not start another argument?”“Hindi ako nakikipag-away, Theo. Gusto ko lang makausap ang asawa ko.”“Then ask me something I can actually answer.”Sandali akong natahimik bago nagtanong.“Mahal mo pa ba ako?”Napatingin siya sa relo sa mesa at hinagod ang batok.“Hindi lahat ng bagay kailangang sagutin agad.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status