Share

CHAPTER TWO

Author: KiKoWrites
last update publish date: 2026-11-09 15:30:53

Luna’s POV

Tatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Theo. Simula nang gabing iyon, mas naging tahimik ang bahay. Hindi ko na rin siya tinanong kung saan siya natutulog o kung kailan siya uuwi. Pagkatapos ng sinabi niyang kailangan niya ng oras mag-isa, hinayaan ko muna siya.

Kaya nang sabihin ng house manager na nasa office si Theo at hinihintay ako, nagtaka ako. Hindi naman niya ako madalas ipatawag doon.

Nakaupo siya sa harap ng monitor. May hawak na folder. Nang makita ako, isinara niya iyon at itinuro ang upuan sa harap niya.

“There’s a foundation dinner on Friday. Sumama ka.”

Napatingin ako sa kaniya. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, siya mismo ang nag-aya sa akin. Hindi ko napigilang makaramdam ng kaunting tuwa. Akala ko, baka gusto na rin niyang gumugol ulit ng oras kasama ako, kahit sa isang formal na pagtitipon lang.

“Gusto mong sumama ako?” tanong ko, bahagyang may ngiti sa labi.

“You’re my wife, Luna. Kailangan nating dalawa roon.”

Unti-unting nawala ang ngiti ko. Marahil, masyado lang akong umasa sa simpleng imbitasyon.

Hinawakan ko ang gilid ng upuan. “Okay. Anong oras?”

“Seven. I’ll have the car ready.”

Bumalik siya sa binabasa niya. Wala nang kasunod na paliwanag o pagtatangkang makipag-usap. Paglabas ko ng office, naisip ko na naman kung bakit mas madali para sa amin ang gumanap bilang mag-asawa sa harap ng ibang tao kaysa maging mag-asawa kapag kami lang.

⸻

Sumapit ang Biyernes ng gabi. Maraming bisita sa venue at halos walang tigil ang pakikipagkamay ni Theo sa mga dumadating.

“Si Luna, asawa ko,” pakilala niya sa isang executive.

Ngumiti ako at tumango. Sanay na ako sa ganitong mga pagtitipon. Ilang taon ko nang kasama si Theo sa mga foundation dinner at business events. Pero nitong gabing iyon, iba ang pakiramdam. Para akong bisitang isinama lang niya dahil kailangan.

“Theo.”

Lumingon siya sa babaeng papalapit sa amin.

“Astra.”

Matangkad ito at elegante ang tindig. Nakasuot siya ng dark dress na bumagay sa makinis niyang kutis. Mahaba ang buhok niyang nakalugay sa likod, at maingat ang pagkakaayos ng makeup niya. Maganda siya, walang duda. Pero higit sa itsura niya, kapansin-pansin ang kumpiyansa sa bawat kilos. Hindi siya nagmamadali o tila naghahanap ng atensyon. Para bang sanay siyang mapansin.

“Akala ko hindi ka makakarating,” sabi niya kay Theo.

“Plans changed,” sagot nito.

Ngumiti si Astra. Hindi iyon ang pagod na ngiti na madalas kong makita sa bahay. Mas magaan at natural. May kung anong pamilyar sa paraan ng pag-uusap nila na hindi ko maipaliwanag.

Nang mapansin niya ako, saka lang siya humarap.

“Luna, right? I’m Astra.”

“Nice to meet you.” Tinanggap ko ang kamay na iniabot niya.

“Likewise.” Sandali siyang ngumiti bago muling bumaling kay Theo. “By the way, may update na ba tungkol sa proposal ko?”

“I’ll have someone look into it,” sagot niya.

“Thank you. I still have a lot to prepare before next year’s international competition.”

Napatingin ako sa kaniya. “Pageant?”

Tumango siya. “I’m preparing for an international competition. It’s something I’ve been working toward for a while.”

“Good luck,” sabi ko.

“Thank you, Luna.”

May lumapit na bisita at nakipag-usap kay Theo. Bago pa ako makapagtanong tungkol sa proposal niya, napunta na naman ang atensyon nito sa ibang tao.

Buong gabi, napapansin ko silang dalawa. Hindi sila laging magkatabi, pero hindi na kailangan ni Astra na tawagin si Theo para mapalingon ito. May mga pagkakataong nagkakasalubong ang tingin nila sa gitna ng usapan, at sapat na iyon para magkaroon sila ng sariling sandali.

Sinubukan kong sumali sa usapan nila minsan. Nagtanong ako tungkol sa isang project ng foundation, pero bago pa matapos ang sagot ni Theo, may lumapit na naman para kausapin siya. Hindi ko na ipinilit ang sarili ko.

Sa gabing iyon, pakiramdam ko ako ang bisita. Hindi ang asawa.

⸻

Tahimik ang biyahe pauwi. Nasa kandungan ko ang bag ko habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas. Ilang beses kong pinag-isipan kung dapat ko bang itanong ang gusto kong malaman. Pero sapat na ang gabing iyon para mapagod ako sa pagpapanggap na wala akong napapansin.

“Sino talaga siya?”

Ibinaba ni Theo ang phone niya. “Si Astra?”

“May iba pa ba akong tinutukoy?”

“Connected siya sa foundation.”

“Alam ko na iyon. Ang tanong ko, gaano kayo kalapit?”

Napatingin siya sa akin. “Bakit?”

“Dahil hindi ganoon ang tingin ng isang tao sa ordinaryong kakilala lang.”

Hindi siya sumagot. Ibinalik niya ang tingin sa phone, pero hindi na niya ito binuksan.

Pagdating sa mansion, dumiretso ako sa kuwarto. Tinatanggal ko ang hikaw nang pumasok siya.

“Matulog ka na,” sabi niya.

“Hindi pa tayo tapos.”

Napahinto siya sa may pintuan. “Anong problema?”

“May relasyon ba kayo ni Astra?”

“Wala.”

Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ako bulag, Theo. Nakita ko kung paano kayo mag-usap. Kung paano ka ngumiti sa kaniya. Hindi ganyan ang isang simpleng kaibigan.”

“Luna, hindi mo naiintindihan.”

“Then explain it to me. Nagkikita ba kayo?”

Hindi siya agad sumagot. Iyon pa lang, sapat na para lalo akong kabahan.

“Oo,” sagot niya sa wakas. “Nagkikita kami.”

Nanlamig ang mga kamay ko. Umupo ako sa gilid ng kama, pilit inuunawa ang sinabi niya.

“Gaano na katagal?”

“Matagal na.”

“Habang kasal tayo?”

Hindi siya sumagot.

“Matagal na pala,” bulong ko. “At umuuwi ka pa rin dito na parang normal lang ang lahat?”

“Hindi ko pinlano.”

“Pero nangyari. At hinayaan mo.”

“Alam kong nagkamali ako.”

“Hindi lang ito simpleng pagkakamali, Theo.” Umiling ako. “Ilang beses kitang tinanong kung may problema tayo. Hinayaan mong isipin kong ako ang may kulang, samantalang may iba ka na palang kasama.”

“Hindi kita sinisi.”

“Hindi mo na kailangang sabihin. Ramdam ko naman.”

Sandali akong natahimik bago ko siya muling hinarap.

“Mahal mo ba siya?”

“Complicated.”

“Bakit kailangang komplikado? Oo o hindi lang.”

“Hindi ko alam kung ano ang gusto mong marinig.”

“Ang totoo.”

Pagod ang mukha niya. Wala akong makitang pagsisising hinihintay ko.

“May pag-asa pa ba tayong ayusin ito?” tanong ko.

Hindi siya agad sumagot.

“Hindi ko alam, Luna.”

Napatawa ako nang mahina. Ilang araw kong hinihintay na bigyan niya ako ng kahit anong kasiguruhan. Ngayon, alam ko nang may iba siya, pero hindi pa rin niya masabi kung ano ang balak niyang gawin sa marriage namin.

“Figure out what you want. Hindi ko kayang maghintay habang hindi ko alam kung may asawa pa ba akong uuwian.”

Kinuha niya ang coat niya. Hindi siya lumapit o nagtangkang hawakan ako.

Pagkasara ng p***o, naiwan ako sa tabi ng dresser. Nasa screen pa rin ng phone ko ang picture nila. Pinatay ko iyon at inilapag ang phone.

Akala ko ang pinakamahirap ay marinig na hindi na niya alam kung mahal pa niya ako.

Mas masakit pala malaman na habang hinahanap ko kung bakit kami nagkaganoon, may ibang babae na pala siyang inuuwian ng totoo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER FIVE

    Luna’s POV“SIGN THE PAPERS, LUNA! I’M DONE WITH THIS MARRIAGE!”Napapikit ako nang malakas na ibagsak ni Theo ang mga dokumento sa mesa. Sumunod ang ballpen na gumulong hanggang sa gilid nito.Nakatayo siya sa harap ko, suot ang itim na suit na lalong nagbigay-diin sa matipuno niyang pangangatawan. Maayos ang buhok niya, at kahit galit ang mukha, hindi maikakailang nananatili ang taglay niyang kagwapuhan.Pero ngayon, ang lalaking kaharap ko ay ang mismong taong gustong wakasan ang kasal namin.“That’s how you’re going to end this?” tanong ko.“It’s already over. Your signature is all that’s missing.”Napatingin ako sa mga dokumento. Ilang linggo nang inaasikaso ng mga abogado namin ang divorce, pero ngayon lang niya dinala sa harap ko ang huling papeles.“Can’t you at least talk to me properly? Hindi mo kailangang sumigaw.”“Then stop making this difficult.”Napatawa ako nang walang saya. “Ikaw ang nagdesisyong tapusin ang kasal natin, Theo. Hindi naman ako ang nagdala ng mga papele

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER FOUR

    Luna’s POVHindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Ang huling naaalala ko ay nakahiga ako habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na binabalikan ang sinabi ni Theo tungkol kay Astra.Nagising ako nang bumukas ang pinto. Nasa paanan na siya ng kama nang imulat ko ang mga mata ko. Inalis niya ang relo at inilapag sa dresser, saka tinanggal ang cufflinks ng polo niya.“Anong oras na?” tanong ko.“Past eleven. Sorry, nagising ba kita?”“Hindi naman.” Umupo ako at inayos ang kumot. “May pagkain pa sa kusina kung gutom ka.”“Nagdinner na ako.”Pagkatapos uminom ng tubig, nanatili siya sa tabi ng dresser.“Luna, can we talk?”“Sure. Ano ’yon?”“Our marriage.”Umupo siya sa armchair malapit sa bintana.“I want a divorce.”Hindi ako agad nakapagsalita. Napatingin ako sa kaniya, saka sa singsing sa daliri ko. Ilang segundo akong naghintay, umaasang may susunod siyang sasabihin na magpapaliwanag kung bakit niya iyon nasabi.“I want us to get divorced, Luna.”“Hindi mo na ba ako mahal?”“I’v

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER THREE

    Napasinghap si Astra nang hilahin siya ni Theo palapit. Walang babala. Walang pag-aalinlangan.Diretso siyang hinalikan nito—madiin, mapusok, at tila matagal nang pinipigil ang pagnanasang iyon.Agad na gumanti si Astra. Hinapit niya ang mga braso sa leeg ni Theo habang lalo silang naglapit. Magulo na ang buhok nila. Gusot ang kumot. At sa pagitan nila, wala nang harang.“Theo…”Naputol sa isang mahinang ungol ang pangalan nito nang muling salubungin ng halik ang mga labi niya.“Bitawan mo ako,” biro ni Astra, kahit lalo pa siyang kumapit.Ngumisi si Theo. “You don’t look like you want me to.”Hindi na siya sumagot. Hinila niya ito palapit at muling hinalikan.Nagsimula silang magkatapat sa kama. Nasa ibabaw si Theo, isang kamay ang nakasuporta sa tabi ni Astra habang ang isa nama’y nakahawak sa baywang nito. Nagtagal ang halik nila, napuputol lamang kapag kailangan nilang huminga. Sa tuwing lalayo si Theo, si Astra naman ang humihila sa kaniya pabalik.Nang tuluyan silang maghiwalay,

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER TWO

    Luna’s POVTatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Theo. Simula nang gabing iyon, mas naging tahimik ang bahay. Hindi ko na rin siya tinanong kung saan siya natutulog o kung kailan siya uuwi. Pagkatapos ng sinabi niyang kailangan niya ng oras mag-isa, hinayaan ko muna siya.Kaya nang sabihin ng house manager na nasa office si Theo at hinihintay ako, nagtaka ako. Hindi naman niya ako madalas ipatawag doon.Nakaupo siya sa harap ng monitor. May hawak na folder. Nang makita ako, isinara niya iyon at itinuro ang upuan sa harap niya.“There’s a foundation dinner on Friday. Sumama ka.”Napatingin ako sa kaniya. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, siya mismo ang nag-aya sa akin. Hindi ko napigilang makaramdam ng kaunting tuwa. Akala ko, baka gusto na rin niyang gumugol ulit ng oras kasama ako, kahit sa isang formal na pagtitipon lang.“Gusto mong sumama ako?” tanong ko, bahagyang may ngiti sa labi.“You’re my wife, Luna. Kailangan nating dalawa roon.”Unti-unting nawala an

  • His Wife, His Mistress   CHAPTER ONE

    Luna’s POV“May iba ka na ba, Theo?”Natigil ang kamay niya sa pagtanggal ng relo. Nakatayo siya sa harap ng malalaking salaming bintana ng master bedroom, nakatanaw sa malawak na hardin ng mansion. Sa malayo, bahagyang nasisinagan ng mga ilaw ang swimming pool at pavilion ng private estate.Inilapag niya ang relo sa mesa bago ako nilingon.“Where is this coming from?”“Sa mga napapansin ko nitong mga nakaraang buwan. Halos hindi na tayo nag-uusap. Madalas, gabi ka na umuuwi. At kapag nandito ka naman, parang mas gusto mong mag-isa.”“Luna, pagod ako.”“Alam ko.” Napangiti ako nang bahagya. “Lagi ka namang pagod kapag gusto kitang makausap.”Dumukot siya ng phone sa bulsa. “Can we not start another argument?”“Hindi ako nakikipag-away, Theo. Gusto ko lang makausap ang asawa ko.”“Then ask me something I can actually answer.”Sandali akong natahimik bago nagtanong.“Mahal mo pa ba ako?”Napatingin siya sa relo sa mesa at hinagod ang batok.“Hindi lahat ng bagay kailangang sagutin agad.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status