RORY POVUmalingawngaw ang nakakabinging tunog ng basag na wine glass sa buong grand ballroom. Kasunod nito ay ang singhap ng daan-daang bilyonaryo, pulitiko, at mga high-society elites na imbitado sa pinakamalaking event ng pamilya namin.Pero para sa akin, biglang huminto ang ikot ng mundo.Nakatayo ako sa gitna ng bulwagan, mabigat bawat ang paghinga ko. Ang nanginginig kong kamay ay may hawak pang kapirasong bubog mula sa mamahaling wine glass na ibinato ko. Sa paanan ko, nakahandusay at namimilipit sa sakit si Don Valdemar, ang pitumpung taong gulang, ang pinakamalaking investor ng pamilya namin, at ang manyakis na walang-habas na humimas sa hita ko ilang segundo lang ang nakakalipas. Tumutulo ang masaganang dugo mula sa pumutok niyang noo papunta sa kanyang puting tuxedo."Aurora!"Yumanig ang boses ng tatay ko. Bago pa ako makapagsalita, isang malakas na sampal ang nagpadilim sa paningin ko. Napasalampak ako sa malamig na sahig. Lasang kalawang ang dugong agad na pumutok sa lab
Last Updated : 2026-11-15 Read more