Share

Chapter 4

Author: Senyorita
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-15 19:59:59

DANTE POV

Tahimik lang ang gabi sa estero, binabasag lamang ng mahihinang paghilik ng mga kapitbahay at patak ng ulan mula sa butas-butas na yero. Nakaupo ako sa malamig na semento sa sulok ng madilim naming kwarto, nakasandal ang likod sa pader. Nakatutok ang mga mata ko sa isang direksyon, kay Aurora.

Natutulog siya sa manipis at murang foam na binili namin kanina. Nakabaluktot siya, pilit pinapagkasya ang sarili sa maliit na espasyo, ang mahaba at makinis niyang buhok ay nakakalat sa ibabaw ng unan. Wala na ang mamahalin niyang mga damit. Nakasuot siya ng lumang t-shirt ko.

Pero para sa akin, hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang pinakamagandang bagay na nakita ng mga mata ko.

Inalala ko ang nangyari kaninang hapon. Ang pagtilansik ng putik sa aming dalawa. Ang nakakabinging halakhak ng stepsister niyang si Cassandra at ang mapagmataas na tingin ni Eduardo de Villa.

Sanay ako sa pang-iinsulto. Limang buwan na akong nagpapanggap bilang isang hamak na deliveryman para sa isang undercover operation na magpapabagsak sa pinakamalaking sindikato ng korupsyon sa bansa, at ang mga de Villa ang isa sa mga pangunahing target ko. Araw-araw, kinakabisa ko ang bawat pangit na mukha, bawat malupit na salita, bawat pandidiri nila sa pagkatao ko. Hindi ako lumalaban dahil para sa isang predator, ang pinakamagandang pwesto ay ang pagiging invisible.

Pero nang humakbang si Aurora paharap, nang harangan niya ako gamit ang maliit niyang katawan, nag-iba ang lahat.

“Mabantot at patay-gutom siya sa paningin niyo! Pero itong lalaking 'to, marangal na nagbabanat ng buto!”

Umalingawngaw sa isip ko ang boses niyang nanginginig sa galit. Hinarap niya ang pamilyang may kapangyarihang durugin kami para lang ipagtanggol ang isang lalaking wala namang halaga sa lipunan. At nang marahan niyang pinunasan ang putik sa pisngi ko? Doon nag-iba ang ihip ng hangin sa utak ko.

Sa buong buhay ko bilang si Dante Montenegro, ang taong kinatatakutan sa boardroom, ang bilyonaryong may hawak sa leeg ng ekonomiya ng Pilipinas, wala pang nagtangkang protektahan ako. Ang tingin ng lahat sa akin ay isang pader na hindi matitibag. Isang halimaw.

Pero si Aurora? Tiningnan niya ako nang walang bahid ng pandidiri. Tiningnan niya ako hindi bilang isang bilyonaryo o isang basurero, kundi bilang isang asawa.

Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang halimaw na matagal nang nag-aabang sa loob ko. Hindi na siya isang responsibilidad na ipinasa sa akin ng tadhana. Siya ay akin na at walang sinuman ang pwedeng manakit sa kung ano ang akin.

Hinintay kong maging pantay at mahinahon ang paghinga niya bago ako tumayo. Dahan-dahan, walang ginagawang ingay, lumabas ako ng pinagtagpi-tagping p***o.

Sinalubong ako ng malamig at madilim na eskinita. Naglakad ako papunta sa pinakadulo, sa isang pwesto malapit sa ilog kung saan walang makakarinig o makakakita sa akin. Tumingin ako sa paligid. Nang masigurong walang tao, inilagay ko ang kamay ko sa malalim na bulsa ng luma at maduming pantalon ko.

Inilabas ko ang isang itim, makapal, at state-of-the-art na encrypted satellite phone. Isang device na nagkakahalaga ng milyun-milyon na imposible at hindi akmang hawakan ng isang kargador.

Pinindot ko ang iilang numero. Isang ring lang, may sumagot na.

"Boss," bungad ng boses mula sa kabilang linya. Si Lucas. Ang pinagkakatiwalaan kong kanang kamay, at isa sa iilang taong nakakaalam ng totoo kong pagkakakilanlan. Siya ang nagpapatakbo ng mga front companies ko habang nasa ilalim ako ng radar.

"Anong sitwasyon nila?" malamig kong tanong, nawala ang paos at mahinang boses na ginagamit ko kay Aurora, napalitan ng awtoridad at panganib.

"Nagkakagulo na sa de Villa Enterprises, Boss," sagot ni Lucas, ramdam ko ang ngisi sa boses niya. "Umatras na nang tuluyan si Don Valdemar matapos siyang basagin ng asawa mo sa mukha. Dahil doon, naka-hold ang expansion project nila. Nagsimula na ring umatras ang maliliit na investors dahil sa kumakalat na balita."

"Hindi sapat 'yon," mariin kong sabi. Tiningnan ko ang putik na natuyo sa braso ko.

Hindi alam ni Eduardo de Villa na ang pinakamalaking secret investor na bumubuhay sa kumpanya niya sa nakalipas na dalawang taon ay walang iba kundi ako. Ginamit ko ang isa sa mga dummy corporations ng Montenegro Group para pondohan ng 60% ang de Villa Enterprises. Sila ang nagpapakain sa pamilya niya. Sila ang nagbabayad sa mga mamahaling damit ng Cassandra na 'yon. Pera ko ang ipinagmamalaki nila.

"Lucas."

"Yes, Boss?"

"Pull out all our investments. Ngayon din. Ipabawi mo ang lahat ng pondong ipinasok natin sa kanila," malamig kong utos.

Narinig ko ang mahinang sipol sa kabilang linya. "Lahat, Boss? Guguho ang stock prices nila bukas ng umaga pagkabukas ng market. Baka mag-declare sila ng bankruptcy bago matapos ang linggo."

"Lahat," ulit ko. "At hindi pa tayo tapos. Gusto kong i-block mo ang lahat ng bank loans nila. I-contact mo ang lahat ng mga bangko sa ilalim ng Montenegro Group, at gamitin mo ang impluwensya natin sa iba pa. Siguraduhin mong walang kahit isang bangko sa buong Pilipinas ang magpapahiram sa kanila ng kahit isang sentimo. I want their credit lines cut, their assets frozen. Gusto kong makita nilang naglalaho ang pera nila nang hindi nila alam kung bakit."

"Understood, Boss. Tatapusin mo na ba ang undercover mission mo? Ilalabas na ba natin ang tunay na identity mo?"

Pumikit ako at inalala ang nakangising mukha nina Eduardo at Cassandra habang hinahayaan nilang matilansikan ng putik si Aurora.

"Hindi pa," sagot ko. "Gusto kong makita silang magkandarapa. Gusto kong makita silang magmakaawa at manlimos ng tulong. Tinapon nila ang asawa ko sa putik. Lulunurin ko sila sa burak."

"Masusunod, Boss."

Pinatay ko ang tawag at ibinalik ang satellite phone sa bulsa ko. Tumingala ako sa madilim na kalangitan na walang bituin. Ang hanging dumadampi sa mukha ko ay amoy estero at ulan, pero sa isip ko, naaamoy ko na ang tagumpay. Nagawa nilang apakan ako dahil inaakala nilang mahina ako. Pero hindi nila alam, sa ilalim ng bawat kanto ng bansang ito, nakabaon ang kapangyarihan ko.

Bumalik ako sa barong-barong. Tahimik pa rin. Nakatulog na yata nang tuluyan si Aurora.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng banig. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha na nabahiran ng pagod, ang mga pasa sa labi na unti-unting nangingitim. Naramdaman kong umangat ang mga balikat niya dahil sa lamig ng gabi.

Humiga ako sa tabi niya. Maingat ko siyang hinapit palapit sa akin, niyakap siya mula sa likod para bigyan siya ng init. Bahagya siyang gumalaw at sumiksik pa lalo sa dibdib ko, tila nakahanap ng proteksyon sa mga bisig ng isang estranghero na nag-aalaga sa kanya.

Protektahan mo ako, inalala ko ang sinabi niya kagabi.

Ibinaon ko ang mukha ko sa buhok niya. Hindi, mahal ko, bulong ko sa hangin, isinusumpa ang bawat salita sa dilim. Ako ang poprotekta sa'yo. At hindi magtatagal, ipapakita ko sa mundo kung sino ang bumangga sa kanila. Luluhod ang lahat sa mga paa mo, Reyna ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 8

    DANTE POVInaasahan kong lalayo siya. Inaasahan kong makikita ko ang pandidiri at panginginig sa katawan niya matapos niyang masaksihan kung paano ko walang-awang binali ang mga buto ng dalawang higanteng lalaki sa harap niya.Pero nang humakbang siya palapit at isiksik ang mukha niya sa dibdib ko, gumuho ang lahat ng yelo sa puso ko.Naramdaman ko ang maliliit niyang mga kamay na mahigpit na nakakapit sa gusot kong puting t-shirt. Nanginginig siya, hindi dahil sa takot sa akin, kundi dahil sa ginhawang nandito ako para iligtas siya. Sa sandaling iyon, habang yakap-yakap ko ang asawa ko sa gitna ng maalikabok at maingay na palengke, isang malamig na desisyon ang nabuo sa isip ko.Tinakot nila ang asawa ko. Sinaktan nila siya. Tapos na ang laro.Nang makauwi kami sa barong-barong, hindi ako nagsalita. Pinaupo ko siya sa gilid ng manipis na foam, kumuha ako ng yelo mula sa maliit na sari-sari store sa labas, at binalot iyon sa isang malinis na basahan.Dahan-dahan akong lumuhod sa harap

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 7

    RORY POVNagising ako kinabukasan na may nakakagutom na amoy ng bawang at pritong itlog na pumupuno sa maliit naming barong-barong. Pagbangon ko, napangiti ako agad sa nakita ko.Nakatayo si Dante sa harap ng maliit naming kalan, nagluluto ng sinangag. Pero ang mas nakapagpabilis ng tibok ng puso ko ay ang suot niya. Sinuot niya ang isa sa mga puting t-shirt na niregalo ko kahapon. Dahil 150 pesos lang iyon at gawa sa murang cotton, medyo hapit ito sa katawan niya. Bakat na bakat ang malalapad niyang balikat, ang matipuno niyang dibdib, at ang mga braso niyang siksik sa muscle habang naghahalo ng kanin.Kung hindi ko lang alam na isa siyang kargador, aakalain kong isang sikat na high-end model ang asawa ko na nagshu-shoot ng commercial para sa kape."Gising na pala ang misis ko," malalim at malamig na bati niya nang mapansin akong nakatitig sa kanya, pero may bahagyang ngisi sa labi niya.Umiwas agad ako ng tingin, nararamdaman ang pag-init ng pisngi ko. "A-Ang aga mo naman yata naglu

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 6

    DANTE POVMatapos ang nakakabinging katahimikan at ang nakakatawang pagkagulat ni Rory, dahan-dahan kong isinuot muli ang luma kong t-shirt. Rinig na rinig ko pa rin ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin at ang mahina niyang pag-ungol sa hiya habang nagkukunwaring inaayos ang mga lalagyan ng cookies.Napangisi ako habang pinagmamasdan ang likod niya. Cute siya non ah. Sa buong buhay ko bilang si Dante Montenegro, walang sinuman ang nagtangkang mamula at mataranta sa harapan ko. Kadalasan, takot at kaba ang nakikita ko sa mga mata ng mga taong nakakaharap ko. Pero kay Rory? Nakita ko ang purong kainosentihan at... pagnanasa na pilit niyang itinatago.Nilapitan ko siya. "Tapos na ako magbihis, misis ko. Pwede na ba akong tumikim niyan?"Dahan-dahan siyang lumingon, mapula pa rin ang pisngi niya pero pilit na siyang ngumingiti. Kumuha siya ng isang chocolate chip cookie mula sa improvised oven toaster at inabot sa akin.Kumagat ako. Sanay ang dila ko sa mga pagkain mula sa mga Michelin-

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 5

    RORY POVMainit at maalinsangan ang buong hapon. Ang hangin na pumapasok mula sa maliit na siwang ng barong-barong namin ay parang nanggaling sa singaw ng kumukulong tubig. Pero sa kabila ng pawis na tumutulo sa noo at leeg ko, hindi ko magawang magreklamo. Punong-puno kasi ng amoy ng asukal, vanilla, at tunaw na mantikilya ang maliit naming kwarto, isang matamis na amoy na pansamantalang nagtatago sa baho ng estero sa labas.Kakatapos ko lang hanguin ang ikatlong batch ng chocolate chip cookies mula sa maliit at improvised na oven toaster na nabili namin sa surplus. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng kamay ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga nagawang cookies. Ibebenta ko ito mamaya sa mga sari-sari store at sa kanto malapit sa eskwelahan.Kailangan kong kumita. Kailangan kong magsikap. Habang naiisip ko kasi kung paano magbuhat ng napakabibigat na sako si Dante araw-araw para lang may makain kami, nadudurog ang puso ko. Gusto kong gumaan ang buhay niya. Gusto kong

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 4

    DANTE POVTahimik lang ang gabi sa estero, binabasag lamang ng mahihinang paghilik ng mga kapitbahay at patak ng ulan mula sa butas-butas na yero. Nakaupo ako sa malamig na semento sa sulok ng madilim naming kwarto, nakasandal ang likod sa pader. Nakatutok ang mga mata ko sa isang direksyon, kay Aurora.Natutulog siya sa manipis at murang foam na binili namin kanina. Nakabaluktot siya, pilit pinapagkasya ang sarili sa maliit na espasyo, ang mahaba at makinis niyang buhok ay nakakalat sa ibabaw ng unan. Wala na ang mamahalin niyang mga damit. Nakasuot siya ng lumang t-shirt ko.Pero para sa akin, hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang pinakamagandang bagay na nakita ng mga mata ko.Inalala ko ang nangyari kaninang hapon. Ang pagtilansik ng putik sa aming dalawa. Ang nakakabinging halakhak ng stepsister niyang si Cassandra at ang mapagmataas na tingin ni Eduardo de Villa.Sanay ako sa pang-iinsulto. Limang buwan na akong nagpapanggap bilang isang hamak na deliveryman para sa isang

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 3

    RORY POVNagising ako kinabukasan sa tilaok ng manok, ugong ng mga dumadaang tricycle at ingay ng mga nagtatalong magkakapitbahay sa labas ng barong-barong. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Parang binugbog ang buong katawan ko. Nanigas ang likod at mga balikat ko dahil sa pagnipis ng lumang banig at sa lamig ng sementong tumagos sa manipis kong damit.Pagbangon ko, agad na naghanap ang mga mata ko. Wala si Dante.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Iniwan ba niya ako? Natakot ba siya sa responsibilidad na dinala ko sa kanya? Napahawak ako sa dibdib ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Wala akong kakilala. Kung iiwan niya ako, paano na—Bumukas ang pinagtagpi-tagping pinto na gawa sa yero at plywood.Pumasok si Dante. Basang-basa ng pawis ang lumang t-shirt niya, at halatang galing siya sa matinding trabaho kahit maagang-maaga pa. May bitbit siyang isang brown paper bag na may mantsa ng mantika at isang maliit na plastic cup na umuusok pa.Nang makita niya akong gising na,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status