Share

Chapter 5

Author: Senyorita
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-15 20:00:25

RORY POV

Mainit at maalinsangan ang buong hapon. Ang hangin na pumapasok mula sa maliit na siwang ng barong-barong namin ay parang nanggaling sa singaw ng kumukulong tubig. Pero sa kabila ng pawis na tumutulo sa noo at leeg ko, hindi ko magawang magreklamo. Punong-puno kasi ng amoy ng asukal, vanilla, at tunaw na mantikilya ang maliit naming kwarto, isang matamis na amoy na pansamantalang nagtatago sa baho ng estero sa labas.

Kakatapos ko lang hanguin ang ikatlong batch ng chocolate chip cookies mula sa maliit at improvised na oven toaster na nabili namin sa surplus. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng kamay ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga nagawang cookies. Ibebenta ko ito mamaya sa mga sari-sari store at sa kanto malapit sa eskwelahan.

Kailangan kong kumita. Kailangan kong magsikap. Habang naiisip ko kasi kung paano magbuhat ng napakabibigat na sako si Dante araw-araw para lang may makain kami, nadudurog ang puso ko. Gusto kong gumaan ang buhay niya. Gusto kong ako naman ang sumuporta sa kanya.

Sakto namang umugong ang pinagtagpi-tagping p***o na gawa sa yero.

Pumasok si Dante. Humihingal siya, halatang galing sa matinding trabaho sa ilalim ng tirik na araw. Ang luma niyang asul na t-shirt ay madilim na sa kulay dahil dumikit na ito sa kanyang katawan sa dami ng pawis. Nakayuko siya gaya ng dati, nakatago ang mukha sa pamilyar na lumang cap.

"Tamang-tama ang uwi mo," masigla kong bati habang nakatalikod sa kanya, nagsasalin ng malamig na tubig mula sa pitsel papunta sa basag na baso. "Uminom ka muna ng malamig na tubig, tapos tikman mo 'tong ginawa k—"

Pagharap ko, halos mabitawan ko ang basong hawak ko.

Dahil sa sobrang init at alinsangan, hinubad na pala ni Dante ang kanyang basang t-shirt at kasalukuyang ginagawa itong pamunas sa kanyang pawisang mukha at leeg. At doon, sa ilalim ng malabong liwanag ng pundidong bumbilya sa tapat ng pintuan, nakita ko sa unang pagkakataon ang kabuuan ng katawan niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Umawang ang mga labi ko pero walang lumabas na boses.

Sa loob ng ilang araw naming magkasama, ang nasa isip ko ay isa siyang payat, buto't balat, at underfed na kargador. Lagi kasi siyang nakakuba, nakayuko, at sadyang nagsusuot ng maluluwag at kupas na damit. Pero ang nakikita ko ngayon sa harapan ko ay malayong-malayo sa isang taong kulang sa nutrisyon.

Matipuno ang dibdib niya, malalapad at siksik ang mga balikat na para bang kayang-kayang pasanin ang buong mundo nang hindi napapagod. Ang balat niya ay kumikinang dahil sa pawis, may pagkakayumanggi dahil sa pagkabilad sa araw.

Pero ang mas nakapagpatigil sa paghinga ko ay nang bumaba ang tingin ko sa tiyan niya.

Oh my god. May perpekto siyang hulma ng matitigas na abs. Anim na pandesal na mas mukhang masarap pa kaysa sa mga nai-bake ko kanina. Nakita ko rin ang dalawang matalim na linya sa ibaba ng baywang niya, ang V-line na unti-unting nagtatago sa waistband ng luma at mababang suot niyang maong.

May ilan ding maliliit at maninipis na pilat sa tagiliran niya, mga peklat na nagbibigay sa kanya ng mas misteryoso, mabagsik, at mapanganib na aura. Hindi ito katawan ng isang hamak na tagalinis na hindi kumakain nang maayos. Katawan ito ng isang mandirigma. Katawan ito ng isang lalaking araw-araw hinahasa ang sarili sa limitasyon.

Nagwo-work out kaya siya? Hindi ko mapigilang tanong ko sa sarili ko. Ang sarap ng abs, eh! Pwede ko ng pangmeryenda!

Tila nawalan ng laway ang bibig ko. Wala sa sariling napalunok ako nang napakalakas.

Sa liit at tahimik ng kwarto namin, ang tunog ng paglunok ko ay umalingawngaw na parang sumabog na paputok.

Natigilan si Dante. Huminto ang kamay niya sa pagpupunas ng leeg niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak niyang damit at lumingon sa akin.

Nahuli niya akong nakatitig. At hindi lang basta nakatitig, nahuli niya akong nakatingin sa katawan niya na parang gusto ko siyang lamunin nang buo at wala akong balak magtira para sa iba.

Eh, ang sarap din naman kasing tingnan! Kasalanan ko ba yon.

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nakaramdam ako ng matinding pag-init sa magkabilang pisngi, na siguradong kasing-pula na ngayon ng kamatis. Ibabaling ko sana ang tingin ko para magkunwaring busy, pero napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang reaksyon niya.

Inaasahan kong yuyuko siya. Inaasahan kong mahihiya siya, agad na isusuot ang damit, at magkukunwaring pinaliit ang sarili gaya ng lagi niyang ginagawa kapag inaapi siya ng pamilya ko.

Pero hindi.

Imbes na yumuko, tumayo siya nang tuwid. Nawala ang pagkakakuba ng likod niya, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang buong tangkad niya. Pumasok siya sa kwarto kanina na parang isang hamak na manggagawa, pero ngayon, para siyang isang higanteng unti-unting pinupuno at dina-dominate ang buong barong-barong namin.

At ang mga mata niya? May kakaibang kislap na pumalit sa pamilyar na malamig at tahimik niyang tingin.

Unti-unting umangat ang gilid ng mga labi niya, bumubuo ng isang pilyo, confident, at mapaglarong ngisi.

At doon, tumawa siya. Hindi ito ang mahiyain o paos na boses na naririnig ko araw-araw kapag kinakausap niya ako. Isang mababa, malalim, at husky na halakhak ang lumabas mula sa matipuno niyang dibdib, isang tunog na napaka-lalaki, awtomatikong nagpatindig sa mga balahibo ko sa batok, at literal na nagpalambot sa mga tuhod ko.

Humakbang siya palapit sa akin. Hanggang sa maamoy ko na ang pinaghalong pawis at panlalaking amoy niya na kakaibang nakakaadik at nakakalasing.

Bahagya siyang yumuko para pantayan ang taas ng mukha ko, ang kanyang mga mata ay nanunukso. Namimilog ang mga mata kong nakatingin lang sa kanya, hindi makagalaw.

"Wag mo lang titigan, Rory," malalim at mapanuksong bulong niya, ang boses niya ay parang mainit na hininga na dumampi sa balat ko. Tumingin siya saglit sa sarili niyang abs, bago muling ibinalik ang nanunuksong tingin sa mga mata ko. "Pwede mo namang hawakan kung gusto mo."

Parang sumabog ang isang bulkan sa mukha ko. Literal na uminit ang buong ulo ko sa sobrang hiya at gulat. Ang lalaking ito! Ang asawa kong akala ko ay inosente, tahimik, at laging nagpapaapi, marunong palang mang-asar! At bakit ganito siya ka-confident bigla?!

"H-Hoy! Kapal mo!" mautal-utal kong sigaw, mabilis na iniwas ang paningin ko habang nakapikit nang mariin. "H-Hindi ko tinititigan ang katawan mo, 'no! T-Tinitingnan ko lang kung may sugat ka! Oo, tama! Baka kasi nasugatan ka sa pagbubuhat ng sako!"

Dahil sa matinding panic at hiya, mabilis kong dinampot ang malinis na maliit na tuwalya sa ibabaw ng mesa at malakas na ibinato sa matigas niyang dibdib.

"Magbihis ka nga! Pawis na pawis ka, baka matuyuan ka ng pawis sa likod at magkasakit ka pa!"

Mabilis akong tumalikod, nagkunwaring busy na inaayos ang mga lalagyan ng cookies kahit nanginginig ang mga kamay ko at nagkakabuhol-buhol ang mga daliri ko sa sobrang kaba.

Narinig ko ang mahinang pag-ilag niya sa ibinato kong tuwalya, kasunod ay ang muli niyang pagtawa, ang mababa, pilyo, at nakakakilig na tawang iyon na muling umaalingawngaw sa apat na sulok ng barong-barong namin.

"Opo, misis," sagot niya, ang tono ay halatang nang-aasar pa rin.

Nakatalikod pa rin ako habang naririnig ko ang kaluskos ng pagbibihis niya at pagsusuot ng tuyong damit. Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang napahawak sa kaliwang dibdib ko.

Ramdam na ramdam ko ang sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa katawan ko. Hindi ito dahil sa takot sa pamilya ko, o dahil sa pagod sa pagbe-bake maghapon. Tumitibok ang puso ko nang ganito kabilis dahil sa lalaking nasa likuran ko.

Oh my god, Rory, bulong ko sa sarili ko habang mariing nakapikit, pilit pinapakalma ang sarili ko. Patay kang babae ka. Gustong-gusto mo yata ang kargador na 'to.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 8

    DANTE POVInaasahan kong lalayo siya. Inaasahan kong makikita ko ang pandidiri at panginginig sa katawan niya matapos niyang masaksihan kung paano ko walang-awang binali ang mga buto ng dalawang higanteng lalaki sa harap niya.Pero nang humakbang siya palapit at isiksik ang mukha niya sa dibdib ko, gumuho ang lahat ng yelo sa puso ko.Naramdaman ko ang maliliit niyang mga kamay na mahigpit na nakakapit sa gusot kong puting t-shirt. Nanginginig siya, hindi dahil sa takot sa akin, kundi dahil sa ginhawang nandito ako para iligtas siya. Sa sandaling iyon, habang yakap-yakap ko ang asawa ko sa gitna ng maalikabok at maingay na palengke, isang malamig na desisyon ang nabuo sa isip ko.Tinakot nila ang asawa ko. Sinaktan nila siya. Tapos na ang laro.Nang makauwi kami sa barong-barong, hindi ako nagsalita. Pinaupo ko siya sa gilid ng manipis na foam, kumuha ako ng yelo mula sa maliit na sari-sari store sa labas, at binalot iyon sa isang malinis na basahan.Dahan-dahan akong lumuhod sa harap

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 7

    RORY POVNagising ako kinabukasan na may nakakagutom na amoy ng bawang at pritong itlog na pumupuno sa maliit naming barong-barong. Pagbangon ko, napangiti ako agad sa nakita ko.Nakatayo si Dante sa harap ng maliit naming kalan, nagluluto ng sinangag. Pero ang mas nakapagpabilis ng tibok ng puso ko ay ang suot niya. Sinuot niya ang isa sa mga puting t-shirt na niregalo ko kahapon. Dahil 150 pesos lang iyon at gawa sa murang cotton, medyo hapit ito sa katawan niya. Bakat na bakat ang malalapad niyang balikat, ang matipuno niyang dibdib, at ang mga braso niyang siksik sa muscle habang naghahalo ng kanin.Kung hindi ko lang alam na isa siyang kargador, aakalain kong isang sikat na high-end model ang asawa ko na nagshu-shoot ng commercial para sa kape."Gising na pala ang misis ko," malalim at malamig na bati niya nang mapansin akong nakatitig sa kanya, pero may bahagyang ngisi sa labi niya.Umiwas agad ako ng tingin, nararamdaman ang pag-init ng pisngi ko. "A-Ang aga mo naman yata naglu

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 6

    DANTE POVMatapos ang nakakabinging katahimikan at ang nakakatawang pagkagulat ni Rory, dahan-dahan kong isinuot muli ang luma kong t-shirt. Rinig na rinig ko pa rin ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin at ang mahina niyang pag-ungol sa hiya habang nagkukunwaring inaayos ang mga lalagyan ng cookies.Napangisi ako habang pinagmamasdan ang likod niya. Cute siya non ah. Sa buong buhay ko bilang si Dante Montenegro, walang sinuman ang nagtangkang mamula at mataranta sa harapan ko. Kadalasan, takot at kaba ang nakikita ko sa mga mata ng mga taong nakakaharap ko. Pero kay Rory? Nakita ko ang purong kainosentihan at... pagnanasa na pilit niyang itinatago.Nilapitan ko siya. "Tapos na ako magbihis, misis ko. Pwede na ba akong tumikim niyan?"Dahan-dahan siyang lumingon, mapula pa rin ang pisngi niya pero pilit na siyang ngumingiti. Kumuha siya ng isang chocolate chip cookie mula sa improvised oven toaster at inabot sa akin.Kumagat ako. Sanay ang dila ko sa mga pagkain mula sa mga Michelin-

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 5

    RORY POVMainit at maalinsangan ang buong hapon. Ang hangin na pumapasok mula sa maliit na siwang ng barong-barong namin ay parang nanggaling sa singaw ng kumukulong tubig. Pero sa kabila ng pawis na tumutulo sa noo at leeg ko, hindi ko magawang magreklamo. Punong-puno kasi ng amoy ng asukal, vanilla, at tunaw na mantikilya ang maliit naming kwarto, isang matamis na amoy na pansamantalang nagtatago sa baho ng estero sa labas.Kakatapos ko lang hanguin ang ikatlong batch ng chocolate chip cookies mula sa maliit at improvised na oven toaster na nabili namin sa surplus. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng kamay ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga nagawang cookies. Ibebenta ko ito mamaya sa mga sari-sari store at sa kanto malapit sa eskwelahan.Kailangan kong kumita. Kailangan kong magsikap. Habang naiisip ko kasi kung paano magbuhat ng napakabibigat na sako si Dante araw-araw para lang may makain kami, nadudurog ang puso ko. Gusto kong gumaan ang buhay niya. Gusto kong

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 4

    DANTE POVTahimik lang ang gabi sa estero, binabasag lamang ng mahihinang paghilik ng mga kapitbahay at patak ng ulan mula sa butas-butas na yero. Nakaupo ako sa malamig na semento sa sulok ng madilim naming kwarto, nakasandal ang likod sa pader. Nakatutok ang mga mata ko sa isang direksyon, kay Aurora.Natutulog siya sa manipis at murang foam na binili namin kanina. Nakabaluktot siya, pilit pinapagkasya ang sarili sa maliit na espasyo, ang mahaba at makinis niyang buhok ay nakakalat sa ibabaw ng unan. Wala na ang mamahalin niyang mga damit. Nakasuot siya ng lumang t-shirt ko.Pero para sa akin, hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang pinakamagandang bagay na nakita ng mga mata ko.Inalala ko ang nangyari kaninang hapon. Ang pagtilansik ng putik sa aming dalawa. Ang nakakabinging halakhak ng stepsister niyang si Cassandra at ang mapagmataas na tingin ni Eduardo de Villa.Sanay ako sa pang-iinsulto. Limang buwan na akong nagpapanggap bilang isang hamak na deliveryman para sa isang

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 3

    RORY POVNagising ako kinabukasan sa tilaok ng manok, ugong ng mga dumadaang tricycle at ingay ng mga nagtatalong magkakapitbahay sa labas ng barong-barong. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Parang binugbog ang buong katawan ko. Nanigas ang likod at mga balikat ko dahil sa pagnipis ng lumang banig at sa lamig ng sementong tumagos sa manipis kong damit.Pagbangon ko, agad na naghanap ang mga mata ko. Wala si Dante.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Iniwan ba niya ako? Natakot ba siya sa responsibilidad na dinala ko sa kanya? Napahawak ako sa dibdib ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Wala akong kakilala. Kung iiwan niya ako, paano na—Bumukas ang pinagtagpi-tagping pinto na gawa sa yero at plywood.Pumasok si Dante. Basang-basa ng pawis ang lumang t-shirt niya, at halatang galing siya sa matinding trabaho kahit maagang-maaga pa. May bitbit siyang isang brown paper bag na may mantsa ng mantika at isang maliit na plastic cup na umuusok pa.Nang makita niya akong gising na,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status