Share

Chapter 3

Author: Senyorita
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-15 19:59:09

RORY POV

Nagising ako kinabukasan sa tilaok ng manok, ugong ng mga dumadaang tricycle at ingay ng mga nagtatalong magkakapitbahay sa labas ng barong-barong. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Parang binugbog ang buong katawan ko. Nanigas ang likod at mga balikat ko dahil sa pagnipis ng lumang banig at sa lamig ng sementong tumagos sa manipis kong damit.

Pagbangon ko, agad na naghanap ang mga mata ko. Wala si Dante.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Iniwan ba niya ako? Natakot ba siya sa responsibilidad na dinala ko sa kanya? Napahawak ako sa dibdib ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Wala akong kakilala. Kung iiwan niya ako, paano na—

Bumukas ang pinagtagpi-tagping p***o na gawa sa yero at plywood.

Pumasok si Dante. Basang-basa ng pawis ang lumang t-shirt niya, at halatang galing siya sa matinding trabaho kahit maagang-maaga pa. May bitbit siyang isang brown paper bag na may mantsa ng mantika at isang maliit na plastic cup na umuusok pa.

Nang makita niya akong gising na, bahagyang natigilan ang mga balikat niya. Lumapit siya sa maliit na mesa at inilapag ang mga dala niya.

"Pandesal," paos niyang bulong, hindi makatingin nang diretso sa akin. "At kape. Mainit pa."

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kaniya. Binuksan ko ang paper bag, limang pirasong mainit na pandesal ang laman. Tiningnan ko ang kape na bitbit niya, iisang baso lang. Kinuha ko ito at inalok sa kanya.

"Hati tayo. Hindi pa ako sanay uminom ng maraming kape, eh."

Umiling si Dante. Lumapit siya sa lumang pitsel sa gilid, kumuha ng basag na baso, at nagsalin ng tubig na galing sa gripo. Ininom niya iyon nang dire-diretso.

"Sa'yo 'yan," tipid niyang sagot bago naupo sa malamig na sahig sa sulok para bigyan ako ng espasyo.

Tinitigan ko ang kape sa kamay ko, tapos tumingin ako sa lalaking nakayuko sa harapan ko. Walang-wala siya pero ang kaisa-isang mainit na inumin na nabili niya mula sa pagbubuhat ng mabibigat kaninang madaling araw ay sa akin niya ibinigay. Unti-unting nawala ang takot sa dibdib ko. Pinalitan ito ng isang matibay na determinasyon. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kalayaan kasama ang lalaking ito kaysa sa marangyang kulungan ng mga de Villa.

Pagkatapos naming kumain, may kinuha ako mula sa bulsa ng basang damit na hinubad ko kagabi. Isang maliit na gintong kwintas. Ito ang kaisa-isang alahas na naiwan sa akin, bigay pa ng yumao kong ina. Hindi ito alam ng mga de Villa, kaya hindi nila ito nakuha.

"Kailangan natin ng pera," sabi ko kay Dante habang hawak ang kwintas. "May alam ka bang sanglaan dito?"

Tiningnan ni Dante ang kwintas, at saglit kong nakita ang lalim ng emosyon sa mga mata niya bago niya ibinalik ang pagkakayuko ng kanyang sumbrero. Tumango siya bilang sagot sa tanong ko.

Lumabas kami ng estero. Kakaibang tingin ang ibinigay ng mga tao sa akin. Siguro dahil sa makinis kong balat o sa matuwid kong paglakad, pero hindi ko sila pinansin.

Nang dumating kami sa sanglaan ay nakakuha kami ng ilang libong piso. Ibinigay ko ang kalahati kay Dante.

"Bumili ka ng makapal na higaan, kahit yung murang foam lang, pati unan at kumot," utos ko sa kanya. "Yung matitira, gagamitin ko. Bibili ako ng harina, asukal, at itlog. Marunong akong mag-bake. Gagawa ako ng mga cookies at cupcake. Ibebenta natin sa mga sari-sari store at sa labas ng eskwelahan."

Wala siyang sinabi kundi isang mahinang, "Sige."

Naghiwalay kami nang panandalian sa palengke at nagkita rin agad pagkatapos ng isang oras. Namangha ako nang makita si Dante. Buhat-buhat niya sa kanang balikat ang dalawampu't limang kilong sako ng harina na parang unan lang ang bigat nito, habang sa kaliwang kamay ay bitbit niya ang ni-rolyong foam at iba pang supot. Kahit nakakuba siya, hindi ko maitangging napakalapad at napakatibay ng mga balikat ng asawa ko. Kinuha ko ang ilan sa mga magagaan na plastic para tulungan siya, at naglakad na kami pauwi.

Habang naglalakad kami sa gilid ng highway papasok sa kanto ng estero ay kalmado ang lahat. Mabigat ang dala namin pero magaan ang pakiramdam ko. May plano na ako at alam kong may laban na kami.

Hanggang sa marinig ko ang matinding ugong ng isang makina.

Isang makintab at itim na kotse ang mabilis na humarurot palapit sa amin. Sa halip na umiwas sa malaking lubak na puno ng maputik na tubig mula sa ulan kagabi ay sadyang idiniretso ng driver ang gulong dito.

Napasigaw ako nang tumalsik ang malamig at maitim na putik sa buong katawan ko, mula sa lumang t-shirt hanggang sa mukha ko. Tiningnan ko si Dante at ganoon din siya, puno ng talsik ng putik ang damit at mukha niya pero ang mas nakakagulat ay kung paano nanigas ang buong katawan niya. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom sa mga dala niya.

Biglang huminto ang kotse ilang metro sa harapan namin. Unti-unting bumaba ang tinted na bintana sa backseat.

Mula sa loob, umalingawngaw ang isang pamilyar at nakakarinding halakhak.

"Oh my god! Look at her, Papa!" Malakas na tawa ni Cassandra, hawak-hawak pa ang tiyan niya habang nakadungaw. "Isang gabi pa lang sa labas, mukha na siyang literal na basurera!"

Nilingon ko ang katabi niya. Nakaupo roon si Papa na seryosong nakatingin sa akin na tila nandidiri sa hitsura ko ngayon.

"Bagay na bagay talaga kayo!" sigaw pa ni Cassandra at itinuro si Dante. "Isang anak sa labas at isang mabantot na kargador! Patay-gutom!"

Naramdaman ko ang pagbigat ng tensyon sa hangin. Narinig ko ang paglangitngit ng sapatos ni Dante sa semento. Gagalaw sana siya, pero bago pa man niya maihakbang ang paa niya ay gumalaw na ako.

Imbes na yumuko ako sa hiya, imbes na umiyak ako tulad ng inaasahan nila ay humakbang ako paharap. Hinarangan ko si Dante gamit ang maliit kong katawan. Hinarap ko ang mga halimaw na minsang tinawag kong pamilya. Pinunasan ko ang putik sa mata ko at tiningnan sila nang may nag-aapoy na galit.

"Mabantot at patay-gutom siya sa paningin niyo!" palaban kong sigaw. "Pero itong lalaking 'to, marangal na nagbabanat ng buto! Hindi siya kailanman nang-apak ng tao, hindi siya nagbenta ng kadugo, at hindi siya nandaya para lang yumaman! Wala kaming hinihingi sa inyo, kaya umalis na kayo! Nakakaabala kayo sa mga taong nagtatrabaho!"

Nawala ang ngiti ni Cassandra. Namula ang mukha niya sa galit dahil sa pagpapahiya ko sa kanya sa gitna ng kalsada. Susugod sana siya at bubuksan ang p***o ng kotse, pero itinaas ni Papa ang kamay niya para patigilin ito.

Tinitigan ako ni Papa. Wala akong nakitang pagmamahal sa mga mata niya. Siguro, inaasahan niyang luluhod ako ngayon sa kalsada at magmamakaawa na ibalik nila ako sa mansyon. Pero hinding-hindi ko gagawin iyon.

Umiling si Papa at marahas na isinara ang hawak niyang dyaryo. Binalingan niya si Cassandra at nagsalita gamit ang boses na sinadyang lakasan para marinig ko, isang boses na punong-puno ng sumpa.

"Hayaan ninyo siyang magdusa sa piling ng lalaking iyan. Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang tapang niya kasama ang isang kargador!"

Tuluyang umangat ang itim na bintana. Umatras ang sasakyan at mabilis na humarurot palayo, iniiwan kaming basang-basa, puno ng putik, at yakap ng usok sa gilid ng kalsada.

Kinagat ko ang labi ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit, pero pinilit kong kumalma. Dahan-dahan akong humarap kay Dante. Nakatayo pa rin siya doon. Pero sa ilalim ng sombrero niya, nakita ko ang nag-aapoy na talim sa kanyang mga mata habang nakatingin sa direksyon ng kotseng papalayo.

Lumapit ako sa kanya. Tinaas ko ang kamay ko at marahan kong pinunasan ang putik sa pisngi niya.

Natigilan siya sa ginawa ko, bumaba ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako kahit nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

"Wag mo silang pansinin," malumanay kong sabi. "Tara na. Umuwi na tayo.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 8

    DANTE POVInaasahan kong lalayo siya. Inaasahan kong makikita ko ang pandidiri at panginginig sa katawan niya matapos niyang masaksihan kung paano ko walang-awang binali ang mga buto ng dalawang higanteng lalaki sa harap niya.Pero nang humakbang siya palapit at isiksik ang mukha niya sa dibdib ko, gumuho ang lahat ng yelo sa puso ko.Naramdaman ko ang maliliit niyang mga kamay na mahigpit na nakakapit sa gusot kong puting t-shirt. Nanginginig siya, hindi dahil sa takot sa akin, kundi dahil sa ginhawang nandito ako para iligtas siya. Sa sandaling iyon, habang yakap-yakap ko ang asawa ko sa gitna ng maalikabok at maingay na palengke, isang malamig na desisyon ang nabuo sa isip ko.Tinakot nila ang asawa ko. Sinaktan nila siya. Tapos na ang laro.Nang makauwi kami sa barong-barong, hindi ako nagsalita. Pinaupo ko siya sa gilid ng manipis na foam, kumuha ako ng yelo mula sa maliit na sari-sari store sa labas, at binalot iyon sa isang malinis na basahan.Dahan-dahan akong lumuhod sa harap

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 7

    RORY POVNagising ako kinabukasan na may nakakagutom na amoy ng bawang at pritong itlog na pumupuno sa maliit naming barong-barong. Pagbangon ko, napangiti ako agad sa nakita ko.Nakatayo si Dante sa harap ng maliit naming kalan, nagluluto ng sinangag. Pero ang mas nakapagpabilis ng tibok ng puso ko ay ang suot niya. Sinuot niya ang isa sa mga puting t-shirt na niregalo ko kahapon. Dahil 150 pesos lang iyon at gawa sa murang cotton, medyo hapit ito sa katawan niya. Bakat na bakat ang malalapad niyang balikat, ang matipuno niyang dibdib, at ang mga braso niyang siksik sa muscle habang naghahalo ng kanin.Kung hindi ko lang alam na isa siyang kargador, aakalain kong isang sikat na high-end model ang asawa ko na nagshu-shoot ng commercial para sa kape."Gising na pala ang misis ko," malalim at malamig na bati niya nang mapansin akong nakatitig sa kanya, pero may bahagyang ngisi sa labi niya.Umiwas agad ako ng tingin, nararamdaman ang pag-init ng pisngi ko. "A-Ang aga mo naman yata naglu

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 6

    DANTE POVMatapos ang nakakabinging katahimikan at ang nakakatawang pagkagulat ni Rory, dahan-dahan kong isinuot muli ang luma kong t-shirt. Rinig na rinig ko pa rin ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin at ang mahina niyang pag-ungol sa hiya habang nagkukunwaring inaayos ang mga lalagyan ng cookies.Napangisi ako habang pinagmamasdan ang likod niya. Cute siya non ah. Sa buong buhay ko bilang si Dante Montenegro, walang sinuman ang nagtangkang mamula at mataranta sa harapan ko. Kadalasan, takot at kaba ang nakikita ko sa mga mata ng mga taong nakakaharap ko. Pero kay Rory? Nakita ko ang purong kainosentihan at... pagnanasa na pilit niyang itinatago.Nilapitan ko siya. "Tapos na ako magbihis, misis ko. Pwede na ba akong tumikim niyan?"Dahan-dahan siyang lumingon, mapula pa rin ang pisngi niya pero pilit na siyang ngumingiti. Kumuha siya ng isang chocolate chip cookie mula sa improvised oven toaster at inabot sa akin.Kumagat ako. Sanay ang dila ko sa mga pagkain mula sa mga Michelin-

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 5

    RORY POVMainit at maalinsangan ang buong hapon. Ang hangin na pumapasok mula sa maliit na siwang ng barong-barong namin ay parang nanggaling sa singaw ng kumukulong tubig. Pero sa kabila ng pawis na tumutulo sa noo at leeg ko, hindi ko magawang magreklamo. Punong-puno kasi ng amoy ng asukal, vanilla, at tunaw na mantikilya ang maliit naming kwarto, isang matamis na amoy na pansamantalang nagtatago sa baho ng estero sa labas.Kakatapos ko lang hanguin ang ikatlong batch ng chocolate chip cookies mula sa maliit at improvised na oven toaster na nabili namin sa surplus. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng kamay ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga nagawang cookies. Ibebenta ko ito mamaya sa mga sari-sari store at sa kanto malapit sa eskwelahan.Kailangan kong kumita. Kailangan kong magsikap. Habang naiisip ko kasi kung paano magbuhat ng napakabibigat na sako si Dante araw-araw para lang may makain kami, nadudurog ang puso ko. Gusto kong gumaan ang buhay niya. Gusto kong

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 4

    DANTE POVTahimik lang ang gabi sa estero, binabasag lamang ng mahihinang paghilik ng mga kapitbahay at patak ng ulan mula sa butas-butas na yero. Nakaupo ako sa malamig na semento sa sulok ng madilim naming kwarto, nakasandal ang likod sa pader. Nakatutok ang mga mata ko sa isang direksyon, kay Aurora.Natutulog siya sa manipis at murang foam na binili namin kanina. Nakabaluktot siya, pilit pinapagkasya ang sarili sa maliit na espasyo, ang mahaba at makinis niyang buhok ay nakakalat sa ibabaw ng unan. Wala na ang mamahalin niyang mga damit. Nakasuot siya ng lumang t-shirt ko.Pero para sa akin, hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang pinakamagandang bagay na nakita ng mga mata ko.Inalala ko ang nangyari kaninang hapon. Ang pagtilansik ng putik sa aming dalawa. Ang nakakabinging halakhak ng stepsister niyang si Cassandra at ang mapagmataas na tingin ni Eduardo de Villa.Sanay ako sa pang-iinsulto. Limang buwan na akong nagpapanggap bilang isang hamak na deliveryman para sa isang

  • TEB #4: I Married a Billionaire in Disguise   Chapter 3

    RORY POVNagising ako kinabukasan sa tilaok ng manok, ugong ng mga dumadaang tricycle at ingay ng mga nagtatalong magkakapitbahay sa labas ng barong-barong. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Parang binugbog ang buong katawan ko. Nanigas ang likod at mga balikat ko dahil sa pagnipis ng lumang banig at sa lamig ng sementong tumagos sa manipis kong damit.Pagbangon ko, agad na naghanap ang mga mata ko. Wala si Dante.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Iniwan ba niya ako? Natakot ba siya sa responsibilidad na dinala ko sa kanya? Napahawak ako sa dibdib ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Wala akong kakilala. Kung iiwan niya ako, paano na—Bumukas ang pinagtagpi-tagping pinto na gawa sa yero at plywood.Pumasok si Dante. Basang-basa ng pawis ang lumang t-shirt niya, at halatang galing siya sa matinding trabaho kahit maagang-maaga pa. May bitbit siyang isang brown paper bag na may mantsa ng mantika at isang maliit na plastic cup na umuusok pa.Nang makita niya akong gising na,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status