CHAPTER 17Lumipas ang ilang buwan, ngunit hindi pa rin natatagpuan ni Dante si Diane. Araw-araw siyang naghihintay ng balita mula sa kanyang mga tauhan. Minsan, umaabot siya hanggang madaling-araw sa opisina, umaasang may makukuha silang impormasyon tungkol sa dating asawa.Ngunit wala pa rin.Samantala, patuloy na namuhay nang masaya sina Diane, Paul, at Divine. Sa loob ng dalawang taon, naging mas matatag ang kanilang pamilya. Lumaki si Divine na palaging napapaligiran ng pagmamahal ng kanyang mga magulang.Isang hapon, nagpasya sina Diane at Paul na dalhin ang kanilang anak sa isang parke."Nanay, tingnan mo! Ang daming paru-paro!" masayang sigaw ni Divine."Oo, anak. Huwag kang masyadong tumakbo, baka madapa ka."Hinawakan ni Paul ang maliit na kamay ng bata."Dahan-dahan lang, prinsesa. Nandito lang si Papa."Napangiti si Diane habang pinagmamasdan silang dalawa."Masaya ako kapag nakikita ko kayong magkasama."Lumapit si Paul at hinalikan siya sa noo."Mas masaya ako dahil kump
Zuletzt aktualisiert : 2026-11-25 Mehr lesen