Si Angie, isang mahiyain na babae at normal na empleyado. Halos nga walang sino man ang nakakapansin sa kanya. Ngunit labis na mapagmahal na nobya kay Julius at mabait na kaibigan kay Trisha. Ngunit hindi niya aakalain na dalawang ahas ang inaalagaan niya. Nang isang gabi, dahil sa ginawa ni Julius na itaya ang pagkababae ni Angie sa isang sugalan, aksidenteng naka-One Night Stand niya ang isang arrogante at makapangyarihang CEO na si Mr. Zayruz Choi. Pilit siyang binayaran nito dahil ang akala sa kanya ay isang bayaring babae, ngunit hindi niya tinagap. Lumaganap ang scandal ni Angie at tinuring siyang basahan ng mga katrabaho niya. Marami siyang masasamang naririnig sa kanya. Nakipag-hiwalay si Julius dito at si Trisha ang nangunang taga-sira sa kanya. Hangang sa isang buwan ang nakalipas, di alam ni Angie na nagdadalang tao na siya, nang muling pinagtagpo ang landas nila ni Sayruz at kaagad siyang nawalan ng malay. "F*ck. How dare she is carrying my child?!" Usal ni Sayruz ng matuklasan nga nilang buntis is Angie. Na siyang ikinatuwa din ng Grandma ni Sayruz.
View More(Angie POV)
Naglalakad ako pauwi ng bahay. Masayang nagtatampisaw at sumasayaw sa ilalim ng ulan. Walang paki-alam sa mga taong nakatingin sa akin. Malamig ang bawat patak ng ulan, ngunit napakasarap at masuyong niyayakap ako ng napakagandang pakiramdam. Binabati ko ng ngiti ang mga taong hindi pamilyar ang mga mukha nila sa akin. Niyakap ko ang aking dalang bag, saka hinubad ang aking pulang high-heel. Malayang inapak ang walang saplot kong mga paa sa kalsada. Ang ganda talaga sa pakiramdam. Ang pakiramdam na ito ay sapat na para maging mapayapa ang buhay ko dito sa mundo.
Nang dumating ako sa bahay namin, tumila ang ulan. Biglang nagpakita si haring araw na hindi ko malaman kung bakit sa oras na ito magpapakita pa lamang siya sa silangan. Medyo nasilaw ako ng malaginto niyang sinag, kaya pumasok na ako sa tarangkahan namin at maririnig ang tunog ng nagkiskisang bakal. Kahit b**ang-b**a ako hindi ko parin maramdaman ang ginaw na papawi ng kaligayahan ko. Hindi, masigla parin ako.
Sumalubong sa paningin ko ang maliit naming bakuran. Saka nakita ko ang aking kapatid na kambal at si Mama na abalang hinahanda ang hapunan sa labas ng bahay namin. Pero bago pa man ako makalapit sa kanila, may mga taong kumuha ng atensyon ko. Mga bagong mukha na hindi pamilyar sa akin. Saka ko nakita ang malaki kong larawan sa isang frame na maraming bulaklak ang nakapaligid. Merong kandila sa loob ng baso… at yung larawan ko, ay kinuha pa noong nakapagtapos ako sa kolehiyo. Masiglang nakangiti dahil sa wakas matutulungan ko na ang aking pamilya sa pang-araw-araw na kailangan namin at maubos mabayaran ang pagkaka-utang namin para makapag-aral lang ako. Isang pag-asa na nagpa-ngiti talaga sa akin ng sobra.
“Ma…” Nahihiya man lumapit na ako sa kanya. Ngunit inuna nito ang dalhin sa grupo ng aking ama ang isang botelya ng alak. Kaya naman kinuha ko ang pansin ng isa kong kapatid…
“Chin…” Ngumiti ako sa kanya ng humarap ito sa akin, kaya ngiti rin ang isinukli niya sa akin.
“Ate…” Tumakbong yumakap sa akin.
“Anong meron?”
“Ate… Patay ka na.” Saka itinuro niya sa akin ang araw na sumisikat upang tuluyan akong masilaw.
Kaya bigla akong napamulat. Nakatitig sa bintana na nilipad ng bahagyan ang kurtina ng hanging at sumisilip ang malagintong sinag ng umaga. Ramdam ko parin ang init ng nararamdaman kong kaligayahan dahil sa bisig na nakayakap sa akin. Di ko mapigilan na maramdaman ulit ang kakaibang kaligayahan na naghahari ngayon sa akin. Heto ata ang sinasabi ng kaibigan ko… ng bestfriend ko, na kapag ibinigay ko na ang pinakaka-ingatan kong bagay sa aking minamahal, tiyak liligaya ako ng lubos. Tama siya. Ang saya ko nga. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko.
At ang ibig lang sabihin ng panaginip ko, at talagang mahilig ako magbasa ng mga ibig sabihin ng napanaginipan ko… Ay may kalakip na magandang balita, kahit nga nakatago sa di magandang paraan ng pagpapahiwatig ng panaginip ko.
Patay na ako sa aking panaginip, ngunit buhay na buhay naman ng nakita ko ang aking larawan. Ibig lang sabihin natapos na ang kabanatang ‘to ng buhay ko. Andito na ako ngayon sa bagong kabanata. Napangiti ako sa aking sarili. Salamat naman sa Diyos. Sana nga maging masaya na ako habang buhay at talagang naniniwala ako sa mga fairytales na merong happy ending.
Ulan… Ibig lang sabihin tagsibol… Napangiti ako. Hindi kaya yung nangyari ngayon sa aking gabi ay bibigyan ako ng isang biyaya? Baby?!
Masaya akong napayakap sa aking sarili. Umpisa na ba ito ng mga masasaya kong araw? Totoo bang magkaka-anak na ako? O baka pinakita lang sa akin na talagang buntis si Mama at hindi ang tatay ko ang siyang ama. Kaya nga palagi na lang sila nag-aaway dahil nga sa usap-usapan na nabuntis si Mama ng ibang lalaki.
Papa God, gusto ko rin pong maging masaya kaming boung pamilya. O kung sa tingin niyo pagiging selfish yun, nanatili parin akong nagpapasalamat sa inyo dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na magkaroon ng kaligayahan. At si Julius An yun.
Ramdam ko sa aking katawan ang bakas ng gabing pinagsaluhan namin ni Julius. Hindi niya ako binigo sa expectation ko at lalo pa niyang hinigitan. Namumula ang aking pisngi na harapin siya. Sinasabayan ako ng alon at huni ng ibong dagat ang tibok ng puso ko. Talagang mahal ko siya.
Ipinatong ko ang aking kamay sa kamay na nakayakap sa aking bewang. Ang kinis at napakamaskulado ng kamay niya. Ang laki kesa sa aking kamay. Heto ang kamay na yumapos sa akin boung magdamag. Ang kamay din ng lalaking aalayan ko ng aking boung buhay at pagmamahal. Magkakaroon kami ng sarili naming magandang pamilya, ayun na nga sa mga pangako niyang binitiwan sa akin. Sabi niya kasi kapag isinuko ko sa kanya ang aking sarili, agad niyang aayusin ang pagpapakasal naming dalawa. At nanabik na nga akong makita siya sa harapan ng altar. Napaka-swerte ko.
Napaharap na ako sa aking katabi. Madilim pa ang boung paligid. Isiniksik ko ang aking sarili sa kanya. Ang bango niya… Napahaplos ako sa d****b niya… Napangiti ako sa aking sarili dahil napaka-swerte ko. Talagang biniyayaan ako ni Papa God ng isang ganitong klaseng lalaki.
Aksidente akong napakapa sa kanyang d****b. Ang abs niya… Parang diamante ang nahanap ko. Hindi ako makapaniwala na may ganito siyang pangangatawan, plus halos dinala nga niya ako sa langit kagabi. Sa likod pala ng uniforme niya, heto ang tinatago niya. At akin lang ito…
Biglang gumalaw si Julius. Nagising ko ba siya? Pero agad niyang hinalikan ang aking ulo matapos nga lalo niya akong isiksik sa tabi niya. Sa nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko tuloy parang nanaginip ako. Kahit nga may nangyari na sa aming dalawa kagabi… nanatili paring umiinit ang pisngi ko sa kanya. Parang mababaliw na ako sa isinusukli niya sa akin. Worth it naman talaga ang lahat ng pinagpaguran ko. Yung pera kong ginasta dito… sobra pa nga sa inaasahan ko ang aking natangap.
“Maaga kang nagising Sasa.” Habang patuloy niyang sinusuklay ng kanyang daliri ang aking buhok. “Matulog ka pa, andito lang ako. Alam ko na napagod ka ng husto kagabi.”
“Hindi naman sa puyat pa ako Julius at napagod ako kagabi, Julius. Kundi sobra akong nag-enjoy at nagustuhan yung…” Nang biglang na-realized ko na may mali. Ang matikas na tono ng boses niya… at ang pangalan na binangit nito. “Teka lang. Sino si Sasa?”
“At sino si Julius?” Balik niya sa akin na natigilan siya sa pagsusuklay ng daliri niya sa buhok ko. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.
“Julius?”
“Sasa?” At sabay pa kaming dalawa napatanong sa isa’t-isa hangang sa pareho kaming napabangon upo.
Diyos ko po. Nanaginip pa ba ako?! Wag naman sanang… ibang tao ang katabi ko!
Hangang sa umilaw nga ang boung silid at halos hindi ako makapagsalita kung sinong anghel ang nasa harapan ko ngayon.
“Si-sino ka?!” Hinila ko ang kumot at napasiksik nga sa dulo ng higaan. Biglang nanlisik ang kanyang mga mata ng makita rin niya ako. Napa-iling siya at ipinikit ang kanyang mga mata habang napahilot ng kanyang leeg.
“Bulsh*t!” Ang lakas ng boses niya. Parang isang kulog.
Muli niyang binuksan ang kanyang mga mata. Mala-anghel ang mukha niya at ang pangangatawan nito parang yung rebolto na inukit sa Rome. Pero hindi talaga maganda ang nangyayari ngayon. Ang kasama ko… At may nangyari sa amin kagabi… Kuniha niya yung regalo ko na sana para kay Julius. Kung hindi ko siya kilala… Ibig lang sabihin din, di rin niya ako kilala. Anong ibig sabihin nito?!
Ngumisi sa akin ang lalaki. Hindi rin niya gusto ang nangyari. Hangang sa bumangon na siya at hihilahin pa sana nito ang kumot sa akin, na hindi talaga ako sa kanya nagpatalo. Bigla ko pa itong sinipa sa di dapat. Kaya ayun namimilipit siya sa tabi at….
“Sorry! Ayos ka lang? Sorry talaga. He-heto na yung kumot.” Dahil exposed na exposed ang h***d niyang katawan sa paningin ko.
“No!” Dahil ako ang mawawalan ng panabon. “Are you idiot?!”
Sa tanga naman talaga ako. “Don’t look at me.” Kaya pinikit ko ang aking mga mata kahit nga nakatalikod na nga lang ako sa kanya.
Saka ko naalala kagabi… kung bakit ito nangyari… Nagkalat kasi sa sahig ang mga damit namin.
Namalayan ko na lang nakabihis na ang lalaking kumuha ng hindi dapat sa kanya. Pareho pang napadako ang paningin namin sa bedsheet kung saan naroon ang bakas ng pagkadalaga ko. Lalo kong niyakap ang kumot. Napa-iling ang lalaki. May kinuha ito sa bulsa niya… isang checkbook.
“I will give you five million dollars to keep silent about this night.”
(Zayruz POV)
Damn. Another cheap girl.
Paano siya nakapasok sa silid na’to? At bakit parang innosente siya sa ginawa niya. Clueless ang mukha at lalo na ang kanyang mga mata. F*ck. Wag niya akong inaartehan ng ganito. Syempre, sinadya niyang umakyat sa higaan ko para sa pera. Kagagawan ba ito ni Michael?! Dahil impossibleng may makapasok sa silid ng hindi dadaan sa mga tauhan ko.
Makakatikim ka ngayon sa akin Michael. Alam mo namang hindi naging matagumpay ang dapat na masayang okasyon kagabi. Alam ko rin na sinadya mo akong lasingin. Sa ngayon matagumpay mong sinunod ang kagustuhan ni Grandma na may ma-ikama ako. Bwisit!
Naiinis ako.
Tignan mo kung ano pang klaseng babae ang nilagay mo sa kama ko, Michael! Parang ang tanga! Kaya sinimulan ko ng pulutin ang makuha ko mang damit. Sa aking isipan habang nagbibihis ako sumisingit ang nangyari kagabi sa aming dalawa ng tangang babaeng to. At bakit parang nararamdaman ko kailangan kong makonsensya sa aking ginawa? Nagustuhan ako ang nangyari sa amin.
Pero hindi… Hindi dapat. Siguro akala ko talaga nang gabing yun, siya si Sasa. Ang gigil kong ibinigay sa kanya… Ang nangyari sa amin… Ang matamis naming halikan… *Fuck! I thought it was Sasa. My fiancée! Kaya nga nagawa ko yun.
Nang makapagbihis ako, hinarap ko ulit siya. Lutang ang isipan niya. Alam ko masakit ang katawan niya… Lalo na… She is a petit woman. Nasaktan ko siya ng husto sa nangyari sa aming dalawa. Lasing lang ako kung bakit di nagawang maalala ang katawan ni Sasa… Ang amoy niya… at… *Fuck! Bakit kasi binigo ulit ako ni Sasa na pumunta sa wedding proposal ko sana sa kanya, sa ikatlong pagkakataon?
Nang biglang makita ko sa higaan namin ang bakas ng… Ibig ba sabihin nito, kinuha ko ang pagka-birhen niya?
…dugo.
Napangisi ako. She is not a common whore. Magaling Michael. Kaya ba nakokonsensya ako bigla. Since nagustuhan ko naman ang ginawa niya kagabi… Yung performance niya… Plus her virginity. Siguro sapat na ang limang milyong dolyar para manahimik ang konsensya ko. Higit sa lahat, ang babaeg to.
“I will give you five million dollars to keep silent about this night.”
Alam ko namang tatangapin niya ang perang to. Para sa mga kagaya niyang kalapating mababa ang lipad, napakalaki na ng perang to.
@DeathWish
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments