Share

Chapter 10

Pinunasan ni Eiress ang pawis paglabas sa bahay ni Nuno Karding. Sa nakalipas na limang taon, ngayon ulit siya nakakita ng ganoon kalaki na sugat. Nasusugatan naman sila sa Purok pero hindi ganoon kalaki.

"Kamusta siya?" Tanong ni Aline sa kanya.

"Maayos na siya, baka maya-maya magising na rin siya." Sagot niya.

"Ang galing mo naman Eiress! Nakakagulat talaga ang kakayahan mo." Bilib na sabi ni Kalix.

"Nagkataon lang na may konti akong nalalaman," sagot niya at bahagyang ngumiti.

"Pabida na naman siya!"

"Sarya!" Saway ni Aline sa pinsan. "Bawas-bawasan mo ang pagiging inggitera, nakakamatay 'yan. Ikaw din baka hindi ka magtagal."

"Hayaan mo na," saway naman niya sa kaibigan.

"Eiress!" Nabaling naman ang tingin nila ng lumapit si Nuno Karding. Tumahimik naman ang magpinsan. "Pupuntahan mo ba siya?" Tanong ng matanda.

Nang maalala ang dapat gawin, napangiting muli si Eiress.

"Opo, Nuno Karding. Ilang araw ko na siyang hindi nabibisita."

"Kung gayon, isama mo si Aline para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status