Share

Chapter 12

Location: Center Town, Chipan City

"Itigil mo ang karwahe!" Galit na sigaw ni Britany sa nagmamaneho ng sasakyang karwahe.

Ang karwahe na ang nagsisilbing pinakamagandang sasakyan sa Chipan. Tanging nakakaangat sa buhay ang may kakayahang mag-adhika ng ganoong sasakyan. Walang kotse o anumang sasakyang may gulong sa Chipan maliban sa karwahe. Hindi pa naaabot ng konkretong daan ang Chipan kaya nagtitiis ang mga tao sa kabayo o karwahe bilang transportasyon sa loob ng bayan. May ilan namang nakakagamit ng helicopter or chopper tulad ni Alpha.

Agad bumaba si Britany at hinaklit ang mga larawan ng Huntress na nakadikit sa pader. Wala siyang itinira. Bawat makita niyang mukha ni Huntress ay inaalis niya. Itinapon niya sa lupa ang naipong papel. Tinapakan niya iyon sa galit.

Dalawang bagay ang ikinagagalit niya ngayon, ang pagsikat ni Huntress at ang pagtanggi ni Alpha na tulungan siya. Ilang araw na niyang sinusubukan muling kausapin si Alpha para humingi ng tulong na alisin ang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status