THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES
MissThick
Sana pinatay na lang nila ako nang sanggol pa lang ako kung ganito rin lang pala ang buhay na pagdadaanan ko?
Dumaan pa ang ilang oras at gabing-gabi na. Nagugutom na rin ako. Nagsimula nang magtago ang buwan sa makapal na ulap na lalong nagpadilim sa gabing tahimik. Kanina pa ako pinapapak ng mga lamok. Noon ko lang naranasang umupo si silong ng kahoy at inabot ng ganito kagabi. Natatakot ako sa tinaguan ko ngunit natatakot pa rin naman akong umuwi. Wala akong maisip pang ibang mapuntahan. Natatakot din ako dahil bigla kong naalala ang mga kuwento ng mga kalaro ko tungkol sa puno ng balete na tanaw lang sa kinauupuan kong puno ng sampalok. Tumatayo ang mga balahibo ko sa nililikha ng utak kong mga haka-hakang may white lady d
aw roon, may kapre, may pa ring pugot ang ulo at lumilipad sa ere, may madreng l***t ang dila, may babaeng malaki na may kargang sanggol na duguan ang mga mata, may ataul na bigla na lang babagsak sa lupa at dahil hindi ko na makayanan pa ang takot ay bigla akong napatakbo palayo doon sa lugar na iyon at ang tanging alam kong tanging mapupuntahan ay ang aming munting kubo.