Explora novelas y novelas web con Artist ambientadas en Divorce, con historias cautivadoras y una experiencia de lectura envolvente. Descubre historias populares online y encuentra tu próxima lectura.
Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito.
"Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa.
Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito.
Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya.
Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya.
"Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin."
"Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko."
Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya?
Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona.
Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya.
Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?