Hiraya ZR
Nagising si Serafina sa loob ng nobelang katatapos lang niyang basahin.
And unfortunately for her, alam na alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya.
A loveless marriage, isang cheating husband, cruel in-laws at isang shameless mistress.
And a year of humiliation, betrayal, and heartbreak?
Mamamatay siya.
Yeah. Absolutely not.
Desidido si Serafina na baguhin ang miserable niyang kapalaran.
Except...
May sariling rules ang story.
Hindi siya puwedeng basta umalis. Hindi niya puwedeng i-defy ang mga importanteng pangyayari. At sa tuwing sinusubukan niyang baguhin ang original plot, may kapalit na parusa.
Paralyzed. Voiceless. At sapilitang ibinabalik sa papel ng isang submissive at masunuring asawa.
Fine.
Kung kailangan niyang mabuhay sa loob ng original storyline sa loob ng isang taon, then she'd play along.
Pero hindi lang pala siya ang kawawang betrayed wife ng nobela.
Siya ang hidden heiress ng Laureza.
At nang dumating ang araw na malaya na siya, balak niyang iwan ang lahat.
Pero bago iyon, nagkaroon si Serafina ng isang brilliant idea. Mag-hire ng isang ridiculously handsome male model sa loob ng tatlong buwan.
No love, no commitment, no strings attached.
Simple. At least, iyon ang akala niya.
Dahil ang lalaking inakala niyang ordinaryong male model ay hindi pala basta-basta.
Cassius Cole Aristotle, isang powerful trillionaire. Greatest business rival ng asawa niya at ang ruthless villain ng nobela.
At nang matapos ang kanilang three-month contract, akala ni Serafina ay puwede na siyang basta umalis.
“The contract is over, Serafina.” His eyes locked onto hers. “But I'm not.”
Nag-transmigrate si Serafina sa isang tragic love story dahil gusto niyang takasan ang miserable nitong ending.
Pero hindi niya inaasahang magiging obsession siya ng pinaka-delikado at pinaka-unpredictable na villain sa nobela.
And he had no intention of letting Serafina rewrite her ending... without him.
143