Author Bhelle
ONE NIGHT WITH THE CEO
Author: Author Bhelle
Isang gabi. Isang maling kuwarto. Isang pagkakamaling magbabago sa kanilang mga buhay magpakailanman.
Si Serena ay isang mahirap ngunit matalinong dalaga na matagal nang nagtitiis sa pang-aapi ng kaniyang tatlong mayayamang kaibigan. Para sa kaniya, mas mabuting magtiis kaysa mawalan ng mga taong itinuturing niyang kaibigan. Ngunit sa isang marangyang masked ball, ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ang siyang magtataksil sa kaniya.
Nilasing siya ng mga ito at iniwan sa isang pribadong kuwarto upang ipain sa isang lalaki. Wala siyang ideya na sa gabing iyon, isang estranghero ang maling papasok sa kuwartong kinaroroonan niya.
Si Ethan Storm—isang makapangyarihan, mayaman, at kinatatakutang CEO—ay nabiktima rin ng isang mapanganib na pakana. May babaeng desperadong makuha siya at palihim na naglagay ng pampasigla sa kaniyang inumin upang pilitin siyang panagutan ang mangyayari sa kanilang dalawa.
Ngunit nagkamali si Ethan ng kuwartong pinasukan.
At ang babaeng nadatnan niya ay si Serena.
Kinabukasan, nagising si Serena sa tabi ng lalaking hindi niya kilala. Takot at litong-lito, tumakas siya nang walang iniwang pangalan o paliwanag.
Akala niya, doon na magtatapos ang lahat.
Ngunit hindi sanay si Ethan Storm na mawalan ng sagot. Sinimulan niyang hanapin ang babaeng misteryosong naglaho, hindi alam na ang paghahanap na iyon ang magdadala sa kaniya sa isang katotohanang hindi niya inaasahan.
Paano kung muling magtagpo ang kanilang mga landas? At paano kung ang gabing gusto ni Serena kalimutan ay maging simula ng isang relasyong hindi niya matatakasan?
Dahil minsan, ang isang gabing pagkakamali ay sapat upang pag-ugnayin ang dalawang pusong hindi dapat nagtagpo.
157