Lira Luna
SYNOPSIS
Noong kolehiyo, naging tapat ang pag-iibigan nina Lori at Gabriel. Si Lori ay iskolar sa pamantasan na pagmamay-ari ng pamilya ni Gabriel para sa mga mahihirap, habang si Gabriel naman ay nag-aaral doon para maranasan ang maging simpleng estudyante. Ngunit nang matuklasan ni Lori na si Gabriel pala ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa, lumayo siya at naglahong parang bula pagka-graduate, na walang kahit anong pasabi.
Makalipas ang limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas sa ospital nang isugod ni Lori ang kanyang limang taong gulang na anak na babae na inatake sa sakit, habang kasunod ang isang lalaking may hawak namang batang lalaki. Habang si Gabriel ay may kasamang magandang doktor. Tila tumigil ang mundo nila sa akalang may kani-kaniya na silang pamilya.
Nang masuri ang bata, pinaalam ng doktor kay Lori na kailangan agad operahan ang bata at si Gabriel lamang ang tanging may kakayahang gumawa nito, lumapit at humingi ng tulong si Lori. Pumayag si Gabriel dahil tungkulin niya ito bilang doktor at hiwalay ito sa sakit na idinulot ni Lori sa kanya.
Habang sinusuri ang bata para ihanda sa operasyon ay nakaramdam si Gabriel ng lukso ng dugo, Ngunit hindi iyon pinansin ni Gabriel, kahit nalilito siya sa nararamdaman.
Bago ang nakatakdang operasyon, umuwi si Gabriel sa kanila, naabutan niya ang mga magulang na masayang nagbubuklat ng mga lumang album. Naupo siya’t nakitingin nang biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Sa larawan nakita niyang kamukha niya ang kambal ni Lori, doon na sumagi ang katanungan sa kanyang isip na hindi kaya anak niya ang kambal?
Para makakasiguro pinaimbistigahan ni Gabriel ang buhay ni Lori, five years ago, at doon niya natuklasan ang bagay na magpapabago sa galit na matagal na niyang kinikimkim.
125