Maganda. Inosente. Probinsyana. Ilan lang 'yon sa mga katangian ni Karen, o mas kilala bilang Miss Quack sa baryo nila. Araw-araw, iba't ibang halamang gamot ang tinda niya. May gumagaling—mayroon namang ayaw na lang magreklamo dahil sinusungitan niya. Si Paul, isang doktor. Guwapo. Mayaman. Magaling--lalo na sa kama. Nang magtagpo ang landas nina Miss Quack at Doc Paul, 'ika nga'y mata lang ang walang latay sa damdamin nilang tila nagliliyab, sa isang gabing tila wala nang bukas. Napakasaya ni Karen. Akala niya'y totoong mahal nga siya ni Paul. Pero ang walanghiya, iniwan siya bigla! Ang sarap--este, ang sakit na naramdaman niya'y mas tumindi nang iwan siya nito ng pera. Hindi pa nakontento, nag-iwan din ito ng supling na kaugali nito. Not just one, but two! Ano'ng gagawin niya kung magkita silang muli? Mapanindigan niya kaya ang pangakong, WHO YOU? na ito sa kaniya?
Lihat lebih banyakKAREN
"Sandali lang mga anak, ilang oras na lang dadating na tayo sa Maynila." Tugon ko sa aking dalawang anak na tila inip na inip na dahil sa tagal ng binyahe namin mula probinsya. "Mom, I'm hungry na po," reklamo nitong englesera kong anak na si Kaye. Dahil siguro sa kapapanood sa youtube kaya siya natuto ng ganito. Hindi ko naman kinakausap ng english kahit ako hirap magsalita ng spokening dollar na 'yan. "Kaye we ... ah basta kailangan muna natin mag-wait to stop over this bus para we kain na, okay?" Aruy! dumugo yata ang ilong ko sa anak kong ito. Tatlong taong gulang pa lang naman siya pero kung makapagsalita akala mo doktor, palibhasa may pinagmanahan. "Okay, Mom." Isa pa itong kaka-Mom niyang tawag sa akin. Ang sabi ko Nanay kasi pang mayaman ang Mom. "Mom, milk, dede." Reklamo naman ko bunso kong si Kevin. Matutuyuan yata ako ng utak sa mga anak ko. Akala mo mga anak mayaman. e, sa barong-barong lang naman kami nakatira. But wait, kami lang yata ang may piso-net sa lugar namin. Kaya itong perang dala-dala ko puros barya, ang bigat tuloy. "Wait bunso ko, heto na lagyan muna natin ng mineral water ang gatas you." Kailangan kong sanayin itong si Kevin na hindi matulad sa ate niya. Kaya ang ini-English ko lang ay sa simula or dulo lang at kung minsan puros tagalog na. Lalo na pagnagagalit ako. Ang hirap kaya magalit ka ng hindi tuloy-tuloy dahil lang sa hindi ako knows sa englishing na 'yan. Siguro kung sa daddy nila baka magkakaintindihan pa sila. Kaya naman hinalungkat ko na sa bag ang dala kong mineral water na binili ko lang sa terminal para sa gatas ng bunso ko. Ayaw ko naman kasi ilabas ang suso ko dito lalo pa at may kalakihan ito at hindi pa lawlaw. Pero mukhang wala na akong magagawa kundi mapadede si Kevin sa akin. Mukhang naubos ko pala itong inumin kanina. "Mom, milk." Ayan na nga ba sinasabi ko. Paano ko ba siya mapapadede dito sa loob ng bus? Gayong itong lalaking ito sa harapan naming ay kanina pa silip-silip sa amin. Pero kailangan ko na talagang gawin kaya bahala siya diyang manigas, huwag lamang niya hahawakan. "Ito na baby Kevin." Tinanggal ko ang tatlong botones ng suot ko. Saka itinaas ang suot na bra sa may kanan ko bago pinahiga ang anak kong si Kevin sa aking kandungan upang makainom na ng milk mula sa akin. Tumahan na nga ito pagkasalpak ko. Mahirap maging isang ina lalo na at mag-isa ko lang silang kinakayod. Pero masaya sa pakiramdam at kung bibigyan man ako ng pagkakataon na ipaulit ang nakaraan, siguro mas pipiliin ko pa rin ulitin ang pagkakamali ko para lamang maisilang ko ulit sila. Ako si Karen Isidro 23 years old. Isang dalagang ina. Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito? Mahabang istorya pero keri ko naman isalaysay kung paanong si Miss Quack meets Doc Paul. Chapter 1 Karen “Lola, aalis na po ako." Paalam ko kay lola Engrasya. Siya na lang ang mayroon ako dahil matagal nang namatay ang mga magulang ko sa aksidente papuntang Maynila noong nasa edad sampung-taon pa lang daw ako sabi ni lola. Hindi ko na gaano natatandaan ang pangyayari. Pero ang naalala ko lang nagpupumilit sana akong sumama sa kanila dahil gusto ko makakita ng malalaking gusali na gaya nang nakikita ko sa palabas sa telebisyon ng kapitbahay namin. Nakikinood lang kasi ako dahil wala kaming sariling telebisyon. Eh ang kaso nga, kung kailan kasarapan na ng pinapanood kong Korean drama, saka naman nila pinapatay. Ang guapo pa naman ng bida 'yong bang si Lee Min Ho. Tapos may tatlo siyang mga kaibigan na mayayaman din, ang tawag pa nga sa kanila ay F4. May isang eksena doon na pinasara niya pa ang buong gusali para lang ibili ng damit iyong babae na hindi naman kagandahan. Maputi lang naman siya. Kung ako hindi bilad sa araw? Hindi hamak na mas maganda ako sa bida. Kaya simula noon, gusto ko rin makapunta sa malalaking gusali gaya ng mall, kaya ako nagpumilit na sumama kanila Inay at Itay, ang kaso nga ayaw naman nila ako isama. Tsk, tsk, tsk! Kung nagkataon pala, aba! baka na chugi na rin ako gaya nila. Kaya simula noon si Lola na ang siyang nag-aruga sa akin. Mahal na mahal ko ang Lola ko, kahit na parang armalite ang bibig gaya ngayon. " Karen Apo, umuwi ka kaagad at huwag ka nang magpa-umaga kung wala kang mabenta. Kaysa mabiktima ka pa ng mga lalake sa bayan. Ikaw ba naman ang hilig sa mga guapo. Tanggapin mo na kasi na walang magagandang lalake sa bayan. At kung mayroon man baka ‘yang puday mo lang ang habol niya," dere-deretsong paalala ni Lola sa akin. Sa araw-araw na lang ‘yan palagi ang sinasabi. "Lola, kabisado ko na po sa utak ko iyang paalala po Ninyo. Sige na po, mauuna na ako." Sinukbit ko sa aking likuran ang backpack na nilagyan ko ng mahahalagang gamit pati na rin ng pamalit, kahit hindi ako makauwi agad ay may magagamit ako. At ang pinaka-importante sa lahat, ang dala-dala kong ibebenta sa bayan na mga halamang gamot na gawa ni Lola. Isa kasi siyang magaling na albularyo noon. Sikat na sikat siya noong bata pa lang ako. Dinarayo at pinipilahan. Ngunit habang tumatagal humihina na rin ang mga nagpapagamot sa kanya gawa nang makabagong teknolohiya na ginagamit ng mga sikat na ospital at ng mga doktor. Doktor lang naman ang mag 'yan dahil nag-aral sila ng matagal. Kaya ko rin naman ang ginagawa nila. Ako yata si Karen, the Quack Doctor ng Baryo Pag-asa. Dalawang oras ang biyahe ko papunta sa Bayan, ang sentro at bagsakan ng mga produkto na nagmumula sa Maynila. Lahat ng mga nandirito’y abala sa pagtitinda at kasama na ako roon. "Miss Quack, may gamot ka ba sa pampatigil ng regla? Ayaw ko na kasi mabuntis. Ang hilig-hilig kasi ng asawa ko," napapailing na tanong ni Aling Mameng, ang may-ari ng karenderya kung saan ako kumakain "Aling Mameng, nireregla pa ho ba kayo?" pabulong kong tanong na ikinagalit yata nito. "Aba'y oo naman! Ano’ng akala mo sa akin, expired na?" taas kilay nitong sagot sa akin. "Isa na lang po, ilang taon na nga ho ba kayo?" usyoso ko pang tanong ulit sa kanya. "Huwag mo nang itanong! Ano meron ka ba o wala? Sayang iaawas ko pa naman ng limangpong pursyento ang utang mo sa akin. Basta mabigyan mo lang ako ng mabisang gamot, para hindi na kami mabitin ng asawa ko." Nagkainteres naman kaagad ako sa sinabi niya, kaya napilitan akong ibigay ang gamot. Ngunit imbes na pampaitigil ang ibinigay ko’y kabaliktaran nito. Pasimple ko lamang tinanggal ang nakalagay na etiketa sa botilya saka ibinigay kay Aling Mameng. "Ayan na ho, panigurado hindi na kayo rereglahin sa susunod na buwan. Kaya pagkainom po ninyo nito mamaya? Aba'y pwedeng-pwede na kayo makipagdigmaan sa asawa Ninyo," pangisingisi ko pang sabi. Pero sa loob-loob ko'y lihim akong nagdarasal. "Pasensya na po Panginoon, magkukumpisal na lang po ako kay Father mamaya," ani ng isip ko habang nakatingin sa kalangitan at kinakausap si Papa Jesus. Alam kong nariyan siya palagi upang bantayan ako. "Talaga ba Karen? Panigurado matutuwa ang asawa ko. Dahil diyan wala ka nang utang sa akin, burado na lahat at babayaran pa kita," masayang sabi nito. At iniabot nito sa akin ang dalawang daan bago pa kending-kending na umalis. "Haist, mabuti pa siya may love life, samantala ako kahit first kiss wala," may kahinaan kong sabi pero hindi ito nakaligtas kay Mando. Short for mandurukot na patay na patay sa akin. "Eh kung sinasagot mo na sana ako Karen my loves, hindi mo na kailangan magtinda pa dito habang tirik na tirik ang araw. Ang gagawin mo lamang ay hintayin ako sa bahay at pagsilbihan. Pangako ko sa ‘yo na pahihigain kita sa salapi at mga alahas na naisin mo," pagmamalaki nitong sabi bago iabot sa akin ang rosas na dinikwat niya lang sa kung saan. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Mando! Hindi bale na lang na humiga ako sa puros mabato kaysa puros salapi na galing naman sa nakaw. Umalis ka nga diyan at baka hindi kita matansya ipatukhang pa kita," sabi ko at inihampas sa kanya ang dalang rosas nito. "Ito naman! Balang araw titigil din ako sa gawaing ito. At puwede bang huwag mo akong tawaging Mando. DJ ang itawag mo sa akin at kapag nagkatuluyan tayo ikaw naman ang Kathryn Bernardo ng buhay … "Aalis ka ba oh, ituturok ko sa 'yo itong gamot para hindi na tumigas iyang pinagmamalake mong hindi naman kalakihan." Iglap lang ay nawala na parang bula si Mando sa aking harapan, napapailing na lamang ako. Ganito ang buhay ko sa araw-araw. Kailangan kong kumayod at magtinda para may pagkain kami ni Lola at makaipon ng pang matrikula sa darating na pasukan. Gusto ko kasi maging English Teacher pero dahil hindi ako magaling sa English kaya baka Home Economics na lang kung saan may kaunti akong alam. Nagpatuloy ako sa pagtitinda hanggang maubos ko ang dala-dala kong gamot. Kilala na kasi ako bilang si Miss Quack. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang tawag nila. Pero mukha namang sosyal dahil sa salitang Miss. Pakiramdam ko isa na akong ganap na Guro ng Baryo Pag-asa, kung saan ang mga taong nakatira doon ay punong-puno ng pag-asa sa buhay, gaya namin ng Lola ko.Karen/Christine "Paul! ahhhh, Sweetie na-miss ko 'yan!" malakas kong halinghing habang nagpapakasasa sa sarap dulot ng mga labi ni Paul na sobra ko ring na-miss. Narito kami ngayon sa bahay kubo namin ni Lola. Dinala ako ni Paul dito, baka raw magising ang aming mga anak lalo pa at maingay raw ako. Gaya ngayon ramdam na ramdam ko ang kahabaan ang dila niya sa loob ng pagkababae ko ngunit hindi ko naman siya makita dahil sa laki ng aking tiyan. "Sweetie, I'm craving for this too," tukoy nito sa aking pagkababae. "Paul, sige pa, ahhh." namimilipit sa sarap kong sagot. Bakit ba pagdating sa ganitong kainan ay nangunguna itong si Paul? Pakiramdam ko kasi'y matatanggal na nito ang aking maliit na pearl na kanina pa nito sinisipsip. Wala itong pakialam kong nakapag-ahit ba ako o hindi. Aba! bahala siya, sa gusto niya kaya tatanggi pa ba ako. Maya-maya'y naabot ng aking kamay ang buhok nito. Walang babala ko itong sinabunutan kasabay nang marating ko ang sukdulan. Inalis nit
Karen/Christine "Ayan, Lola Engrasya, maayos na ang bahay ninyo." Mabilis lumipas ang mga araw. Limang buwan na rin ang ipinagbubuntis ko. Narito kami ngayon sa Baryo Pag-asa. Medyo malawak naman ang lupain na ipinamana sa akin ni Lola. Kaya sa tulong ni Lolo Christ ay nakapagpatayo kami rito ng bahay, sa tabi ng bahay kubo namin ni Lola. Hindi ko binago ang design ng bahay namin. Gusto ko kasing pagpasok ko'y manunumbalik sa aking alaala ang mga panahong palagi niya akong sinisermunan. Mga panahong inaalagaan niya ako't masaya kaming magkasama kahit salat sa salapi. Tanging ang bubong at dingding lamang ang ipinaayos ko, maliban doon ay wala na akong binago. Pinalagyan ko lang ng bakod ang lawak ng lupain ni Lola kaya nasa loob na rin ang kanilang puntod. Ginawa ko lang itong parang isang musileyo. Pasasalamat ko ito dahil hindi nila ako pinabayaan. Malinaw na rin sa akin ang lahat, kung paano akong napunta sa kanila. Naikwento sa akin ito ni Aling Luring, ang nanay
Karen/Christine “I have two sons, Christopher Junior, my eldest, and Christian. My two daughters, Crishayne and Christina, died many years ago after she gave birth. And because of an accident, we thought her daughter died too, but luckily, she's not. And we finally found her after 22 years. I am happy to introduce my long-lost granddaughter, Christine.” Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga paa. Nang marinig ko ang tawag sa akin ni Lolo. Naninibago man ako bilang si Christine ay kailangan ko ng sanayin ang aking sarili. Ako pa rin naman si Karen. Pangalan ko lang ang nagbago. Huling baitang na ng hagdanan nang salubungin ako ni Miguel, isa sa anak ng kasosyo ni Lolo sa negosyo. “I have never seen anyone as beautiful as you, Christine,” salubong nitong sabi sa akin. “Thank you, Mr. Guzman, mambobola ka pala,” nakangiti kong sagot. “Nagsasabi lang ako ng totoo,” ani pa nito. Hindi ko na lamang siya sinagot at lumapit na kay Lolo sa gitna ng entablado. “Ladies and
“Should anyone present know of any reason that this couple should not be joined in holy matrimony, speak now or forever hold your peace,” tanong ng Pari. Tahimik ang lahat hanggang lumabas ang isang sopistikadang babae upang ito’y tumutol. “I object!” sigaw nito at naglakad sa harapan. “Shayne Holly?! But why? May relasyon ba kayo ni Paul?” nagtatakang tanong ni Mr. Humes. “Hmm, Kuya Fidel wala sa akin, pero sa pamangkin ko, meron,” sagot ni Shayne. “Miss Holly, please don’t make a scene here and interrupt for my daughter's wedding! Father, please continue,” ani naman ni Ginang Humes ang Mommy ni Criselda. “What? Me, actually I have no intention of ruining your daughter's wedding. But … “Shayne, ano ba’ng eksena ito? Huwag mong sabihin na karelasyon mo si Paulo?” galit na tanong muli ni Mr. Humes. “Of course not, Kuya Fidel, but to your real daughter Christine, yes,” sagot nito. “What are you talking about?” “See it for yourself and try to look at her face, Kuy
Karen Naging tahimik ang paligid sa amin ni Paul. Nanatili pa rin ako sa kanyang tabi. Kailangan niya ako ngayon. Saka ko na lamang iisipin ang tungkol sa aming dalawa. Hindi man sabihin ni Paul sa akin kung ano ang saloobin niya’y alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa biglaang pagkawala ng Lola niya. Ramdam ko ang sakit. Ganyan na ganyan din ako noon nang mamatay si Lola ko. Pero iba si Paul. Hindi ko na siya nakita pa na umiyak kahit sa huling hantungan ng Lola niya. Wala siyang nais na makausap. Maski ako’y hindi niya gaano kinakausap. Hindi rin siya halos sa akin tumatabi sa pagtulog. Hinahayaan ko na lamang ito’t nauunawaan ang kanyang pinagdaraanan. Nag-leave din siya sa trabaho at maski ang mga kaibigan nito’y hindi niya gaano kinakausap. Gusto lagi ay mapag-isa. Kinausap rin ako ng Mama niya at tinanong kong may sinasabi raw ba sa akin si Paul. Wala akong maisagot. Dahil maski ako’y nilalayuan niya. Ang sabi lang nila sa akin ay habaan ko ang pas
KAREN "Hindi ba si Cris ang ... "She is, ayaw kong pakasalan si Cris kaya kinuha nila sa amin ang full Authority ng negosyong pinaghirapan ni Abuelo at Abuela." Natigilan ako sa sinabi ni Paul at napaupo. "What's wrong?" tanong niya. Nagsimula magkwento si Paul ng kabataan nila ni Cris. May naganap daw na kasunduan noon ang Lolo niya at Lolo ni Cris, na pagdating daw ng araw ay magpapakasal ang kanilang mga apo. Pero maagang namatay ang Lolo niya at tutol naman si Abuela kaya hindi na natupad ang kasunduan. Hanggang malaman na lang daw nila na bigla na lang kinuha sa kanila ang pamamalakad ng kompanya nila. May pinakita raw na katibayan ang Papa ni Cris sa naganap na kasunduan noon na nagsasabing kapag hindi natupad ang usapan nila'y mapupunta sa mga Humes ang kompanyang pinaghirapan ng Lolo ni Paul. "Wala naman, sumagi lang sa isip ko na isa pala ako sa dahilan kung bakit ka nahihirapan," seryoso kong turan at tiningnan siya. Hindi ko maiwasan ang pagpatak ng aking mga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen