Katherine Hart
Tatlong taon.
Tatlong taon ng pagmamahal, pangako, at isang kasal na akala ni Kate Herrera ay mananatili habang-buhay.
Para sa kanya, si Richard Tolentino na ang perpektong asawa—mapagmahal, maalaga, at tila walang ibang babae sa mundo kundi siya.
Kaya nang makatanggap siya ng mensahe mula sa isang misteryosong numero na nagsasabing niloloko siya ng kanyang asawa, hindi siya naniwala.
Hanggang sa makita niya mismo ang katotohanan.
Ang asawang minamahal niya ay nakikipaghalikan sa ibang babae.
At ang mas masakit? Ang babaeng iyon ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Cristina Mendoza.
Sa isang iglap, gumuho ang mundong pinaniwalaan niyang ligtas.
Pero hindi pa tapos ang lahat. Dahil sa likod ng pagtataksil ay may mga lihim na mas malalim kaysa sa isang simpleng pagtataksil. May mga ari-ariang palihim na nailipat, mga ebidensiyang unti-unting lumilitaw, at isang misteryosong taong tila alam ang bawat sikreto ni Richard.
Sino ang nasa likod ng mga mensahe? Bakit siya tinutulungan nito? At hanggang saan ang kaya niyang gawin para mabawi ang lahat ng kinuha sa kanya?
Mula sa babaeng sinaktan at niloko… magiging babaeng hindi na kayang apihin si Kate Herrera.
Dahil sa pagkakataong ito—
hindi na siya lalaban para sa pag-ibig. Lalaban siya para sa sarili niya.
154