Neverlandsink
Sa loob ng tatlong taon nilang kontratang kasal, iisa lamang ang hiling ni Anna Roxas—ang minsang piliin siya ng sarili niyang asawa.
Ngunit para kay Lawrence Santillan, ang pagmamahal ay hindi kailanman naging bahagi ng kanilang kasunduan. Sa kabila ng pagiging masipag at mapag-unawa ni Anna bilang asawa, nanatiling ibang babae ang laman ng puso ni Lawrence.
Kaya sa bawat pagkakataong kailangan niyang pumili, hindi kailanman naging si Anna ang sagot nito.
Hanggang sa mapagod siyang umasa, masaktan, at maghintay sa pagmamahal na hindi naman talaga para sa kaniya.
Ngunit paano kung sa huling araw ng kanilang kasunduan, sa wakas ay handa na si Lawrence na piliin ang asawang matagal niyang binalewala?
103