Leveny
Apat na taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Samantha ang isang misteryosong estranghero sa hotel room pagkatapos ng gabing hindi niya inakalang mangyayari. Akala niya, hanggang doon na lang ang lahat. Pero hindi niya alam, may apat na batang naiwan sa kanya—mga makukulit, sobrang talino, at kamukhang-kamukha ng lalaking pilit niyang kinalimutan.
Ngayon, bumalik si Sam sa Maynila para pamunuan ang isa sa pinakamalaking fashion event ng taon. Kasama niya ang apat niyang anak na may kanya-kanyang ugali at paraan para makuha ang gusto nila. Ang hindi niya inaasahan, ang pangunahing sponsor ng event ay walang iba kundi si Captain Luke Montgomery—ang lalaking huli na niyang gustong makaharap ulit.
Isang hindi inaasahang pagkikita sa airport ang kailangan para mabunyag ang sikretong matagal na itinago ni Sam. Habang determinado si Luke na alamin ang lahat at bawiin ang mga taon na nawala sa kanila, may apat na batang handang makialam sa bawat desisyon nila. Sa pagitan ng mga tanong na matagal nang walang sagot, mga batang hindi nauubusan ng diskarte, at isang lalaking ayaw nang pakawalan siya, kaya pa bang tumakas ni Sam sa pagkakataong ito?
82