ynessa
“Ako ang nagbabagang lihim na hindi mo nanaising mabunyag, Propesor Sandro.”
Si Isandro Madrigal ay kilala bilang isang prominenteng propesor sa isang sikat na unibersidad, sa kabila ng pagkakaroon ng anak ay hindi pa rin iyon nakabawas sa karisma niya, bagkus ay parang mas nag tulak pa iyon para mas lalo siyang magustuhan ng mga kababaihan.
Trabaho lang lagi ang ginagawa niya sa unibersidad hanggang sa dumating ang babaeng susubok sa kanyang moralidad bilang propesor.
Si Valeria Isla Montclair ay kilala sa kanilang lugar bilang matinik sa mga mayayamang lalaki. Mahirap lamang siya ngunit sa estilo ng pamumuhay ay hindi mo makikitaan ng paghihirap sa buhay. Lahat ng lalaking gusto niya ay napapaluhod niya, at gagawin niya ang lahat para gumaan muli ang kanilang buhay kahit pa kapitan niya lahat ng lalaking nababaliw sa kanya.
“Give up your affairs with other men, play with me instead, Isla..” Isandro seductively whispered.
Saan nga ba hahantong ang init ng nagbabagang lihim na nilikha ng isang propesor at isang estudyanteng nais lamang makaahon sa hirap ng buhay? Init at haplos nga ba ng mga halik ni Isandro ang pupukaw sa malikot na labi ni Valeria Isla?
70