SyntaxMaria
Akala ni Kendall Montenegro, ang pagbubuntis gamit ang IVF ang magpapatuloy sa alaala ng fiancé niyang si Grayson na na-coma. Pero nawasak ang mundo niya nang lumabas ang resulta. Hindi kay Grayson ang bata sa tiyan niya, kundi kay Desmond Salvatore, ang pinakamayamang businessman sa bansa na may pusong bato.
Mas lumala pa ang bangungot nang magising si Grayson mula sa coma. Hindi si Kendall ang hinanap nito kundi ang mismong half-sister niyang si Chanel, doon nabunyag ang matagal na nilang pagtataksil kay Kendall.
Gipit na gipit na si Kendall. Gusto pa siyang ibenta ng sarili niyang ama at stepmother sa isang manyakis na negosyante para lang maisalba ang baon sa utang nilang negosyo. Sabi ng doktor, ito na ang huling tsansa niyang maging ina. Para mailigtas ang anak at makatakas sa pamilya niya, inalok ng kasal ni Kendall si Desmond.
Pero sa pagpasok ni Kendall sa mundo ni Desmond, matututunan niyang ang pagpapanggap bilang asawa ng katulad nito ay isang larong delikado, dahil puso mo ang unang mawawala sa 'yo.
157