Magenta
Dahil sa isang kakaibang job interview, nagkaroon si Mara Castillo ng dalawang magkaibang trabaho. Mula Lunes hanggang Biyernes, isa siyang real estate salesperson na halos walang pahinga sa pagtatrabaho mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi. Pagsapit naman ng weekend, isa siyang personal assistant na tagaayos ng lahat ng gulong dulot ng kanyang boss.
Simple lang ang naging kasunduan nila—trabaho lang, walang personalan, at lalong walang halong pag-ibig.
Maayos sana ang lahat kung marunong lang sumunod sa kasunduan ang kanyang boss. Pero habang tumatagal, mas nagiging personal ang mga utos nito, at mas nahihirapan si Mara na manatiling professional.
Ang tanong, hanggang kailan niya kayang umiwas sa lalaking araw-araw sinusubok ang pasensya at tibok ng puso niya?
"Director, you're crossing the line!"
"Then tell me where the line is, Mara. I'll meet you there."
66