nerdy_ugly
Akala ni Arabella, magiging masaya ang buhay niya sa piling ni Nathaniel Del Fuego. Ngunit isang bagay ang hindi niya inaasahan. Kahit kasal na sila, hindi kailanman nagpakita ng pagmamahal sa kaniya ang sariling asawa.
Nang matuklasan niya ang pagtataksil nito, unti-unti ring gumuho ang mundong pinangarap niyang buuin.
Ngunit sa gitna ng kaniyang pagdurusa, isang lalaking hindi niya dapat mahalin ang kusang lumapit sa kaniya.
Si Alexander Del Fuego, ang bilyonaryong nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa.
Handa ba siyang suwayin ang lahat para sa isang pag-ibig na ipinagbabawal? At paano kung ang lalaking dapat niyang layuan ang siya palang magbibigay sa kaniya ng pagmamahal na matagal niyang hinintay?
76