LOGINEros and Ismael Severino are identical twins, both 28 years old, but their lives could not be more different. Eros has spent the past year and a half in a coma after a tragic accident. When he finally wakes up, the first person he sees is Rica Montefalco, his 22-year-old therapist who has been helping with his recovery. Eros immediately dislikes her. Rica is nothing like the kind of woman he imagined himself liking. She is calm, independent, and completely unimpressed by his arrogant attitude. Yet despite his complaints, Eros cannot stop looking at her. For the first time, he finds himself thinking that perhaps the woman he dislikes is actually beautiful. What begins as irritation slowly becomes fascination—and eventually an obsession he can no longer hide. Rica, however, feels nothing but annoyance toward Eros. She refuses to be intimidated by his arrogance and has no intention of becoming involved with her difficult patient. While Eros struggles with his unexpected feelings, his twin brother Ismael faces a completely different danger. Ismael is the CEO of one of the Severino family’s companies. From the moment he first sees Sarah Lopez, he becomes intrigued by her. But Sarah is not an ordinary woman. She is a highly trained assassin whose mission is to kill Ismael. Sarah knows that getting close to Ismael could make completing her mission easier. What she does not expect is for Ismael to become interested in her. As the two relationships develop, both twins find themselves caught between attraction and danger. Eros must win over the woman who cannot stand his arrogance, while Ismael must survive the assassin who was sent to eliminate him. Eventually, the walls they built begin to fall. Feelings replace hatred, and unexpected love changes all four of their lives.
View MoreRica's POV
"Siya si Eros… ang anak ko.."
Mahinahon siya sa panlabas, pero may bigat ang boses niya isang tinig na nagpapaalala sa akin kung gaano kahalaga ang bawat salita ni Master Azrael habang nakapako ang tingin ko sa lalaking nakahiga sa kama.
Ako ang napiling magiging tagapangalaga at therapist ni Master Eros.
“Naaksidente siya… isang trahedyang muntik nang kumitil sa buhay niya,” mahinang paliwanag ni Master Azrael.
Dahan-dahan akong tumango, pinipigil ang kaba. Lumapit ako sa kanya nang maingat.Maraming machines ang nakaconnect sa katawan niya. May benda pa sa ulo, at malinaw na maingat ang pag aalaga sa bawat detalye ng kanyang kondisyon.
Tumikhim muna ako bago nag pakilala sa Kay master Eros.
“Hi, Master Eros!” Masiglang pakilala ko, kahit alam kong hindi niya pa rin maririnig ang boses ko.
“Ako po pala si Rica Montefalco, 22 years old… Hayaan niyo po, aalagaan ko kayo. At kahit mahimbing ang tulog niyo, pananatilihin ko ang inyong… kagwapuhan at sisikapin kong maging maayos ang lahat.”
Tumahimik ang Daddy niya. Malamig at matalim ang titig ni Master Azrael sa akin.
“Rica, ikaw na ang bahala sa anak ko. Bukas ka na magsisimula,” seryoso niyang utos.
“Ang sahod mo: 50,000 PHP kada buwan. Plus, may bonus ka pag nagising na siya.”
Nanlaki ang mga mata ko.“Bonus Magkano po?” Medyo makapal ang mukha kong tanong, pero hindi ko napigilan ang sarili.
Kumunot saglit ang noo ni Master Azrael, pero agad niyang sinagot:
“500,000 PHP.”Namilog ang mga mata ko, at ngumiti ng malawak.
“Talaga po, Master?” tanong ko, bahagyang lumapit.
Tumango lang siya, nananatiling nakatitig sa akin.
“Makakauwi kana muna, para makapag handa ka… mag-start ka na bukas,” utos ni Master Azrael, malinaw at diretso.
“Stay in ka 24/7. Dito ka na rin matutulog sa kwarto niya. May sofa sa gilid para macheck mo siya palagi,” dagdag niya, malamig ang tono.
“S-sige po, Master Azrael…”
Napakasaya ko nang marinig iyon, at hindi ko mapigilang ngumiti.
Sa wakas, malilibre ako sa tirahan. Hindi ko na kailangan makipag-siksikan sa bahay ng tiya ko… at parang ang bigat sa dibdib ko ay napalitan ng excitement.
“Sige na… makakaalis ka na, bukas ng 7 AM dapat Nandito kana..,” paalala niya, at tumango akong maayos.
“Yes, boss!” sagot ko, sabay salute.
Kumunot ang noo ni Master Azrael at napapailing. Alam kong nakikita niya ang kaunting over-enthusiasm ko… pero para sa kanya, baka ito’y tanda lang ng pagiging seryoso ko sa trabaho.Lumipas ang ilang sandali…
“Ano, stay-in ka na? Paano na yung uniform ko, Mama? Sino na ang maglalaba?” usisa ni Jessa, anak ng tita ko at pinsan ko.
“Bakit hindi mo kayang maglaba?” sagot ko, diretso pero may kaunting pang-asar.
Umirap siya sa pagkabigla.
“Magkano sahod mo dun?” tanong ng tita ko, tumitig sa akin na parang sinusuri ang bawat detalye.
“30,000 po, Tita,” sagot ko, Hindi ko sinabi Yung tungkol sa Bunos..
“Akina ang ATM mo,” mariing utos niya, habang ang mga mata’y tila binabantayan ang bawat galaw ko—parang hindi pera ko ang pinag-uusapan kundi pag-aari niya.
“Cash po ‘yun, Tita… ‘yung sahod,” mabilis kong sagot. Alam kong may duda sa titig niya. At oo—nagsinungaling ako. Kailangan.
Simula nang magkatrabaho ako, siya na ang may hawak ng ATM ko. Siya ang kumukubra ng buong sahod ko buwan-buwan. At ako? Bibigyan lang ng dalawang libo—pamasahe, pagkain, lahat-lahat na. Kailangan kong pagkasyahin ‘yon hanggang sa susunod na sahod.
Hindi ko man lang naramdaman ang pinaghirapan ko. Para akong nagtatrabaho para sa kanila, hindi para sa sarili ko.
At sa unang pagkakataon, may kumirot na hindi lang pagod—kundi galit.
Tahimik.
Pero unti-unting lumalaban.
“Anong address ng mansion na pagtatrabahuhan mo?” tanong niya, sabay abot ng papel at ballpen, handang isulat—parang may balak na agad na hindi ko alam.
Ganyan si Tita simula nang magkatrabaho ako. Lahat ng sahod ko, derecho sa kanya.
“Bayad ‘yan sa pagpapaaral ko sa’yo,” lagi niyang linya.Pero sa totoo lang… public school lang naman ako nag-aral. At buwan-buwan may padala pa si Papa galing Saudi. Hindi ko na lang kinukuwestiyon noon. Sanay na akong manahimik.
Napatingin ako sa pinsan ko—anak niya. Sobrang puti, makinis, halatang alagang-alaga. Kakagluta kaya halos kumikinang ang balat. Kapag magkatabi kami, para akong katulong sa sarili kong pamilya.
Masakit. Pero hindi ako bulag.
Maganda siya—oo. Pero morena ako. At alam kong may sarili rin akong ganda. Hindi man kasing puti, pero may dating. May tindig. May lakas.
“Hello?” bulong ko sa sarili ko habang iniayos ang buhok. “May secret boyfriend ako.”
Si Thomas.
At alam kong mahal na mahal niya ako.
Hindi niya ako tinitingnan bilang mas mababa. Hindi niya ako ikinukumpara. Sa mga mata niya, ako ang pinakamaganda—kahit pawisan, kahit pagod, kahit walang kolorete.
Kaya habang si Tita abala sa pagsusulat ng address, ako? Tahimik lang.
Pero sa loob ko, may plano na.
Hindi habang-buhay ganito.
Maya-maya, nag-vibrate ang phone ko.
Agad akong pumasok sa kwarto at isinara ang p***o. Nang makita ko ang pangalan sa screen, lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Thomas.
“kailangan natin mag-usap. Ngayon.”
Yun lang.
Walang baby.
Walang love. Walang kahit anong tawagan na palagi niyang nilalagay tuwing magte-text siya.Parang may biglang kumurot sa dibdib ko.
Kinabahan ako.
Bakit ganun? Bakit parang malamig? Hindi siya ganito. Kahit busy, may lambing pa rin sa dulo ng message niya. Pero ngayon… parang may distansya. Parang may problema.
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa wallet ko.
Limang daan.
Yun na lang ang natitira.
Balak ko pa namang bilhan siya ng pasalubong. Kahit maliit lang. Kahit simpleng paborito niyang kape o dessert—basta may maibigay lang ako.
Hindi dahil kailangan.
Kundi dahil gusto ko.
Gusto kong iparamdam na kahit ganito ang sitwasyon ko sa bahay, kahit wala akong kontrol sa sarili kong pera… may kaya pa rin akong ibigay.
Pero bakit pakiramdam ko…
Hindi pasalubong ang kailangan namin ngayon.
Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng fast food na usapan naming pagkikitaan.
Huminga ako nang malalim bago pumasok.
Pagpasok ko, agad ko siyang nakita.
Si Thomas.
Pero… hindi siya nag-iisa.
May katabi siyang babae. Magkahawak ang kamay nila.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlamig ang mga daliri ko. Saglit akong napahinto—pero pinilit kong maglakad palapit.
Hindi ako uurong.
Hindi sa harap niya.
Isinuot ko ang pinakamaganda kong ngiti. Yung tipong walang bahid ng sakit. Kahit pakiramdam ko, isa-isa nang nadudurog ang loob ko sa bawat hakbang.
“T-Thomas…?” mahina kong tawag.
Tumingin siya sa akin. Walang lambing. Walang pagsisisi.
Tapos tumingin siya sa katabi niyang babae.
“Umupo ka muna,” utos niya. Malamig. Diretso.
Parang ako pa ang istorbo.
Tahimik akong umupo.
Ramdam ko ang titig ng babae—mula ulo hanggang paa. Mapangmata. Mapanghamak. Parang sinusukat kung saan ako lulugar.
Sa ilalim ng mesa, kuyom ang kamao ko. Nanginginig pero hindi ako magpapakita ng kahinaan.
“Girlfriend ko si Venus,” sabi ni Thomas, sabay higpit ng hawak sa kamay ng babae.
Ngumiti si Venus. Yung ngiting alam mong panalo na siya.
“Venus, ex ko si Rica.”
Parang may sumabog sa tenga ko.
Ex?
Ex?
Napatingin ako sa kanya. Gusto kong tumawa. Gusto kong magwala. Gusto kong itanong kung kailan pa naging “ex” ang isang taong hindi naman niya hiniwalayan.
Hindi ako nagulantang.
Nasaktan ako.
Pero higit sa lahat—
Nainsulto.
Dahan-dahan akong napangiti.
Hindi yung pilit.
Kundi yung delikado.
“Ah… ex?” mahinahon kong ulit. “Kailan pa, Thomas? Kasi sa pagkakaalam ko… wala naman tayong breakup.”
Tahimik ang paligid ng mesa namin.
“Ngayon, nakikipaghiwalay na ako sa’yo. Wala kang kwentang girlfriend—lagi ka lang busy!”
Diretsong sabi ni Thomas. Walang preno. Parang ako pa ang may kasalanan kung bakit siya may ibang kahawak ngayon.
Parang ako pa ang nagtulak sa kanya sa braso ng iba.
Tahimik akong napatingin sa dalawang baso ng Coke sa harap nila. Parehong hindi pa ubos.
Dalawa.
Matagal na siguro silang nandito. Matagal na siguro silang masaya bago pa ako dumating.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin pabalik sa kanya.
Masakit.
Sobra.
Halos limang buwan din ‘yon. Limang buwan na akala ko totoo. Kahit hindi ganoon katagal, minahal ko siya. Hindi man engrande, hindi man maingay—pero totoo.
At ngayon, binura niya lahat sa isang linya.
Pero hindi ako iiyak.
Hindi sa harap nila.
Dahan-dahan kong ikrinoss ang mga braso ko. Tumaas ang baba ko ng kaunti—hindi para magmataas, kundi para hindi malaglag ang luha.
Napatingin ako sa ipinalit niya sa akin.
Mestiza. Maputi. Maayos ang bihis. Halatang may kaya.
Kumpara sa morena kong balat, mas pansinin siya.
Pero sa mukha?
Alam kong may laban ako.
At higit sa lahat—may dignidad ako, nasa akin pa ang bandera ng bataan ko.
“Busy?” ulit ko nang kalmado. “Busy ako kasi nagtatrabaho ako, Thomas. Hindi ako tambay na katulad mo. Hindi ako umaasa sa allowance.”
Bahagyang nag-iba ang timpla ng mukha niya.
“Kung ang standard mo ng ‘may kwentang girlfriend’ ay yung laging available at walang sariling buhay, mabuti na ring naghanap ka ng iba.”
Saglit akong tumingin kay Venus.
Ngumiti ako—magalang, pero matalim.
“Congrats. Sana hindi ka rin maging ‘busy’ balang araw.”
“Thank you na rin pala,” dagdag ko pa, mahinahon pero matalim. “Tinanggal mo sa akin ang problemang hindi ko pa alam na problema.”
Humigpit ang hawak ni Thomas sa kamay ng bago niya, pero hindi siya makapagsalita.
Tumayo ako mula sa upuan.
Hindi ako tatakbo.
Hindi ako magmamakaawa.
Ako na ang unang tumalikod.
Masakit.
Pero mas masakit ang manatili kung saan hindi ka pinipili.
Paglabas ko ng fast food, doon na bumigay ang lahat.
Hindi ko na napigilan.
Bumuhos ang luha ko habang mabilis akong naglalakad palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta—ang alam ko lang, kailangan kong makalayo. Kailangan kong makahinga.
Ang sakit.
Sobra.
Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko na hindi ko mailabas.
Kailangan kong isigaw. Kailangan kong ilabas ang lahat bago ako tuluyang masakal ng galit at lungkot.
Kaya napunta ako sa SM Mall of Asia.
Doon, sa likod—sa may baywalk kung saan tanaw ang malawak na dagat. Humahangin. Maingay. Maraming tao. May mga naglalakad. May mga nagde-date. May mga magkahawak-kamay.
Tumayo ako roon.
Mag-isa.
Habang sa paligid ko, puro mga taong masaya.
At ako?
Wasak.
Huminga ako nang malalim. Nanginginig ang balikat ko. Nangingitim ang paningin ko sa sobrang sakit.
Tapos isinara ko ang mga mata ko.
At sumigaw ako.
"MGA PUTANGINA NIYO!”
Napalingon ang ilang tao. May nagulat. May nagbulungan.
Pero wala na akong pakialam.
“MAG HIHIWALAY DIN KAYO!” sigaw ko ulit, nanginginig ang boses.
May ilang napailing. May ilang natawa. May ilang naawa.
May ilang magka-holding hands na napabitaw.
May napatingin sa isa’t isa.
May biglang tumayo na parang tinamaan ng konsensya.
At ako?
Pagkatapos ng huling sigaw ko, parang may nabunot sa dibdib ko.
Gumaan.
Hindi tuluyang nawala ang sakit—pero hindi na siya ganoon kabigat.
Huminga ako nang malalim saka ako bumaba mula sa kinatatayuan ko.Paglingon ko sa paligid, puro masamang tingin ang sinalubong ko.
May nagbubulungan. May nag-iirap. May nagvi-video pa.
Tinaasan ko sila ng kilay.
“Hoy,” sabi ko, sabay turo sa ilang magkaakapreha, “hindi ikaw ’yon ha. Hindi ikaw, at lalong Hindi ikaw...”
Napakurap sila.
“Wag kayong assuming,” dagdag ko, sabay punas sa natitirang luha ko.
Hindi na nanginginig ang boses ko.
Hindi na basag.
Diretso na.
Inayos ko ang buhok ko, pinahid ang natitirang Luha..Kung may mang-judge man—
Hindi ko sila kilala.
At hindi nila alam ang pinagdaanan ko ngayong araw.
Naglakad ako palayo sa baywalk, mabagal pero matatag ang mga hakbang.
Oo, nasaktan ako.Oo, umiyak ako.
Pero hindi ako yung tipo na mananatiling nakaluhod sa sakit.
Kung may natamaan sa sigaw ko?
Eh di tamaan.Pero hindi ako ang may atraso.
At sa bawat hakbang ko palayo roon, isa lang ang malinaw sa isip ko— Hindi ako ang nawalan.Siya.
Ako nga pala si Rica Montefalco.
Dalawampu’t dalawang taong gulang. Morena. Hindi maputi, pero makinis. Hindi mestiza, pero may tindig. Yung tipong kapag dumaan, hindi mo agad mapapansin—
Pero kapag napansin mo?
Hindi mo na makakalimutan.Hindi ako mayaman. Hindi ako prinsesa. Hindi ako yung babaeng laging pinipili.
Pero ako yung babaeng hindi basta-basta natitinag.Nasaktan? Oo.
Niloko? Oo. Minata? Madalas. Pero tandaan niyo ’to— Hindi ako side character sa kwentong ito.Ako ang bida dito.
At kung akala ni Thomas na hanggang doon lang ako…
Nagkakamali siya.
Ito ang simula ng storya ko.
THIRD POV...“Kaya mo ba? Kailangan mo ba ng backup?”Tsk. Wala ka talaga tiwala sa akin, Red.Nakangising Sabi ni Sarah, habang ngumunguya nang bubble gum. Hinila niya ang maliit na baril mula sa belt at maayos na isinabit sa hita niya, parang walang pakialam pero halatang handa sa aksyon.“Magkano ba?” tanong ni Blue, mata ay nagmamasid sa bawat galaw ni Sarah.“100k.” sagot ni Sarah, malamig at tuwiran.Mababa lang pala ang patong, nagulat si Blue. “Bakit mo pinatulan, Sarah?”“Bored lang ako eh.” sagot ni Sarah, nakangisi, at tumingin diretso sa kanila—isang babala na hindi basta-basta ang babaeng ito.Napailing si Red.“Ikaw ang bahala. Dapat mga high-profile ang tinatrabaho mo… magaling ka, Sarah.”Hindi umimik si Sarah. Tahimik, malamig ang titig niya sa ilaw ng bar.Mayamaya“Si Ismael Severino… yung anak ng mafia boss na si Azrael Severino. Wala pa bang go signal?” tanong ni Sarah kay Blue, halatang hindi mapakali.“Wala pa eh… wag muna daw gagalawin.” sagot ni Blue.“Tsk… b
Huminga muna ako nang malalim bago marahang kumatok sa pinto ng silid ni Master Eros.Gising na siya.Hindi na niya ako pinapayagang matulog sa kanyang kwarto. Ilang araw na rin simula nang ipalipat ako ni Master Azrael sa isa pang silid sa loob ng mansyon-mas maigi, mas tahimik... mas malamig.Malayo sa nakakamatay na titig ni master Eros..Alas-siyete na ng umaga.Muli akong kumatok, saka dahan-dahang pumasok.."Good morning, Master Eros..." maingat kong bati..Nakaupo na siya sa gilid ng kama. Tahimik. Hindi man lang ako nilingon. Ang mga mata niya'y nakapako sa may veranda, kung saan sumasayaw ang liwanag ng umaga sa kurtina.Ang sikat ng araw ay tumatama sa kanyang mukha, ngunit tila hindi nito kayang painitin ang malamig niyang ekspresyon.Lumunok ako.Lumingon Ito..Muli akong napalunok..Hindi lang sa distansya namin-kundi sa paraan ng pagtingin niya sa akin.Isang hakbang ang ginawa ko papalapit."breakfast na po kayo.." mahinahon kong Sabi habang maingat na binitbit ang tray
Rica's POV "Leave." Sabi niya.Hindi ako gumalaw."With all due respect, Master Eros," kalmado kong sabi, "hindi pa po pwede."Dumilim ang mata niya. "Why?""You underwent reconstructive knee surgery. Severe ligament tear. May metal screws at graft ang right knee n'yo. One year and half months kayong immobilized. Hindi pa fully restored ang muscle strength."Tahimik.Ramdam ko ang bigat ng hangin.Bigla niyang tinanggal ang kumot sa paa niya."Bullshit!" Sinubukan niyang igalaw ang tuhod niya.Bahagyang umangat ang binti- pero nang subukan niyang ibaluktot ang tuhod...Sumilay ang sakit sa mukha niya.Hindi siya sumigaw."Why does it feel weak?" malamig niyang tanong.Lumapit ako, maingat kong hinawakan ang lower leg niya."Because your quadriceps muscles atrophied. One year and half months without proper weight-bearing will do that. That's why I've been doing passive range-of-motion therapy daily."Tumingin siya sa kamay kong nasa binti niya."Remove it."Napatingin ako sa kanya.
Rica's POV "Isang taon at kalahating buwan na, Master Eros…Matagal-tagal ka nang tulog. Gising ka na, please… para makuha ko na ‘yung 500k ko."Bulong ko sa kanya habang inaasikaso ito. Comatose pa rin siya, walang reaksyon.—parehong steady ang paghinga, parang wala siyang naririnig sa mundo.Personal care time niya ngayon.Maingat ko siyang sinuotan ng t-shirt at panloob. Sanay na ang mga kamay ko sa katawan niya—walang malisya, puro trabaho lang. Akmang itataas ko na ang pajama niya nang biglang bumukas ang pinto.“What the fuck are you doing?! Are you sucking—”“Oh, shut up, Master Ismael. Ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko,” sagot ko nang walang lingon.Si Master Ismael—kambal ni Eros. Dati, ubod ng yabang at pang-aasar. Pero nitong mga nakaraang linggo, napansin ko, unti-unti na siyang nagbabago.Parang napagod na siyang magmalaki at manglait sa’kin araw-araw. Napagod na rin siguro siyang magreklamo kay Master Azrael—‘yung daddy nila—kasi kapag si Master Azrael na ang nagsalita






![The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews