Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Boss's Sexy Secretary

The Boss's Sexy Secretary

L.Jane
Ang dati’y mataba at pangit na asawa ng isa sa pinaka mayaman na businessman ay biglang nagbalik bilang sexy at napakagandang secretary ng isang Axle Lee. Dahil sa pagtataksil ng asawa niya ay umalis si Natty upang bigyan ng oras na mahalin ang sarili niya. Pagkatapos ng ilan’g taon ay muli siyang nagbabalik bilang isang sexy at fierce na secretary ng isa sa pinaka kinatatakutang businessman sa buong mundo. Upang makaganti sa dating asawa ay binigyan ni Natty ng offer ang nakakatakot na businessman. She will help him bring Reese down, if he will only accept her as his Secretary.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
Romance
102.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
1011.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage With The CEO

Contract Marriage With The CEO

Walang ibang hinangad si Leil Hidalgo kung hindi ang mabigyan nang maayos at matiwasay na buhay ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang kapatid. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglaang naglaho, pati na rin ang kanyang pinakaiingatang trabaho. Kasabay ng kanyang paglugmok ay ang pagbabalik ni Roscoe Villafuerte, ang kaniyang dating kaibigan. Siya ang may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Sa kanilang pagkikita, umusbong ang galit na mayroon si Roscoe kay Leil at dahil nasisiguro niyang nangangailangan ng pera ang babae, inalok niya ito ng kasal, kapalit ng bagay na sigurado siyang hinding-hindi matatanggihan ng babae.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the Gorgeous Billionaire Assassin

Taming the Gorgeous Billionaire Assassin

Two years have passed nang mawala kay Ashley o mas kilala na ngayon na Ley Salvador. Ang lahat ng bagay including the person she loves, matapos mawala ang alaala ng minamahal ay nawala na rin ang kahit anong koneksiyon nila. Si Aux na kasabay ng pagkawala ng alaala niya ay bumalik ang buhay sa pagiging bayarang mamatay tao ng lihim na orginasasyon along with her cover living as the sole heir of her billionaire family, siya na ngayon ang namamahala ng lahat ng ari-arian na iniwan sa kaniya, dahil sa pamumuhay mag-isa ay binalot siya ng galit sa mundo, naging mataray, malupit at tusong boss sa kaniyang mga empliyado. Ang isang Ley Salvador nga ba ang makakapagpalambot muli nang kaniyang puso o mas magpapatigas pa nito when she found out that Ley has also a huge part of the inheritance na iniwan ng kaniyang pamilya sa kaniya. Magkakaroon ba ng chance for a new start of love story sa dalawa or just to meet again to end things?
LGBTQ+
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
Romance
10745 viewsOngoing
Read
Add to library
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
Romance
1022.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Room Mate wife

The Room Mate wife

Sa masiglang lungsod ng Makati, kung saan tila hindi kailanman humihinto ang buhay, tatlong buhay ang nalalagay sa isang sapantaha ng pag-ibig, lihim, at pagtataksil. Si Talia, isang batang babae na may misteryosong aura, ay kasama ang kanyang kasintahan, si Robert. Ang kanilang pag-ibig ay tila tunay, isang ugnayang nabuo sa loob ng maraming taon ng pagsasama. Ngunit sila parehong may itinatagong lihim sina Talia at Robert na nagbabanta na sirain ang lahat ng kanilang itinaguyod. Ang bagay na iyon ay si Nelson, ang kanilang charismatic at kaakit-akit na kasama sa bahay sa prestihiyosong Ayala Condominium. Si Nelson ay hindi lamang isang kaibigan o tagapagtapat—siya ang lalaking nakakuha ng puso nina Talia at Robert sa mga paraang hindi nila maipaliwanag. Bawat nakaw na sulyap, bulung-bulong na usapan, at ipinagbabawal na haplos ay nagpapalalim ng tensyon sa kanilang pinagsasaluhang tahanan, na lumilikha ng isang emosyonal na bagyo na wala sa kanila ang handang harapin. Habang nagtatagpo ang kanilang mga buhay sa hindi inaasahang mga paraan, kailangan nilang maglakbay sa malabong tubig ng pag-ibig, pagnanasa, at katapatan. Ang misteryosong kalikasan ni Talia ay nagtatago ng kanyang sariling mga lihim, at ang tila kalmadong asal ni Robert ay nagsisimulang mabasag sa bigat ng kanyang guilt. Samantala, si Nelson, na nahuli sa gitna, ay nahihirapan sa kanyang sariling emosyon at sa kaguluhang hindi niya sinasadyang nalikha. Sa likod ng masiglang kalakaran ng mga kalye ng Makati at marangyang pamumuhay sa mga mataas na gusali, ito ay sumasalamin sa mga kumplikadong aspeto ng pag-ibig at ang kahinaan ng tiwala. Ito ay isang kwento tungkol sa mga pagpipiliang ginagawa natin, mga lihim na itinatago natin, at mga hindi sinasambit na pagnanasa na maaaring magbuklod—o sumira—sa ating mga relasyon. Kapag nagbanggaan ang mga puso at lumabas ang mga pagtataksil, makakaligtas ba ang pag-ibig sa mga epekto nito?
Romance
10458 viewsOngoing
Read
Add to library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
A Wild Night

A Wild Night

Trinity Mendez isang sikat na modelo hindi alintana ang tayog ng kan'yang kinalalagyan. Isang gabi nakipag inuman siya sa mga co-models niya at hindi niya inasahan ang mangyayari ng gabing 'yon. She was making out sa hindi niya kilalang lalaki ni kahit pangalan nito. Ang tanging natatandaan niya lang ay ang mukha nito.. Paaano kong ang isang gabi ay nagbunga? Hanggang sa ang masayang buhay niya ay magugulo ng masasangkot siya sa isang buy bust operation na kagagawan ng traydor niyang kaibigan na si Tiffany. Hanggang sa tatakas siya sa nakagisnang mundo at magpapanggap na isang pangit na secretary. At mai-inlove sa kan'yang boss na ubod ng sungit na ama ng kan'yang anak.. Paano kong ang tahimik niyang mundo ay gigimbalin ng isang trahedya ..
Romance
1016.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status